Share

Chapter 14

"Bakit mo pinapakain ang alaga ko?!"

Si Lucia na naman, sambit ni Natalia sa kaniyang paghinga. Mabuti na lang talaga't naka-facemask at damit pang-doktor pa rin si Natalia dahilan para hindi siya makilala ni Lucia. Kung nakaraan ay hindi ito nakilala ni Lucia, kampante si Natalia na hindi rin siya makikilala ngayon.

"Tita, kumain lang po ako ng lugaw. H-Huwag po kayong magalit sa kaniya." takot na sambit ni Tristan. Sinubukan nitong gumalaw ngunit masakit talaga ang kaniyang katawan.

Naningkit ang mga mata ni Lucia hindi kay Tristan, kundi kay Natalia dahil tila nakikilala niya ito. Bahagyang pinagpawisan si Natalia dahil ang akala nito'y nakilala na siya, ngunit hindi pala nang bigla muling magsalita si Lucia. "Tama! Ikaw yung doktor na matabil ang dila na nag-inarte pang operahan ang isang Harrington 'di ba?"

Walang naisagot si Natalia. Bahagya lang itong natawa.

"H'wag na h'wag mong susubuan ng kahit ano ang alaga ko ha. Paano kung may lason 'yan? Paano kung may ibang mangyari kay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status