7 YEARS AGO..."Bakit ngayon pa talaga bumagyo nang malakas? Paano ako makakauwi nito?" sambit ni Joaquin habang kausap ang kaniyang sarili. Nasa storage room ito ng hospital at hinahanap ang nawawala niyang name tag. Pagkatapos ng ilang segundong paghahanap, nakita niya na rin ito sa wakas. "Ayun! Nakita rin!""Joaquin Lopez." nakalagay sa name tag nito. Isang itong soon-to-be-doctor na kino-kompleto pa ang kaniyang residency requirement para maging isang ganap na doktor. Sa mga ka-batch nito, siya ang pinakabata dahil sa kaniyang angking talino at katapangang sumubok ng mga bagay-bagay. Kahit naman ngayong araw, alam niyang babagyo ng ganitong oras pero nagawa pa rin niyang pumasok.Nakangiti itong ikinakabit ang name tag sa kaniyang damit nang may biglang pumasok sa storage room kung nasaan siya ngayon. Mga nurse na tila takot na takot at nagtatago sa loob. "H'wag kayong maingay!""A-Anong nangyayari sa labas? Pinapasok na ba tayo ng bagyo?" tanong ni Joaquin pero ni isa ay walang l
"A-Anong ibig mong sabihin? H-Hindi mo alam kung nasaan ang isang anak ko?"Bahagyang umiling si Joaquin at saka pinunasan ang sarili niyang mga luha. Bumaba ito sa pagkakaupo at sinamahan si Natalia na umupo sa lapag upang maging magkapantay ang tingin nila sa isa't isa."Alam kong wala ka pang naaalala sa ngayon, pero ikaw lang talaga ang makakasagot sa mga tanong na 'yan, Natalia..." Mapait itong ngumiti at hinawakan ang nanginginig na mga kamay ni Natalia. "Maniwala ka man o hindi, 'yan lang ang katotohanan na alam ko. Natagpuan kita sa kwarto, wala nang malay kahit na may isang anak ka pang hindi nailuluwal na siyang si Liam...""N-Nagawa mo bang magtanong o maghanap kung nasaan o sino ang kumuha sa anak ko?""S-Sinubukan ko... Maniwala ka sa 'kin, Natalia! Pero wala ni isa sa mga naroroon noong araw na iyon ang nakapagsabi sa akin kung sino o anong nangyari. Lahat sila natakot!" Kahit sinusubukan ni Joaquin na pigilan ang kaniyang pag-iyak, tuluyan na ring umagos ang luha sa kani
"Natalia... long time no see." bungad sa kaniya ni Maxwell habang nakangisi.Nakatayo sa kaniyang harapan ang asawa nitong mapang-asar ang mga ngiti. Kahit sino mang makakakita ng mga ngiti nito ay tila matatawa, ngunit nakatago sa likod nito ang isang mala-demonyong intensyon na saktan ang kung sino man. Para siyang mabangis na hayop na naghihintay ng kaniyang biktima, may dugo sa kaniyang madilim at malalim na mga mata. Sa muling pagkakataon, nakitang muli ni Maxwell ang buong mukha ni Natalia nang walang nakaharang na kahit ano, katulad noong nangyari sa elevator kaninang umaga. Alam ni Natalia na nakilala na siya ni Maxwell dahil sa itinanong nito kay Joaquin kanina sa elevator. Ngunit nabigla rin ito sa mga susunod na sinabi ni Maxwell."Nakilala na kita bago mo pa operahan si Tristan, Natalia." Ngumiti ito't pinagmasdan ang hugis ng katawan ni Natalia. "Ang tagal mong nagtago ah?"Walang pakialam si Natalia't tinatagan ang kaniyang loob. Nanatili itong propesyonal at saka ngumi
Boom!Isang malakas na suntok ang binitawan ni Maxwell sa mukha ni Natalia, dahilan para lumampaso sa sahig ang huli. Dahil sa lakas ng pagbagsak nito sa sahig, nagkanda-pasa-pasa na ang kaniyang braso't mga tuhod. Kitang-kita rin ang marka ng madiin na pagkakahawak ni Maxwell sa kaniyang braso, pati ang mga tuhod nito't tila hindi makagalaw. Namumutla na rin mga labi sa sakit.Pagkatapos ng ilang taon, galit na galit pa rin si Maxwell sa kaniya!Ganito rin kaya nila tratuhin si Tristan sa kanilang tahanan? Minamaltrato't sinasaktan? Dahil ba galit si Maxwell kay Natalia ay ibinubuntong nito ang galit sa batang si Tristan? "Siguro'y iyon ang dahilan kung bakit may bakas ng sampal ang mukha ni Tristan kanina nang punasan ko siya. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino o bakit. Kitang-kita sa ikinikilos ni Maxwell kung paano nila tratuhin si Tristan." sambit ni Natalia sa kaniyang isipan. "Alam mo, Maxwell? Hindi na magigising 'yang asawa mong si Olivia sa talambuhay na ito. 'Yang m
"Nababaliw ka na siguro, Natalia." seryosong sagot nito at saka pinalagabog ang pinto palabas ng opisina ni Natalia.Dahil nanghihina na rin naman ang tuhod ni Natalia dahil sa pagbagsak niya kanina, agad itong naghanap ng upuan at saka ipinahinga ang kaniyang katawan. Ang kapal din talaga ng mukha ni Maxwell na saktan ang taong nag-opera sa kaniyang anak. Kahit kailan talaga, wala siyang utang na loob. Ang akala niya kasi lahat ay nababayaran ng pera at wala nang iba.Hindi kalaunan, nagkaroon ng iilang mga ingay sa labas ng opisina ni Natalia. Malamang ay may iilang mga empleyado ng hospital ang nakarinig ng paglabas ni Maxwell sa opisina nito dahil sa lakas ba naman ng paglagabog ng pinto. Mabuti na nga lang at hindi nabasag ang salamin. Kahit blurred ang salamin dahil translucent ito, kita pa rin ni Natalia ang nagkukumpulang mga tao sa labas. Ilang segundo lang din ay may isang babae ang pumasok. Nakasuot ito ng pormal na blouse, lagpas tuhod na pencil skirt, black stilleto, at b
"Kailangan mo pa munang ipahinga ang mga kamay mo, pati ang ibang parte ng iyong katawan, Allyson. Kung pipilitin mo talagang obserbahan ang pasyente mong si Tristan, hahayaan kitang ikaw muna ang mag-alaga sa kaniya hanggang ma-discharge."'Yan ang mga huling bilin sa kaniya ni Joaquin bago nito iwan sina Natalia, Caroline, at Christian sa clinic noong isang araw. Dahil sobrang haba ng araw noon, nagpahinga na ito pag-uwi hanggang kahapon. Ngayong araw ay magsisimula na ulit siyang bumalik sa pagtatrabaho sa hospital para alagaan si Tristan na nasa intensive care unit (ICU) pa rin. "Liam, darating mamaya yung homeschool teacher mo ha? Magtatrabaho na si mama." mahinhing sambit ni Natalia at saka hinaplos ang buhok ng anak. Ngumiti si Liam at hinalikan sa pisngi ang ina. "I love you, 'nak.""I love you too, Mama! Ingat po kayo sa byahe." sambit ni Liam sabay ngiti. Bumalik na rin ito sa pagkukulay ng kaniyang coloring book.Lumabas na si Natalia sa kwarto kung saan nag-aaral ang anak
"Bakit mo pinapakain ang alaga ko?!"Si Lucia na naman, sambit ni Natalia sa kaniyang paghinga. Mabuti na lang talaga't naka-facemask at damit pang-doktor pa rin si Natalia dahilan para hindi siya makilala ni Lucia. Kung nakaraan ay hindi ito nakilala ni Lucia, kampante si Natalia na hindi rin siya makikilala ngayon."Tita, kumain lang po ako ng lugaw. H-Huwag po kayong magalit sa kaniya." takot na sambit ni Tristan. Sinubukan nitong gumalaw ngunit masakit talaga ang kaniyang katawan.Naningkit ang mga mata ni Lucia hindi kay Tristan, kundi kay Natalia dahil tila nakikilala niya ito. Bahagyang pinagpawisan si Natalia dahil ang akala nito'y nakilala na siya, ngunit hindi pala nang bigla muling magsalita si Lucia. "Tama! Ikaw yung doktor na matabil ang dila na nag-inarte pang operahan ang isang Harrington 'di ba?"Walang naisagot si Natalia. Bahagya lang itong natawa."H'wag na h'wag mong susubuan ng kahit ano ang alaga ko ha. Paano kung may lason 'yan? Paano kung may ibang mangyari kay
"Sino sa tingin mo ang malalagot sa ating dalawa?''Yan ang mga huling katagang binitawan ni Lucia bago ngumisi't asarin si Natalia. Walang nagawa ang huli kundi panoorin na lang si Lucia lasapin ang kaniyang huling halakhak. Kilala ng lahat sa Manila, maging sa ibang kalapit na probinsya, ang pamilya Harrington, maging ang babaeng ito na si Lucia kahit na isa siyang Costaleon. Dahil na rin siguro kapatid si Lucia ng asawa ni Maxwell na si Olivia.At ang kagulat-gulat pa roon, alam ng lahat na napaka-bait nitong si Lucia. Maraming charity works, mga donations, at iba pa. Kilala rin itong mahilig sa bata na animo'y itinuturing na sariling anak si Tristan sa publiko.Ngunit sa nakikita ngayon ni Natalia, katawa-tawa na lang ang balita. Kung totoong gano'n nga ang naging ugali ni Lucia gaya ng ikinukwento ng iba, hindi dapat nito makikita ang nakita niya ngayon. Itinulak nito si Tristan. Kitang-kita ng mga mata ni Natalia ang takot sa mga mata ni Tristan, na ibig-sabihin ay madalas siyan