Share

Chapter 9

"A-Anong ibig mong sabihin? H-Hindi mo alam kung nasaan ang isang anak ko?"

Bahagyang umiling si Joaquin at saka pinunasan ang sarili niyang mga luha. Bumaba ito sa pagkakaupo at sinamahan si Natalia na umupo sa lapag upang maging magkapantay ang tingin nila sa isa't isa.

"Alam kong wala ka pang naaalala sa ngayon, pero ikaw lang talaga ang makakasagot sa mga tanong na 'yan, Natalia..." Mapait itong ngumiti at hinawakan ang nanginginig na mga kamay ni Natalia. "Maniwala ka man o hindi, 'yan lang ang katotohanan na alam ko. Natagpuan kita sa kwarto, wala nang malay kahit na may isang anak ka pang hindi nailuluwal na siyang si Liam..."

"N-Nagawa mo bang magtanong o maghanap kung nasaan o sino ang kumuha sa anak ko?"

"S-Sinubukan ko... Maniwala ka sa 'kin, Natalia! Pero wala ni isa sa mga naroroon noong araw na iyon ang nakapagsabi sa akin kung sino o anong nangyari. Lahat sila natakot!" Kahit sinusubukan ni Joaquin na pigilan ang kaniyang pag-iyak, tuluyan na ring umagos ang luha sa kani
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status