Share

Chapter 8

7 YEARS AGO...

"Bakit ngayon pa talaga bumagyo nang malakas? Paano ako makakauwi nito?" sambit ni Joaquin habang kausap ang kaniyang sarili. Nasa storage room ito ng hospital at hinahanap ang nawawala niyang name tag. Pagkatapos ng ilang segundong paghahanap, nakita niya na rin ito sa wakas. "Ayun! Nakita rin!"

"Joaquin Lopez." nakalagay sa name tag nito. Isang itong soon-to-be-doctor na kino-kompleto pa ang kaniyang residency requirement para maging isang ganap na doktor. Sa mga ka-batch nito, siya ang pinakabata dahil sa kaniyang angking talino at katapangang sumubok ng mga bagay-bagay. Kahit naman ngayong araw, alam niyang babagyo ng ganitong oras pero nagawa pa rin niyang pumasok.

Nakangiti itong ikinakabit ang name tag sa kaniyang damit nang may biglang pumasok sa storage room kung nasaan siya ngayon. Mga nurse na tila takot na takot at nagtatago sa loob. "H'wag kayong maingay!"

"A-Anong nangyayari sa labas? Pinapasok na ba tayo ng bagyo?" tanong ni Joaquin pero ni isa ay walang l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status