Share

Chapter 5

“Anong sabi mo?!” sigaw ni Maxwell na animo’y rinig na rinig sa buong ospital.

Gustong mamagitan ni Joaquin sa tensyong nagaganap sa pagitan ni Natalia at Maxwell ngunit wala rin itong magawa dahil nakaharang ang dalawang bodyguard upang walang makalapit sa kanila. Kitang-kita nito na kalmado lamang si Natalia na taas-noong nakatingin kay Maxwell at hindi iniisip kung gaano kataas na tao ang nasa harap nito ngayon.

Well, para kay Natalia ay isang mababang-uring nilalang lang itong nasa kaniyang harapan. Isang Harrington na wala namang pinagmalaki kundi puro kayabangan, pambababae, at pang-aalipusta lamang. Kahit pa itong si Maxwell ay matangkad, mestizo, matangos ang ilong, at maganda ang kulay-berde nitong mga mata ay wala siyang pakialam.

Para kay Natalia, isa lamang siyang walang-kwentang asawa na pinilipi siyang lokohin gamit ang sarili pa niyang kapatid. Huminga ito nang malalim at sinagot muli ang tanong ni Maxwell.

“Ang sabi ko, hindi ko gagawin ang operasyon kahit patayin mo pa ako!”

Dahil sa lakas ng boses nina Maxwell at Natalia, mukhang narinig na rin ni Lucia ang sigawan na kanina’y nasa labas ng operating room at binabantayan ang alagang si Tristan. Hindi ito nagdalawang-isip na sumabat nang marinig ang isinigaw ni Natalia. 

Tumingin siya sa doktor at tila hindi nakilala ang tunay na katauhan nito. “Ang kapal ng mukha ng babaeng ito, ano? Kung may kakayahan kang gamutin ang anak ng isang Harrington, bakit hindi mo gawin?! Doktor ka pa naman! NAPAKADALING GAWIN NON PARA SAYO!”

Palaging nakasigaw si Lucia kaya iritang-irita na si Natalia kahit ngayon lang sila muling nagkita. Mas lalong kumunot ang noo ni Natalia dahil nakita na naman niya ang isa pang walang-kwentang kapatid na si Lucia. Pagkatapos ng pitong-taon, hindi nito akalain na rito pa sa ospital sila nagkita-kitang muli.

“Kung madali lang pala, bakit hindi mo gawin? Ikaw na ang mag-opera sa pasyenteng ‘yan.” 

“Naririnig mo ba ang sinasabi ng doktor na ‘to, Sir Maxwell? Kapag may nangyaring masama kay Tristan, ‘yang doktor na ‘yan ang dapat managot!”

Natawa nang malakas si Natalia na animo’y nagbiro si Lucia sa kaniyang sinabi. Napaka-kapal ng mukha! “Paanong ako ang dapat managot? Ako ba ang tumulak sa batang ‘yan kaya siya nahulog?”

“Anong pinagsasabi mo d’yan? Nahulog siya mag-isa, walang tumulak sa kaniya! Tsaka doktor ka ‘di ba? Nasa operating room na ‘yung bata pero wala ka man lang konsensya para operahan siya?! Sa tingin ko gusto mo lang talagang bumagsak ang pamilya Harrington eh… Ano bang galit mo sa kanila?!”

Mas lalong nainis si Natalia sa mga sinabi ni Lucia. Ngunit ang huli’y hindi pa tapos. Lumingon si Lucia kay Joaquin at saka nagbanta. “Ganito ba talaga ‘tong ospital niyo, ha? Hindi tinatanggap ang lahat ng pasyente? Tsaka itong isang doktor niyo matabil ang dila!”

Dahil sa ingay ni Lucia, itinaas ni Maxwell ang isa nitong daliri upang itikom ni Lucia ang kaniyang bibig. Pinilit na ring umalis ni Natalia sa kanilang kinatatayuan at nagpunta malapit sa operating room para silipin ang bata. Si Maxwell na lang ang sumunod sa kaniya dahil ang mga bodyguard nito, si Lucia, at si Joaquin ay piniling manatili sa pwesto nila.

Medyo malayo ang operating room kaya mahaba-habang lakaran din ang naganap. Alam ni Natalia na sinusundan siya ni Maxwell kaya nang makarating sila sa isang lugar malapit sa operating room kung saan walang nakakikita sa kanila, agad na humarap si Natalia. 

Sa isang iglap, isang mahigpit na pagsakal ang ginawa ni Maxwell kay Natalia. Galit na galit. Tingin pa lang nito’y parang maninigas ka na talaga sa iyong kinatatayuan. 

Si Natalia nama’y sinubukang tanggalin ang mahigpit na pagkakasakal ni Maxwell sa kaniyang leeg. “BITAWAN MO AKONG HAYOP KA!”

Ang kaninang malumanay na boses ni Natalia ay napalitan ng isang sigaw na puno ng galit at kalungkutan. Nanlamig ang kamay ni Maxwell at agad na binitawan ng doktor. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto na tila kilala niya kung sino ang babae sa likod ng facemask nito.

Kakaunti lang sa mundong ito ang kayang makipag-usap sa kaniya nang ganyan. Sa lahat ng iyon, isa sa kanila ang dati nitong asawa. Natalia Costaleon.

Habang tinititigan ni Maxwell ang hulma at hitsura ng doktor, unti-unti na niyang nakikita ang dati niyang asawa sa kaniyang harapan. Ang mga mapupungay nitong mga mata, itim at mahabang buhok, maputing balat, at ang kapansin-pansin nitong maliit na nunal sa kaniyang leeg. Kahit mga mata lang ng doktor na ito ang nakikita, naaalala pa rin ni Maxwell ang lahat tungkol sa kaniyang asawa.

Ngunit hindi ito nagtagal. Hinawakan niya nang mahigpit sa braso si Natalia at saka muling nagsalita. “Kapag napahamak ang anak ko ngayon, ikaw at ang buong ospital ang mananagutan.” Kinaladkad talaga ni Maxwell si Natalia papasok ng operating room at saka isinara ang pinto. May iilang doktor na rin sa loob ng kwarto, handa na ang lahat para sa gaganaping operasyon.

Wala nang nagawa si Natalia. Kahit nangingilid ang mga luha nito ay inayos niya pa rin ang kaniyang sarili para sa gaganaping operasyon. Nagpunta muna ito sa CR, nagpalit ng mas malinis na mga damit, at saka pumasok muli sa operating room para simulan ang operasyon kay Tristan.

Kahit na matindi ang galit niya sa mga Harrington, hindi rin naman niya kakayanin na ilipat dito sa bata ang galit sa kanila. Isinantabi muna niya lahat ng kaniyang galit at saka huminga nang malalim bago magsimula. 

“Si Tristan Harrington ang pasyente natin ngayon…” Tumingin siya sa kaniyang relo at sa kaniyang mga kasama. Nang silang lahat ay handa na, agad rin naman siyang nagsimula. “Gawin natin ang lahat ng ating makakaya.”

TATLONG ORAS ANG nakalilipas, natapos na ang operasyon kay Tristan. Naging successful ang operasyon at stable na rin ang lagay ng bata kaya iniwan na sila ng mga doktor. Lahat sila’y naging masaya at nakahinga nang malalim. Ang iba’y umalis na ng kwarto ngunit nanatili muna sa loob si Dra. Natalia. 

Hindi rin naman kasi nito gusto na harapin muna sa labas sina Maxwell at ang mga asungot nitong tagasunod. Kumuha siya ng malinis na pamunas at mariing pinunasan ang madungis na mukha ni Tristan. Kanina kasi’y puro ito dugo at lupa kaya hindi niya masyadong natitigan kung anong hitsura nito.

Pagkatapos ng ilang segundong pagpupunas, nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. Halos lumubog ang kaniyang puso’t nangingilid ang kaniyang mga luha habang nakatingin sa batang nasa kaniyang harapan. Ni hindi nga nito alam ang kaniyang mararamdaman habang pinagmamasdan si Tristan na ngayo’y nakahiga sa operating table.

Sakto, may isang pumasok na assistant nurse para kumustahin si Natalia sa loob. Napatingin lang ang huli sa nurse na pumasok. “Kumusta na po kayo, Dra. Allyson? Pinaaalalayan po kayo sa akin ni Dr. Joaquin… hindi ko rin po alam kung bakit.” nakangiti nitong tugon.

Hindi sumagot Natalia’t nagtanong na lang pabalik sa nurse. “K-Kilala mo ba kung sino itong batang ‘to?”

Nagtatakang sumagot ang assistant nurse na pumasok. “Opo… ang nag-iisang anak ng pamilya Harrington. Hindi niyo po ba siya kilala? Sikat po sila eh.”

Hindi na narinig ni Natalia ang mga susunod na salita ng assistant nurse na ito. Ang alam lang niya, imposible na anak ito ng kaniyang kapatid na si Olivia.

Hindi maaari… Imposible!

Kamukhang-kamukha ito ng anak ni Natalia na itinatago niya mula kay Maxwell! 

M-May kambal ang anak ko? Paano? A-Anak ko ba ito?

Hinawakan niya ito sa kaniyang ulo at tila mas naging mabigat ang kaniyang damdamin at atraksyon para sa bata. Bago pa man magtagal, pumasok sa loob ng kwarto si Maxwell habang nag-aalala sa kaniyang anak.

“Nasaan si Tristan? Kumusta ang anak ko?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status