Entangled With The Mafia

Entangled With The Mafia

last updateLast Updated : 2025-01-06
By:   synayrah  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
23Chapters
99views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Simple lamang ang buhay noon ni Aisynah Sorrengil. Binubuhay niya ang sarili sa pamamagitan ng maliit na negosyo at mga serbisyo. Isang araw bumalik mula sa ibang bansa ang kanyang kaibigan, nag-party sila sa isang club at hindi inaasahan ng dalaga na matatagpuan na lamang niya ang sarili sa sitwasyong kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na mangyayari sa kanya. Pagkatapos ng pagkikita nila ni Astervan Canvarro—ang leader ng isang organisasyong mafia— hindi niya inaasahan na matatali na ang kanyang tadhana sa binata. Matatakasan pa kaya ni Aisynah ang nakabuhol nilang tadhana kung matatagpuan na lamang niya ang sarili na dahan-dahan ng nahuhulog sa bisig ng binata?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

AISYNAHAgad kong binuksan ang aking pouch pagpasok ko ng banyo. Ako lang mag-isa rito dahilan para mapangisi ako. “Ang daming tao sa labas!” wika ko sa harap ng salamin habang tinitigan ang aking repleksyon.Ngayon lamang ako ulit nakapasok ng Club pagkatapos ng halos dalawang taon. Paano eh ngayon pa lang umuwi si Dana—siya lang naman ang tanging umaaya sa akin na mag-Club. Nilabas ko na ang aking matte lipstick, powder, at tissue sa pouch. Pinunasan ko muna ang aking mukha na puno na ng pawis at inaplayan ko rin agad ng powder. Kinuha ko na pagkatapos ang lipstick at nilagyan ang aking mga labi.Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Pula na ang aking mukha at medyo magulo na ang aking nakalugay na maalong buhok, tumatakas na rin ang aking mga baby hair sa may noo. Nagpakawala ako ng buntong hininga at naghanap sa pouch ng matatali sa aking buhok, napangisi naman ako pagkatapos makita ang isang itim na sanrio. Kinagat ko ito at dahan-dahang inipon at inayos ang aki...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
SKYGOODNOVEL
high recommended....,
2024-12-14 19:27:05
1
user avatar
Athena Beatrice
Recommended 🫶🏻🫶🏻
2024-12-14 06:05:31
1
user avatar
KEEMUNKNOWN0920
Recommended!
2024-12-13 21:52:11
1
23 Chapters
Kabanata 1
AISYNAHAgad kong binuksan ang aking pouch pagpasok ko ng banyo. Ako lang mag-isa rito dahilan para mapangisi ako. “Ang daming tao sa labas!” wika ko sa harap ng salamin habang tinitigan ang aking repleksyon.Ngayon lamang ako ulit nakapasok ng Club pagkatapos ng halos dalawang taon. Paano eh ngayon pa lang umuwi si Dana—siya lang naman ang tanging umaaya sa akin na mag-Club. Nilabas ko na ang aking matte lipstick, powder, at tissue sa pouch. Pinunasan ko muna ang aking mukha na puno na ng pawis at inaplayan ko rin agad ng powder. Kinuha ko na pagkatapos ang lipstick at nilagyan ang aking mga labi.Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Pula na ang aking mukha at medyo magulo na ang aking nakalugay na maalong buhok, tumatakas na rin ang aking mga baby hair sa may noo. Nagpakawala ako ng buntong hininga at naghanap sa pouch ng matatali sa aking buhok, napangisi naman ako pagkatapos makita ang isang itim na sanrio. Kinagat ko ito at dahan-dahang inipon at inayos ang aki
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more
Kabanata 2
Nagpalinga-linga ako habang pilit isiniksik ang aking sarili sa dagat ng mga taong sumasayaw. Maraming nagrereklamo dahil malakas ko na silang natutulak para lang makadaan pero wala na akong pakialam. Kailangan kong mahanap ang kaibigan ko.“Dana!”Sinabayan ko rin ng sigaw ang aking paghahanap kahit alam kong hindi rin naman ako nito maririnig. Hindi pa man ako nagli-limang minuto sa paghahanap nakaramdam na ako ng pagod, pero wala akong planong tumigil lalo na at wala ring tigil ang malakas na pagtibok ng aking puso na sumasabay sa lakas ng tugtog na bumabalot sa buong lugar.“Dana!”Pumasok sa isip kong balikan ito sa table namin kanina kaya agad akong tumakbo patungo roon. Nakataas na ang mga kilay ng mga taong nadadaanan ko dahil sa pagtataka pero wala na akong pakialam sa kanila. Ang importante sa akin ngayon ay ang kaibigan ko.Pagkarating ko sa table namin wala akong nakitang Dana. Napapikit na ako sa pagkabigo, tumulo ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata pero marahas
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more
Kabanata 3
Pinilit ako ng mga police na umuwi na at kahit mabigat sa pakiramdam ay wala naman na akong nagawa kung hindi ay sundin na lang sila at ipaubaya na muna sa kanila ang paghahanap sa aking kaibigan.Malapit ng sumibol ang araw nang makauwi ako sa apartment ko. Agad akong umupo sa sofa rito sa aking maliit na sala at tumulala. Bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kanina. Naramdaman ko naman agad ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.Kahapon lang ng umaga noong sinurpresa ako ni Dana rito sa apartment ko at nag-party kami agad kagabi. Paanong umabot sa ganito ang lahat? Hindi kailan man pumasok sa isip ko na matagpuan ang aking sarili sa gitna ng isang gulo. Lalong hindi pumasok sa isip ko na masaksihan ang gulo ng organisasyon ng mga mafia. Paano ko hahanapin si Dana? Malakas ang loob ko na buhay siya. At sa tingin ko ay sinama siya ng matandang lalaking kasayaw niya bago nangyari ang gulo, nasisiguro ko ring ang matandang iyon ang Guevano na tinutukoy ng mga estrangherong iyon.
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more
Kabanata 4
Mahigit kalahating oras na simula no'ng umalis dito sa istasyon ang mga magulang ni Dana. Hindi na rin nila ako kinausap bago sila umalis. Pumasok naman agad ang detective sa opisina ng chief ng mga police nang dumating ito kaya mag-isa akong naiwan ako rito sa labas.Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Parang masisiraan na rin ako ng bait kakaisip kung ano ang dapat kong gawin. Tumatakbo ang oras na hindi ko alam kung ano na ang sitwasyon ni Dana ngayon.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at sinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan dito sa labas ng istasyon. Nararamdaman ko na ang pagod sa aking buong katawan pero mababaliw lamang ako 'pag nagpahinga ako. Mariin kong pinikit ang aking mga mata pero biglang nagpakita sa aking ala-ala ang nangyari kagabi. Kung paanong nawala na lang bigla sa aking paningin si Dana.Maya-maya pa ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mga mata at tinignan kung sino ito ay napaupo ako agad ng maayos
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more
Kabanata 5
“Kilala mo ba sila?”Napatingin ako kay Mr. La Peña nang itanong niya iyon. “S-Sila iyong mga lalaking nagdala ng gulo kagabi,” sagot ko at tinignan muli ang litrato ng mga estranghero kagabi.Kahit litrato lamang ang nakikita ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot dahil sa mapanganib nilang mga mata.Binasa ko isa-isa ang mga pangalan nila. Dancel pala ang pangalan no'ng lalaking pamilyar, Dancel Hernandez. Hindi ko pa rin matukoy kung saan ko ito nakita noon basta ang alam ko nakita ko na ito.Tinignan ko naman ang litrato ng lalaking pula ang buhok, nakangisi ito ng nakakaloko sa litrato. Lucas Ardiente naman ang kanyang pangalan niya.Ibinaling ko naman ang aking tingin sa katabi nitong litrato, ito naman ang lalaking sumipa sa pinto—si Rafael Tarano.Nang makita ko naman ang litrato ng lalaking mahaba rin ang buhok tulad ng boss nila ay napangiwi ako agad dahil wala ang tattoo nito sa mukha.Tumingin ako sa dalawang matanda. “Hindi ata kayo na-update na may ta
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more
Kabanata 6
Pagkatapos ng aming pag-uusap tungkol sa mga gagawin ay dinala ako ng dalawang babae sa cafeteria ng gusali.Nakita ko naman agad ang dalawang matanda na kumakain sa isang lamesa kaya hindi ko na hinintay pa ang mga babae at kusa ko nang binilisan ang aking paglalakad para makalapit sa dalawa.“Oh hija, kumusta naman ang pagpa-plano ninyo?” tanong agad ni detective Custodio pagdating ko sa pwesto nila. Kusa ko na rin inimbitahan ang aking sarili sa lamesa nila sa pamamagitan ng pag-upo sa isa sa mga upuan dito dahilan para wala ng nagawa ang dalawang babae at sinenyasan na lang sila ni Mr. La Peña na hayaan na lamang ako.“Maayos naman ang pagpa-plano, hindi ko nga lang inaasahan na mang-aakit pala ang role ko,” sarkastikong sagot ko sa kanya. Mahina itong tumawa at kumunot naman ang noo ni Mr. La Peña sa pagtataka.“Akala ko ba gagawin mo ang lahat?” tanong ni Mr. La Peña.“Hindi ako nagrereklamo, Mr. La Peña, hindi ko lang talaga inaasahan ang role ko,” saad ko rito dahilan para sum
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more
Kabanata 7
Hindi ko magawang kumurap. Kahit hindi ko na masyadong naaaninag ang mukha ng lalaki ay parang may kung ano pa ring nagpipigil sa akin na putulin ang aming tinginan.“Ikaw ba si Abegail?”Nawala lamang ang aking tingin sa pwesto ng mga estranghero nang may lumapit sa akin na lalaking nakapormal ang suot at naka-shade. Kumunot ang aking noo na tinignan ito pero agad ko rin naalala ang aming plano.“Ako nga,” sagot ko rito.Tumango naman ito at tumingin sa pwesto ng matanda, sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ang matanda na tumango sa amin. Tumaas ang aking mga balahibo sa takot na aking nararamdaman at wala sa sarili akong napalingon sa direksyon ng mga estranghero.Nagulat naman ako nang hindi ko na sila makita pa. Inikot ko ang aking mga mata pero dahil sa magulong mga ilaw ay tuluyan ko na silang hindi nakita.“Sumama ka sa akin,” wika ng lalaking nasa aking harapan at nagsimula na maglakad paalis.Sa mabibigat na mga hakbang ay pinilit ko ang aking sariling sumunod dito. “Kaya
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more
Kabanata 8
Inangat nito ang kanyang kanang kamay na may hawak na baril at agad itong pinaputok sa aking direksyon.Napaupo naman ako agad at niyakap ang aking mga braso, at nang lingunin ko ang aking likuran ay may lalaki ng nakahandusay doon.Lumapit sa akin iyong lalaking sumipa sa pinto kagabi. Pinatayo niya ako't tinulak sa pader malapit sa pinto at tinutukan ako ng baril.“Bakit nandito ka na naman? Hindi ba't ikaw rin 'yong babae kagabi?” kunot ang noong tanong nito.Napalunok ako at isa-isa silang tinignan. Napako naman agad ang aking tingin sa boss nilang seryoso lamang ang mukha at kung titignan sa mga mata ay para pa rin itong walang buhay. Nakatali ang kanyang mahabang buhok pero may mga tumatakas pa rin na napupunta sa kanyang mukha.“Nagsinungaling kang hindi ka babae ni Guevano,” wika pa nito habang nanatili namang tahimik ang dalawang lalaki. Kinasa nito agad ang kanyang baril at tinutok sa akin.“Papa*tayin na ba natin 'to, boss?” tanong nito sa boss nila.“Get rid of her,” inuli
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more
Kabanata 9
Wala sa sarili akong lumabas ng Club.Inikot ko ang aking mga mata at bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ang van sa hindi kalayuan. Tumakbo agad ako papunta doon dahil sa pagkasabik na aking naramdaman at pagkarating ko ay bumukas agad ang back door nito.Pero natigilan ako at agad humupa ang pagkasabik na aking naramdaman nang makita ang bigo at sugatang hitsura ng aking mga kasama. Kusang tumulo sa aking pisngi ang mainit na likido mula sa aking mga mata.“Nasaan ang kaibigan ko?” tanong ko kahit alam ko na ang posibleng sagot.Bumuntong hininga lamang ang lalaking leader ng grupong ito at iniwas naman ng iba ang kanilang tingin sa akin. Doon ko lamang napansin na kulang sila. Hinanap ng aking mga mata ang babaeng maganda na nakausap ko kanina sa dressing room.“B-Bakit kulang kayo?” tanong kong muli. Walang nagsalita sa kanila kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng masama. May nangyari ba sa babae? Maya-maya pa ay tumunog na ang sasakyan hudyat na aalis na kami kaya sumakay
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more
Kabanata 10
Kinabukasan ay maaga kaming ginising tatlo dahil may mahalagang pag-uusapan daw ang aming grupo kasama si Mr. La Peña.Nandito na kami ngayon sa parehong kwarto kung saan kami nag-discuss ng plano kahapon, at tanging si Mr. La Peña na lamang ang aming hinihintay.“Nagmamadali masyado si Mister Head, he couldn't really afford to lose Patricia,” ani ng isang lalaking kasama namin.“Syempre matagal na ang serbisyo ni Patricia dito eh,” saad naman ng isa pang lalaki.Nakikinig lamang ako sa kanila at nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng isang lalaking 'yon sa sinabi niyang masyadong nagmamadali si Mr. La Peña. Tinignan ko sina Aida at Leila, pero seryoso lamang ang kanilang mga mukha at mukhang walang balak na makisali sa usapan ng dalawang lalaki.Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Mr. La Peña kasama si detective Custodio at may dalawa pang lalaking mga pormal ang suot.“Good morning,” bati ni Mr. La Peña pero walang tumugon na kahit isa sa amin. Hindi na
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more
DMCA.com Protection Status