“Nakuha mo na ba ang pinabigay ko?” tanong agad nito.Napalunok naman ako bago ito sinagot, “O-Oo, hanatid ni Patricia. S-salamat...”Nagulat ako sa aking sinabi, wala naman kasi akong planong tanggapin iyon pero kusa ng nagpasalamat ang aking bibig.Yumuko ako agad dahil naiilang ako sa kanyang hitsura. Wala na nga itong damit pang-itaas tapos basang-basa pa ang kanyang mahabang buhok na halatang kakatapos lang niyang maligo.Lumipas ang isang minuto na hindi ito nagsalita kaya nag-angat ako ng aking tingin na deretso sa kanyang mukha. Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagtataka.“What's bothering—”“A-Anong p—”Natigilan kaming dalawa dahil sa sabay naming pagsasalita. Mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang kaya nagpakawala ako ng malakas na pagbuntong.“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka na umalis,” wika ko rito. “Kakain na,” ani nito kaya nagulat ako. Bigla namang kumalam ang aking tiyan kaya napahawak ako rito, naramdaman ko agad ang pag-in
Naabutan namin sa dining area si Patricia kasama ang pamilyar na lalaki, at ang babaeng masama na naman ang tingin sa akin.Hindi ko na lamang ito pinansin at tipid na lang akong ngumiti sa nakangiti ring si Patricia. May relasyon ba si Patricia at ang lalaking pamilyar na 'to? Habang tumatagal na tignan ko silang dalawa ay parang mas nagiging pamilyar silang dalawa sa akin.Nang makaupo kaming dalawa ni Astervan ay agad kaming binigyan ng plato, kutsara, at tinidor ng mga maid. Magkaharap kaming dalawa, katabi ko si Patricia at katabi naman ni Astervan ang isang babae. Agad naman siyang nilagyan ng pagkain ng babae sa kanyang plato kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanila.Parang asawa kung alagaan ng babae si Astervan. Imposible namang wala silang relasyon niyan.“Hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa 'yo, Aisynah Sorrengil, right? I'm Dancel Hernandez,” Wika no'ng lalaking pamilyar kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang pangalan niya, pero ngumiti na lang ako sa pormal
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko naman si Patricia doon. Narinig ko ang ingay sa loob ng kwarto kaya nasisiguro kong maraming tao doon.Hindi ko namalayan ang paggalaw ni Astervan sa kanyang kinatatayuan kanina at nakita ko na lamang siya nauna ng maglakad papasok sa kwarto. Sumunod na rin ako at nakita ko sa loob ang lahat ng lalaking kasama ni Astervan no'ng gabi sa bar kung saan nawala si Dana.Tanging kami lang ni Patricia ang babae rito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot dahil sa malalalim na tingin na binibigay ng mga lalaki sa akin. Pero agad din ako tumingin kay Astervan.“Update?” tanong nito kaya lumapit sa kanya ang lalaking pula ang buhok.Doon ko lang tinignan ang malaking whiteboard sa harap namin at agad nakuha ang aking atensyon ng malaking litrato na nasa gitna nito. Si Dana...Lumapit ako rito at tinignan ng buo ang mga nakasulat, may mga arrow na kumukonekta sa litrato ni Dana sa ibang mga litratong nakadikit sa whiteboard.Sa mga
Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong aking nalaman. May karamay na ako ngayon, at gagawin namin ang lahat para mahanap ang kaibigan ko. Nasa loob na ako ng kwarto ngayon. Maga-alas tres pa lang ng hapon pero buryong-buryo na ako rito sa loob. Ayaw ko naman lumabas kasi natatakot ako doon.Hindi ko pa naman alam kung nasaan si Astervan Canvarro.Pagkatapos kasi ng usapan doon sa isang kwarto kanina ay nauna na itong umalis. Si Patricia na nga lang ang naghatid sa akin dito sa kwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya nakaramdam ako ng pagkasabik at agad nagpunta roon. Pero nawala rin agad ang aking pagkasabik nang makita ang isa sa mga kasambahay rito na may hawak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at isang platito ng cheesecake.Akala ko si...“Meryenda mo po, ma'am,” wika nito kaya hindi ko maiwasang mailang.Tinanggap ko ito, “Naku, huwag niyo po akong tawaging ma'am, ate. Ynah na lang po.”Tipid lamang itong ngumiti sa akin. “Aalis na po ako,” paalam
Nagising ako dahil sa ingay na parang may nagtatalo.“Dapat ay matagal na natin pinatay ang Argus na 'yon, alam kong traydor siya.”“Masyado siyang magaling magpanggap.”“Really? Pinatay ninyo ang matagal na natin nakasama dahil lang sa babaeng 'yan? Sana hinayaan niyo na lang si Argus na gaha—”Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang aking tingin. Nandito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na malawak na kwarto at nandito rin silang lahat sa loob. Inalala ko naman agad ang nangyari kanina. May gustong dumukot sa akin at nawalan ako ng malay no'ng dumating na sina Astervan kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.“Ynah! Mabuti naman at nagising ka na.” Agad lumapit si Patricia sa akin kaya tumingin ang lahat sa akin.Tinignan ko si Astervan. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang posibleng iniisip niya sa mga oras na 'to, binaling ko naman ang aking tingin kay Lilian, matulis ang kanyang tingin sa akin na parang hindi niya nagustuhan na nagising p
AISYNAHAgad kong binuksan ang aking pouch pagpasok ko ng banyo. Ako lang mag-isa rito dahilan para mapangisi ako. “Ang daming tao sa labas!” wika ko sa harap ng salamin habang tinitigan ang aking repleksyon.Ngayon lamang ako ulit nakapasok ng Club pagkatapos ng halos dalawang taon. Paano eh ngayon pa lang umuwi si Dana—siya lang naman ang tanging umaaya sa akin na mag-Club. Nilabas ko na ang aking matte lipstick, powder, at tissue sa pouch. Pinunasan ko muna ang aking mukha na puno na ng pawis at inaplayan ko rin agad ng powder. Kinuha ko na pagkatapos ang lipstick at nilagyan ang aking mga labi.Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Pula na ang aking mukha at medyo magulo na ang aking nakalugay na maalong buhok, tumatakas na rin ang aking mga baby hair sa may noo. Nagpakawala ako ng buntong hininga at naghanap sa pouch ng matatali sa aking buhok, napangisi naman ako pagkatapos makita ang isang itim na sanrio. Kinagat ko ito at dahan-dahang inipon at inayos ang aki
Nagpalinga-linga ako habang pilit isiniksik ang aking sarili sa dagat ng mga taong sumasayaw. Maraming nagrereklamo dahil malakas ko na silang natutulak para lang makadaan pero wala na akong pakialam. Kailangan kong mahanap ang kaibigan ko.“Dana!”Sinabayan ko rin ng sigaw ang aking paghahanap kahit alam kong hindi rin naman ako nito maririnig. Hindi pa man ako nagli-limang minuto sa paghahanap nakaramdam na ako ng pagod, pero wala akong planong tumigil lalo na at wala ring tigil ang malakas na pagtibok ng aking puso na sumasabay sa lakas ng tugtog na bumabalot sa buong lugar.“Dana!”Pumasok sa isip kong balikan ito sa table namin kanina kaya agad akong tumakbo patungo roon. Nakataas na ang mga kilay ng mga taong nadadaanan ko dahil sa pagtataka pero wala na akong pakialam sa kanila. Ang importante sa akin ngayon ay ang kaibigan ko.Pagkarating ko sa table namin wala akong nakitang Dana. Napapikit na ako sa pagkabigo, tumulo ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata pero marahas
Pinilit ako ng mga police na umuwi na at kahit mabigat sa pakiramdam ay wala naman na akong nagawa kung hindi ay sundin na lang sila at ipaubaya na muna sa kanila ang paghahanap sa aking kaibigan.Malapit ng sumibol ang araw nang makauwi ako sa apartment ko. Agad akong umupo sa sofa rito sa aking maliit na sala at tumulala. Bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kanina. Naramdaman ko naman agad ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.Kahapon lang ng umaga noong sinurpresa ako ni Dana rito sa apartment ko at nag-party kami agad kagabi. Paanong umabot sa ganito ang lahat? Hindi kailan man pumasok sa isip ko na matagpuan ang aking sarili sa gitna ng isang gulo. Lalong hindi pumasok sa isip ko na masaksihan ang gulo ng organisasyon ng mga mafia. Paano ko hahanapin si Dana? Malakas ang loob ko na buhay siya. At sa tingin ko ay sinama siya ng matandang lalaking kasayaw niya bago nangyari ang gulo, nasisiguro ko ring ang matandang iyon ang Guevano na tinutukoy ng mga estrangherong iyon.
Nagising ako dahil sa ingay na parang may nagtatalo.“Dapat ay matagal na natin pinatay ang Argus na 'yon, alam kong traydor siya.”“Masyado siyang magaling magpanggap.”“Really? Pinatay ninyo ang matagal na natin nakasama dahil lang sa babaeng 'yan? Sana hinayaan niyo na lang si Argus na gaha—”Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang aking tingin. Nandito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na malawak na kwarto at nandito rin silang lahat sa loob. Inalala ko naman agad ang nangyari kanina. May gustong dumukot sa akin at nawalan ako ng malay no'ng dumating na sina Astervan kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.“Ynah! Mabuti naman at nagising ka na.” Agad lumapit si Patricia sa akin kaya tumingin ang lahat sa akin.Tinignan ko si Astervan. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang posibleng iniisip niya sa mga oras na 'to, binaling ko naman ang aking tingin kay Lilian, matulis ang kanyang tingin sa akin na parang hindi niya nagustuhan na nagising p
Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong aking nalaman. May karamay na ako ngayon, at gagawin namin ang lahat para mahanap ang kaibigan ko. Nasa loob na ako ng kwarto ngayon. Maga-alas tres pa lang ng hapon pero buryong-buryo na ako rito sa loob. Ayaw ko naman lumabas kasi natatakot ako doon.Hindi ko pa naman alam kung nasaan si Astervan Canvarro.Pagkatapos kasi ng usapan doon sa isang kwarto kanina ay nauna na itong umalis. Si Patricia na nga lang ang naghatid sa akin dito sa kwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya nakaramdam ako ng pagkasabik at agad nagpunta roon. Pero nawala rin agad ang aking pagkasabik nang makita ang isa sa mga kasambahay rito na may hawak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at isang platito ng cheesecake.Akala ko si...“Meryenda mo po, ma'am,” wika nito kaya hindi ko maiwasang mailang.Tinanggap ko ito, “Naku, huwag niyo po akong tawaging ma'am, ate. Ynah na lang po.”Tipid lamang itong ngumiti sa akin. “Aalis na po ako,” paalam
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko naman si Patricia doon. Narinig ko ang ingay sa loob ng kwarto kaya nasisiguro kong maraming tao doon.Hindi ko namalayan ang paggalaw ni Astervan sa kanyang kinatatayuan kanina at nakita ko na lamang siya nauna ng maglakad papasok sa kwarto. Sumunod na rin ako at nakita ko sa loob ang lahat ng lalaking kasama ni Astervan no'ng gabi sa bar kung saan nawala si Dana.Tanging kami lang ni Patricia ang babae rito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot dahil sa malalalim na tingin na binibigay ng mga lalaki sa akin. Pero agad din ako tumingin kay Astervan.“Update?” tanong nito kaya lumapit sa kanya ang lalaking pula ang buhok.Doon ko lang tinignan ang malaking whiteboard sa harap namin at agad nakuha ang aking atensyon ng malaking litrato na nasa gitna nito. Si Dana...Lumapit ako rito at tinignan ng buo ang mga nakasulat, may mga arrow na kumukonekta sa litrato ni Dana sa ibang mga litratong nakadikit sa whiteboard.Sa mga
Naabutan namin sa dining area si Patricia kasama ang pamilyar na lalaki, at ang babaeng masama na naman ang tingin sa akin.Hindi ko na lamang ito pinansin at tipid na lang akong ngumiti sa nakangiti ring si Patricia. May relasyon ba si Patricia at ang lalaking pamilyar na 'to? Habang tumatagal na tignan ko silang dalawa ay parang mas nagiging pamilyar silang dalawa sa akin.Nang makaupo kaming dalawa ni Astervan ay agad kaming binigyan ng plato, kutsara, at tinidor ng mga maid. Magkaharap kaming dalawa, katabi ko si Patricia at katabi naman ni Astervan ang isang babae. Agad naman siyang nilagyan ng pagkain ng babae sa kanyang plato kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanila.Parang asawa kung alagaan ng babae si Astervan. Imposible namang wala silang relasyon niyan.“Hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa 'yo, Aisynah Sorrengil, right? I'm Dancel Hernandez,” Wika no'ng lalaking pamilyar kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang pangalan niya, pero ngumiti na lang ako sa pormal
“Nakuha mo na ba ang pinabigay ko?” tanong agad nito.Napalunok naman ako bago ito sinagot, “O-Oo, hanatid ni Patricia. S-salamat...”Nagulat ako sa aking sinabi, wala naman kasi akong planong tanggapin iyon pero kusa ng nagpasalamat ang aking bibig.Yumuko ako agad dahil naiilang ako sa kanyang hitsura. Wala na nga itong damit pang-itaas tapos basang-basa pa ang kanyang mahabang buhok na halatang kakatapos lang niyang maligo.Lumipas ang isang minuto na hindi ito nagsalita kaya nag-angat ako ng aking tingin na deretso sa kanyang mukha. Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagtataka.“What's bothering—”“A-Anong p—”Natigilan kaming dalawa dahil sa sabay naming pagsasalita. Mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang kaya nagpakawala ako ng malakas na pagbuntong.“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka na umalis,” wika ko rito. “Kakain na,” ani nito kaya nagulat ako. Bigla namang kumalam ang aking tiyan kaya napahawak ako rito, naramdaman ko agad ang pag-in
“Sa tingin mo ba mapapalitan mo ako rito?”Halos mapalundag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at nanlaki agad ang aking mga mata nang makita ang babaeng dumikit kay Astervan kanina. Masama ang tingin nito sa akin at parang ano mang oras ay papat*yin ako nito.“W-Wala akong planong palitan ka,” ani ko rito sa aking nanginginig na boses. Napaatras na rin ako pero agad ko rin naramdaman ang cabinet sa aking likuran.Pero teka, ano ba ang ibig niyang sabihin? Anong papalitan ko siya?Bigla itong tumawa kaya nagulat ako. Baliw ba ang babaeng 'to?“Walang plano? Pagkatapos mong magpunta rito?” Hindi ko maintindihan ang kanyang pinupunto pero isa lang ang masasabi ko, baliw siguro talaga ang babaeng 'to. Madiin kasi ang pagkakasabi niya no'n pero nakangisi siya ng nakakaloko.“N-Napilitan lang akong sumama rito,” wika ko pero tumawa na naman ulit siya.“Napilitan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw pa pinilit ni Aster na sumama sa kanya?” mga tanong nito
Maga-alas singko na ng umaga nang makalabas kami ng apartment ko. Madilim pa sa labas kaya hindi kami ganoon ka nahirapan. Bago kami tuluyang umalis ay iniwan ko sa labas ng unit ni aling Evangeline ang sulat na sinulat ko kanina para sa kanya.Ayaw kong mag-alala sila dahil aalis na naman ako bigla, kaya kahit sa sulat man lang ay makapagpaalam ako.Pagkarating namin sa labas ng apartment building ay biglang may dumating na itim na van sa harap namin, agad itong bumukas kaya sumakay na kami agad.Hindi ko alam kung sino ang kasama namin dahil madilim sa loob, wala akong ibang makita kung hindi ay ang umiilaw lang na dashboard.“Ayos ka lang ba, boss?” rinig kong tanong ng hindi pamilyar na boses ng lalaki.“Siguraduhin niyong mauubos lahat ng miyembro ng walang kwentang grupong iyon.”Napalunok ako dahil sa malamig na boses na iyon ni Astevan Canvarro.“Copy, boss.”Pagkatapos ng mabilis na usapang iyon ng lalaki at ng taong hindi pamilyar ang boses ay naging tahimik na ang buong bya
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Ilang minuto na ang nakalipas simula no'ng iwan ko sa sala ang lalaki, pagkatapos kasi niyang sabihin ang mga salitang iyon ay sinilip ko siya at nakita ko namang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata kaya naisip kong nagde-deliryo lamang ito.Bakit niya naman sasabihin ang mga salitang iyon sa akin? Hindi naman kasi porket tinulungan ko siya ay magsasalita na siya ng ganoon. Hindi naman siguro siya 'yong klase ng taong mabilis madala sa ginagawa ng ibang tao.Mula rito sa aking kwarto ay makikita sa bukas na pintuan ang sofa, hindi ko nakikita ang lalaki dahil nakahiga ito pero nasisiguro ko naman na nandoon pa rin siya dahil kanina ko pa hindi inaalis ang aking tingin doon. Tuluyan na rin akong hindi dinalaw ng antok at nang tignan ko naman ang oras ay maga-alas tres na pala ng madaling araw. Hindi ko alam kung bakit nababahala ng sobra ang isip ko sa sinabi ng lalaking 'yon pero nagpapasalamat na lamang ako na dahil doon ay hindi ko na kailang
Nang matapos ko siyang punasan sa kanyang dibdib ay agad akong tumayo at nagtungo sa kusina para itapon ang tubig na tuluyan ng naging kulay pula.Mabilis pa rin ang tibok ng aking dahil sa takot.Hindi imposibleng mamat*y ako ngayon. Dapat ba akong tumawag ng police? Dapat ko bang tawagan si detective Custodio?Na-offend ko ba siya ng sobra no'ng araw na 'yon para pat*yin na niya talaga ako? Nagpapanggap lang siguro ang lalaking iyon na hinang-hina na siya para makapasok dito at tahimik akong pat*yin.Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa aking isip. Natatakot ako para sa buhay ko. Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko nasisigurong ligtas na si Dana. Wala naman kasi akong magagawa kung magiging multo na lang ako bigla.Habang nilalabhan ko ang tela ay tahimik din akong nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa akin ngayong gabi. Hindi ko kailangan bumalik agad doon sa sala dahil wala naman akong gagamuting sugat sa kanyang katawan.Nili