Share

Kabanata 2

Author: synayrah
last update Last Updated: 2024-12-09 14:59:38

Nagpalinga-linga ako habang pilit isiniksik ang aking sarili sa dagat ng mga taong sumasayaw. Maraming nagrereklamo dahil malakas ko na silang natutulak para lang makadaan pero wala na akong pakialam. Kailangan kong mahanap ang kaibigan ko.

“Dana!”

Sinabayan ko rin ng sigaw ang aking paghahanap kahit alam kong hindi rin naman ako nito maririnig. Hindi pa man ako nagli-limang minuto sa paghahanap nakaramdam na ako ng pagod, pero wala akong planong tumigil lalo na at wala ring tigil ang malakas na pagtibok ng aking puso na sumasabay sa lakas ng tugtog na bumabalot sa buong lugar.

“Dana!”

Pumasok sa isip kong balikan ito sa table namin kanina kaya agad akong tumakbo patungo roon. Nakataas na ang mga kilay ng mga taong nadadaanan ko dahil sa pagtataka pero wala na akong pakialam sa kanila. Ang importante sa akin ngayon ay ang kaibigan ko.

Pagkarating ko sa table namin wala akong nakitang Dana. Napapikit na ako sa pagkabigo, tumulo ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata pero marahas ko itong pinahid gamit ang likod ng aking mga kamay. “Mag-focus ka, Ynah!” wika ko sa aking sarili.

Inilibot kong muli ang aking tingin. Maraming tao at madilim. Paano ko makikita rito si Dana? “Bahala na!” 

Bumalik ako sa dance floor at isa-isang tinignan ang mga taong sumasayaw habang paulit-ulit ko pa rin sinisigaw ang pangalan niya. Maya-maya pa parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib pagkatapos ko siyang makita sa may stage na sumasayaw kasama ang isang may katandaan ng lalaking nakasuot ng formal attire.

Tatakbo na sana ako papalapit sa kanila nang biglang namayani ang sunod-sunod na putok na mga baril. Natigilan ako at pinanood ang mga taong nagkakagulo at nagtatakbuhan. Nakita ko ang pagyuko ni Dana at ng matanda, agad namang pinrotektahan ng mga lalaking nakaitim na may hawak ng mga baril ang matanda habang binabalewala naman nila ang kaibigan ko. Kahit nanginginig na sa sobrang takot na aking nararamdaman ay pilit pa rin akong tumakbo palapit sa kaibigan ko habang sinisigaw ang kanyang pangalan.

“Dana, lumingon ka rito!”

Natigil na ang tugtog pero pumalit naman ang sigaw ng mga tao at ang tunog ng mga baril. Pero kahit maingay ay nagbabasakali pa rin akong maririnig niya ang aking pagsigaw.

Malapit na ako sa kaibigan kong nagtatago lang sa ilalim ng mesa habang tinatakpan ang kanyang tenga nang may babaeng tumigil sa aking harapan. Ilang segundo lang ay lumabas ang dugo sa kanyang bibig kaya napaatras ako at napasigaw. Nang tignan ko ulit ang pwesto ng aking kaibigan ay bigla akong nagimbal dahil hindi ko na ito nakita, wala na rin ang matandang lalaki na kasayaw niya kanina.

Tanging ang mga lalaking naka itim na lamang ang naroon na patuloy na nagpapaputok sa mga kalaban nila.

“Dana!”

Pilit ko pa rin sinisigaw ang pangalan ng kaibigan ko at inikot ang aking tingin sa paligid pero hindi ko na ito makita. Sumabay ako sa mga taong tumatakbo palabas at natigilan nang makita ang grupo ng mga estranghero kanina, hindi nila ako nakita at nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa pagpapaputok ng mga baril. Pero hindi ko inaasahang magtatagpo ang mga mata namin ng boss nila na nakatutok ang baril sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Mula rito nakita kong hinila niya ang gatilyo nang walang anumang emosyon sa kanyang mga mata na nakatingin sa akin, at wala akong ibang ginawa kung hindi ay mariing ipinikit ang aking mga mata at hinintay ang bala na tumama sa aking katawan.

Pero ilang segundo ang lumipas na walang tumama sa aking katawan. Narinig ko na lang ang pagdaing ng boses ng isang lalaki sa aking likuran kaya lumingon ako rito. Isa ito sa nakaitim na lalaki kaya napalunok ako at hinanap ng aking mga mata ang estranghero. Hindi ko na ito nakita pa kaya tumakbo na lang ako palabas ng club.

Pagkarating ko sa labas ay nakita ko ang lahat ng babae na umiiyak habang yakap ang kanilang mga kasama. Dumating naman agad ang mga police at una nilang sinigurado ang kaligtasan ng mga tao rito sa labas. May lumapit na police sa akin kaya hindi ko na pinigilan pa ang luha sa aking mga mata.

“Sir, please hanapin ninyo ang kaibigan ko,” pagmamakaawa ko rito. Gusto ko siyang pakitaan ng litrato ni Dana pero nasa pouch ang cellphone ko, at naiwan naman sa cr ang pouch.

“Hahanapin namin siya miss,” saad ng police. Dinala niya ako malapit sa sasakyan nila na naka-park sa hindi kalayuan.

“Kailangan mong sabihin kung ano ang sitwasyon sa loob,” ani nito. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang sinasabi ko sa kanya ang kasalukuyang engkwentro sa loob, at bago siya umalis pinakiusapan ko siya ulit na hanapin ang kaibigan ko. Nangako naman ito na hahanapin nila si Dana at pinayuhan ako na umuwi muna. Pero hindi ako uuwi ng hindi ko kasama ang kaibigan ko. 

Nagtago ako sa gilid ng sasakyan ng mga police at tahimik na umiiyak habang nagdadasal na sana walang mangyaring masama kay Dana. 

Rinig ko pa rin ang malakas na putok ng mga baril sa loob at nakikita kong may lumalabas pa rin mula sa doon. Ang iba ay mga duguan na tinutulungan na ng mga kasama nila. Naiisip ko pa lang na isa si Dana sa mga duguan ay mababaliw na ako.

Ilang minuto ang lumipas biglang humina ang tunog ng mga baril hanggang tumigil na ito. Lumabas ang grupo ng mga estranghero at halos mapanganga na lang ako nang makitang walang kahit isa sa kanila ang duguan. Siniksik ko ang aking sarili sa gilid ng sasakyan nang magsimula na silang maglakad para umalis. Papunta sila sa madilim na eskinita at tinitigan ko lang sila habang dahan-dahan silang kinakain ng dilim.

Bago pa man tuluyang naglaho sa dilim ang boss nila ay bigla itong lumingon sa aking direksyon kaya para akong naestatwa sa aking pwesto. Kahit malayo ay nakita ko ang bahagyang pag-ismid nito bago tuluyang nagpakain sa dilim. Para saan iyon?

Maya-maya pa ay lumabas na ang mga police kaya agad akong tumayo at lumapit sa lalaking nangako kanina. Nagulat ito nang makita ako.

“Sir, nasaan ang kaibigan ko?” tanong ko rito.

“Wala ng natitirang buhay sa loob, miss,” tanging sagot lamang nito dahilan para mas lalong magsilabasan ang mga luha sa aking mga mata.

Iniwan niya na ako para kausapin ang kasama nito at tatakbo na sana ako papasok sa loob para hanapin ang aking kaibigan nang marinig ko ang usapan nila.

“Darating na maya-maya ang pakialamerong si Custodio,” saad ng isang police.

“Matagal na niyang pilit hinuhuli ang Canvarro mafia, kailan kaya matatauhan ang detetctive na iyon,” wika naman ng isa pang police.

Nagtataka lang ako kanina kung bakit hindi nila hinuli ang mga estranghero gayong hindi rin naman pala sila sugatan paglabas. Ngayon naiintindihan ko na. Isang organisasyon ng mafia ang grupo ng mga estrangherong iyon. Mga grupo ng hindi basta-bastang kriminal.

Dapat ba akong magpasalamat na binigyan pa nila ako ng tyansang mabuhay? 

Related chapters

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 3

    Pinilit ako ng mga police na umuwi na at kahit mabigat sa pakiramdam ay wala naman na akong nagawa kung hindi ay sundin na lang sila at ipaubaya na muna sa kanila ang paghahanap sa aking kaibigan.Malapit ng sumibol ang araw nang makauwi ako sa apartment ko. Agad akong umupo sa sofa rito sa aking maliit na sala at tumulala. Bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kanina. Naramdaman ko naman agad ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.Kahapon lang ng umaga noong sinurpresa ako ni Dana rito sa apartment ko at nag-party kami agad kagabi. Paanong umabot sa ganito ang lahat? Hindi kailan man pumasok sa isip ko na matagpuan ang aking sarili sa gitna ng isang gulo. Lalong hindi pumasok sa isip ko na masaksihan ang gulo ng organisasyon ng mga mafia. Paano ko hahanapin si Dana? Malakas ang loob ko na buhay siya. At sa tingin ko ay sinama siya ng matandang lalaking kasayaw niya bago nangyari ang gulo, nasisiguro ko ring ang matandang iyon ang Guevano na tinutukoy ng mga estrangherong iyon.

    Last Updated : 2024-12-09
  • Entangled With The Mafia    Kabanata 4

    Mahigit kalahating oras na simula no'ng umalis dito sa istasyon ang mga magulang ni Dana. Hindi na rin nila ako kinausap bago sila umalis. Pumasok naman agad ang detective sa opisina ng chief ng mga police nang dumating ito kaya mag-isa akong naiwan ako rito sa labas.Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Parang masisiraan na rin ako ng bait kakaisip kung ano ang dapat kong gawin. Tumatakbo ang oras na hindi ko alam kung ano na ang sitwasyon ni Dana ngayon.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at sinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan dito sa labas ng istasyon. Nararamdaman ko na ang pagod sa aking buong katawan pero mababaliw lamang ako 'pag nagpahinga ako. Mariin kong pinikit ang aking mga mata pero biglang nagpakita sa aking ala-ala ang nangyari kagabi. Kung paanong nawala na lang bigla sa aking paningin si Dana.Maya-maya pa ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mga mata at tinignan kung sino ito ay napaupo ako agad ng maayos

    Last Updated : 2024-12-09
  • Entangled With The Mafia    Kabanata 5

    “Kilala mo ba sila?”Napatingin ako kay Mr. La Peña nang itanong niya iyon. “S-Sila iyong mga lalaking nagdala ng gulo kagabi,” sagot ko at tinignan muli ang litrato ng mga estranghero kagabi.Kahit litrato lamang ang nakikita ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot dahil sa mapanganib nilang mga mata.Binasa ko isa-isa ang mga pangalan nila. Dancel pala ang pangalan no'ng lalaking pamilyar, Dancel Hernandez. Hindi ko pa rin matukoy kung saan ko ito nakita noon basta ang alam ko nakita ko na ito.Tinignan ko naman ang litrato ng lalaking pula ang buhok, nakangisi ito ng nakakaloko sa litrato. Lucas Ardiente naman ang kanyang pangalan niya.Ibinaling ko naman ang aking tingin sa katabi nitong litrato, ito naman ang lalaking sumipa sa pinto—si Rafael Tarano.Nang makita ko naman ang litrato ng lalaking mahaba rin ang buhok tulad ng boss nila ay napangiwi ako agad dahil wala ang tattoo nito sa mukha.Tumingin ako sa dalawang matanda. “Hindi ata kayo na-update na may ta

    Last Updated : 2024-12-10
  • Entangled With The Mafia    Kabanata 6

    Pagkatapos ng aming pag-uusap tungkol sa mga gagawin ay dinala ako ng dalawang babae sa cafeteria ng gusali.Nakita ko naman agad ang dalawang matanda na kumakain sa isang lamesa kaya hindi ko na hinintay pa ang mga babae at kusa ko nang binilisan ang aking paglalakad para makalapit sa dalawa.“Oh hija, kumusta naman ang pagpa-plano ninyo?” tanong agad ni detective Custodio pagdating ko sa pwesto nila. Kusa ko na rin inimbitahan ang aking sarili sa lamesa nila sa pamamagitan ng pag-upo sa isa sa mga upuan dito dahilan para wala ng nagawa ang dalawang babae at sinenyasan na lang sila ni Mr. La Peña na hayaan na lamang ako.“Maayos naman ang pagpa-plano, hindi ko nga lang inaasahan na mang-aakit pala ang role ko,” sarkastikong sagot ko sa kanya. Mahina itong tumawa at kumunot naman ang noo ni Mr. La Peña sa pagtataka.“Akala ko ba gagawin mo ang lahat?” tanong ni Mr. La Peña.“Hindi ako nagrereklamo, Mr. La Peña, hindi ko lang talaga inaasahan ang role ko,” saad ko rito dahilan para sum

    Last Updated : 2024-12-13
  • Entangled With The Mafia    Kabanata 7

    Hindi ko magawang kumurap. Kahit hindi ko na masyadong naaaninag ang mukha ng lalaki ay parang may kung ano pa ring nagpipigil sa akin na putulin ang aming tinginan.“Ikaw ba si Abegail?”Nawala lamang ang aking tingin sa pwesto ng mga estranghero nang may lumapit sa akin na lalaking nakapormal ang suot at naka-shade. Kumunot ang aking noo na tinignan ito pero agad ko rin naalala ang aming plano.“Ako nga,” sagot ko rito.Tumango naman ito at tumingin sa pwesto ng matanda, sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ang matanda na tumango sa amin. Tumaas ang aking mga balahibo sa takot na aking nararamdaman at wala sa sarili akong napalingon sa direksyon ng mga estranghero.Nagulat naman ako nang hindi ko na sila makita pa. Inikot ko ang aking mga mata pero dahil sa magulong mga ilaw ay tuluyan ko na silang hindi nakita.“Sumama ka sa akin,” wika ng lalaking nasa aking harapan at nagsimula na maglakad paalis.Sa mabibigat na mga hakbang ay pinilit ko ang aking sariling sumunod dito. “Kaya

    Last Updated : 2024-12-15
  • Entangled With The Mafia    Kabanata 8

    Inangat nito ang kanyang kanang kamay na may hawak na baril at agad itong pinaputok sa aking direksyon.Napaupo naman ako agad at niyakap ang aking mga braso, at nang lingunin ko ang aking likuran ay may lalaki ng nakahandusay doon.Lumapit sa akin iyong lalaking sumipa sa pinto kagabi. Pinatayo niya ako't tinulak sa pader malapit sa pinto at tinutukan ako ng baril.“Bakit nandito ka na naman? Hindi ba't ikaw rin 'yong babae kagabi?” kunot ang noong tanong nito.Napalunok ako at isa-isa silang tinignan. Napako naman agad ang aking tingin sa boss nilang seryoso lamang ang mukha at kung titignan sa mga mata ay para pa rin itong walang buhay. Nakatali ang kanyang mahabang buhok pero may mga tumatakas pa rin na napupunta sa kanyang mukha.“Nagsinungaling kang hindi ka babae ni Guevano,” wika pa nito habang nanatili namang tahimik ang dalawang lalaki. Kinasa nito agad ang kanyang baril at tinutok sa akin.“Papa*tayin na ba natin 'to, boss?” tanong nito sa boss nila.“Get rid of her,” inuli

    Last Updated : 2024-12-16
  • Entangled With The Mafia    Kabanata 9

    Wala sa sarili akong lumabas ng Club.Inikot ko ang aking mga mata at bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ang van sa hindi kalayuan. Tumakbo agad ako papunta doon dahil sa pagkasabik na aking naramdaman at pagkarating ko ay bumukas agad ang back door nito.Pero natigilan ako at agad humupa ang pagkasabik na aking naramdaman nang makita ang bigo at sugatang hitsura ng aking mga kasama. Kusang tumulo sa aking pisngi ang mainit na likido mula sa aking mga mata.“Nasaan ang kaibigan ko?” tanong ko kahit alam ko na ang posibleng sagot.Bumuntong hininga lamang ang lalaking leader ng grupong ito at iniwas naman ng iba ang kanilang tingin sa akin. Doon ko lamang napansin na kulang sila. Hinanap ng aking mga mata ang babaeng maganda na nakausap ko kanina sa dressing room.“B-Bakit kulang kayo?” tanong kong muli. Walang nagsalita sa kanila kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng masama. May nangyari ba sa babae? Maya-maya pa ay tumunog na ang sasakyan hudyat na aalis na kami kaya sumakay

    Last Updated : 2024-12-17
  • Entangled With The Mafia    Kabanata 10

    Kinabukasan ay maaga kaming ginising tatlo dahil may mahalagang pag-uusapan daw ang aming grupo kasama si Mr. La Peña.Nandito na kami ngayon sa parehong kwarto kung saan kami nag-discuss ng plano kahapon, at tanging si Mr. La Peña na lamang ang aming hinihintay.“Nagmamadali masyado si Mister Head, he couldn't really afford to lose Patricia,” ani ng isang lalaking kasama namin.“Syempre matagal na ang serbisyo ni Patricia dito eh,” saad naman ng isa pang lalaki.Nakikinig lamang ako sa kanila at nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng isang lalaking 'yon sa sinabi niyang masyadong nagmamadali si Mr. La Peña. Tinignan ko sina Aida at Leila, pero seryoso lamang ang kanilang mga mukha at mukhang walang balak na makisali sa usapan ng dalawang lalaki.Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Mr. La Peña kasama si detective Custodio at may dalawa pang lalaking mga pormal ang suot.“Good morning,” bati ni Mr. La Peña pero walang tumugon na kahit isa sa amin. Hindi na

    Last Updated : 2024-12-18

Latest chapter

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 23

    Nagising ako dahil sa ingay na parang may nagtatalo.“Dapat ay matagal na natin pinatay ang Argus na 'yon, alam kong traydor siya.”“Masyado siyang magaling magpanggap.”“Really? Pinatay ninyo ang matagal na natin nakasama dahil lang sa babaeng 'yan? Sana hinayaan niyo na lang si Argus na gaha—”Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang aking tingin. Nandito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na malawak na kwarto at nandito rin silang lahat sa loob. Inalala ko naman agad ang nangyari kanina. May gustong dumukot sa akin at nawalan ako ng malay no'ng dumating na sina Astervan kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.“Ynah! Mabuti naman at nagising ka na.” Agad lumapit si Patricia sa akin kaya tumingin ang lahat sa akin.Tinignan ko si Astervan. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang posibleng iniisip niya sa mga oras na 'to, binaling ko naman ang aking tingin kay Lilian, matulis ang kanyang tingin sa akin na parang hindi niya nagustuhan na nagising p

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 22

    Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong aking nalaman. May karamay na ako ngayon, at gagawin namin ang lahat para mahanap ang kaibigan ko. Nasa loob na ako ng kwarto ngayon. Maga-alas tres pa lang ng hapon pero buryong-buryo na ako rito sa loob. Ayaw ko naman lumabas kasi natatakot ako doon.Hindi ko pa naman alam kung nasaan si Astervan Canvarro.Pagkatapos kasi ng usapan doon sa isang kwarto kanina ay nauna na itong umalis. Si Patricia na nga lang ang naghatid sa akin dito sa kwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya nakaramdam ako ng pagkasabik at agad nagpunta roon. Pero nawala rin agad ang aking pagkasabik nang makita ang isa sa mga kasambahay rito na may hawak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at isang platito ng cheesecake.Akala ko si...“Meryenda mo po, ma'am,” wika nito kaya hindi ko maiwasang mailang.Tinanggap ko ito, “Naku, huwag niyo po akong tawaging ma'am, ate. Ynah na lang po.”Tipid lamang itong ngumiti sa akin. “Aalis na po ako,” paalam

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 21

    Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko naman si Patricia doon. Narinig ko ang ingay sa loob ng kwarto kaya nasisiguro kong maraming tao doon.Hindi ko namalayan ang paggalaw ni Astervan sa kanyang kinatatayuan kanina at nakita ko na lamang siya nauna ng maglakad papasok sa kwarto. Sumunod na rin ako at nakita ko sa loob ang lahat ng lalaking kasama ni Astervan no'ng gabi sa bar kung saan nawala si Dana.Tanging kami lang ni Patricia ang babae rito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot dahil sa malalalim na tingin na binibigay ng mga lalaki sa akin. Pero agad din ako tumingin kay Astervan.“Update?” tanong nito kaya lumapit sa kanya ang lalaking pula ang buhok.Doon ko lang tinignan ang malaking whiteboard sa harap namin at agad nakuha ang aking atensyon ng malaking litrato na nasa gitna nito. Si Dana...Lumapit ako rito at tinignan ng buo ang mga nakasulat, may mga arrow na kumukonekta sa litrato ni Dana sa ibang mga litratong nakadikit sa whiteboard.Sa mga

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 20

    Naabutan namin sa dining area si Patricia kasama ang pamilyar na lalaki, at ang babaeng masama na naman ang tingin sa akin.Hindi ko na lamang ito pinansin at tipid na lang akong ngumiti sa nakangiti ring si Patricia. May relasyon ba si Patricia at ang lalaking pamilyar na 'to? Habang tumatagal na tignan ko silang dalawa ay parang mas nagiging pamilyar silang dalawa sa akin.Nang makaupo kaming dalawa ni Astervan ay agad kaming binigyan ng plato, kutsara, at tinidor ng mga maid. Magkaharap kaming dalawa, katabi ko si Patricia at katabi naman ni Astervan ang isang babae. Agad naman siyang nilagyan ng pagkain ng babae sa kanyang plato kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanila.Parang asawa kung alagaan ng babae si Astervan. Imposible namang wala silang relasyon niyan.“Hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa 'yo, Aisynah Sorrengil, right? I'm Dancel Hernandez,” Wika no'ng lalaking pamilyar kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang pangalan niya, pero ngumiti na lang ako sa pormal

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 19

    “Nakuha mo na ba ang pinabigay ko?” tanong agad nito.Napalunok naman ako bago ito sinagot, “O-Oo, hanatid ni Patricia. S-salamat...”Nagulat ako sa aking sinabi, wala naman kasi akong planong tanggapin iyon pero kusa ng nagpasalamat ang aking bibig.Yumuko ako agad dahil naiilang ako sa kanyang hitsura. Wala na nga itong damit pang-itaas tapos basang-basa pa ang kanyang mahabang buhok na halatang kakatapos lang niyang maligo.Lumipas ang isang minuto na hindi ito nagsalita kaya nag-angat ako ng aking tingin na deretso sa kanyang mukha. Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagtataka.“What's bothering—”“A-Anong p—”Natigilan kaming dalawa dahil sa sabay naming pagsasalita. Mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang kaya nagpakawala ako ng malakas na pagbuntong.“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka na umalis,” wika ko rito. “Kakain na,” ani nito kaya nagulat ako. Bigla namang kumalam ang aking tiyan kaya napahawak ako rito, naramdaman ko agad ang pag-in

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 18

    “Sa tingin mo ba mapapalitan mo ako rito?”Halos mapalundag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at nanlaki agad ang aking mga mata nang makita ang babaeng dumikit kay Astervan kanina. Masama ang tingin nito sa akin at parang ano mang oras ay papat*yin ako nito.“W-Wala akong planong palitan ka,” ani ko rito sa aking nanginginig na boses. Napaatras na rin ako pero agad ko rin naramdaman ang cabinet sa aking likuran.Pero teka, ano ba ang ibig niyang sabihin? Anong papalitan ko siya?Bigla itong tumawa kaya nagulat ako. Baliw ba ang babaeng 'to?“Walang plano? Pagkatapos mong magpunta rito?” Hindi ko maintindihan ang kanyang pinupunto pero isa lang ang masasabi ko, baliw siguro talaga ang babaeng 'to. Madiin kasi ang pagkakasabi niya no'n pero nakangisi siya ng nakakaloko.“N-Napilitan lang akong sumama rito,” wika ko pero tumawa na naman ulit siya.“Napilitan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw pa pinilit ni Aster na sumama sa kanya?” mga tanong nito

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 17

    Maga-alas singko na ng umaga nang makalabas kami ng apartment ko. Madilim pa sa labas kaya hindi kami ganoon ka nahirapan. Bago kami tuluyang umalis ay iniwan ko sa labas ng unit ni aling Evangeline ang sulat na sinulat ko kanina para sa kanya.Ayaw kong mag-alala sila dahil aalis na naman ako bigla, kaya kahit sa sulat man lang ay makapagpaalam ako.Pagkarating namin sa labas ng apartment building ay biglang may dumating na itim na van sa harap namin, agad itong bumukas kaya sumakay na kami agad.Hindi ko alam kung sino ang kasama namin dahil madilim sa loob, wala akong ibang makita kung hindi ay ang umiilaw lang na dashboard.“Ayos ka lang ba, boss?” rinig kong tanong ng hindi pamilyar na boses ng lalaki.“Siguraduhin niyong mauubos lahat ng miyembro ng walang kwentang grupong iyon.”Napalunok ako dahil sa malamig na boses na iyon ni Astevan Canvarro.“Copy, boss.”Pagkatapos ng mabilis na usapang iyon ng lalaki at ng taong hindi pamilyar ang boses ay naging tahimik na ang buong bya

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 16

    Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Ilang minuto na ang nakalipas simula no'ng iwan ko sa sala ang lalaki, pagkatapos kasi niyang sabihin ang mga salitang iyon ay sinilip ko siya at nakita ko namang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata kaya naisip kong nagde-deliryo lamang ito.Bakit niya naman sasabihin ang mga salitang iyon sa akin? Hindi naman kasi porket tinulungan ko siya ay magsasalita na siya ng ganoon. Hindi naman siguro siya 'yong klase ng taong mabilis madala sa ginagawa ng ibang tao.Mula rito sa aking kwarto ay makikita sa bukas na pintuan ang sofa, hindi ko nakikita ang lalaki dahil nakahiga ito pero nasisiguro ko naman na nandoon pa rin siya dahil kanina ko pa hindi inaalis ang aking tingin doon. Tuluyan na rin akong hindi dinalaw ng antok at nang tignan ko naman ang oras ay maga-alas tres na pala ng madaling araw. Hindi ko alam kung bakit nababahala ng sobra ang isip ko sa sinabi ng lalaking 'yon pero nagpapasalamat na lamang ako na dahil doon ay hindi ko na kailang

  • Entangled With The Mafia    Kabanata 15

    Nang matapos ko siyang punasan sa kanyang dibdib ay agad akong tumayo at nagtungo sa kusina para itapon ang tubig na tuluyan ng naging kulay pula.Mabilis pa rin ang tibok ng aking dahil sa takot.Hindi imposibleng mamat*y ako ngayon. Dapat ba akong tumawag ng police? Dapat ko bang tawagan si detective Custodio?Na-offend ko ba siya ng sobra no'ng araw na 'yon para pat*yin na niya talaga ako? Nagpapanggap lang siguro ang lalaking iyon na hinang-hina na siya para makapasok dito at tahimik akong pat*yin.Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa aking isip. Natatakot ako para sa buhay ko. Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko nasisigurong ligtas na si Dana. Wala naman kasi akong magagawa kung magiging multo na lang ako bigla.Habang nilalabhan ko ang tela ay tahimik din akong nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa akin ngayong gabi. Hindi ko kailangan bumalik agad doon sa sala dahil wala naman akong gagamuting sugat sa kanyang katawan.Nili

DMCA.com Protection Status