Mahigit kalahating oras na simula no'ng umalis dito sa istasyon ang mga magulang ni Dana. Hindi na rin nila ako kinausap bago sila umalis. Pumasok naman agad ang detective sa opisina ng chief ng mga police nang dumating ito kaya mag-isa akong naiwan ako rito sa labas.
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Parang masisiraan na rin ako ng bait kakaisip kung ano ang dapat kong gawin. Tumatakbo ang oras na hindi ko alam kung ano na ang sitwasyon ni Dana ngayon.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at sinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan dito sa labas ng istasyon. Nararamdaman ko na ang pagod sa aking buong katawan pero mababaliw lamang ako 'pag nagpahinga ako. Mariin kong pinikit ang aking mga mata pero biglang nagpakita sa aking ala-ala ang nangyari kagabi. Kung paanong nawala na lang bigla sa aking paningin si Dana.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mga mata at tinignan kung sino ito ay napaupo ako agad ng maayos.
“Hindi ka pa ba uuwi, hija?” tanong ng detective. Tinanggal nito ang cowboy hat na suot at nakangiting tumingin sa akin.
Hindi ako sumagot sa kanya at tinignan ko lamang siya. May kulubot na ang kanyang mukha dahil sa katandaan, sa tingin ko nasa singkwenta na ang edad nito. Pero hindi maipagkakailang gwapo ito noong kabataan niya.
“Nasa mga Guevano ang kaibigan mo kasama ang ibang mga babae,” biglang wika nito pagkatapos ng ilang minutong hindi ako nagsalita.
“Bakit nila dinala ang kaibigan ko?” Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng mga salitang sasabihin.
Nagpakawala ng malalim na paghinga ang detective. “Mahilig mangolekta ng magagandang mga babae ang organisasyong Guevano, ginagamit nila sila para ilaban sa mga underground pageant at ang iba naman ay ginagamit ng matandang Guevano sa kama,” paliwanag ng detective. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huling sinabi nito.
“S-si Dana, kailangan mahanap na siya agad,” naiiyak na wika ko.
“Tulad ng sinabi ko sa mag-asawang Adviano, tutulong ang Intelligence Agency sa paghahanap. Kailangan lamang natin maghintay ng tamang pagkakataon,” saad ng detective kaya marahas akong napatayo.
“Hindi pwedeng maghintay lang tayo! Nasa panganib ang buhay ng kaibigan ko, kailangan na natin siyang hanapin!”
Pinagtitinginan kami ng mga police na nandito sa labas ng istasyon pero wala na akong pakialam sa kanila. Hindi pwedeng uupo lang kami rito habang nasa panganib ang kaibigan ko. Kailangan ko mag-isip ng paraan.
“Kumalma ka, walang mangyayari kung magpapadalos-dalos tayo. Hindi iyon makakatulong para mahanap ang kaibigan mo, kailangan mong magtiwala sa Intelligence Agency,” ani ng detective.
“Pero hindi pwedeng nakaupo lang tayo rito, baka kung ano na ang nangyari kay Dana,” mahina ang pagkakasabi ko sa huling mga salita. Hindi ko kayang isipin na may nangyari ng masama sa kaibigan ko.
“Alam ko, pero matatanggap mo ba ang magiging kahinatnan 'pag nagpadalos-dalos tayo?”
Natigilan ako sa sinabi ng detective. Hindi ko gustong maghintay lang pero tama siya, hindi pwedeng magpadalos-dalos.
“Kung may magagawa lamang ako,” nawawalan ng pag-asang saad ko at matamlay na umupo ulit sa upuan.
“May magagawa ka,” wika ng detective kaya tumingin ako sa kanya. Nagtatanong ang aking mga matang tinitigan siya habang mariin naman ang kanyang kanyang tingin sa akin.
“Maganda ka,” saad nito kaya kumunot ang aking noo. “At malakas ang prinsipyo mo, pwede kang tumulong sa amin.”
“Anong magagawa ko?” walang pagdadalawang-isip na tanong ko. Kahit ano gagawin ko may magawa lang ako para maligtas si Dana.
Ilang segundo muna akong tinitigan ng detective bago ito matamis na ngumiti sa akin. “Sumama ka sa akin,” wika nito at tumayo na sabay suot sa kanyang cowboy hat.
Tumayo na rin ako agad at walang pag-aatubiling sumunod sa kanya. Lumapit ang detective sa isang pulang Rover na naka-park sa labas ng istasyon, binuksan nito ang upuan sa passenger seat at sinenyasan akong pumasok. Pumasok naman ako agad at umupo. Umikot ang detective at binuksan ang pinto ng driver seat. Pinaandar na niya agad ang makina pagkapasok niya at nagsimula na nga kaming bumyahe papunta sa hindi ko alam kung saan.
“Malakas talaga ang prinsipyo mong matulungan ang kaibigan mo hindi ka man lang nagdalawang-isip na sumama sa akin,” wika ng detective.
“Siguraduhin mo lang na wala kang gagawing masama sa akin,” banta ko rito. Nagkibit-balikat lamang ang detective at tinuon na ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.
Walang akong ibang ginawa sa buong byahe kung hindi ay isipin ang lahat ng posibilidad na magagawa ko para mahanap si Dana. Lahat gagawin ko, kahit ikakapahamak ko pa.
Lumipas ang halos isang oras na nasa byahe pa rin kami. Kumunot naman ang aking noo nang makilala ang daang tinatahak namin. Bakit pupunta kami sa Paloma?
“Nasa Paloma ang agency,” wika ng detective na tila ba nababasa ang laman ng aking isip. Kung ganoon pupunta kami sa agency na sinasabi niya.
Maraming gusali't mga tao ang nadadaanan namin, hindi maipagkakaila sa hitsura ng lugar na mas matagumpay ito kaysa Dasdaris sa larangan ng ekonomiya.
Pagkalipas ng sampung minuto ay bumagal na ang takbo ng sasakyan at maya-maya pa ay tumigil na ito sa harap ng isang mataas na gusali. Tinignan ko ang taas nito mula rito sa loob ng sasakyan. Lima ang palapag nito at may malalaking letra sa pasukan ng gusali na kung basahin ay ‘Intelligentia Propellente’.
Hindi ko namalayang nakalabas na pala ng sasakyan ang detective, nakita ko na lamang ito sa labas ng passenger seat at nakaharang sa tanawin sa labas. Binuksan nito ang pinto at agad naman akong lumabas.
“Sumunod ka lang sa akin,” wika nito at nagsimula ng maglakad papasok. Sumunod naman ako agad.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ay pinagtitinginan na agad kami ng mga taong nakasuot ng pormal na kasuotan, mapa-babae man o lalaki ay mga suit pants ang kanilang mga suot. Ang iba sa kanila ay tumango sa detective habang ang iba naman ay binalik na ang kanilang atensyon sa mga ginagawa.
Hindi ko maiwasang humanga rito sa loob. Malinis at moderno tignan ang interior ng gusali. At mas lalo pa akong humanga nang i-angat ko ang aking tingin at nakita ang salamin na sahig sa ikalawang palapag.
Hindi ko namalayang tumigil na pala ang detective, naramdaman ko na lamang ang aking pagkabangga sa matigas na bagay kaya tinignan ko ito. Kumunot naman ang aking noo nang makitang ang likod pala ito ng detective. Matigas pa pala ang kanyang katawan sa kabila ng katandaan?
“Hindi ka man lang nagbigay alam sa sekretarya ko na darating ka pala, detective Custodio.”
Napaatras ako ng isang hakbang at tumabi sa detective. Tinignan ko ang nagsalita. Isang lalaking may katandaan na rin at walang buhok ang nakatayo sa harap namin kasama ang dalawang babaeng pormal ang mga kasuotan katulad ng mga nadaanan namin.
Bakit parang napapadalas na ata ang pakikipagtagpo ko sa isang lalaking walang buhok? Sana naman hindi ito manyak katulad no'ng lalaki kagabi.
“Wala namang magbabago kahit nagbigay alam pa ako, hindi niyo naman mapipigilan ang pagparito ko,” wika ng detective. Mahinang tumawa ang lalaki sa harap namin at tinignan ako. “Sino naman itong dala mo, detective?” tanong nito
Tinignan ako ng detective, nakipagtitigan lang din ako sa kanya dahil hindi ko alam ang gagawin. “Magpakilala ka, hija,” ani nito. Oo nga pala, hindi niya rin alam ang pangalan ko.
“I-m Aisynah Sorrengil,” pagpapakilala ko at bahagyang yumuko.
“Siya nga pala ang head ng agency na ito, hija. Si Mr. Barion La Peña,” pagpapakilala naman ng detective sa kaharap namin. Ngumiti naman ito sa akin.
“Sa tingin ko ay kailangan natin pumasok sa aking opisina para pormal na mag-usap,” wika ni Mr. La Peña. May sinenyas siya sa dalawang babae at agad naman lumapit ang mga ito sa akin. Tumalikod na rin agad si Mr. La Peña at nagsimulang maglakad, sumunod ang detective sa kanya at susunod na rin sana ako nang pigilan ako ng dalawang babae. Kumunot ang aking noo. Akala ko ba mag-uusap kami?
“Babalik kami, miss Sorrengil,” wika ng detective bago ito tuluyang umalis.
Tinignan ko ang dalawang babae. “Sumama ka sa amin,” ani ng isa sa kanila at nagsimulang maglakad papunta sa kabilang direksyon.
Tinignan ko ang pinuntahan ng dalawang matanda pero hindi ko na sila nakita pa kaya sumunod na lang ako sa dalawang babae hanggang sa pumasok kami sa elevator. Pinindot ng isang babae ang ikalimang palapag pagkapasok namin. Kahit nagtataka kung saan nila ako dadalhin ay hindi na ako nagtanong pa. Naghintay na lamang ako na makarating kami sa patutunguhan namin.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakarating na kami sa ikalimang palapag. Paglabas namin ng elevator ay agad kong tinignan ang sahig. Hindi na ito salamin tulad no'ng sa ikalawang palapag. Inikot ko naman ang aking tingin. Mga pinto lamang ang nakikita ko rito.
Nilakbay namin ang pasilyo hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan ito ng isang babae at bumungad naman agad sa amin ang dalawang matanda kanina na nakaupo sa sofa at humihigop ng kape.
Pumasok kami sa loob at hindi ko naman maiwasang makaramdam agad ng lamig. Inikot ko ang aking tingin sa loob, malawak at malinis ang paligid. Pero napako ang aking tingin sa malaking whiteboard malapit sa isang lamesa.
May limang litrato ito ng mga pamilyar na mukha at hindi ko maiwasang maramdaman muli ang takot na aking naramdaman kagabi. Agad akong lumapit dito at tinitigan ang litrato ng isang tao. Binasa ko sa mahinang boses ang mga letrang nakasulat sa baba ng litrato.
“Astervan Canvarro”
“Kilala mo ba sila?”Napatingin ako kay Mr. La Peña nang itanong niya iyon. “S-Sila iyong mga lalaking nagdala ng gulo kagabi,” sagot ko at tinignan muli ang litrato ng mga estranghero kagabi.Kahit litrato lamang ang nakikita ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot dahil sa mapanganib nilang mga mata.Binasa ko isa-isa ang mga pangalan nila. Dancel pala ang pangalan no'ng lalaking pamilyar, Dancel Hernandez. Hindi ko pa rin matukoy kung saan ko ito nakita noon basta ang alam ko nakita ko na ito.Tinignan ko naman ang litrato ng lalaking pula ang buhok, nakangisi ito ng nakakaloko sa litrato. Lucas Ardiente naman ang kanyang pangalan niya.Ibinaling ko naman ang aking tingin sa katabi nitong litrato, ito naman ang lalaking sumipa sa pinto—si Rafael Tarano.Nang makita ko naman ang litrato ng lalaking mahaba rin ang buhok tulad ng boss nila ay napangiwi ako agad dahil wala ang tattoo nito sa mukha.Tumingin ako sa dalawang matanda. “Hindi ata kayo na-update na may ta
Pagkatapos ng aming pag-uusap tungkol sa mga gagawin ay dinala ako ng dalawang babae sa cafeteria ng gusali.Nakita ko naman agad ang dalawang matanda na kumakain sa isang lamesa kaya hindi ko na hinintay pa ang mga babae at kusa ko nang binilisan ang aking paglalakad para makalapit sa dalawa.“Oh hija, kumusta naman ang pagpa-plano ninyo?” tanong agad ni detective Custodio pagdating ko sa pwesto nila. Kusa ko na rin inimbitahan ang aking sarili sa lamesa nila sa pamamagitan ng pag-upo sa isa sa mga upuan dito dahilan para wala ng nagawa ang dalawang babae at sinenyasan na lang sila ni Mr. La Peña na hayaan na lamang ako.“Maayos naman ang pagpa-plano, hindi ko nga lang inaasahan na mang-aakit pala ang role ko,” sarkastikong sagot ko sa kanya. Mahina itong tumawa at kumunot naman ang noo ni Mr. La Peña sa pagtataka.“Akala ko ba gagawin mo ang lahat?” tanong ni Mr. La Peña.“Hindi ako nagrereklamo, Mr. La Peña, hindi ko lang talaga inaasahan ang role ko,” saad ko rito dahilan para sum
Hindi ko magawang kumurap. Kahit hindi ko na masyadong naaaninag ang mukha ng lalaki ay parang may kung ano pa ring nagpipigil sa akin na putulin ang aming tinginan.“Ikaw ba si Abegail?”Nawala lamang ang aking tingin sa pwesto ng mga estranghero nang may lumapit sa akin na lalaking nakapormal ang suot at naka-shade. Kumunot ang aking noo na tinignan ito pero agad ko rin naalala ang aming plano.“Ako nga,” sagot ko rito.Tumango naman ito at tumingin sa pwesto ng matanda, sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ang matanda na tumango sa amin. Tumaas ang aking mga balahibo sa takot na aking nararamdaman at wala sa sarili akong napalingon sa direksyon ng mga estranghero.Nagulat naman ako nang hindi ko na sila makita pa. Inikot ko ang aking mga mata pero dahil sa magulong mga ilaw ay tuluyan ko na silang hindi nakita.“Sumama ka sa akin,” wika ng lalaking nasa aking harapan at nagsimula na maglakad paalis.Sa mabibigat na mga hakbang ay pinilit ko ang aking sariling sumunod dito. “Kaya
Inangat nito ang kanyang kanang kamay na may hawak na baril at agad itong pinaputok sa aking direksyon.Napaupo naman ako agad at niyakap ang aking mga braso, at nang lingunin ko ang aking likuran ay may lalaki ng nakahandusay doon.Lumapit sa akin iyong lalaking sumipa sa pinto kagabi. Pinatayo niya ako't tinulak sa pader malapit sa pinto at tinutukan ako ng baril.“Bakit nandito ka na naman? Hindi ba't ikaw rin 'yong babae kagabi?” kunot ang noong tanong nito.Napalunok ako at isa-isa silang tinignan. Napako naman agad ang aking tingin sa boss nilang seryoso lamang ang mukha at kung titignan sa mga mata ay para pa rin itong walang buhay. Nakatali ang kanyang mahabang buhok pero may mga tumatakas pa rin na napupunta sa kanyang mukha.“Nagsinungaling kang hindi ka babae ni Guevano,” wika pa nito habang nanatili namang tahimik ang dalawang lalaki. Kinasa nito agad ang kanyang baril at tinutok sa akin.“Papa*tayin na ba natin 'to, boss?” tanong nito sa boss nila.“Get rid of her,” inuli
Wala sa sarili akong lumabas ng Club.Inikot ko ang aking mga mata at bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ang van sa hindi kalayuan. Tumakbo agad ako papunta doon dahil sa pagkasabik na aking naramdaman at pagkarating ko ay bumukas agad ang back door nito.Pero natigilan ako at agad humupa ang pagkasabik na aking naramdaman nang makita ang bigo at sugatang hitsura ng aking mga kasama. Kusang tumulo sa aking pisngi ang mainit na likido mula sa aking mga mata.“Nasaan ang kaibigan ko?” tanong ko kahit alam ko na ang posibleng sagot.Bumuntong hininga lamang ang lalaking leader ng grupong ito at iniwas naman ng iba ang kanilang tingin sa akin. Doon ko lamang napansin na kulang sila. Hinanap ng aking mga mata ang babaeng maganda na nakausap ko kanina sa dressing room.“B-Bakit kulang kayo?” tanong kong muli. Walang nagsalita sa kanila kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng masama. May nangyari ba sa babae? Maya-maya pa ay tumunog na ang sasakyan hudyat na aalis na kami kaya sumakay
Kinabukasan ay maaga kaming ginising tatlo dahil may mahalagang pag-uusapan daw ang aming grupo kasama si Mr. La Peña.Nandito na kami ngayon sa parehong kwarto kung saan kami nag-discuss ng plano kahapon, at tanging si Mr. La Peña na lamang ang aming hinihintay.“Nagmamadali masyado si Mister Head, he couldn't really afford to lose Patricia,” ani ng isang lalaking kasama namin.“Syempre matagal na ang serbisyo ni Patricia dito eh,” saad naman ng isa pang lalaki.Nakikinig lamang ako sa kanila at nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng isang lalaking 'yon sa sinabi niyang masyadong nagmamadali si Mr. La Peña. Tinignan ko sina Aida at Leila, pero seryoso lamang ang kanilang mga mukha at mukhang walang balak na makisali sa usapan ng dalawang lalaki.Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Mr. La Peña kasama si detective Custodio at may dalawa pang lalaking mga pormal ang suot.“Good morning,” bati ni Mr. La Peña pero walang tumugon na kahit isa sa amin. Hindi na
Alas 10 na ng umaga nang magising ako. At maga-alas onse na ngayon pero wala pa rin akong balak na bumangon.Nakatitig lamang ako sa kisame at nag-isip ng malalim.Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng isagawa namin ang huling misyon. At sa tulong ni detective Custodio ay nakauwi na rin ako agad kagabi. Pagkatapos no'ng bigo naming misyon ay nagplano na sila agad kung paano babawiin si Patricia, hindi na nila ako sinali sa kanilang pagpa-plano dahil hindi rin naman ako kasali sa kanilang misyon.Sinabi rin agad ni Mr. La Peña sa akin kahapon na wala na silang ideya kung saan na nagtatago ang matandang Guevano sa ngayon. Hindi na nila magawa pang subaybayan ang kinaroroonan nito at pakiwari nila'y doble na ang pag-iingat ng mga Guevano sa kanilang mga galaw dahil sa sunod-sunod na atakeng natanggap.Hindi ko mapigilang mariing mapapikit. Magli-limang araw na simula no'ng mawala si Dana. Dalawang bigong misyon na ang aming nagawa at dahil sa sunod-sunod na pagkabigong iyon ay mukh
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pwesto ni Astervan Canvarro.Malayo pa ako ay nag-angat na ito ng tingin sa akin kaya bahagyang kumunot ang aking noo. Ganoon pa rin ang tingin nito, seryoso pero parang walang buhay ang mga mata.Nasa akin lamang ang kanyang tingin hanggang sa makarating ako sa pwesto niya. Kinakabahan ako sa totoo lang, bumilis na rin ang tibok ng aking puso dahil hindi nito inaalis ang kanyang tingin sa akin.Parang umaatras na rin ang galit na aking nararamdaman at dahan-dahan iyon napapalitan ng kaba habang papalapit sa kanyan pero wala na akong magagawa dahil tuluyan na akong nakalapit sa pwesto niya.Hindi ko magawang makapagsalita agad kaya tumaas ang isang kilay nito.“Ang lakas naman ng loob mong magpakita at lumapit sa akin, nakakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo?”Namuo ulit ang galit sa aking dibdib pagkatapos niyang sabihin iyon. Nakakatakot pa rin ang kanyang tingin na binibigay sa akin pero mas lamang na ngayon ulit ang galit na aking nararamd
Nagising ako dahil sa ingay na parang may nagtatalo.“Dapat ay matagal na natin pinatay ang Argus na 'yon, alam kong traydor siya.”“Masyado siyang magaling magpanggap.”“Really? Pinatay ninyo ang matagal na natin nakasama dahil lang sa babaeng 'yan? Sana hinayaan niyo na lang si Argus na gaha—”Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang aking tingin. Nandito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na malawak na kwarto at nandito rin silang lahat sa loob. Inalala ko naman agad ang nangyari kanina. May gustong dumukot sa akin at nawalan ako ng malay no'ng dumating na sina Astervan kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.“Ynah! Mabuti naman at nagising ka na.” Agad lumapit si Patricia sa akin kaya tumingin ang lahat sa akin.Tinignan ko si Astervan. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang posibleng iniisip niya sa mga oras na 'to, binaling ko naman ang aking tingin kay Lilian, matulis ang kanyang tingin sa akin na parang hindi niya nagustuhan na nagising p
Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong aking nalaman. May karamay na ako ngayon, at gagawin namin ang lahat para mahanap ang kaibigan ko. Nasa loob na ako ng kwarto ngayon. Maga-alas tres pa lang ng hapon pero buryong-buryo na ako rito sa loob. Ayaw ko naman lumabas kasi natatakot ako doon.Hindi ko pa naman alam kung nasaan si Astervan Canvarro.Pagkatapos kasi ng usapan doon sa isang kwarto kanina ay nauna na itong umalis. Si Patricia na nga lang ang naghatid sa akin dito sa kwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya nakaramdam ako ng pagkasabik at agad nagpunta roon. Pero nawala rin agad ang aking pagkasabik nang makita ang isa sa mga kasambahay rito na may hawak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at isang platito ng cheesecake.Akala ko si...“Meryenda mo po, ma'am,” wika nito kaya hindi ko maiwasang mailang.Tinanggap ko ito, “Naku, huwag niyo po akong tawaging ma'am, ate. Ynah na lang po.”Tipid lamang itong ngumiti sa akin. “Aalis na po ako,” paalam
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko naman si Patricia doon. Narinig ko ang ingay sa loob ng kwarto kaya nasisiguro kong maraming tao doon.Hindi ko namalayan ang paggalaw ni Astervan sa kanyang kinatatayuan kanina at nakita ko na lamang siya nauna ng maglakad papasok sa kwarto. Sumunod na rin ako at nakita ko sa loob ang lahat ng lalaking kasama ni Astervan no'ng gabi sa bar kung saan nawala si Dana.Tanging kami lang ni Patricia ang babae rito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot dahil sa malalalim na tingin na binibigay ng mga lalaki sa akin. Pero agad din ako tumingin kay Astervan.“Update?” tanong nito kaya lumapit sa kanya ang lalaking pula ang buhok.Doon ko lang tinignan ang malaking whiteboard sa harap namin at agad nakuha ang aking atensyon ng malaking litrato na nasa gitna nito. Si Dana...Lumapit ako rito at tinignan ng buo ang mga nakasulat, may mga arrow na kumukonekta sa litrato ni Dana sa ibang mga litratong nakadikit sa whiteboard.Sa mga
Naabutan namin sa dining area si Patricia kasama ang pamilyar na lalaki, at ang babaeng masama na naman ang tingin sa akin.Hindi ko na lamang ito pinansin at tipid na lang akong ngumiti sa nakangiti ring si Patricia. May relasyon ba si Patricia at ang lalaking pamilyar na 'to? Habang tumatagal na tignan ko silang dalawa ay parang mas nagiging pamilyar silang dalawa sa akin.Nang makaupo kaming dalawa ni Astervan ay agad kaming binigyan ng plato, kutsara, at tinidor ng mga maid. Magkaharap kaming dalawa, katabi ko si Patricia at katabi naman ni Astervan ang isang babae. Agad naman siyang nilagyan ng pagkain ng babae sa kanyang plato kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanila.Parang asawa kung alagaan ng babae si Astervan. Imposible namang wala silang relasyon niyan.“Hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa 'yo, Aisynah Sorrengil, right? I'm Dancel Hernandez,” Wika no'ng lalaking pamilyar kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang pangalan niya, pero ngumiti na lang ako sa pormal
“Nakuha mo na ba ang pinabigay ko?” tanong agad nito.Napalunok naman ako bago ito sinagot, “O-Oo, hanatid ni Patricia. S-salamat...”Nagulat ako sa aking sinabi, wala naman kasi akong planong tanggapin iyon pero kusa ng nagpasalamat ang aking bibig.Yumuko ako agad dahil naiilang ako sa kanyang hitsura. Wala na nga itong damit pang-itaas tapos basang-basa pa ang kanyang mahabang buhok na halatang kakatapos lang niyang maligo.Lumipas ang isang minuto na hindi ito nagsalita kaya nag-angat ako ng aking tingin na deretso sa kanyang mukha. Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagtataka.“What's bothering—”“A-Anong p—”Natigilan kaming dalawa dahil sa sabay naming pagsasalita. Mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang kaya nagpakawala ako ng malakas na pagbuntong.“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka na umalis,” wika ko rito. “Kakain na,” ani nito kaya nagulat ako. Bigla namang kumalam ang aking tiyan kaya napahawak ako rito, naramdaman ko agad ang pag-in
“Sa tingin mo ba mapapalitan mo ako rito?”Halos mapalundag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at nanlaki agad ang aking mga mata nang makita ang babaeng dumikit kay Astervan kanina. Masama ang tingin nito sa akin at parang ano mang oras ay papat*yin ako nito.“W-Wala akong planong palitan ka,” ani ko rito sa aking nanginginig na boses. Napaatras na rin ako pero agad ko rin naramdaman ang cabinet sa aking likuran.Pero teka, ano ba ang ibig niyang sabihin? Anong papalitan ko siya?Bigla itong tumawa kaya nagulat ako. Baliw ba ang babaeng 'to?“Walang plano? Pagkatapos mong magpunta rito?” Hindi ko maintindihan ang kanyang pinupunto pero isa lang ang masasabi ko, baliw siguro talaga ang babaeng 'to. Madiin kasi ang pagkakasabi niya no'n pero nakangisi siya ng nakakaloko.“N-Napilitan lang akong sumama rito,” wika ko pero tumawa na naman ulit siya.“Napilitan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw pa pinilit ni Aster na sumama sa kanya?” mga tanong nito
Maga-alas singko na ng umaga nang makalabas kami ng apartment ko. Madilim pa sa labas kaya hindi kami ganoon ka nahirapan. Bago kami tuluyang umalis ay iniwan ko sa labas ng unit ni aling Evangeline ang sulat na sinulat ko kanina para sa kanya.Ayaw kong mag-alala sila dahil aalis na naman ako bigla, kaya kahit sa sulat man lang ay makapagpaalam ako.Pagkarating namin sa labas ng apartment building ay biglang may dumating na itim na van sa harap namin, agad itong bumukas kaya sumakay na kami agad.Hindi ko alam kung sino ang kasama namin dahil madilim sa loob, wala akong ibang makita kung hindi ay ang umiilaw lang na dashboard.“Ayos ka lang ba, boss?” rinig kong tanong ng hindi pamilyar na boses ng lalaki.“Siguraduhin niyong mauubos lahat ng miyembro ng walang kwentang grupong iyon.”Napalunok ako dahil sa malamig na boses na iyon ni Astevan Canvarro.“Copy, boss.”Pagkatapos ng mabilis na usapang iyon ng lalaki at ng taong hindi pamilyar ang boses ay naging tahimik na ang buong bya
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Ilang minuto na ang nakalipas simula no'ng iwan ko sa sala ang lalaki, pagkatapos kasi niyang sabihin ang mga salitang iyon ay sinilip ko siya at nakita ko namang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata kaya naisip kong nagde-deliryo lamang ito.Bakit niya naman sasabihin ang mga salitang iyon sa akin? Hindi naman kasi porket tinulungan ko siya ay magsasalita na siya ng ganoon. Hindi naman siguro siya 'yong klase ng taong mabilis madala sa ginagawa ng ibang tao.Mula rito sa aking kwarto ay makikita sa bukas na pintuan ang sofa, hindi ko nakikita ang lalaki dahil nakahiga ito pero nasisiguro ko naman na nandoon pa rin siya dahil kanina ko pa hindi inaalis ang aking tingin doon. Tuluyan na rin akong hindi dinalaw ng antok at nang tignan ko naman ang oras ay maga-alas tres na pala ng madaling araw. Hindi ko alam kung bakit nababahala ng sobra ang isip ko sa sinabi ng lalaking 'yon pero nagpapasalamat na lamang ako na dahil doon ay hindi ko na kailang
Nang matapos ko siyang punasan sa kanyang dibdib ay agad akong tumayo at nagtungo sa kusina para itapon ang tubig na tuluyan ng naging kulay pula.Mabilis pa rin ang tibok ng aking dahil sa takot.Hindi imposibleng mamat*y ako ngayon. Dapat ba akong tumawag ng police? Dapat ko bang tawagan si detective Custodio?Na-offend ko ba siya ng sobra no'ng araw na 'yon para pat*yin na niya talaga ako? Nagpapanggap lang siguro ang lalaking iyon na hinang-hina na siya para makapasok dito at tahimik akong pat*yin.Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa aking isip. Natatakot ako para sa buhay ko. Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko nasisigurong ligtas na si Dana. Wala naman kasi akong magagawa kung magiging multo na lang ako bigla.Habang nilalabhan ko ang tela ay tahimik din akong nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa akin ngayong gabi. Hindi ko kailangan bumalik agad doon sa sala dahil wala naman akong gagamuting sugat sa kanyang katawan.Nili