Chapter: Kabanata 23Nagising ako dahil sa ingay na parang may nagtatalo.“Dapat ay matagal na natin pinatay ang Argus na 'yon, alam kong traydor siya.”“Masyado siyang magaling magpanggap.”“Really? Pinatay ninyo ang matagal na natin nakasama dahil lang sa babaeng 'yan? Sana hinayaan niyo na lang si Argus na gaha—”Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang aking tingin. Nandito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na malawak na kwarto at nandito rin silang lahat sa loob. Inalala ko naman agad ang nangyari kanina. May gustong dumukot sa akin at nawalan ako ng malay no'ng dumating na sina Astervan kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.“Ynah! Mabuti naman at nagising ka na.” Agad lumapit si Patricia sa akin kaya tumingin ang lahat sa akin.Tinignan ko si Astervan. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang posibleng iniisip niya sa mga oras na 'to, binaling ko naman ang aking tingin kay Lilian, matulis ang kanyang tingin sa akin na parang hindi niya nagustuhan na nagising p
Huling Na-update: 2025-01-06
Chapter: Kabanata 22Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong aking nalaman. May karamay na ako ngayon, at gagawin namin ang lahat para mahanap ang kaibigan ko. Nasa loob na ako ng kwarto ngayon. Maga-alas tres pa lang ng hapon pero buryong-buryo na ako rito sa loob. Ayaw ko naman lumabas kasi natatakot ako doon.Hindi ko pa naman alam kung nasaan si Astervan Canvarro.Pagkatapos kasi ng usapan doon sa isang kwarto kanina ay nauna na itong umalis. Si Patricia na nga lang ang naghatid sa akin dito sa kwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya nakaramdam ako ng pagkasabik at agad nagpunta roon. Pero nawala rin agad ang aking pagkasabik nang makita ang isa sa mga kasambahay rito na may hawak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at isang platito ng cheesecake.Akala ko si...“Meryenda mo po, ma'am,” wika nito kaya hindi ko maiwasang mailang.Tinanggap ko ito, “Naku, huwag niyo po akong tawaging ma'am, ate. Ynah na lang po.”Tipid lamang itong ngumiti sa akin. “Aalis na po ako,” paalam
Huling Na-update: 2025-01-06
Chapter: Kabanata 21Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko naman si Patricia doon. Narinig ko ang ingay sa loob ng kwarto kaya nasisiguro kong maraming tao doon.Hindi ko namalayan ang paggalaw ni Astervan sa kanyang kinatatayuan kanina at nakita ko na lamang siya nauna ng maglakad papasok sa kwarto. Sumunod na rin ako at nakita ko sa loob ang lahat ng lalaking kasama ni Astervan no'ng gabi sa bar kung saan nawala si Dana.Tanging kami lang ni Patricia ang babae rito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot dahil sa malalalim na tingin na binibigay ng mga lalaki sa akin. Pero agad din ako tumingin kay Astervan.“Update?” tanong nito kaya lumapit sa kanya ang lalaking pula ang buhok.Doon ko lang tinignan ang malaking whiteboard sa harap namin at agad nakuha ang aking atensyon ng malaking litrato na nasa gitna nito. Si Dana...Lumapit ako rito at tinignan ng buo ang mga nakasulat, may mga arrow na kumukonekta sa litrato ni Dana sa ibang mga litratong nakadikit sa whiteboard.Sa mga
Huling Na-update: 2025-01-05
Chapter: Kabanata 20Naabutan namin sa dining area si Patricia kasama ang pamilyar na lalaki, at ang babaeng masama na naman ang tingin sa akin.Hindi ko na lamang ito pinansin at tipid na lang akong ngumiti sa nakangiti ring si Patricia. May relasyon ba si Patricia at ang lalaking pamilyar na 'to? Habang tumatagal na tignan ko silang dalawa ay parang mas nagiging pamilyar silang dalawa sa akin.Nang makaupo kaming dalawa ni Astervan ay agad kaming binigyan ng plato, kutsara, at tinidor ng mga maid. Magkaharap kaming dalawa, katabi ko si Patricia at katabi naman ni Astervan ang isang babae. Agad naman siyang nilagyan ng pagkain ng babae sa kanyang plato kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanila.Parang asawa kung alagaan ng babae si Astervan. Imposible namang wala silang relasyon niyan.“Hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa 'yo, Aisynah Sorrengil, right? I'm Dancel Hernandez,” Wika no'ng lalaking pamilyar kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang pangalan niya, pero ngumiti na lang ako sa pormal
Huling Na-update: 2025-01-05
Chapter: Kabanata 19“Nakuha mo na ba ang pinabigay ko?” tanong agad nito.Napalunok naman ako bago ito sinagot, “O-Oo, hanatid ni Patricia. S-salamat...”Nagulat ako sa aking sinabi, wala naman kasi akong planong tanggapin iyon pero kusa ng nagpasalamat ang aking bibig.Yumuko ako agad dahil naiilang ako sa kanyang hitsura. Wala na nga itong damit pang-itaas tapos basang-basa pa ang kanyang mahabang buhok na halatang kakatapos lang niyang maligo.Lumipas ang isang minuto na hindi ito nagsalita kaya nag-angat ako ng aking tingin na deretso sa kanyang mukha. Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagtataka.“What's bothering—”“A-Anong p—”Natigilan kaming dalawa dahil sa sabay naming pagsasalita. Mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang kaya nagpakawala ako ng malakas na pagbuntong.“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka na umalis,” wika ko rito. “Kakain na,” ani nito kaya nagulat ako. Bigla namang kumalam ang aking tiyan kaya napahawak ako rito, naramdaman ko agad ang pag-in
Huling Na-update: 2025-01-04
Chapter: Kabanata 18“Sa tingin mo ba mapapalitan mo ako rito?”Halos mapalundag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at nanlaki agad ang aking mga mata nang makita ang babaeng dumikit kay Astervan kanina. Masama ang tingin nito sa akin at parang ano mang oras ay papat*yin ako nito.“W-Wala akong planong palitan ka,” ani ko rito sa aking nanginginig na boses. Napaatras na rin ako pero agad ko rin naramdaman ang cabinet sa aking likuran.Pero teka, ano ba ang ibig niyang sabihin? Anong papalitan ko siya?Bigla itong tumawa kaya nagulat ako. Baliw ba ang babaeng 'to?“Walang plano? Pagkatapos mong magpunta rito?” Hindi ko maintindihan ang kanyang pinupunto pero isa lang ang masasabi ko, baliw siguro talaga ang babaeng 'to. Madiin kasi ang pagkakasabi niya no'n pero nakangisi siya ng nakakaloko.“N-Napilitan lang akong sumama rito,” wika ko pero tumawa na naman ulit siya.“Napilitan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw pa pinilit ni Aster na sumama sa kanya?” mga tanong nito
Huling Na-update: 2025-01-04