Share

Kabanata 2

Author: synayrah
last update Last Updated: 2025-03-02 16:50:55

“We're already married, kaya sa bahay ka na titira. Doon na kayo umuwi ng kapatid mo 'pag na-discharge na siya.”

Hindi magawang makapagsalita ni Madel pagkatapos iyon sabihin ni Franco. Kakatapos lang nilang kumain ngayon sa isang restaurant na malapit lang sa hospital at ngayon pa lang din sila nagkita ulit matapos ang tatlong araw.

Naging abala na kasi si Franco sa mga trabaho sa kompanya habang abala rin naman si Madel sa pag-aasikaso sa kapatid niya matapos nitong maoperahan. Naging successful naman ang operasyon at kailangan na lamang ng constant monitoring ng kanyang kapatid sa hospital kaya hindi pa sila pwedeng umuwi.

Hindi naman maiwasan ni Madel na isipin ang sinabi ni Franco. Binanggit na naman kasi nito ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila at gustuhin man niyang tumanggi ay nagdadalawang isip naman siya.

Wala na kasi silang uuwian ng kapatid niya dahil pinaalis na siya ng landlady ng apartment na tinitirahan nila, hindi na kasi niya kayang mabayaran pa ang tatlong buwang upa nila.

Pero natatakot naman siya sa kaisipang titira siya sa bahay ng lalaki, para na kasi talaga silang mag-asawa no'n kahit na kontrata lang naman ang lahat.

“P-pero sir—F-Franco,” agad niyang pagbawi sa paraan ng pagtawag niya rito nang tumaas ang isang kilay ng lalaki sa kanya. “P-parang hindi po kasi tama,” patuloy niya sa gusto niyang sabihin.

Kumunot naman ang noo ni Franco sa kanya. “Anong hindi tama? Kasal naman tayo kaya walang mali kung magsasama tayo sa isang bahay,” saad nito sa kanya.

“Kasi hindi naman totoong kasal talaga tayo, para lang naman kasi sa mga totoong nagmamahalan ang pagtira na magkasama sa iisang bahay,” walang pagdadalawang-isip na wika ni Madel.

Sumeryoso naman ang mukha ni Franco at maya-maya ay nagpakawala ito ng isang malalim na pagbuntong hininga bago nagsalita, “Kailangan na kita sa opisina, Madel. The new secretary is so dumb that I don't want to see her again, palagi na lang akong nale-late sa mga meeting dahil hindi naman nito ginagawa ng maayos ang trabaho niya.”

Nanlaki ang mga mata ni Madel sa gulat, nabobosesan niya rin kasi rito na parang pagod na pagod na talaga ito sa bagong sekretarya. “P-pero kailangan ko pa alagaan ang kapatid ko...”

“Kaya nga sa bahay na kayo tumira, maaalagaan ang kapatid mo roon dahil may mga kasambahay naman do'n. And you,” saad ni Franco at tinuwid ang kanyang pagkakaupo. “Kailangan mo na bumalik sa trabaho. Ikaw lang ang secretary na alam kong maayos magtrabaho kaya ikaw ang gusto ko, I don't want anyone else,” dagdag nito na mariing nakatitig sa mga mata ni Madel.

Bigla namang bumilis ang pintig ng kanyang puso sa sinabi ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung sinasadya ba nito o hindi talaga alam ng lalaki ang tamang pagpili ng mga salitang sasabihin.

Hindi naman niya maiwasang maalala ang ilang beses na pinagalitan siya nito dahil hindi niya raw ginagawa ng maayos ang kanyang trabaho. Narinig pa nga niya nuon na gusto siya nitong tanggalin at palitan. “Pero sinabi mo sa HR hindi ba na gusto mo akong palitan?” lakas-loob na tanong ni Madel.

Natigilan naman si Franco dahil hindi niya inaasahan ang tanong na 'yon. “You know it's rude to eavesdrop sa mga importanteng pag-uusap,” maya-maya ay wika nito.

Napayuko naman si Madel dahil nabobosesan niya ang pagkadismaya sa tinig ng lalaki. Pero hindi niya naman maiwasang maalala ang pag-eavesdrop din nito sa usapan nila ng kanyang ex sa parking lot ng hospital.

Gusto niya sana itong ipa-alala rito pero nakaramdam din agad siya ng takot na baka ay magalit na ito kaya tinikom na lamang niya ang kanyang bibig.

“Huwag kang mag-alala, titira lang tayo sa iisang bahay pero hindi naman natin gagawin ang gawain ng mag-asawa,” biglang wika ni Franco matapos ang ilang minutong katahimikan.

Inangat naman ni Madel ang kanyang tingin at agad nakita ang seryoso pa ring mukha ni Franco.

“O-okay,” walang magawang sagot na lamang ni Madel. Tumunog naman ang cellphone ni Franco kaya nabaling na ang atensyon nito doon.

Hindi naman maiwasan ni Madel na titigan ang mukha ng lalaki habang abala ito sa cellphone. Sa mga oras na ito ay wala na siyang ibang alam na paraan kung hindi ay umasa sa lalaki para pansamantalang gumaan ang kanyang buhay.

Walang-wala siya ngayon kaya malaki ang pasasalamat niya rito.

Bigla na man napaisip si Madel. Hindi pa kasi niya alam kung ano ang benepisyong nabibigay niya sa lalaki sa pagiging contract wife niya rito. Hindi pa kasi nito sinasabi sa kanya dahil hindi pa naman sila nag-usap ulit ng maayos.

Pero kahit ano pa ang hingin nito sa kanya ay nangako siya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para mabayaran ito sa lahat ng naitulong nito sa kanya at sa kanyang kapatid.

Pagkatapos ng ilan pang mga minutong pananatili nila sa loob ng restaurant ay naisipan na nilang lumabas na. Pareho rin kasi silang pupunta sa hospital, pinapapunta na naman kasi si Franco ng kanyang ama roon.

Nang makalabas na sila ay hindi nila inaasahang makita ang ex ni Madel kasama ang babae nito. Papasok pa lang ang mga ito sa restaurant samantalang sila ay kakalabas lang at nasa may entrance pa.

“Madel?” tawag ni Gideon sa kanya—ang ex-boyfriend niya, at bahagya pa itong lumapit sa kanilang dalawa ni Franco. Sumunod naman ang babaeng kasama nito kaya magkaharap na silang apat ngayon.

Tinitigan naman niya ito. Nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon pero nangako siya sa sariling hindi niya na ito ipapakita pa. Nakita naman niya ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin kay Franco kaya tinignan niya si Franco ngunit seryoso lamang ang mukha nito at hindi mahuhulaan kung ano ang posible nitong iniisip. 

“Sino 'yang kasama mo?” maya-maya ay tanong ni Gideon.

Magsasalita na sana si Madel nang hawakan ni Franco ang kamay niya. Gulat naman siyang napatingin dito lalo na nang makaramdam siya ng parang kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan mula sa magkahawak nilang kamay.

“I'm her husband,” sagot ni Franco dahilan para manlaki ang mga mata ni Madel.

Nagulat naman si Gideon na pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Franco. “Husband? You're joking, right?” hindi makapaniwalang tanong nito.

Tinaasan naman ito ng kilay ni Franco habang hindi naman alam ni Madel ang gagawin at sasabihin. Hindi niya kasi inaasahang sasabihin ni Franco ang status nilang dalawa, ang akala niya kasi ay sekreto lamang iyon.

“Love, who are they?” nagtatakang tanong ng babaeng kasama ni Gideon. Natauhan naman ang lalaking hindi pa rin maalis sa mukha ang pagkagulat at parang noon pa nito naalalang may kasama pala ito.

“An old acquaintance,” tipid na sagot nito dahilan para kumunot ang noo ni Madel. Nagtataka siya kung bakit hindi nito sinabi ang dating relasyon nilang dalawa, ngunit napatitig naman siya sa babae.

Galit siya rito, sa kanilang dalawa ng ex niya dahil akala niya ay alam nitong nakasira ito ng relasyon. Pero ngayon ay nawala na lang bigla ang galit na nararamdaman niya rito lalo na nang malamang wala pala itong alam.

Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang apat, halata rin sa mukha ng babae na hindi ito naniniwala sa sinabi ni Gideon. Pero si Franco na ang tumapos sa awkward nilang sitwasyon.

“Let's go, wife.”

Muli na namang nanlaki ang mga mata ni Madel at napakagat na lamang siya ng kanyang pang-ibabang labi dahil sa mga inaakto ni Franco.

Aalis na sana silang dalawa habang hawak ni Franco ang kanyang kamay nang biglang magsalita si Gideon. “I remember you, ikaw ang lalaki sa parking lot ng hospital na kasama ni Madel noong nakaraang tatlong araw. Paano ka niya naging asawa? Alam mo bang mahirap lang ang babaeng 'yan? Mauubusan ka ng pera—

“Ubusin niya na lahat sa akin, I won't mind. Lahat gagawin ko para maging masaya siya because I know that a happy wife is a happy life.”

Related chapters

  • The Contracted Marriage   Kabanata 3

    “Welcome home, Mrs. Salerno!”Napayuko si Madel dahil sa matinding pagkahiyang naramdaman dahil sa tawag ng apat na babaeng kasambahay sa kanya. “Madel na lang po,” wika niya at tinabihan ang kanyang kapatid. Lumapit naman ang kasambahay sa kanila at kinuha ang kanilang mga gamit. “Naku, kami na lang po,” pigil ni Madel sa mga ito. Tumigil naman ang mga kasambahay at tinignan si Franco na nakatayo sa hagdan at nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay.“Hayaan mo sila, Madel,” ani nito sa kanya at tinignan ang mga kasambahay. “Dalhin niyo na ang mga gamit sa kwarto nila.”Sumunod naman ang mga babae kay Franco at wala ring nagawa pa si Madel kaya hinayaan niya na lamang ang mga ito. Lumapit naman agad sa kanila ng kapatid niya si Franco.“How are you?” tanong ni Franco sa kapatid ni Madel. “Okay lang po, maraming salamat po sa tulong mo. Sinabi po ni ate na ikaw raw po ang tumulong sa amin, maraming-maraming salamat po talaga,” sagot naman ng kapatid ni Madel na medyo may pag

    Last Updated : 2025-03-03
  • The Contracted Marriage   Kabanata 4

    “P-pwede ko bang malaman kung bakit?”Pagkatapos ng ilang minuto ay si Madel na ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa pagitan nila. Naiilang siya, titig na titig pa rin kasi sa kanya si Franco at hindi man lang ito kumukurap. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang laman ng isip nito ngayon. Pero agad din naman niyang inalis sa isip niya ang mga posibleng iniisip ng lalaki.“What?” tanong ng lalaki sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mapagtantong hindi niya pala kinlaro ang kanyang tanong. “I-I mean, b-bakit kailangan natin ipakita kay chairman na totoong nagmamahalan tayo?”Umayos naman sa kanyang pagkakaupo si Franco bago sumagot, “Huwag mo na itanong ang bagay na 'yan. Basta't gawin mo lang ang hinihingi ko sa 'yo. Iyon lang, wala ng iba. You can still get back to your normal life dahil hindi naman natin palaging makikita si papa.”“O-okay,” sagot na lamang ni Madel. Gusto niya pa rin malaman ang rason nito pero mukhang hindi na niya mapipilit si Franco kay

    Last Updated : 2025-03-04
  • The Contracted Marriage   Panimula

    “Find yourself a wife or I else...” Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ni Franco Salerno, ang CEO ng Salerno Food and Beverage Corporation na isang leading company sa buong Pilipinas. Iyon ang mga salitang binitawan ng kanyang ama—na siyang kasalukuyang chairman ng kanilang kompanya, bago siya lumabas sa private room nito sa hospital kung saan ito dinala matapos nitong atakihin sa puso. Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng galit. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang i-pressure siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Hindi pa siya handang magpakasal, para sa kanya ay bata pa siya sa edad na dalawampu't siyam at plano niya ay 'pag nasa trenta na siya magpapakasal. Pero mukhang wala na rin siyang magagawa kung hindi ay sundin ang kagustuhan nito lalo na at binantaan siya nitong ililipat ang posisyon niya sa kompanya sa kanyang half brother na ayaw na ayaw niya dahil anak ito ng babae ng kanyang ama. Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga at pagk

    Last Updated : 2025-03-01
  • The Contracted Marriage   Kabanata 1

    “I will send money to your account later, gamitin mo 'yon para ma-operahan na agad ang kapatid mo. And after the operation, mag-usap tayo tungkol sa ibang mga kundisyon na nasa kontrata.”Kakatapos lang pumerma ni Madel at Franco sa kontrata na nagsasabing kasal na silang dalawang. Napalunok naman si Madel matapos iyon marinig na sabihin ng kanyang boss, pakiramdam niya ay sa isang iglap lang ay nawala na ang mabigat na problemang dala-dala niya.Matapos kasi ang pagkikita nila sa parking lot ng hospital kaninang umaga ay nakapagdesisyon agad siyang pumayag sa alok nito dahil wala na rin siyang ibang mapagpipilian pa. Kailangan na kasi niya ng tulong, kaya no'ng pumayag siya ay agad siyang dinala ng kanyang boss sa Local Civil Registry Office kung saan sila nagpermahan ng kontrata.“Maraming salamat po, sir. Babayaran ko po kayo, babalik din po ako agad sa trabaho at pagbubutihin ko pa po lalo ang mga gawain,” naiiyak na pasasalamat niya kay Franco na seryoso lang ang tingin sa kanya.

    Last Updated : 2025-03-01

Latest chapter

  • The Contracted Marriage   Kabanata 2

    “We're already married, kaya sa bahay ka na titira. Doon na kayo umuwi ng kapatid mo 'pag na-discharge na siya.”Hindi magawang makapagsalita ni Madel pagkatapos iyon sabihin ni Franco. Kakatapos lang nilang kumain ngayon sa isang restaurant na malapit lang sa hospital at ngayon pa lang din sila nagkita ulit matapos ang tatlong araw.Naging abala na kasi si Franco sa mga trabaho sa kompanya habang abala rin naman si Madel sa pag-aasikaso sa kapatid niya matapos nitong maoperahan. Naging successful naman ang operasyon at kailangan na lamang ng constant monitoring ng kanyang kapatid sa hospital kaya hindi pa sila pwedeng umuwi.Hindi naman maiwasan ni Madel na isipin ang sinabi ni Franco. Binanggit na naman kasi nito ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila at gustuhin man niyang tumanggi ay nagdadalawang isip naman siya.Wala na kasi silang uuwian ng kapatid niya dahil pinaalis na siya ng landlady ng apartment na tinitirahan nila, hindi na kasi niya kayang mabayaran pa ang tatlong buwang

  • The Contracted Marriage   Kabanata 1

    “I will send money to your account later, gamitin mo 'yon para ma-operahan na agad ang kapatid mo. And after the operation, mag-usap tayo tungkol sa ibang mga kundisyon na nasa kontrata.”Kakatapos lang pumerma ni Madel at Franco sa kontrata na nagsasabing kasal na silang dalawang. Napalunok naman si Madel matapos iyon marinig na sabihin ng kanyang boss, pakiramdam niya ay sa isang iglap lang ay nawala na ang mabigat na problemang dala-dala niya.Matapos kasi ang pagkikita nila sa parking lot ng hospital kaninang umaga ay nakapagdesisyon agad siyang pumayag sa alok nito dahil wala na rin siyang ibang mapagpipilian pa. Kailangan na kasi niya ng tulong, kaya no'ng pumayag siya ay agad siyang dinala ng kanyang boss sa Local Civil Registry Office kung saan sila nagpermahan ng kontrata.“Maraming salamat po, sir. Babayaran ko po kayo, babalik din po ako agad sa trabaho at pagbubutihin ko pa po lalo ang mga gawain,” naiiyak na pasasalamat niya kay Franco na seryoso lang ang tingin sa kanya.

  • The Contracted Marriage   Panimula

    “Find yourself a wife or I else...” Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ni Franco Salerno, ang CEO ng Salerno Food and Beverage Corporation na isang leading company sa buong Pilipinas. Iyon ang mga salitang binitawan ng kanyang ama—na siyang kasalukuyang chairman ng kanilang kompanya, bago siya lumabas sa private room nito sa hospital kung saan ito dinala matapos nitong atakihin sa puso. Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng galit. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang i-pressure siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Hindi pa siya handang magpakasal, para sa kanya ay bata pa siya sa edad na dalawampu't siyam at plano niya ay 'pag nasa trenta na siya magpapakasal. Pero mukhang wala na rin siyang magagawa kung hindi ay sundin ang kagustuhan nito lalo na at binantaan siya nitong ililipat ang posisyon niya sa kompanya sa kanyang half brother na ayaw na ayaw niya dahil anak ito ng babae ng kanyang ama. Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga at pagk

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status