Share

The Contracted Marriage
The Contracted Marriage
Author: synayrah

Panimula

Author: synayrah
last update Huling Na-update: 2025-03-01 19:14:33

“Find yourself a wife or I else...”

Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ni Franco Salerno, ang CEO ng Salerno Food and Beverage Corporation na isang leading company sa buong Pilipinas.

Iyon ang mga salitang binitawan ng kanyang ama—na siyang kasalukuyang chairman ng kanilang kompanya, bago siya lumabas sa private room nito sa hospital kung saan ito dinala matapos nitong atakihin sa puso.

Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng galit. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang i-pressure siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Hindi pa siya handang magpakasal, para sa kanya ay bata pa siya sa edad na dalawampu't siyam at plano niya ay 'pag nasa trenta na siya magpapakasal.

Pero mukhang wala na rin siyang magagawa kung hindi ay sundin ang kagustuhan nito lalo na at binantaan siya nitong ililipat ang posisyon niya sa kompanya sa kanyang half brother na ayaw na ayaw niya dahil anak ito ng babae ng kanyang ama.

Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga at pagkatapos ay tinuon na ang kanyang atensyon sa daan. Nasa parking lot na siya ngayon ng hospital at maglalakad na sana papunta sa kanyang sasakyan nang makarinig siya ng mga boses na parang nagtatalo.

Hindi niya sana ito papansinin pa lalo na at hindi naman siya chimosong tao pero naagaw ang kanyang atensyon sa pamilyar na boses ng isang babae.

“Babe please, ibabalik ko rin agad 'pag nagkapera na ako. Kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera ngayon...” saad ng babaeng mahinhin at malambing ang boses, halata ang pagmamakaawa sa boses nito.

“Malaki ang perang uutangin mo, ano bang akala mo? Basta-basta ko na lang pinupulot ang pera? Paano mo naman ako babayaran? Eh kulang pa nga lagi ang sweldo mo sa mga gastusin ninyo, marami ka pang utang,” wika naman ng mataas na boses ng isang lalaki.

Agad kumunot ang kaniyang noo. Mahina lang kasi ang boses ng babae at halos maririnig naman sa buong parking lot ang boses ng lalaki.

“Hinaan mo naman ang boses mo, gagawin ko naman ang lahat para bayaran ka eh. Babe please, kailangan na ma-operahan ng kapatid ko maawa ka,” pagmamakaawa pa lalo ng babae.

“Hindi ko responsibilidad ang kapatid mo kaya huwag mo akong pineperwisyo, ayaw ko nga 'di ba? Nag-iipon ako para sa trip ko papuntang Europe, hindi ko naman hahayaang sirain mo lang ang pangarap ko dahil diyan sa pangangailangan mo. Why don't you just let your sister die? Total malaking problema naman—”

Isang matulis at malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong parking lot dahilan para magulat siya pero agad din ngumisi nang mapagtanto ang posibleng ginawa ng babae sa lalaking para sa kanya ay walang kwenta ang mga sinasabi.

“B-babe, I-im sorry... hindi ko sinasadya.”

Sandaling katahimikan ang namayani sa buong paligid dahilan para makaramdam siya ng pananabik. Sa totoo lang ay naiinis siya sa babae dahil humingi pa talaga ito ng tawad gayong tama naman ang kanyang ginawa.

“You know what? Maghiwalay na tayo, puro lang pagpapabigat ang binibigay mo sa akin. I'm done,” wika ng lalaki pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Hindi naman niya maiwasang mapakuyom ng kanyang kamao sa galit matapos iyon marinig.

“N-no, p-please huwag mo akong iwan. Huwag ngayon, h-hindi ko kakayanin. Marami na akong iniisip 'wag naman ganito oh, hindi na ako uutang sa 'yo huwag mo lang ako iiwan.”

Nakaramdam siya ng inis dahil sa pagmamakaawa ng babae, naiinis siya dahil nakakaawa ito pakinggan. Humihikbi na rin ito na mas lalong nagpa-inis pa sa kanya.

“I'm leaving, may nakilala rin akong babaeng mas maganda sa 'yo. Mayaman din kaya hindi ko na po-problemahin mag-isa ang kinabukasan ko, at higit sa lahat walang sabit.”

Gusto niyang suntukin ang lalaki. Kung gago na para sa kanya ang kanyang ama ay mas gago naman 'tong lalaki 'to. Alam nitong malaki ang problema na kinakaharap ng babae tapos dadagdagan pa, hindi na nga nito kayang tumulong tapos mang-iiwan pa talaga.

“What a jerk,” bulong niya sa kanyang sarili.

Pagkatapos ng ilang minuto ay narinig niya ang mabilis na mga yapak na palapit sa kanyang direksyon at huli na ang lahat para makapagtago pa siya dahil nabangga na siya ng babae.

“S-sorry...” mahina at nakayukong wika ng babae at tatakbo na sana ulit paalis ng hindi inaangat ang kanyang tingin nang hawakan niya ang braso nito.

Inangat naman agad ng babae ang kanyang tingin at nakita niya ang gulat sa mukha nitong basang-basa dahil sa mga luha. Kumunot rin ang kanyang noo nang mamukhaan niya ang babae, ito ang secretary niya sa kompanya na nag-leave ng isang linggo.

“S-sir Franco,” gulat na sambit ng babae sa kanyang pangalan.

Hindi niya maalala ang pangalan ng babae. Bago pa kasi ito sa trabaho at hindi rin sila nag-uusap kung hindi tungkol sa trabaho ang pag-uusapan. Tanging ang mahinhin at malambing na boses lamang nito ang nakikilala niya.

Hindi naman niya maiwasang maalala na minsan niyang pinagnasahan ang babae dahil sa parang musika nitong tinig, ini-imagine niya ang malambing nitong boses na inu-ungol ang kanyang pangalan.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kanyang mga kalamnan sa katawan kaya agad niyang inalis sa kanyang isip ang makasalanang kaisipang 'yon.

Tumingin naman ang babae sa kanyang kamay na nakahawak pa rin sa braso nito kaya inalis niya agad ang pagkakahawak niya rito.

“Huwag mong iyakan ang gagong 'yon, wala siyang kwenta,” wika na lamang niya dahilan para kumunot ang noo ng babae dahil sa pagtataka.

Agad naman napalitan ng pagkagulat ang kanyang mukha. “N-narinig m-mo po ang lahat, s-sir?” tanong ng babae sa kanya na doon pa napagtanto ang ibig niyang sabihin.

Nagulat siya sa tanong nito pero hindi niya ito pinahalata.

“I'll help you,” saad niya at hindi na sinagot ang tanong ng babae.

Kita naman ang mas lalong pagkagulat sa namumula, mugto, ngunit maganda nitong mukha. Bumukas ang bibig ng babae kaya hinintay niya ang sasabihin nito pero agad din itong tumikom na parang hindi alam kung ano ang sasabihin.

Maya-maya ay pareho silang nakarinig ng tunog ng isang sasakyan kaya napalingon sila sa direksyon kung nasaan ito. Isang lalaki ang mabagal na nagmamaneho ng isang sasakyan ang dumaan sa kanilang gilid, bukas ang bintana nito kaya kitang-kita niya ang mariing pagtitig ng lalaki sa babae.

Nang tignan naman niya ang babae ay nakita niya ang muling pag-uunahan ng mga luha sa pisngi nito kaya doon niya nalamang ang lalaking 'yon ang gago at walang kwentang lalaki na nanakit rito.

Matapos makaalis ng sasakyan ay yumuko ang babae at suminghot kaya nagsalita siyang muli dahilan para i-angat ng babae ang kanyang tingin at nanlaki ang mga mata nitong tinignan siya.

“I need a contract wife, and you need money. We can help each other.”

Kaugnay na kabanata

  • The Contracted Marriage   Kabanata 1

    “I will send money to your account later, gamitin mo 'yon para ma-operahan na agad ang kapatid mo. And after the operation, mag-usap tayo tungkol sa ibang mga kundisyon na nasa kontrata.”Kakatapos lang pumerma ni Madel at Franco sa kontrata na nagsasabing kasal na silang dalawang. Napalunok naman si Madel matapos iyon marinig na sabihin ng kanyang boss, pakiramdam niya ay sa isang iglap lang ay nawala na ang mabigat na problemang dala-dala niya.Matapos kasi ang pagkikita nila sa parking lot ng hospital kaninang umaga ay nakapagdesisyon agad siyang pumayag sa alok nito dahil wala na rin siyang ibang mapagpipilian pa. Kailangan na kasi niya ng tulong, kaya no'ng pumayag siya ay agad siyang dinala ng kanyang boss sa Local Civil Registry Office kung saan sila nagpermahan ng kontrata.“Maraming salamat po, sir. Babayaran ko po kayo, babalik din po ako agad sa trabaho at pagbubutihin ko pa po lalo ang mga gawain,” naiiyak na pasasalamat niya kay Franco na seryoso lang ang tingin sa kanya.

    Huling Na-update : 2025-03-01
  • The Contracted Marriage   Kabanata 2

    “We're already married, kaya sa bahay ka na titira. Doon na kayo umuwi ng kapatid mo 'pag na-discharge na siya.”Hindi magawang makapagsalita ni Madel pagkatapos iyon sabihin ni Franco. Kakatapos lang nilang kumain ngayon sa isang restaurant na malapit lang sa hospital at ngayon pa lang din sila nagkita ulit matapos ang tatlong araw.Naging abala na kasi si Franco sa mga trabaho sa kompanya habang abala rin naman si Madel sa pag-aasikaso sa kapatid niya matapos nitong maoperahan. Naging successful naman ang operasyon at kailangan na lamang ng constant monitoring ng kanyang kapatid sa hospital kaya hindi pa sila pwedeng umuwi.Hindi naman maiwasan ni Madel na isipin ang sinabi ni Franco. Binanggit na naman kasi nito ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila at gustuhin man niyang tumanggi ay nagdadalawang isip naman siya.Wala na kasi silang uuwian ng kapatid niya dahil pinaalis na siya ng landlady ng apartment na tinitirahan nila, hindi na kasi niya kayang mabayaran pa ang tatlong buwang

    Huling Na-update : 2025-03-02
  • The Contracted Marriage   Kabanata 3

    “Welcome home, Mrs. Salerno!”Napayuko si Madel dahil sa matinding pagkahiyang naramdaman dahil sa tawag ng apat na babaeng kasambahay sa kanya. “Madel na lang po,” wika niya at tinabihan ang kanyang kapatid. Lumapit naman ang kasambahay sa kanila at kinuha ang kanilang mga gamit. “Naku, kami na lang po,” pigil ni Madel sa mga ito. Tumigil naman ang mga kasambahay at tinignan si Franco na nakatayo sa hagdan at nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay.“Hayaan mo sila, Madel,” ani nito sa kanya at tinignan ang mga kasambahay. “Dalhin niyo na ang mga gamit sa kwarto nila.”Sumunod naman ang mga babae kay Franco at wala ring nagawa pa si Madel kaya hinayaan niya na lamang ang mga ito. Lumapit naman agad sa kanila ng kapatid niya si Franco.“How are you?” tanong ni Franco sa kapatid ni Madel. “Okay lang po, maraming salamat po sa tulong mo. Sinabi po ni ate na ikaw raw po ang tumulong sa amin, maraming-maraming salamat po talaga,” sagot naman ng kapatid ni Madel na medyo may pag

    Huling Na-update : 2025-03-03
  • The Contracted Marriage   Kabanata 4

    “P-pwede ko bang malaman kung bakit?”Pagkatapos ng ilang minuto ay si Madel na ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa pagitan nila. Naiilang siya, titig na titig pa rin kasi sa kanya si Franco at hindi man lang ito kumukurap. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang laman ng isip nito ngayon. Pero agad din naman niyang inalis sa isip niya ang mga posibleng iniisip ng lalaki.“What?” tanong ng lalaki sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mapagtantong hindi niya pala kinlaro ang kanyang tanong. “I-I mean, b-bakit kailangan natin ipakita kay chairman na totoong nagmamahalan tayo?”Umayos naman sa kanyang pagkakaupo si Franco bago sumagot, “Huwag mo na itanong ang bagay na 'yan. Basta't gawin mo lang ang hinihingi ko sa 'yo. Iyon lang, wala ng iba. You can still get back to your normal life dahil hindi naman natin palaging makikita si papa.”“O-okay,” sagot na lamang ni Madel. Gusto niya pa rin malaman ang rason nito pero mukhang hindi na niya mapipilit si Franco kay

    Huling Na-update : 2025-03-04

Pinakabagong kabanata

  • The Contracted Marriage   Panimula

    “Find yourself a wife or I else...” Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ni Franco Salerno, ang CEO ng Salerno Food and Beverage Corporation na isang leading company sa buong Pilipinas. Iyon ang mga salitang binitawan ng kanyang ama—na siyang kasalukuyang chairman ng kanilang kompanya, bago siya lumabas sa private room nito sa hospital kung saan ito dinala matapos nitong atakihin sa puso. Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng galit. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang i-pressure siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Hindi pa siya handang magpakasal, para sa kanya ay bata pa siya sa edad na dalawampu't siyam at plano niya ay 'pag nasa trenta na siya magpapakasal. Pero mukhang wala na rin siyang magagawa kung hindi ay sundin ang kagustuhan nito lalo na at binantaan siya nitong ililipat ang posisyon niya sa kompanya sa kanyang half brother na ayaw na ayaw niya dahil anak ito ng babae ng kanyang ama. Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga at pagk

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status