Share

Kabanata 1

Penulis: synayrah
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-01 19:15:48

“I will send money to your account later, gamitin mo 'yon para ma-operahan na agad ang kapatid mo. And after the operation, mag-usap tayo tungkol sa ibang mga kundisyon na nasa kontrata.”

Kakatapos lang pumerma ni Madel at Franco sa kontrata na nagsasabing kasal na silang dalawang. Napalunok naman si Madel matapos iyon marinig na sabihin ng kanyang boss, pakiramdam niya ay sa isang iglap lang ay nawala na ang mabigat na problemang dala-dala niya.

Matapos kasi ang pagkikita nila sa parking lot ng hospital kaninang umaga ay nakapagdesisyon agad siyang pumayag sa alok nito dahil wala na rin siyang ibang mapagpipilian pa. Kailangan na kasi niya ng tulong, kaya no'ng pumayag siya ay agad siyang dinala ng kanyang boss sa Local Civil Registry Office kung saan sila nagpermahan ng kontrata.

“Maraming salamat po, sir. Babayaran ko po kayo, babalik din po ako agad sa trabaho at pagbubutihin ko pa po lalo ang mga gawain,” naiiyak na pasasalamat niya kay Franco na seryoso lang ang tingin sa kanya.

Tumingin naman si Franco sa mga nakasulat sa papel na hawak niya. Ito ang kopya ng kontrata.

“Madel Rodriguez-Salerno? Hmm, ang maging asawa ka ay sapat na kabayaran na,” saad ni Franco dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Madel.

Alam niya na walang ibang ibig-sabihin ang sinabing 'yon ng kanyang boss pero hindi niya pa rin maiwasang magulat at makaramdam ng kakaibang bugso sa kanyang damdamin.

“A-ah sir, aalis na po ako. Pwede mo po akong tawagan kung may kailangan ka po,” paalam niya dahil hindi na niya gustong magtagal pa ang pagsasama nila.

Kailangan na rin kasi niyang bumalik sa hospital para masimulan na ang pagpapa-opera niya sa kapatid.

“Ihahatid na kita, pupunta rin ako sa hospital,” ani naman ni Franco dahilan para matigilan siya manlaki ang kanyang mga mata.

Hindi maintindihan ni Madel ang kanyang nararamdaman lalo na't sa bawat gesture na pinapakita ng kanyang boss ay nakakaisip siya ng ibang mga ibig-sabihin na hindi naman dapat. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit siya ang napili ng boss niya.

Pwede naman kasi itong humanap ng iba na mas maganda sa kanya, marami rin kasi ang nagkakagusto rito dahil magandang lalaki naman ito. Maskulado rin ang pangangatawan na halatang nag-g-gym, kaya hindi niya maiwasang magtaka kung bakit siya? 

Isa lamang siyang ordinaryong babae at empleyado sa kompanya nito, para sa kanya ay hindi rin naman siya ganoon kaganda. Hindi naman din kasi niya masasabing wala na itong choice, dahil kung empleyado lang pala sa kompanya nila ang pipiliin nito bakit hindi 'yong mga halatang nagkakandarapa talaga rito ang pinili nito?

“What are you thinking?”

Nahila pabalik sa kanyang huwisyo si Madel dahil sa biglang tanong na 'yon ni Franco. Agad naman siyang nag-isip ng isasagot dito.

“W-wala po, s-sir,” sagot niya nang wala siyang ibang maisip na sasabihin.

Sa totoo lang ay gusto niyang tanungin ito kung bakit siya pero naisip din niyang sa susunod na lang 'pag mag-uusap na sila ulit ng maayos dahil baka tumaas pa ang usapan nila ngayon. Kailangan na kasi talaga niyang bumalik sa bospital. 

“You can call me Franco 'pag tayong dalawa lang because it felt awkward for me if my wife calls me ‘sir’,” seryosong saad ni Franco kaya napatitig si Madel sa kanya.

Bakit pakiramdam niya ay pabor sa boss niya ang kanilang kasunduan? Pero hindi ba't ito naman ang nag-alok sa kanya ng kontrata? Kung hindi naman kasi siya nangangailangan ay hindi siya papayag eh. 

Ngayon ay nagtataka tuloy siya kung ano ang dahilan kung bakit nangangailangan ito ng asawa. Paano kung kailangan pala nito ng magpapainit sa kanya sa gabi?

Agad nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi kasi nila iyon napag-usapan.

“Kailangan ko rin po ba kayong paligayahin sa kama, s-sir?” hindi mapigilang tanong ni Madel dahilan para kumunot ang noo ni Franco.

Halata sa mukha ni Madel ang takot at kaba sa posibleng isasagot ng lalaki sa kanya at mas lalo pa itong lumaki nang tumaas ang sulok ng labi ng lalaki.

“It's clear that it wasn't written in the contract, my dear wife. But if that's what you want then madali naman akong kausap,” nakangising sagot ni Franco sa kanya kaya agad siyang nakaramdaman ng matinding pagkahiya.

She also raised her hands and waved them dismissively in front of Franco. “Hindi na, sir, okay na 'to,” saad niya. 

“Oh, okay,” sagot ni Franco sa kanya at agad nagkibit ng kanyang balikat. “At kakasabi ko lang, call me by my name 'pag tayong dalawa lang ang magkasama, stop calling me sir for now,” dagdag nito kaya napayuko siya. “Sorry,” ani niya.

“Let's go?” aya naman nito sa kanya kaya agad siyang nataranta.

Nakatingin lang ito sa kanya. Magkaharap kasi silang nakatayo pa rin sa labas ng Local Civil Registry Office. 

“M-may pupuntahan pa kasi ako, mauna ka na lang po,” pagdadahilan niya. Nahihiya pa rin kasi siya dahil sa kanyang tanong, nabasa naman kasi niya ang kontrata at hindi nga nakasulat ang bagay na 'yon do'n pero naninigurado lang naman siya kaya natanong niya iton.

Pero mukhang iba naman ang nasa isip ng kanyang boss.

“Where?” nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kanya. “I'm your husband now, ayaw ko naman maging bastos na hayaan ka lang na mag-commute gayong may sasakyan naman ako,” seryosong wika nito dahilan para bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso. 

Hindi niya alam pero sa bawat pagbanggit ng lalaki na sila ay mag-asawa na ay bumibilis talaga ang tibok ng kanyang puso. Parang may kakaibang hatid kasi ito sa kanya, hindi niya lamang ito matukoy. Hindi naman niya masasabing kinikilig siya kasi bakit naman siya kikiligin?

Wala na siyang nagawa pa kung hindi ay sumakay na lang ulit sa sasakyan ng lalaki. Dito rin kasi siya sumakay kanina matapos niyang pumayag sa alok nito. 

Tahimik lamang sila sa byahe. Hindi alam ni Madel kung ano ang iniisip ng lalaki, minsan sa tuwing nakikita niya ito sa rearview mirror ay seryoso lamang ang mukha nito na deretso ang tingin sa daan.

Binaling na lamang rin niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana, sa mga nadadaanan nila habang iniisip ang mabilis na pangyayari sa kanyang buhay.

At doon lamang nag-sink in sa isip niya na kasal na siya. Hindi naman siya makapaniwalang inisip pa ito lalo, kanina lang ay nagmamakaawa pa siya sa boyfriend niyang huwag siya nitong iwan tapos ngayon ay married na ang status niya sa buhay.

Nasira na ang plano niya na 'pag nagdalawampu't siyam na taong gulang na sana siya magpapakasal. Alam niyang kontrata lang naman ang kanilang kasal at matatapos din ito pagkatapos ng tatlong taon, pero hindi pa rin niya maiwasang isipin na kasal pa rin siya.

Dala na niya ang apelyido ng kanyang boss na kahit minsan ay hindi siya tinignan sa mga mata sa loob ng opisina.

Hindi naman niya maiwasang maramdaman muli ang lungkot at sakit na naramdaman niya kanina matapos sabihin ng ngayon ay ex-boyfriend na niya na may nakilala na itong babaeng mas maganda sa kanya at mayaman pa.

Nang dahil lang sa pag-utang niya ng pera rito ay nauwi sa paghihiwalayan ang lahat, binalewala lang nito ang apat na taon nilang relasyon.

“Ano ang sakit ng kapatid mo?” maya-maya ay binasag na ni Franco ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan. 

Napatingin naman si Madel sa kanya. “May heart cancer siya, dala-dala na niya 'yon simula no'ng nag-five years sila at ngayong fifteen years old na siya ay naghihirap pa rin siya,” sagot niya sa lalaki.

Napakagat naman siya ng kanyang labi para pigilan ang luha na agad namuo sa gilid ng kanyang mga mata. Sobrang naaawa na siya sa kapatid niya, isang dekada na kasi nitong dinadala ang sakit na 'yon. Kung pwede lang sana siya na lang ang nagkasakit eh, nahihirapan kasi siyang tignan ang paghihirap nito.

“Nasaan ang mga magulang ninyo?” tanong muli ng lalaki.

“Namatay si tatay last three years ago dahil sa isang aksidente, namamasada kasi siya no'n ng tricycle tapos nabangga siya ng truck. Si nanay naman, namatay siya no'ng pinanganak niya ang kapatid ko,” sagot ni Madel.

Kaya desperada siyang gawin ang lahat para maligtas ang kanyang kapatid ay dahil sila na lang kasi dalawa ang magkasama sa kanilang pamilya. Ayaw naman niyang maiwan mag-isa.

Hindi na nagsalita pa ulit si Franco kaya binalik na lamang ni Madel ang kanyang tingin sa labas ng bintana. Maya-maya pa ay tumigil ang sasakyan sa harap ng 7/11.

“May bibilhin lang ako,” wika nito na tinugonan naman ni Madel ng isang tango at tipid na ngiti.

Pinanood naman niya ang paglabas ng lalaki hanggang sa makapasok ito sa loob ng tindahan. Habang naghihintay ay tumingin na lamang din siya sa paligid pero agad ding nahagip ng kanyang tingin ang ex-boyfriend niya.

Nakatayo ito sa labas ng Watson na katabi lang ng 7/11 at parang may hinihintay ito. Naisip naman niyang puntahan ito para makausap sana pero tatanggalin pa lang sana niya ang seatbelt nang makita niya ang paglabas ng isang magandang babae sa Watson at agad naman itong nilapitan ng kanyang ex-boyfriend.

Agad bumagsak ang kanyang balikat lalo na nang makita niya ang paghalik ng ex niya niya sa pisngi ng babae. Hindi naman niya maiwasang isipin ang sinabi nito kanina, maganda nga ang babae at mukhang mayaman pa. Wala siyang laban dito.

Hindi niya namalayang nakalabas na pala si Franco at no'ng bumukas ang pintuan ng sasakyan ay agad siyang nag-iwas ng tingin sa direksyon ng ex niya at sa babae nito. Pinunasan niya rin ang kanyang pisngi na hindi niya namalayang nabasa pala ng luha.

Natigilan naman si Franco nang makita ang hitsura ni Madel kaya agad niyang nilingon ang direksyon kung saan ito nakatingin kani-kanina lang. Hindi naman niya maiwasang mainis matapos makita ang ex-boyfriend nito.

Pagkatapos nitong makaupo sa driver's seat ay inabot nito kay Madel ang plastic na dala at nang tignan naman ito ng huli ay nakita niya ang isang box ng ice cream at isang pack ng tinapay na may kasamang isang orange juice. 

“Hindi ko alam kung gusto mo ba ng kape o hindi, kaya juice na lang ang binili ko. Kainin mo na rin 'yang ice cream, it will make you feel better.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Contracted Marriage   Kabanata 2

    “We're already married, kaya sa bahay ka na titira. Doon na kayo umuwi ng kapatid mo 'pag na-discharge na siya.”Hindi magawang makapagsalita ni Madel pagkatapos iyon sabihin ni Franco. Kakatapos lang nilang kumain ngayon sa isang restaurant na malapit lang sa hospital at ngayon pa lang din sila nagkita ulit matapos ang tatlong araw.Naging abala na kasi si Franco sa mga trabaho sa kompanya habang abala rin naman si Madel sa pag-aasikaso sa kapatid niya matapos nitong maoperahan. Naging successful naman ang operasyon at kailangan na lamang ng constant monitoring ng kanyang kapatid sa hospital kaya hindi pa sila pwedeng umuwi.Hindi naman maiwasan ni Madel na isipin ang sinabi ni Franco. Binanggit na naman kasi nito ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila at gustuhin man niyang tumanggi ay nagdadalawang isip naman siya.Wala na kasi silang uuwian ng kapatid niya dahil pinaalis na siya ng landlady ng apartment na tinitirahan nila, hindi na kasi niya kayang mabayaran pa ang tatlong buwang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-02
  • The Contracted Marriage   Kabanata 3

    “Welcome home, Mrs. Salerno!”Napayuko si Madel dahil sa matinding pagkahiyang naramdaman dahil sa tawag ng apat na babaeng kasambahay sa kanya. “Madel na lang po,” wika niya at tinabihan ang kanyang kapatid. Lumapit naman ang kasambahay sa kanila at kinuha ang kanilang mga gamit. “Naku, kami na lang po,” pigil ni Madel sa mga ito. Tumigil naman ang mga kasambahay at tinignan si Franco na nakatayo sa hagdan at nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay.“Hayaan mo sila, Madel,” ani nito sa kanya at tinignan ang mga kasambahay. “Dalhin niyo na ang mga gamit sa kwarto nila.”Sumunod naman ang mga babae kay Franco at wala ring nagawa pa si Madel kaya hinayaan niya na lamang ang mga ito. Lumapit naman agad sa kanila ng kapatid niya si Franco.“How are you?” tanong ni Franco sa kapatid ni Madel. “Okay lang po, maraming salamat po sa tulong mo. Sinabi po ni ate na ikaw raw po ang tumulong sa amin, maraming-maraming salamat po talaga,” sagot naman ng kapatid ni Madel na medyo may pag

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-03
  • The Contracted Marriage   Kabanata 4

    “P-pwede ko bang malaman kung bakit?”Pagkatapos ng ilang minuto ay si Madel na ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa pagitan nila. Naiilang siya, titig na titig pa rin kasi sa kanya si Franco at hindi man lang ito kumukurap. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang laman ng isip nito ngayon. Pero agad din naman niyang inalis sa isip niya ang mga posibleng iniisip ng lalaki.“What?” tanong ng lalaki sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mapagtantong hindi niya pala kinlaro ang kanyang tanong. “I-I mean, b-bakit kailangan natin ipakita kay chairman na totoong nagmamahalan tayo?”Umayos naman sa kanyang pagkakaupo si Franco bago sumagot, “Huwag mo na itanong ang bagay na 'yan. Basta't gawin mo lang ang hinihingi ko sa 'yo. Iyon lang, wala ng iba. You can still get back to your normal life dahil hindi naman natin palaging makikita si papa.”“O-okay,” sagot na lamang ni Madel. Gusto niya pa rin malaman ang rason nito pero mukhang hindi na niya mapipilit si Franco kay

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-04
  • The Contracted Marriage   Panimula

    “Find yourself a wife or I else...” Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ni Franco Salerno, ang CEO ng Salerno Food and Beverage Corporation na isang leading company sa buong Pilipinas. Iyon ang mga salitang binitawan ng kanyang ama—na siyang kasalukuyang chairman ng kanilang kompanya, bago siya lumabas sa private room nito sa hospital kung saan ito dinala matapos nitong atakihin sa puso. Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng galit. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang i-pressure siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Hindi pa siya handang magpakasal, para sa kanya ay bata pa siya sa edad na dalawampu't siyam at plano niya ay 'pag nasa trenta na siya magpapakasal. Pero mukhang wala na rin siyang magagawa kung hindi ay sundin ang kagustuhan nito lalo na at binantaan siya nitong ililipat ang posisyon niya sa kompanya sa kanyang half brother na ayaw na ayaw niya dahil anak ito ng babae ng kanyang ama. Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga at pagk

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-01

Bab terbaru

  • The Contracted Marriage   Kabanata 1

    “I will send money to your account later, gamitin mo 'yon para ma-operahan na agad ang kapatid mo. And after the operation, mag-usap tayo tungkol sa ibang mga kundisyon na nasa kontrata.”Kakatapos lang pumerma ni Madel at Franco sa kontrata na nagsasabing kasal na silang dalawang. Napalunok naman si Madel matapos iyon marinig na sabihin ng kanyang boss, pakiramdam niya ay sa isang iglap lang ay nawala na ang mabigat na problemang dala-dala niya.Matapos kasi ang pagkikita nila sa parking lot ng hospital kaninang umaga ay nakapagdesisyon agad siyang pumayag sa alok nito dahil wala na rin siyang ibang mapagpipilian pa. Kailangan na kasi niya ng tulong, kaya no'ng pumayag siya ay agad siyang dinala ng kanyang boss sa Local Civil Registry Office kung saan sila nagpermahan ng kontrata.“Maraming salamat po, sir. Babayaran ko po kayo, babalik din po ako agad sa trabaho at pagbubutihin ko pa po lalo ang mga gawain,” naiiyak na pasasalamat niya kay Franco na seryoso lang ang tingin sa kanya.

  • The Contracted Marriage   Panimula

    “Find yourself a wife or I else...” Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ni Franco Salerno, ang CEO ng Salerno Food and Beverage Corporation na isang leading company sa buong Pilipinas. Iyon ang mga salitang binitawan ng kanyang ama—na siyang kasalukuyang chairman ng kanilang kompanya, bago siya lumabas sa private room nito sa hospital kung saan ito dinala matapos nitong atakihin sa puso. Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng galit. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang i-pressure siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Hindi pa siya handang magpakasal, para sa kanya ay bata pa siya sa edad na dalawampu't siyam at plano niya ay 'pag nasa trenta na siya magpapakasal. Pero mukhang wala na rin siyang magagawa kung hindi ay sundin ang kagustuhan nito lalo na at binantaan siya nitong ililipat ang posisyon niya sa kompanya sa kanyang half brother na ayaw na ayaw niya dahil anak ito ng babae ng kanyang ama. Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga at pagk

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status