“P-pwede ko bang malaman kung bakit?”
Pagkatapos ng ilang minuto ay si Madel na ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa pagitan nila. Naiilang siya, titig na titig pa rin kasi sa kanya si Franco at hindi man lang ito kumukurap.
Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang laman ng isip nito ngayon. Pero agad din naman niyang inalis sa isip niya ang mga posibleng iniisip ng lalaki.
“What?” tanong ng lalaki sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mapagtantong hindi niya pala kinlaro ang kanyang tanong. “I-I mean, b-bakit kailangan natin ipakita kay chairman na totoong nagmamahalan tayo?”
Umayos naman sa kanyang pagkakaupo si Franco bago sumagot, “Huwag mo na itanong ang bagay na 'yan. Basta't gawin mo lang ang hinihingi ko sa 'yo. Iyon lang, wala ng iba. You can still get back to your normal life dahil hindi naman natin palaging makikita si papa.”
“O-okay,” sagot na lamang ni Madel. Gusto niya pa rin malaman ang rason nito pero mukhang hindi na niya mapipilit si Franco kaya nanahimik na lang siya.
Namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nakatingin lang si Franco sa kanya habang siya naman ay kung saan-saan na lumilingon para lang hindi magtagpo ang kanilang mga mata.
“Tell me, paano mo kinayang buhayin ang kapatid mo ng mag-isa sa loob tatlong taon?” maya-maya ay biglang tanong ni Franco sa kanya.
Napatingin naman siya rito at inalala ang mga ginawa niya sa nakalipas na mga taon bago siya nagkaroon ng maayos na trabaho. “P-pumasok ako sa iba't-ibang trabaho, pinagsasabay ko rin ang tatlong trabaho sa isang araw at nagbebenta rin ako ng mga pagkain,” sagot niya.
Mahirap ang mga pinagdaanan niya noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga mga gabing halos sumuko na siya.
“Did you graduate?” Franco asked. Napayuko naman siya bago sumagot, “H-hindi eh, 2nd year college lang ang natapos ko. No'ng namatay kasi si tatay ay kailangan ko na tumigil sa pag-aaral para matustusan ang pangangailangan namin ng kapatid ko.”
Saglit natahimik si Franco sa mga sagot ni Madel sa kanya at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng awa rito. “How old are you?” tanong niya. Bata pa kasi tignan si Madel at hindi naman maiwasan ni Franco na i-appreaciate ang panlabas nitong anyo, maganda si Madel at para kay Franco ay kakaiba ang ganda nito.
“24 na ako ngayon,” nakataas na ang tingin na sagot ni Madel sa lalaki.
Tumango naman si Franco. Biglang pumasok sa kanyang isip ang prinsipyo niya noon na hindi siya papatol sa bata, para sa kanya ay sa dalawa og tatlong taong gap lang siya papatol at syempre dapat siya ang mas matanda.
Parang nagsisisi tuloy siya na hindi niya muna tinanong si Madel sa edad nito, pero naisip din naman agad niya na wala rin namang siyang dapat pagsisihan dahil maganda naman ito at nakakabighani rin ang boses.
At hindi naman ganoon kasama ang limang taong gap nilang dalawa.
Biglang natauhan si Franco sa kanyang mga naisip kaya bigla siyang naubo dahilan para mataranta si Madel at lumapit sa kanya.
“Okay ka kang ba, F-Franco?”
Nanlaki ang mga mata ni Franco dahil sa pagtawag ni Madel sa kanyang pangalan. Kakaiba ang hatid no'n sa kanya kaya napamura siya sa loob ng kanyang isip nang biglang niyang maramdaman ang mabilis ang pagkabuhay ng katawang lupa niya.
“Tubig,” wika ni Franco sa pagitan ng kanyang pag-ubo.
Agad namang tumakbo si Madel papasok ng bahay at kumuha ng tubig sa kusina. “Ate, okay ka lang ba?” tanong ng kapatid niya na hindi pa rin tapos kumain pero hindi na niya ito sinagot pa. Pagkatapos naman makakuha ng tubig sa baso ay mabilis siyang bumalik sa likod ng bahay.
Naabutan niya naman si Franco na nakatayo na at may kausap sa cellphone habang mahina pa rin na umuubo.
“Oo papa, makikilala mo siya bukas na bukas din.” Rinig niyang wika ni Franco. Natigilan naman siya at napagdesisyunan na makinig pa rito.
“Yeah, hindi ba't ito naman ang gusto mo? Huwag kang mag-alala, sooner or later ay mabibigyan ka rin namin ng apo.”
Nanlaki ang mga mata ni Madel sa gulat at bumilis din ang tibok ng kanyang puso pagkatapos marinig iyon na sinabi ni Franco. Napaisip naman siya, wala kasi sa usapan nila ang tungkol sa ganoon at sinabi rin naman ni Franco noong nakaraan na hindi nakalagay sa kontrata nila ang tungkol doon.
Posible kayang babaguhin nito ang nakalagay sa kontrata? Pero ang malaking tanong niya sa mga oras na ito ay kung papayag ba siya?
“Madel.”
Halos mapatalon sa gulat si Madel at kamuntikan na niyang mabitawan ang basong hawak nang tawagin siya ni Franco. Nakatingin na pala ito sa kanya. “Didn't I tell you that it's rude to eavesdrop?”
“S-sorry, h-hindi ko sinasadya,” nakayukong paghingi niya ng tawad rito.
Narinig naman niya ang malalim na pagbuntong hininga ng lalaki. “Anyways, dahil narinig mo naman siguro ang sinabi ko...” panimulang wika ng lalaki dahilan para i-angat ni Madel ang kanyang tingin dito at kinakabahang hinintay ang sunod nitong sasabihin.
“May pag-uusapan pa tayo, something to add sa mga kondisyon ko.”
“Find yourself a wife or I else...” Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ni Franco Salerno, ang CEO ng Salerno Food and Beverage Corporation na isang leading company sa buong Pilipinas. Iyon ang mga salitang binitawan ng kanyang ama—na siyang kasalukuyang chairman ng kanilang kompanya, bago siya lumabas sa private room nito sa hospital kung saan ito dinala matapos nitong atakihin sa puso. Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng galit. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang i-pressure siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Hindi pa siya handang magpakasal, para sa kanya ay bata pa siya sa edad na dalawampu't siyam at plano niya ay 'pag nasa trenta na siya magpapakasal. Pero mukhang wala na rin siyang magagawa kung hindi ay sundin ang kagustuhan nito lalo na at binantaan siya nitong ililipat ang posisyon niya sa kompanya sa kanyang half brother na ayaw na ayaw niya dahil anak ito ng babae ng kanyang ama. Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga at pagk
“I will send money to your account later, gamitin mo 'yon para ma-operahan na agad ang kapatid mo. And after the operation, mag-usap tayo tungkol sa ibang mga kundisyon na nasa kontrata.”Kakatapos lang pumerma ni Madel at Franco sa kontrata na nagsasabing kasal na silang dalawang. Napalunok naman si Madel matapos iyon marinig na sabihin ng kanyang boss, pakiramdam niya ay sa isang iglap lang ay nawala na ang mabigat na problemang dala-dala niya.Matapos kasi ang pagkikita nila sa parking lot ng hospital kaninang umaga ay nakapagdesisyon agad siyang pumayag sa alok nito dahil wala na rin siyang ibang mapagpipilian pa. Kailangan na kasi niya ng tulong, kaya no'ng pumayag siya ay agad siyang dinala ng kanyang boss sa Local Civil Registry Office kung saan sila nagpermahan ng kontrata.“Maraming salamat po, sir. Babayaran ko po kayo, babalik din po ako agad sa trabaho at pagbubutihin ko pa po lalo ang mga gawain,” naiiyak na pasasalamat niya kay Franco na seryoso lang ang tingin sa kanya.
“We're already married, kaya sa bahay ka na titira. Doon na kayo umuwi ng kapatid mo 'pag na-discharge na siya.”Hindi magawang makapagsalita ni Madel pagkatapos iyon sabihin ni Franco. Kakatapos lang nilang kumain ngayon sa isang restaurant na malapit lang sa hospital at ngayon pa lang din sila nagkita ulit matapos ang tatlong araw.Naging abala na kasi si Franco sa mga trabaho sa kompanya habang abala rin naman si Madel sa pag-aasikaso sa kapatid niya matapos nitong maoperahan. Naging successful naman ang operasyon at kailangan na lamang ng constant monitoring ng kanyang kapatid sa hospital kaya hindi pa sila pwedeng umuwi.Hindi naman maiwasan ni Madel na isipin ang sinabi ni Franco. Binanggit na naman kasi nito ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila at gustuhin man niyang tumanggi ay nagdadalawang isip naman siya.Wala na kasi silang uuwian ng kapatid niya dahil pinaalis na siya ng landlady ng apartment na tinitirahan nila, hindi na kasi niya kayang mabayaran pa ang tatlong buwang
“Welcome home, Mrs. Salerno!”Napayuko si Madel dahil sa matinding pagkahiyang naramdaman dahil sa tawag ng apat na babaeng kasambahay sa kanya. “Madel na lang po,” wika niya at tinabihan ang kanyang kapatid. Lumapit naman ang kasambahay sa kanila at kinuha ang kanilang mga gamit. “Naku, kami na lang po,” pigil ni Madel sa mga ito. Tumigil naman ang mga kasambahay at tinignan si Franco na nakatayo sa hagdan at nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay.“Hayaan mo sila, Madel,” ani nito sa kanya at tinignan ang mga kasambahay. “Dalhin niyo na ang mga gamit sa kwarto nila.”Sumunod naman ang mga babae kay Franco at wala ring nagawa pa si Madel kaya hinayaan niya na lamang ang mga ito. Lumapit naman agad sa kanila ng kapatid niya si Franco.“How are you?” tanong ni Franco sa kapatid ni Madel. “Okay lang po, maraming salamat po sa tulong mo. Sinabi po ni ate na ikaw raw po ang tumulong sa amin, maraming-maraming salamat po talaga,” sagot naman ng kapatid ni Madel na medyo may pag
“P-pwede ko bang malaman kung bakit?”Pagkatapos ng ilang minuto ay si Madel na ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa pagitan nila. Naiilang siya, titig na titig pa rin kasi sa kanya si Franco at hindi man lang ito kumukurap. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang laman ng isip nito ngayon. Pero agad din naman niyang inalis sa isip niya ang mga posibleng iniisip ng lalaki.“What?” tanong ng lalaki sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mapagtantong hindi niya pala kinlaro ang kanyang tanong. “I-I mean, b-bakit kailangan natin ipakita kay chairman na totoong nagmamahalan tayo?”Umayos naman sa kanyang pagkakaupo si Franco bago sumagot, “Huwag mo na itanong ang bagay na 'yan. Basta't gawin mo lang ang hinihingi ko sa 'yo. Iyon lang, wala ng iba. You can still get back to your normal life dahil hindi naman natin palaging makikita si papa.”“O-okay,” sagot na lamang ni Madel. Gusto niya pa rin malaman ang rason nito pero mukhang hindi na niya mapipilit si Franco kay