“Kilala mo ba sila?”
Napatingin ako kay Mr. La Peña nang itanong niya iyon. “S-Sila iyong mga lalaking nagdala ng gulo kagabi,” sagot ko at tinignan muli ang litrato ng mga estranghero kagabi.
Kahit litrato lamang ang nakikita ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot dahil sa mapanganib nilang mga mata.
Binasa ko isa-isa ang mga pangalan nila. Dancel pala ang pangalan no'ng lalaking pamilyar, Dancel Hernandez. Hindi ko pa rin matukoy kung saan ko ito nakita noon basta ang alam ko nakita ko na ito.
Tinignan ko naman ang litrato ng lalaking pula ang buhok, nakangisi ito ng nakakaloko sa litrato. Lucas Ardiente naman ang kanyang pangalan niya.
Ibinaling ko naman ang aking tingin sa katabi nitong litrato, ito naman ang lalaking sumipa sa pinto—si Rafael Tarano.
Nang makita ko naman ang litrato ng lalaking mahaba rin ang buhok tulad ng boss nila ay napangiwi ako agad dahil wala ang tattoo nito sa mukha.
Tumingin ako sa dalawang matanda. “Hindi ata kayo na-update na may tattoo na sa mukha ang lalaking ito,” saad ko at tinuro ang litrato ng lalaki.
“Si Sebastien Canvarro?”
Canvarro?
Binalik ko ang aking tingin sa litrato at agad binasa ang nakasulat sa baba nito. Kapatid ba ito ng tinatawag nilang boss? Tinignan ko ulit ang litrato ng tinatawag nilang boss at kumunot naman ang aking noo pagkatapos kong ihambing ang kanilang mga mukha dahil kahit saang anggulo tignan ay hindi talaga sila magkamukha.
“Si Sebastien Canvarro ang ampon ng mga Canvarro, tinuring na rin siyang anak ng yumaong ama ni Astervan,” wika ng detective kaya napatingin ako sa kanya.
Kaya naman pala. Pareho lang na mahaba ang kanilang mga buhok pero hindi sila magkamukha.
“May tattoo na pala sa mukha ang nakakabatang Canvarro, detective?” tanong ni Mr. La Peña sa detective. Nagkibit-balikat naman ang huli at tumingin sa akin.
“Hindi masyadong malantad sa sarili ang lalaking iyon, nakakapagtaka nga na naroon siya kagabi kasama ng kanyang kapatid,” sagot naman ng detective.
“Paano mo naman nasabing may tattoo sa mukha ang binata, miss Sorrengil? Nagkaroon ka pa ba ng pagkakataong matitigan ang mukha niya sa gitna ng kaguluhan?” naniningkit ang mga matang tanong ni Mr. La Peña.
Kumunot naman ang aking noo dahil hindi ko nagugustuhan ang iniisip ng matanda. Oo inaamin kong saksakan din ng gwapo katulad ng boss nila ang lalaking iyon pero hinding-hindi ko nanaising titigan muli ang kanyang mukha lalo na no'ng kaswal lang nitong sabihin na patayin na ako. Nakakatakot pa rin sila sa kabila ng magaganda nilang mga hitsura.
Hindi ko na pinansin ang matanda. Lumapit ako sa single sofa malapit sa kanilang dalawa ng detective at agad umupo doon. Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok doon ang isang babaeng may dalang tray na may lamang isang tasa ng kape at tatlong cheesecake. Agad kumalam ang aking tiyan at doon ko lang naalalang hindi nga pala ako kumain ng agahan.
Inikot kong muli ang aking tingin dito sa loob ng opisina at nagulat naman ako pagkatapos makita ang oras sa wall clock na nasa taas ng pinto. Mag-aalas dose na pala ng tanghali.
Nilapag ng babae ang tray sa mesa at binigay sa akin ang tasa ng kape at isang platito ng cheesecake. Kinuha ko ang cheesecake at agad itong kinain. Nang tignan ko ang dalawang matanda ay kumunot agad ang aking noo dahil nakatitig lang ang mga ito sa akin.
“May problema ba?” tanong ko sa kanila. Sabay umiling ang dalawa.
“Are you really willing to help us find the missing women, miss Sorrengil?” biglang tanong ni Mr. La Peña kaya tumingin ako rito. Nilunok ko muna ang cheesecake na nasa bibig ko at uminom ng kape bago sumagot. Mabuti lang at hindi na ito masyadong mainit dahil 'pag nagkataon ay napaso na ako. “Gagawin ko ang lahat para mahanap ang kaibigan ko,” sagot ko sa kanya. Tumango naman ito.
“Handa ka bang gawin kahit ang pinakadelikadong bagay para lang maligtas ang kaibigan mo?”
Natigilan ako sa tanong nito. Tinitigan ko siya at napalunok ako ng laway nang mapagtantong seryoso ito. Pero nagpakawala ako ng malalim na pagbuntong hininga at malakas ang loob na tinapatan ang seryoso nitong mukha. “Handa kong gawin ang lahat, kahit gaano pa 'yan kadelikado,” may diin ang aking boses na sinagot ko ito.
Tumango ito ulit at nagkatinginan silang dalawa ng detective na para bang nag-
uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Maya-maya pa ay tumingin ang dalawa sa akin.
“Kung ganoon ay maghanda ka dahil papatunuyan mo ang iyong sarili ngayong gabi,” ani Mr. La Peña.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bumilis ang pintig ng aking puso pero pilit ko pa rin pinapakalma ang aking sarili. Kailangan kong maging matapang para kay Dana.
Sinenyasan ni Mr. La Peña ang dalawang babaeng nagdala sa akin dito kanina. Lumapit naman agad ang dalawa sa akin at pinatayo ako. Tinignan ko muna ang dalawang matanda bago ako tumayo. “Sasabihin ng mission X ang gagawin mo, miss Sorrengil, kaya sumama ka sa kanila,” ani Mr. La Peña kaya tumango ako rito at sumunod na sa dalawang babae palabas ng opisina.
Naglakad kami sa pasilyo at sa pangatlong pinto mula sa opisina ni Mr. La Peña kami huminto. Binuksan nila ang pinto at bumungad naman sa amin ang tatlong babae at dalawang lakaking nakaupo sa parihabang lamesa, at isa namang lalaking nakatayo na parang may tinatalakay sa mga nakaupo. Tumingin silang lahat sa amin.
“Pinadala siya ni Mr. La Peña rito,” saad ng isa sa mga babaeng kasama ko. Tumango ang lalaking nakaupo. “Paupuin niyo siya,” seryosong wika nito. Dinala nila ako sa isang upuan katabi ng isang babae. Umupo naman ako agad at tinignan silang lahat na seryoso lang din ang tingin sa akin.
“Ano ang kaya mong gawin para sa misyon mamaya?” biglang tanong ng isang babae.
Tinitigan ko siya, nakakahanga ang ganda niya. Pero mas naagaw ng kanyang makinang na buhok ang aking atensyon, bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka-insecure. Pero ano nga ulit ang tanong niya?
“K-kahit ano maligtas ko lang ang kaibigan ko,” tanging sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ang gusto niyang marinig.
“Mukhang wala ka pang karanasan sa kahit na anong misyon, bakit ka naman pinadala ni Mr. La Peña rito?” mataray ang boses na tanong ng isa pang babaeng katabi ng maganda.
“Sinabihan na ako ni Mr. La Peña kung anong gagawin sa kanya, magpatuloy na tayo sa pagpaplano,” wika ng lalaking nakatayo kaya tumingin kaming lahat sa kanya.
Sinalaysay niya ang mga gagawin mamaya at wala akong ibang nagawa kung hindi ay magulat at lihim na mapasinghap sa bawat sinasabi nito na gagawin nila mamaya. Isa lang ang masasabi ko. Para akong nanonood ng pelikula kung saan nagpaplano ang mga sundalo o mga police ng kanilang gagawin sa pagsugod sa isang lugar kung saan nagtatago ang mga kriminal. At oo, ganoon nga ang aming gagawin base sa aking pagkakaintindi.
“And you.” Nagulat ako nang ituro ako ng lalaking nakatayo sa harap. Bumilis ang pintig ng aking puso habang hinihintay ang kanyang sasabihin.
“Aakitin mo ang matandang Guevano, kung paano mo gagawin iyon ay nasa diskarte mo na 'yan basta gawin mo ang lahat para makagalaw kami at maligtas ang mga babae,” wika nito na nagpatindig sa aking mga balahibo sa katawan.
“B-bakit ako? Paano maaakit ang matandang iyon sa akin?” tanong ko na dinududahan ang aking hitsura. Ngayon ko lamang tatanggapin sa aking sarili na hindi ako maganda at imposibleng maaakit ko ang matanda.
“Why not? You're attractive,” simpleng wika ng isang lalaking nakaupo. Gusto kong magpasalamat sa pag a-appreciate nito sa aking hitsura pero hindi pa rin sapat ang sinabi niyang iyon para lumakas ang aking loob na magawa ang gusto nilang ipagawa sa akin.
Hindi ako nagrereklamo dahil no'ng sinabi kong gagawin ko ang lahat kahit ano pa 'yan ay pinangako ko na rin sa sarili kong panghahawakan ko iyon kahit anong mangyari. Kailangan ko lamang ngayon ng lakas ng loob. Kailangan nilang sabihin sa akin na magagawa ko nga ito.
“Don't be too humbe, totoong attractive ka at mabilis din maakit ang matandang Guevano sa mga babaeng morena at petite kaya mas bagay sa 'yo role na 'yan,” wika ng babaeng maganda. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkahiya pagkatapos niyang sabihin iyon. Iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag kinomplimento ka ng isang babaeng mas maganda.
Huminga na lang ako ng malalim at tinanggap na lamang ang gusto nilang gawin ko. Para kay Dana.
“Kailangan din natin magdoble ingat dahil malaki ang posibilidad na makaka-engkwentro rin natin ang Canvarro Mafia.”
Napatingin ako isa pang lalaking nakaupo nang sabihin niya iyon. Kung ganoon ay may posibilidad na makikita ko na naman ang grupo ng mga lalaking iyon.
Bakit parang mas kinakabahan pa ako na makita sila ulit kaysa sa bagay na aking gagawin?
Pagkatapos ng aming pag-uusap tungkol sa mga gagawin ay dinala ako ng dalawang babae sa cafeteria ng gusali.Nakita ko naman agad ang dalawang matanda na kumakain sa isang lamesa kaya hindi ko na hinintay pa ang mga babae at kusa ko nang binilisan ang aking paglalakad para makalapit sa dalawa.“Oh hija, kumusta naman ang pagpa-plano ninyo?” tanong agad ni detective Custodio pagdating ko sa pwesto nila. Kusa ko na rin inimbitahan ang aking sarili sa lamesa nila sa pamamagitan ng pag-upo sa isa sa mga upuan dito dahilan para wala ng nagawa ang dalawang babae at sinenyasan na lang sila ni Mr. La Peña na hayaan na lamang ako.“Maayos naman ang pagpa-plano, hindi ko nga lang inaasahan na mang-aakit pala ang role ko,” sarkastikong sagot ko sa kanya. Mahina itong tumawa at kumunot naman ang noo ni Mr. La Peña sa pagtataka.“Akala ko ba gagawin mo ang lahat?” tanong ni Mr. La Peña.“Hindi ako nagrereklamo, Mr. La Peña, hindi ko lang talaga inaasahan ang role ko,” saad ko rito dahilan para sum
Hindi ko magawang kumurap. Kahit hindi ko na masyadong naaaninag ang mukha ng lalaki ay parang may kung ano pa ring nagpipigil sa akin na putulin ang aming tinginan.“Ikaw ba si Abegail?”Nawala lamang ang aking tingin sa pwesto ng mga estranghero nang may lumapit sa akin na lalaking nakapormal ang suot at naka-shade. Kumunot ang aking noo na tinignan ito pero agad ko rin naalala ang aming plano.“Ako nga,” sagot ko rito.Tumango naman ito at tumingin sa pwesto ng matanda, sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ang matanda na tumango sa amin. Tumaas ang aking mga balahibo sa takot na aking nararamdaman at wala sa sarili akong napalingon sa direksyon ng mga estranghero.Nagulat naman ako nang hindi ko na sila makita pa. Inikot ko ang aking mga mata pero dahil sa magulong mga ilaw ay tuluyan ko na silang hindi nakita.“Sumama ka sa akin,” wika ng lalaking nasa aking harapan at nagsimula na maglakad paalis.Sa mabibigat na mga hakbang ay pinilit ko ang aking sariling sumunod dito. “Kaya
Inangat nito ang kanyang kanang kamay na may hawak na baril at agad itong pinaputok sa aking direksyon.Napaupo naman ako agad at niyakap ang aking mga braso, at nang lingunin ko ang aking likuran ay may lalaki ng nakahandusay doon.Lumapit sa akin iyong lalaking sumipa sa pinto kagabi. Pinatayo niya ako't tinulak sa pader malapit sa pinto at tinutukan ako ng baril.“Bakit nandito ka na naman? Hindi ba't ikaw rin 'yong babae kagabi?” kunot ang noong tanong nito.Napalunok ako at isa-isa silang tinignan. Napako naman agad ang aking tingin sa boss nilang seryoso lamang ang mukha at kung titignan sa mga mata ay para pa rin itong walang buhay. Nakatali ang kanyang mahabang buhok pero may mga tumatakas pa rin na napupunta sa kanyang mukha.“Nagsinungaling kang hindi ka babae ni Guevano,” wika pa nito habang nanatili namang tahimik ang dalawang lalaki. Kinasa nito agad ang kanyang baril at tinutok sa akin.“Papa*tayin na ba natin 'to, boss?” tanong nito sa boss nila.“Get rid of her,” inuli
Wala sa sarili akong lumabas ng Club.Inikot ko ang aking mga mata at bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ang van sa hindi kalayuan. Tumakbo agad ako papunta doon dahil sa pagkasabik na aking naramdaman at pagkarating ko ay bumukas agad ang back door nito.Pero natigilan ako at agad humupa ang pagkasabik na aking naramdaman nang makita ang bigo at sugatang hitsura ng aking mga kasama. Kusang tumulo sa aking pisngi ang mainit na likido mula sa aking mga mata.“Nasaan ang kaibigan ko?” tanong ko kahit alam ko na ang posibleng sagot.Bumuntong hininga lamang ang lalaking leader ng grupong ito at iniwas naman ng iba ang kanilang tingin sa akin. Doon ko lamang napansin na kulang sila. Hinanap ng aking mga mata ang babaeng maganda na nakausap ko kanina sa dressing room.“B-Bakit kulang kayo?” tanong kong muli. Walang nagsalita sa kanila kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng masama. May nangyari ba sa babae? Maya-maya pa ay tumunog na ang sasakyan hudyat na aalis na kami kaya sumakay
Kinabukasan ay maaga kaming ginising tatlo dahil may mahalagang pag-uusapan daw ang aming grupo kasama si Mr. La Peña.Nandito na kami ngayon sa parehong kwarto kung saan kami nag-discuss ng plano kahapon, at tanging si Mr. La Peña na lamang ang aming hinihintay.“Nagmamadali masyado si Mister Head, he couldn't really afford to lose Patricia,” ani ng isang lalaking kasama namin.“Syempre matagal na ang serbisyo ni Patricia dito eh,” saad naman ng isa pang lalaki.Nakikinig lamang ako sa kanila at nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng isang lalaking 'yon sa sinabi niyang masyadong nagmamadali si Mr. La Peña. Tinignan ko sina Aida at Leila, pero seryoso lamang ang kanilang mga mukha at mukhang walang balak na makisali sa usapan ng dalawang lalaki.Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Mr. La Peña kasama si detective Custodio at may dalawa pang lalaking mga pormal ang suot.“Good morning,” bati ni Mr. La Peña pero walang tumugon na kahit isa sa amin. Hindi na
Alas 10 na ng umaga nang magising ako. At maga-alas onse na ngayon pero wala pa rin akong balak na bumangon.Nakatitig lamang ako sa kisame at nag-isip ng malalim.Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng isagawa namin ang huling misyon. At sa tulong ni detective Custodio ay nakauwi na rin ako agad kagabi. Pagkatapos no'ng bigo naming misyon ay nagplano na sila agad kung paano babawiin si Patricia, hindi na nila ako sinali sa kanilang pagpa-plano dahil hindi rin naman ako kasali sa kanilang misyon.Sinabi rin agad ni Mr. La Peña sa akin kahapon na wala na silang ideya kung saan na nagtatago ang matandang Guevano sa ngayon. Hindi na nila magawa pang subaybayan ang kinaroroonan nito at pakiwari nila'y doble na ang pag-iingat ng mga Guevano sa kanilang mga galaw dahil sa sunod-sunod na atakeng natanggap.Hindi ko mapigilang mariing mapapikit. Magli-limang araw na simula no'ng mawala si Dana. Dalawang bigong misyon na ang aming nagawa at dahil sa sunod-sunod na pagkabigong iyon ay mukh
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pwesto ni Astervan Canvarro.Malayo pa ako ay nag-angat na ito ng tingin sa akin kaya bahagyang kumunot ang aking noo. Ganoon pa rin ang tingin nito, seryoso pero parang walang buhay ang mga mata.Nasa akin lamang ang kanyang tingin hanggang sa makarating ako sa pwesto niya. Kinakabahan ako sa totoo lang, bumilis na rin ang tibok ng aking puso dahil hindi nito inaalis ang kanyang tingin sa akin.Parang umaatras na rin ang galit na aking nararamdaman at dahan-dahan iyon napapalitan ng kaba habang papalapit sa kanyan pero wala na akong magagawa dahil tuluyan na akong nakalapit sa pwesto niya.Hindi ko magawang makapagsalita agad kaya tumaas ang isang kilay nito.“Ang lakas naman ng loob mong magpakita at lumapit sa akin, nakakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo?”Namuo ulit ang galit sa aking dibdib pagkatapos niyang sabihin iyon. Nakakatakot pa rin ang kanyang tingin na binibigay sa akin pero mas lamang na ngayon ulit ang galit na aking nararamd
“May balita na po ba sa location ng mga Guevano?” agad na tanong ko nang sagutin ni detective Custodio ang aking tawag.“Pasensya ka na, hija, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming alam kung nasaan na sila ngayon,” sagot nito sa kabilang linya.Natahimik ako agad at bumagsak ang aking mga balikat. Magda-dalawang linggo na simula noong huling misyon namin, araw-raw rin akong tumatawag kay detective Custodio para manghingi ng balita pero wala pa ring bago sa kanyang sagot.Araw-araw sinusubukan ang aking pag-asa na makita pa si Dana, pero kakapit ako sa kaisipang makakasama ko pa siya ulit kahit anong mangayri.“We'll let you know as soon as makahanap kami ng lead, hija”Binaba ko na ang telepono at huminga ng malalim.Sinubukan ko na rin ibalik sa dati ang aking buhay. Manicure, pedicure, crochet and DIY bracelets small businesses.Ang mga iyon ang mga bagay na bumubuhay sa akin, isama pa ang paglilinis ng mga bahay sa isang village malapit sa amin. Dahil sa kahirapan ng buhay ay
Nagising ako dahil sa ingay na parang may nagtatalo.“Dapat ay matagal na natin pinatay ang Argus na 'yon, alam kong traydor siya.”“Masyado siyang magaling magpanggap.”“Really? Pinatay ninyo ang matagal na natin nakasama dahil lang sa babaeng 'yan? Sana hinayaan niyo na lang si Argus na gaha—”Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang aking tingin. Nandito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na malawak na kwarto at nandito rin silang lahat sa loob. Inalala ko naman agad ang nangyari kanina. May gustong dumukot sa akin at nawalan ako ng malay no'ng dumating na sina Astervan kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.“Ynah! Mabuti naman at nagising ka na.” Agad lumapit si Patricia sa akin kaya tumingin ang lahat sa akin.Tinignan ko si Astervan. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang posibleng iniisip niya sa mga oras na 'to, binaling ko naman ang aking tingin kay Lilian, matulis ang kanyang tingin sa akin na parang hindi niya nagustuhan na nagising p
Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong aking nalaman. May karamay na ako ngayon, at gagawin namin ang lahat para mahanap ang kaibigan ko. Nasa loob na ako ng kwarto ngayon. Maga-alas tres pa lang ng hapon pero buryong-buryo na ako rito sa loob. Ayaw ko naman lumabas kasi natatakot ako doon.Hindi ko pa naman alam kung nasaan si Astervan Canvarro.Pagkatapos kasi ng usapan doon sa isang kwarto kanina ay nauna na itong umalis. Si Patricia na nga lang ang naghatid sa akin dito sa kwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya nakaramdam ako ng pagkasabik at agad nagpunta roon. Pero nawala rin agad ang aking pagkasabik nang makita ang isa sa mga kasambahay rito na may hawak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at isang platito ng cheesecake.Akala ko si...“Meryenda mo po, ma'am,” wika nito kaya hindi ko maiwasang mailang.Tinanggap ko ito, “Naku, huwag niyo po akong tawaging ma'am, ate. Ynah na lang po.”Tipid lamang itong ngumiti sa akin. “Aalis na po ako,” paalam
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko naman si Patricia doon. Narinig ko ang ingay sa loob ng kwarto kaya nasisiguro kong maraming tao doon.Hindi ko namalayan ang paggalaw ni Astervan sa kanyang kinatatayuan kanina at nakita ko na lamang siya nauna ng maglakad papasok sa kwarto. Sumunod na rin ako at nakita ko sa loob ang lahat ng lalaking kasama ni Astervan no'ng gabi sa bar kung saan nawala si Dana.Tanging kami lang ni Patricia ang babae rito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot dahil sa malalalim na tingin na binibigay ng mga lalaki sa akin. Pero agad din ako tumingin kay Astervan.“Update?” tanong nito kaya lumapit sa kanya ang lalaking pula ang buhok.Doon ko lang tinignan ang malaking whiteboard sa harap namin at agad nakuha ang aking atensyon ng malaking litrato na nasa gitna nito. Si Dana...Lumapit ako rito at tinignan ng buo ang mga nakasulat, may mga arrow na kumukonekta sa litrato ni Dana sa ibang mga litratong nakadikit sa whiteboard.Sa mga
Naabutan namin sa dining area si Patricia kasama ang pamilyar na lalaki, at ang babaeng masama na naman ang tingin sa akin.Hindi ko na lamang ito pinansin at tipid na lang akong ngumiti sa nakangiti ring si Patricia. May relasyon ba si Patricia at ang lalaking pamilyar na 'to? Habang tumatagal na tignan ko silang dalawa ay parang mas nagiging pamilyar silang dalawa sa akin.Nang makaupo kaming dalawa ni Astervan ay agad kaming binigyan ng plato, kutsara, at tinidor ng mga maid. Magkaharap kaming dalawa, katabi ko si Patricia at katabi naman ni Astervan ang isang babae. Agad naman siyang nilagyan ng pagkain ng babae sa kanyang plato kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanila.Parang asawa kung alagaan ng babae si Astervan. Imposible namang wala silang relasyon niyan.“Hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa 'yo, Aisynah Sorrengil, right? I'm Dancel Hernandez,” Wika no'ng lalaking pamilyar kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang pangalan niya, pero ngumiti na lang ako sa pormal
“Nakuha mo na ba ang pinabigay ko?” tanong agad nito.Napalunok naman ako bago ito sinagot, “O-Oo, hanatid ni Patricia. S-salamat...”Nagulat ako sa aking sinabi, wala naman kasi akong planong tanggapin iyon pero kusa ng nagpasalamat ang aking bibig.Yumuko ako agad dahil naiilang ako sa kanyang hitsura. Wala na nga itong damit pang-itaas tapos basang-basa pa ang kanyang mahabang buhok na halatang kakatapos lang niyang maligo.Lumipas ang isang minuto na hindi ito nagsalita kaya nag-angat ako ng aking tingin na deretso sa kanyang mukha. Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagtataka.“What's bothering—”“A-Anong p—”Natigilan kaming dalawa dahil sa sabay naming pagsasalita. Mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang kaya nagpakawala ako ng malakas na pagbuntong.“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka na umalis,” wika ko rito. “Kakain na,” ani nito kaya nagulat ako. Bigla namang kumalam ang aking tiyan kaya napahawak ako rito, naramdaman ko agad ang pag-in
“Sa tingin mo ba mapapalitan mo ako rito?”Halos mapalundag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at nanlaki agad ang aking mga mata nang makita ang babaeng dumikit kay Astervan kanina. Masama ang tingin nito sa akin at parang ano mang oras ay papat*yin ako nito.“W-Wala akong planong palitan ka,” ani ko rito sa aking nanginginig na boses. Napaatras na rin ako pero agad ko rin naramdaman ang cabinet sa aking likuran.Pero teka, ano ba ang ibig niyang sabihin? Anong papalitan ko siya?Bigla itong tumawa kaya nagulat ako. Baliw ba ang babaeng 'to?“Walang plano? Pagkatapos mong magpunta rito?” Hindi ko maintindihan ang kanyang pinupunto pero isa lang ang masasabi ko, baliw siguro talaga ang babaeng 'to. Madiin kasi ang pagkakasabi niya no'n pero nakangisi siya ng nakakaloko.“N-Napilitan lang akong sumama rito,” wika ko pero tumawa na naman ulit siya.“Napilitan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw pa pinilit ni Aster na sumama sa kanya?” mga tanong nito
Maga-alas singko na ng umaga nang makalabas kami ng apartment ko. Madilim pa sa labas kaya hindi kami ganoon ka nahirapan. Bago kami tuluyang umalis ay iniwan ko sa labas ng unit ni aling Evangeline ang sulat na sinulat ko kanina para sa kanya.Ayaw kong mag-alala sila dahil aalis na naman ako bigla, kaya kahit sa sulat man lang ay makapagpaalam ako.Pagkarating namin sa labas ng apartment building ay biglang may dumating na itim na van sa harap namin, agad itong bumukas kaya sumakay na kami agad.Hindi ko alam kung sino ang kasama namin dahil madilim sa loob, wala akong ibang makita kung hindi ay ang umiilaw lang na dashboard.“Ayos ka lang ba, boss?” rinig kong tanong ng hindi pamilyar na boses ng lalaki.“Siguraduhin niyong mauubos lahat ng miyembro ng walang kwentang grupong iyon.”Napalunok ako dahil sa malamig na boses na iyon ni Astevan Canvarro.“Copy, boss.”Pagkatapos ng mabilis na usapang iyon ng lalaki at ng taong hindi pamilyar ang boses ay naging tahimik na ang buong bya
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Ilang minuto na ang nakalipas simula no'ng iwan ko sa sala ang lalaki, pagkatapos kasi niyang sabihin ang mga salitang iyon ay sinilip ko siya at nakita ko namang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata kaya naisip kong nagde-deliryo lamang ito.Bakit niya naman sasabihin ang mga salitang iyon sa akin? Hindi naman kasi porket tinulungan ko siya ay magsasalita na siya ng ganoon. Hindi naman siguro siya 'yong klase ng taong mabilis madala sa ginagawa ng ibang tao.Mula rito sa aking kwarto ay makikita sa bukas na pintuan ang sofa, hindi ko nakikita ang lalaki dahil nakahiga ito pero nasisiguro ko naman na nandoon pa rin siya dahil kanina ko pa hindi inaalis ang aking tingin doon. Tuluyan na rin akong hindi dinalaw ng antok at nang tignan ko naman ang oras ay maga-alas tres na pala ng madaling araw. Hindi ko alam kung bakit nababahala ng sobra ang isip ko sa sinabi ng lalaking 'yon pero nagpapasalamat na lamang ako na dahil doon ay hindi ko na kailang
Nang matapos ko siyang punasan sa kanyang dibdib ay agad akong tumayo at nagtungo sa kusina para itapon ang tubig na tuluyan ng naging kulay pula.Mabilis pa rin ang tibok ng aking dahil sa takot.Hindi imposibleng mamat*y ako ngayon. Dapat ba akong tumawag ng police? Dapat ko bang tawagan si detective Custodio?Na-offend ko ba siya ng sobra no'ng araw na 'yon para pat*yin na niya talaga ako? Nagpapanggap lang siguro ang lalaking iyon na hinang-hina na siya para makapasok dito at tahimik akong pat*yin.Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa aking isip. Natatakot ako para sa buhay ko. Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko nasisigurong ligtas na si Dana. Wala naman kasi akong magagawa kung magiging multo na lang ako bigla.Habang nilalabhan ko ang tela ay tahimik din akong nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa akin ngayong gabi. Hindi ko kailangan bumalik agad doon sa sala dahil wala naman akong gagamuting sugat sa kanyang katawan.Nili