AISYNAH
Agad kong binuksan ang aking pouch pagpasok ko ng banyo. Ako lang mag-isa rito dahilan para mapangisi ako. “Ang daming tao sa labas!” wika ko sa harap ng salamin habang tinitigan ang aking repleksyon.
Ngayon lamang ako ulit nakapasok ng Club pagkatapos ng halos dalawang taon. Paano eh ngayon pa lang umuwi si Dana—siya lang naman ang tanging umaaya sa akin na mag-Club.
Nilabas ko na ang aking matte lipstick, powder, at tissue sa pouch. Pinunasan ko muna ang aking mukha na puno na ng pawis at inaplayan ko rin agad ng powder. Kinuha ko na pagkatapos ang lipstick at nilagyan ang aking mga labi.
Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Pula na ang aking mukha at medyo magulo na ang aking nakalugay na maalong buhok, tumatakas na rin ang aking mga baby hair sa may noo. Nagpakawala ako ng buntong hininga at naghanap sa pouch ng matatali sa aking buhok, napangisi naman ako pagkatapos makita ang isang itim na sanrio. Kinagat ko ito at dahan-dahang inipon at inayos ang aking buhok gamit ang aking mga kamay, tinali ko na rin agad nang masigurong maayos na nga ito.
Inayos ko na rin ang aking black halter dress at kumuha ulit ng tissue sa pouch. Sinara ko ang pouch at tinignan ang mga bukas na cubicle rito sa loob. Pumasok na rin ako agad sa pinakahuling cubicle at sinara ito.
“What the heck?” hindi makapaniwalang saad ko pagkatapos makita ang upuan ng bowl na may dumi ng mga bakas ng paa. Hindi naman ito ganoon karami pero marumi pa rin. Hindi ba pangreyna umupo ang huling pumunta rito? Iihi lang eh.
Kinuha ko ang bidet at inisprayhan ng tubig ang dumi. Pagkatapos ay pinunasan ko ang upuan. Nagsimula na rin ako agad umihi.
Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng pag-ihi nang makarinig ako ng malakas na pagbalabag sa pinto at sumunod ang boses ng mga lalaki. Nanlaki aking mga mata at bumilis ang tibok ng aking puso. Agad kong tinapos ang pag-ihi at tatayo na sana nang marinig ang pag-uusap ng mga lalaki.
“P*tayin lahat ng tauhan ni Guevano”
“Paano ang matanda?”
“Si boss ang tatapos sa kanya”
Napako ako sa aking inuupuan at mas lalong nanlaki ang aking mga mata pagkatapos marinig ang mga iyon. Halos pigilin ko na rin ang aking paghinga dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Mas lalo pa akong nanginig pagkatapos marinig ang sunod-sunod na pagkasa ng mga baril.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at mariing pumikit habang dahan-dahang binuksan ang pouch para kumuha ng tissue, kahit nanginginig na ang aking mga kamay ay ginawa ko pa rin ang lahat para pakalmahin ang aking sarili. As much as possible ayaw kong makagawa ng kahit na anong tunog. Hindi ko alam kung sino ang mga tao sa labas pero alam ko—nasisiguro kong mga delikado sila.
Agad kong ginamit ang tissue pagkatapos ko itong makuha at dahan-dahan na tumayo.
“Sigurado ka bang walang ibang tao rito?”
Natigilan ako at muling nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Pinikit ko ang aking mga mata at tahimik na nagdasal para sa aking kawawang buhay.
Hindi pa akong handang mamatay.
Ilang segundo ang lumipas na katahimikan lamang ang namayani sa loob ng banyo. Pero hindi ako nakaramdan ng pagkaginhawa. Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng aking puso at wala na akong ibang nagawa kung hindi ay hintayin na lamang ang susunod na mangyayari. At hindi naman ako naghintay pa ng matagal dahil halos mapatalon ako sa gulat sa aking kinatatayuan at nabitawan ko ang aking pouch nang malakas na bumalabag ang pinto sa aking harapan.
“Lumabas ka!”
Halos mapatalon ako ulit pagkatapos marinig ang galit na pagsigaw ng boses ng isang lalaki. Hindi ako makagalaw, naramdaman ko lang ang pangiginig ng aking buong katawan at nagsimula na akong magdasal para sa lahat ng kasalanang aking nagawa.
“Bibilang akong tatlo at kung hindi ka pa rin lalabas diyan sisiguraduhin kong p*tay ka ng makikita ng pamilya mo diyan!” sigaw na naman ng lalaki sa labas at nakarinig naman ako agad ng pagkasa ulit ng baril.
Kahit nanginginig pinilit ko pa rin ang sarili kong gumalaw, binuksan ko ang lock ng cubicle at dahan-dahang binuksan ang pinto habang nasa baba ang aking tingin.
“Sayang ang ganda”
Inangat ko ang aking ulo at inikot ang aking tingin sa loob ng banyo. Mas lalo pang lumakas ang kaba na aking nararamdaman nang makita ang limang nakakatakot na mga lalaking may dalang malalaking mga baril.
“Babae ka ba ni Guevano?” tanong ng isang lalaking pula ang buhok na may tiger tattoo sa leeg. Mukha ba akong pagmamay-ari ng kung sino?
“H-hindi,” nanginginig ang boses na sagot ko rito. Tinignan naman ako ng isang lalaking walang buhok mula hanggang paa. Gusto kong tusukin ang kanyang mga mata dahil sa malagkit na tingin na binibigay niya sa akin pero wala man lang akong lakas na igalaw ang kahit anong parte ng aking katawan.
“Bilisan na natin, darating na si boss,” wika ng isang lalaki sa likod ng nakapula.
“Paano ang babaeng 'yan?” tanong naman ng katabi nito.
“P*tayin na 'yan”
Halos mawalan ako ng hininga pagkatapos iyon kaswal lang na sabihin ng isang lalaking mahaba ang buhok at may tattoo ng isang hayop na 'di ko kilala sa gilid ng kanyang kanang mata. Naramdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata pero pinigilan ko lang ang aking sarili dahil hindi ako pwedeng mamatay na kawawa.
“Hindi ba pwedeng pakinabangan muna natin?” biglang tanong no'ng lalaking manyak na walang buhok. Ngumisi ito sa akin dahilan para makaramdam ako ng pandidiri at hindi ko na napigilan ang aking sariling irapan ito. Mas lumawak ang ngisi nito kay iniwas ko na lamang ang aking tingin.
“Hintayin na lang natin si boss,” tinignan ko ang nagsalita. Ito iyong lakaking sumipa sa pinto, nasa harapan ko siya at seryoso akong tinitigan.
Kusa akong napaatras nang bigla itong humakbang papalapit sa akin.
“Ayusin mo sa pagmamakaawang buhayin ka pa namin,” biglang sabi nito at umalis sa aking harapan para lumapit sa may salamin. Umupo naman agad siya sa sink.
Ibinaba ko ang aking tingin dahil nararamdaman ko pa rin ang titig ng ibang mga lalaki doon. Sa langit lamang ako magmamakaawang kaawaan ako sa gabing 'to mula sa mga estrangherong ito.
Bigla kong naisip si Dana, ngayon lang kami ulit nagkita dalawa matapos ang halos dalawang taon. Ayaw ko pang mawala sa mundo, marami akong pangarap sa buhay. Marami pa kaming pangarap magkaibigan na sabay namin tutuparin.
Pagkatapos ng ilang minuto, biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya nag-angat ako ng aking tingin.
“Boss”
Tinignan ko ang dalawang lalaking bagong dating. Hindi ko maiwasang titigan ang isa, hindi ako makapaniwala sa mala-diyos nitong hitsura. Matangkad ito, malaki ang katawan, mahaba rin ang buhok na hanggang balikat, matangos ang ilong, at malalim ang mga mata. Ito ba ang boss nila? Kung ganoon sayang ang buhay niya!
Doon ko lang napansin ang hawak nitong malaking baril. Mula sa lalaking nakaupo sa sink, ibinaling nito ang kanyang tingin sa akin. Bahagyang tumaas ang makapal nitong kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Mas nakaramdaman naman ako ng matinding takot dahil sa malalim nitong tingin sa akin.
“Sino siya?”
Tinignan ko ang katabi nitong isa pang lalaki nang magsalita ito. Nakatitig ito sa akin at hindi ko naman maiwasang makaramdam ng pamilyaridad dito. Parang nakita ko na siya noon.
“Isang malas na nilalang,” sagot ng lalaking pula ang buhok.
“Hindi ba't sinabi ko sa inyong siguraduhin niyo na walang tao rito sa loob?”
Isang malalim na boses ang pumuno sa loob ng banyo kaya tinignan ko ang tinatawag nilang boss. Mariin lamang itong nakakatitig sa akin sa walang emosyong mga mata. Parang nakatingin lamang ako sa walang buhay na tao pero nakatayo ito at gumagalaw. Paano niya nagagawa iyon?
“Anong gagawin?” tanong ng lalaking walang buhok na manyak.
“Get rid of her,” ani ng boss nila sa malalim na boses dahilan para manlaki muli ang aking mga matang tumitig sa kanya. Napaatras ako. Kung gaano ka mala-diyos ang kanyang hitsura, ganoon na man ka nakakatakot ang kanyang aura.
“Pakinabangan muna natin,” pigil ng manyak na lalaki. Tinitigan siya ng boss nila kaya napa-angat ito ng mga kamay sa ere.
“Paalisin niyo na 'yan,” utos ng lalaking pamilyar.
Lumapit sa akin ang lalaking nakaupo sa sink kanina at hinawakan ako sa aking mga braso. Marahas niya akong hinila at kahit nasasaktan ay pilit ko na lang itong tiniis lalo na ng sa may pinto niya ako dalhin. Nang madaanan namin ang boss nila, tinitigan ko ito sa mga mata pero ganoon pa rin ang reaksyon ng kanyang mukha. Walang buhay.
“Bibigyan ka namin ng sampung minuto para makaalis dito, gamitin mo ng maayos ang oras mo.”
Pagkalabas namin ng banyo ay pabagsak akong binitawan ng lalaki dahilan para mapaupo ako sa sahig at mapadaing dahil sa sakit na aking nararamdaman.
“59, 58, 57...”
Tinignan ko ang lalaking pula ang buhok nang magsimula itong magbilang.
“56, 55, 54...”
Binaling ko naman ang aking tingin sa isa pang lalaking mahaba ang buhok na may tattoo sa kanang mata nang ipagpatuloy niya ang pagbibilang habang nakangisi.
Tinitigan ko silang lahat isa-isa at saglit napako ang aking mata sa boss nila. Bahagya na namang tumaas ang isang kilay nito.
Tumayo na ako at agad tumakbo palayo sa kanila. Kailangan kong hanapin si Dana.
Nagpalinga-linga ako habang pilit isiniksik ang aking sarili sa dagat ng mga taong sumasayaw. Maraming nagrereklamo dahil malakas ko na silang natutulak para lang makadaan pero wala na akong pakialam. Kailangan kong mahanap ang kaibigan ko.“Dana!”Sinabayan ko rin ng sigaw ang aking paghahanap kahit alam kong hindi rin naman ako nito maririnig. Hindi pa man ako nagli-limang minuto sa paghahanap nakaramdam na ako ng pagod, pero wala akong planong tumigil lalo na at wala ring tigil ang malakas na pagtibok ng aking puso na sumasabay sa lakas ng tugtog na bumabalot sa buong lugar.“Dana!”Pumasok sa isip kong balikan ito sa table namin kanina kaya agad akong tumakbo patungo roon. Nakataas na ang mga kilay ng mga taong nadadaanan ko dahil sa pagtataka pero wala na akong pakialam sa kanila. Ang importante sa akin ngayon ay ang kaibigan ko.Pagkarating ko sa table namin wala akong nakitang Dana. Napapikit na ako sa pagkabigo, tumulo ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata pero marahas
Pinilit ako ng mga police na umuwi na at kahit mabigat sa pakiramdam ay wala naman na akong nagawa kung hindi ay sundin na lang sila at ipaubaya na muna sa kanila ang paghahanap sa aking kaibigan.Malapit ng sumibol ang araw nang makauwi ako sa apartment ko. Agad akong umupo sa sofa rito sa aking maliit na sala at tumulala. Bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kanina. Naramdaman ko naman agad ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.Kahapon lang ng umaga noong sinurpresa ako ni Dana rito sa apartment ko at nag-party kami agad kagabi. Paanong umabot sa ganito ang lahat? Hindi kailan man pumasok sa isip ko na matagpuan ang aking sarili sa gitna ng isang gulo. Lalong hindi pumasok sa isip ko na masaksihan ang gulo ng organisasyon ng mga mafia. Paano ko hahanapin si Dana? Malakas ang loob ko na buhay siya. At sa tingin ko ay sinama siya ng matandang lalaking kasayaw niya bago nangyari ang gulo, nasisiguro ko ring ang matandang iyon ang Guevano na tinutukoy ng mga estrangherong iyon.
Mahigit kalahating oras na simula no'ng umalis dito sa istasyon ang mga magulang ni Dana. Hindi na rin nila ako kinausap bago sila umalis. Pumasok naman agad ang detective sa opisina ng chief ng mga police nang dumating ito kaya mag-isa akong naiwan ako rito sa labas.Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Parang masisiraan na rin ako ng bait kakaisip kung ano ang dapat kong gawin. Tumatakbo ang oras na hindi ko alam kung ano na ang sitwasyon ni Dana ngayon.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at sinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan dito sa labas ng istasyon. Nararamdaman ko na ang pagod sa aking buong katawan pero mababaliw lamang ako 'pag nagpahinga ako. Mariin kong pinikit ang aking mga mata pero biglang nagpakita sa aking ala-ala ang nangyari kagabi. Kung paanong nawala na lang bigla sa aking paningin si Dana.Maya-maya pa ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mga mata at tinignan kung sino ito ay napaupo ako agad ng maayos
“Kilala mo ba sila?”Napatingin ako kay Mr. La Peña nang itanong niya iyon. “S-Sila iyong mga lalaking nagdala ng gulo kagabi,” sagot ko at tinignan muli ang litrato ng mga estranghero kagabi.Kahit litrato lamang ang nakikita ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot dahil sa mapanganib nilang mga mata.Binasa ko isa-isa ang mga pangalan nila. Dancel pala ang pangalan no'ng lalaking pamilyar, Dancel Hernandez. Hindi ko pa rin matukoy kung saan ko ito nakita noon basta ang alam ko nakita ko na ito.Tinignan ko naman ang litrato ng lalaking pula ang buhok, nakangisi ito ng nakakaloko sa litrato. Lucas Ardiente naman ang kanyang pangalan niya.Ibinaling ko naman ang aking tingin sa katabi nitong litrato, ito naman ang lalaking sumipa sa pinto—si Rafael Tarano.Nang makita ko naman ang litrato ng lalaking mahaba rin ang buhok tulad ng boss nila ay napangiwi ako agad dahil wala ang tattoo nito sa mukha.Tumingin ako sa dalawang matanda. “Hindi ata kayo na-update na may ta
Pagkatapos ng aming pag-uusap tungkol sa mga gagawin ay dinala ako ng dalawang babae sa cafeteria ng gusali.Nakita ko naman agad ang dalawang matanda na kumakain sa isang lamesa kaya hindi ko na hinintay pa ang mga babae at kusa ko nang binilisan ang aking paglalakad para makalapit sa dalawa.“Oh hija, kumusta naman ang pagpa-plano ninyo?” tanong agad ni detective Custodio pagdating ko sa pwesto nila. Kusa ko na rin inimbitahan ang aking sarili sa lamesa nila sa pamamagitan ng pag-upo sa isa sa mga upuan dito dahilan para wala ng nagawa ang dalawang babae at sinenyasan na lang sila ni Mr. La Peña na hayaan na lamang ako.“Maayos naman ang pagpa-plano, hindi ko nga lang inaasahan na mang-aakit pala ang role ko,” sarkastikong sagot ko sa kanya. Mahina itong tumawa at kumunot naman ang noo ni Mr. La Peña sa pagtataka.“Akala ko ba gagawin mo ang lahat?” tanong ni Mr. La Peña.“Hindi ako nagrereklamo, Mr. La Peña, hindi ko lang talaga inaasahan ang role ko,” saad ko rito dahilan para sum
Hindi ko magawang kumurap. Kahit hindi ko na masyadong naaaninag ang mukha ng lalaki ay parang may kung ano pa ring nagpipigil sa akin na putulin ang aming tinginan.“Ikaw ba si Abegail?”Nawala lamang ang aking tingin sa pwesto ng mga estranghero nang may lumapit sa akin na lalaking nakapormal ang suot at naka-shade. Kumunot ang aking noo na tinignan ito pero agad ko rin naalala ang aming plano.“Ako nga,” sagot ko rito.Tumango naman ito at tumingin sa pwesto ng matanda, sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ang matanda na tumango sa amin. Tumaas ang aking mga balahibo sa takot na aking nararamdaman at wala sa sarili akong napalingon sa direksyon ng mga estranghero.Nagulat naman ako nang hindi ko na sila makita pa. Inikot ko ang aking mga mata pero dahil sa magulong mga ilaw ay tuluyan ko na silang hindi nakita.“Sumama ka sa akin,” wika ng lalaking nasa aking harapan at nagsimula na maglakad paalis.Sa mabibigat na mga hakbang ay pinilit ko ang aking sariling sumunod dito. “Kaya
Inangat nito ang kanyang kanang kamay na may hawak na baril at agad itong pinaputok sa aking direksyon.Napaupo naman ako agad at niyakap ang aking mga braso, at nang lingunin ko ang aking likuran ay may lalaki ng nakahandusay doon.Lumapit sa akin iyong lalaking sumipa sa pinto kagabi. Pinatayo niya ako't tinulak sa pader malapit sa pinto at tinutukan ako ng baril.“Bakit nandito ka na naman? Hindi ba't ikaw rin 'yong babae kagabi?” kunot ang noong tanong nito.Napalunok ako at isa-isa silang tinignan. Napako naman agad ang aking tingin sa boss nilang seryoso lamang ang mukha at kung titignan sa mga mata ay para pa rin itong walang buhay. Nakatali ang kanyang mahabang buhok pero may mga tumatakas pa rin na napupunta sa kanyang mukha.“Nagsinungaling kang hindi ka babae ni Guevano,” wika pa nito habang nanatili namang tahimik ang dalawang lalaki. Kinasa nito agad ang kanyang baril at tinutok sa akin.“Papa*tayin na ba natin 'to, boss?” tanong nito sa boss nila.“Get rid of her,” inuli
Wala sa sarili akong lumabas ng Club.Inikot ko ang aking mga mata at bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ang van sa hindi kalayuan. Tumakbo agad ako papunta doon dahil sa pagkasabik na aking naramdaman at pagkarating ko ay bumukas agad ang back door nito.Pero natigilan ako at agad humupa ang pagkasabik na aking naramdaman nang makita ang bigo at sugatang hitsura ng aking mga kasama. Kusang tumulo sa aking pisngi ang mainit na likido mula sa aking mga mata.“Nasaan ang kaibigan ko?” tanong ko kahit alam ko na ang posibleng sagot.Bumuntong hininga lamang ang lalaking leader ng grupong ito at iniwas naman ng iba ang kanilang tingin sa akin. Doon ko lamang napansin na kulang sila. Hinanap ng aking mga mata ang babaeng maganda na nakausap ko kanina sa dressing room.“B-Bakit kulang kayo?” tanong kong muli. Walang nagsalita sa kanila kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng masama. May nangyari ba sa babae? Maya-maya pa ay tumunog na ang sasakyan hudyat na aalis na kami kaya sumakay
Nagising ako dahil sa ingay na parang may nagtatalo.“Dapat ay matagal na natin pinatay ang Argus na 'yon, alam kong traydor siya.”“Masyado siyang magaling magpanggap.”“Really? Pinatay ninyo ang matagal na natin nakasama dahil lang sa babaeng 'yan? Sana hinayaan niyo na lang si Argus na gaha—”Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang aking tingin. Nandito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na malawak na kwarto at nandito rin silang lahat sa loob. Inalala ko naman agad ang nangyari kanina. May gustong dumukot sa akin at nawalan ako ng malay no'ng dumating na sina Astervan kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.“Ynah! Mabuti naman at nagising ka na.” Agad lumapit si Patricia sa akin kaya tumingin ang lahat sa akin.Tinignan ko si Astervan. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang posibleng iniisip niya sa mga oras na 'to, binaling ko naman ang aking tingin kay Lilian, matulis ang kanyang tingin sa akin na parang hindi niya nagustuhan na nagising p
Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyong aking nalaman. May karamay na ako ngayon, at gagawin namin ang lahat para mahanap ang kaibigan ko. Nasa loob na ako ng kwarto ngayon. Maga-alas tres pa lang ng hapon pero buryong-buryo na ako rito sa loob. Ayaw ko naman lumabas kasi natatakot ako doon.Hindi ko pa naman alam kung nasaan si Astervan Canvarro.Pagkatapos kasi ng usapan doon sa isang kwarto kanina ay nauna na itong umalis. Si Patricia na nga lang ang naghatid sa akin dito sa kwarto.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya nakaramdam ako ng pagkasabik at agad nagpunta roon. Pero nawala rin agad ang aking pagkasabik nang makita ang isa sa mga kasambahay rito na may hawak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at isang platito ng cheesecake.Akala ko si...“Meryenda mo po, ma'am,” wika nito kaya hindi ko maiwasang mailang.Tinanggap ko ito, “Naku, huwag niyo po akong tawaging ma'am, ate. Ynah na lang po.”Tipid lamang itong ngumiti sa akin. “Aalis na po ako,” paalam
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko naman si Patricia doon. Narinig ko ang ingay sa loob ng kwarto kaya nasisiguro kong maraming tao doon.Hindi ko namalayan ang paggalaw ni Astervan sa kanyang kinatatayuan kanina at nakita ko na lamang siya nauna ng maglakad papasok sa kwarto. Sumunod na rin ako at nakita ko sa loob ang lahat ng lalaking kasama ni Astervan no'ng gabi sa bar kung saan nawala si Dana.Tanging kami lang ni Patricia ang babae rito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot dahil sa malalalim na tingin na binibigay ng mga lalaki sa akin. Pero agad din ako tumingin kay Astervan.“Update?” tanong nito kaya lumapit sa kanya ang lalaking pula ang buhok.Doon ko lang tinignan ang malaking whiteboard sa harap namin at agad nakuha ang aking atensyon ng malaking litrato na nasa gitna nito. Si Dana...Lumapit ako rito at tinignan ng buo ang mga nakasulat, may mga arrow na kumukonekta sa litrato ni Dana sa ibang mga litratong nakadikit sa whiteboard.Sa mga
Naabutan namin sa dining area si Patricia kasama ang pamilyar na lalaki, at ang babaeng masama na naman ang tingin sa akin.Hindi ko na lamang ito pinansin at tipid na lang akong ngumiti sa nakangiti ring si Patricia. May relasyon ba si Patricia at ang lalaking pamilyar na 'to? Habang tumatagal na tignan ko silang dalawa ay parang mas nagiging pamilyar silang dalawa sa akin.Nang makaupo kaming dalawa ni Astervan ay agad kaming binigyan ng plato, kutsara, at tinidor ng mga maid. Magkaharap kaming dalawa, katabi ko si Patricia at katabi naman ni Astervan ang isang babae. Agad naman siyang nilagyan ng pagkain ng babae sa kanyang plato kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanila.Parang asawa kung alagaan ng babae si Astervan. Imposible namang wala silang relasyon niyan.“Hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa 'yo, Aisynah Sorrengil, right? I'm Dancel Hernandez,” Wika no'ng lalaking pamilyar kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang pangalan niya, pero ngumiti na lang ako sa pormal
“Nakuha mo na ba ang pinabigay ko?” tanong agad nito.Napalunok naman ako bago ito sinagot, “O-Oo, hanatid ni Patricia. S-salamat...”Nagulat ako sa aking sinabi, wala naman kasi akong planong tanggapin iyon pero kusa ng nagpasalamat ang aking bibig.Yumuko ako agad dahil naiilang ako sa kanyang hitsura. Wala na nga itong damit pang-itaas tapos basang-basa pa ang kanyang mahabang buhok na halatang kakatapos lang niyang maligo.Lumipas ang isang minuto na hindi ito nagsalita kaya nag-angat ako ng aking tingin na deretso sa kanyang mukha. Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagtataka.“What's bothering—”“A-Anong p—”Natigilan kaming dalawa dahil sa sabay naming pagsasalita. Mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang kaya nagpakawala ako ng malakas na pagbuntong.“Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka na umalis,” wika ko rito. “Kakain na,” ani nito kaya nagulat ako. Bigla namang kumalam ang aking tiyan kaya napahawak ako rito, naramdaman ko agad ang pag-in
“Sa tingin mo ba mapapalitan mo ako rito?”Halos mapalundag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at nanlaki agad ang aking mga mata nang makita ang babaeng dumikit kay Astervan kanina. Masama ang tingin nito sa akin at parang ano mang oras ay papat*yin ako nito.“W-Wala akong planong palitan ka,” ani ko rito sa aking nanginginig na boses. Napaatras na rin ako pero agad ko rin naramdaman ang cabinet sa aking likuran.Pero teka, ano ba ang ibig niyang sabihin? Anong papalitan ko siya?Bigla itong tumawa kaya nagulat ako. Baliw ba ang babaeng 'to?“Walang plano? Pagkatapos mong magpunta rito?” Hindi ko maintindihan ang kanyang pinupunto pero isa lang ang masasabi ko, baliw siguro talaga ang babaeng 'to. Madiin kasi ang pagkakasabi niya no'n pero nakangisi siya ng nakakaloko.“N-Napilitan lang akong sumama rito,” wika ko pero tumawa na naman ulit siya.“Napilitan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw pa pinilit ni Aster na sumama sa kanya?” mga tanong nito
Maga-alas singko na ng umaga nang makalabas kami ng apartment ko. Madilim pa sa labas kaya hindi kami ganoon ka nahirapan. Bago kami tuluyang umalis ay iniwan ko sa labas ng unit ni aling Evangeline ang sulat na sinulat ko kanina para sa kanya.Ayaw kong mag-alala sila dahil aalis na naman ako bigla, kaya kahit sa sulat man lang ay makapagpaalam ako.Pagkarating namin sa labas ng apartment building ay biglang may dumating na itim na van sa harap namin, agad itong bumukas kaya sumakay na kami agad.Hindi ko alam kung sino ang kasama namin dahil madilim sa loob, wala akong ibang makita kung hindi ay ang umiilaw lang na dashboard.“Ayos ka lang ba, boss?” rinig kong tanong ng hindi pamilyar na boses ng lalaki.“Siguraduhin niyong mauubos lahat ng miyembro ng walang kwentang grupong iyon.”Napalunok ako dahil sa malamig na boses na iyon ni Astevan Canvarro.“Copy, boss.”Pagkatapos ng mabilis na usapang iyon ng lalaki at ng taong hindi pamilyar ang boses ay naging tahimik na ang buong bya
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Ilang minuto na ang nakalipas simula no'ng iwan ko sa sala ang lalaki, pagkatapos kasi niyang sabihin ang mga salitang iyon ay sinilip ko siya at nakita ko namang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata kaya naisip kong nagde-deliryo lamang ito.Bakit niya naman sasabihin ang mga salitang iyon sa akin? Hindi naman kasi porket tinulungan ko siya ay magsasalita na siya ng ganoon. Hindi naman siguro siya 'yong klase ng taong mabilis madala sa ginagawa ng ibang tao.Mula rito sa aking kwarto ay makikita sa bukas na pintuan ang sofa, hindi ko nakikita ang lalaki dahil nakahiga ito pero nasisiguro ko naman na nandoon pa rin siya dahil kanina ko pa hindi inaalis ang aking tingin doon. Tuluyan na rin akong hindi dinalaw ng antok at nang tignan ko naman ang oras ay maga-alas tres na pala ng madaling araw. Hindi ko alam kung bakit nababahala ng sobra ang isip ko sa sinabi ng lalaking 'yon pero nagpapasalamat na lamang ako na dahil doon ay hindi ko na kailang
Nang matapos ko siyang punasan sa kanyang dibdib ay agad akong tumayo at nagtungo sa kusina para itapon ang tubig na tuluyan ng naging kulay pula.Mabilis pa rin ang tibok ng aking dahil sa takot.Hindi imposibleng mamat*y ako ngayon. Dapat ba akong tumawag ng police? Dapat ko bang tawagan si detective Custodio?Na-offend ko ba siya ng sobra no'ng araw na 'yon para pat*yin na niya talaga ako? Nagpapanggap lang siguro ang lalaking iyon na hinang-hina na siya para makapasok dito at tahimik akong pat*yin.Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa aking isip. Natatakot ako para sa buhay ko. Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko nasisigurong ligtas na si Dana. Wala naman kasi akong magagawa kung magiging multo na lang ako bigla.Habang nilalabhan ko ang tela ay tahimik din akong nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa akin ngayong gabi. Hindi ko kailangan bumalik agad doon sa sala dahil wala naman akong gagamuting sugat sa kanyang katawan.Nili