Sa edad na 22, ikinasal si Tamara Alonzo, sa lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso. Walang iba kundi sa bilyonaryong babaero na si Galvino Lorenzo.
view moreSa Lorenzo Perfume Company,Sa tutok ng matayog na gusali ang opisina ni Galvin. Abala siya sa pagtipa ng kaniyang laptop nang makatanggap siya ng tawag mula sa lawyer.“I'm listening, Attorney.”“Magandang umaga, Mr. Lorenzo, tumawag ako para ipaalam sa'yo na matutuloy na ang diborsiyo ninyong mag-asawa.”Natigilan si Galvino sa narinig. Isinandal niya ang likod ng swivel chair niya. Akala niya'y nagbibiro lamang si Tamara sa hinihingi nito dahil naisip niyang galit lang ito.Ibang-iba na Tamara nga ang nakita niya nitong nakaraang gabi. Galit na galit ito sa kaniya at wala siyang maaninag na kaunting pagmamahal na nakasanayan niya mula kay Tamara.Saan ito kumukuha ng lakas ng loob na gawin ang bagay na ito sa kaniya?“So what's her demands? How much?” He coldly asked.“None, Mr. Lorenzo.”Nagsalubong ang kilay ni Galvin. “Fuck! What do you mean none, Attorney?”“Hindi siya humihingi ng pera, property o kung ano. Hiling niya lamang na pagkatapos ng diborsiyo ay magkasama kayong hahar
Umiiyak na ginagamot ni Tamara ang kaniyang sugat sa hita na kagagawan ng nabasag na vase na tinabig ni Galvin. Pagkatapos gamutin ang sariling sugat ay tinawagan niya ang kaniyang kaibigan.[“Hello? Tam, napatawag ka? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang, tutulongan kita.”] Bungad ni Mesande nang sagutin ang tawag niya.“Sande, nakapagpasya na ako hihiwalayan ko na ang kuya mo. Alam ko na matagal na siyang may nakahandang divorce agreement naroon lang kay Attorney. Pwede mo ba kunin 'yon para sa akin at nang mapirmahan ko na.”[“Oh my god, oh my god! Is that true? Tama ba ang naririnig ko na hihiwalayan mo na si Kuya? Anong nangyari at ang bilis mong nakapagdesisyon? May ginawa ba sa'yo si Kuya?”] Nag-aalala tanong ni Mesande.Maluha-luhang ikinuwento ni Tamara ang nangyari at ang pag-uwi ni Galvin na kasama si Maris Keenly.[“Hayop na babae 'yan! Ang kapal ng mukha na tumungtong diyan sa pamamahay mo! Isa pa 'yang si Kuya Galvin, hindi ka na ginalang! Sumusobra na talaga siya, kung h
“Bakit mo nagawa sa akin 'to?! Napakasama mo, Galvino! Ang sama-sama mo para saktan ako ng ganito!”Nanginginig ang mga kamay ni Tamara sa galit. Nilapitan niya si Galvin at pinagbabayo ang dibdib nito habang walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata.Malamig ang mga titig ni Galvin sa asawa. Sa unang pagkakataon, nakita niya itong nagwawala sa galit, hinayaan niya itong gawin ang nais. Sa pagkakataong 'yon napagtanto ni Galvin na labis ngang nasasaktan si Tamara. “Stop it, Tamara! Stop!” Singhal ni Galvin ngunit hindi nagpatinag si Tamara. “Don't act like this fucking loveless marriage wasn't arrange of our family! This is what my grandparents wants not mine! I agree to mary you, yes! But it doesn't means I love you!”Pinakasalan ni Galvin si Tamara dahil 'yon ang huling kahilingan ng kaniyang namayapang lolo't lola. Iyon lang ang tanging paraan para mapunta sa kaniya ang lahat ng mga naiwan ng mga matanda.“Baka nakakalimutan mo na may kasunduan tayo, Tamara! At matagal ng tapo
Kinabukasan,Awtomatikong napabalikwas ng bangon si Tamara ng magising, agad siyang namula nang makita ang imahe nang kaniyang sarili na pinapaligaya ni Galvin gamit ang mga haplos at mainit na halik!Napasuklay siya sa kaniyang buhok upang iwasiwas ang panaginip. Nilingon niya si Baby Gavin na naglilikha ng sounds na animo'y enjoy sa paglalaro ng telang hawak nito!“Good morning, Love! Love ni Mommy...” Hinalikan ni Tamara ang anak at nagtatakang tiningnan ang hawak nito. Kumunot ang noo ni Tamara nang makitang necktie iyon ni Galvin!“Paano naman napunta sa'yo itong necktie ng Daddy mo? Hm?” Pinisil niya ang tungki ng ilong ni Baby Gavin at nagpalinga-linga sa buong silid upang tingnan kung naroon si Galvin.Wala siyang natagpuang Galvin ngunit agaw pansin ang maliit na kahon na nakapatong sa bedside table, sa tabi ng kaniyang phone.Kinuha niya ang maliit na kahon at binuksan. Bumungad sa kaniya ang silver necklace with diamond crescent moon pendant!Nanlaki ang mata ni Tamara at
Kahit masama ang loob ni Tamara sa kaniyang asawa ay ipinagpatuloy niya pa rin ang simpleng sorpresa para sa kanilang anniversary.Kasalukuyang nasa dinning area si Tamara, nasa mesa ang masasarap na pagkain na inihanda niya para kay Galvin, may candle light upang mas romantic ang kanilang dinner. Nakaupo siya sa silya habang naghihintay kay Galvin ngunit upos na ang kandilang nagsisinding liwanag sa mesang nasa kaniyang harapan, malamig na ang lahat ng pagkain na nakahain ngunit wala pa ring Galvin na dumarating.Gutom na gutom na siya ngunit hindi niya nais kumain dahil makakain lamang siya kapag kasalo niya ang kaniyang asawa. Sinulyapan niya ang relo na nasa pulsuhan niya, pasado alas dyes emedya na nang gabi, wala pa rin ito.Wala siyang natatanggap na tawag o mensahe mula dito kung makakauwi ba ito o hindi. Kinumbensi niya ang sarili na hintayin pa ito ng ilang minuto ngunit ng sumapit ang alas onse na wala pa ito ay tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha kasabay ng paglisan n
Umiiyak na umakyat si Tamara nang makasalubong niya si Yaya Leng—ito ang Yaya ng kaniyang gwapong supling, na nag-aalaga 24/7. Ang paglabas nito ng silid ay tanda na tulog na kaniyang anak.Nang makapasok sa silid ay agad na baupo si Tamara sa gilid ng king size bed ng kwartong inuokopa. Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang pigilan na makagawa ng anumang ingay upang hindi magising ang kaniyang gwapong supling na mahimbing na natutulog sa crib.Gavin Taylor Lorenzo.Tamara and Galvin's four months’ son...Sinapo ni Tamara ang kaniyang dibdib, matinding sakit na kaniyang nadarama. Nadudurog ang puso niya, hindi niya akalain na sa mismong anniversary nila malalaman niya ang napakasakit na balita.Pinagtataksilan siya ni Galvin kasama ang dati nitong kasintahan na si Maris Keenly at ang mas masakit, magkakaroon na ito ng anak!Pinakatitigan ni Tamara ang kaniyang baby na mahimbing na natutulog sa crib, ngayon pa lang ay nasasaktan na siya para dito, mas nadudurog siya na masasaktan ang
Hindi maipinta ang mukha ni Tamara habang nakatingin sa screen ng kaniyang mamahaling phone na naghihintay ng tawag o kahit mensahe mula sa asawang si Galvino Lorenzo.Ang haba na nang nguso ni Tamara dahil kanina pa siya nakabusangot. Malapit nang maghapon ay wala man lang siyang matanggap na update. Ni hindi nga siya nito binabati dahil ang araw na 'yon ay ang ika-tatlong taon nila bilang mag-asawa.Madalang lamang silang magkita ng asawa dahil nakatira si Tamara sa mansion ni Galvin habang si Galvin ay sa penthouse umuuwi dahil mas malapit 'yon sa kompanya. Umuuwi ito sa kaniya limang beses sa isang buwan, at walang gabing umuuwi na walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ngunit nitong nakaraang tatlong buwan ay isang beses na lamang ito kung umuwi. Hindi niya kinukuwestyon si Galvin dahil inisip niyang abala ito sa kompanya lalo pa't dalawang kompanya ang pinapatakbo nito. Alam niya rin na bago matapos ang taong ay naglalabas ng bagong line-up perfume, sa market ang kompanya nito.
Hindi maipinta ang mukha ni Tamara habang nakatingin sa screen ng kaniyang mamahaling phone na naghihintay ng tawag o kahit mensahe mula sa asawang si Galvino Lorenzo.Ang haba na nang nguso ni Tamara dahil kanina pa siya nakabusangot. Malapit nang maghapon ay wala man lang siyang matanggap na update. Ni hindi nga siya nito binabati dahil ang araw na 'yon ay ang ika-tatlong taon nila bilang mag-asawa.Madalang lamang silang magkita ng asawa dahil nakatira si Tamara sa mansion ni Galvin habang si Galvin ay sa penthouse umuuwi dahil mas malapit 'yon sa kompanya. Umuuwi ito sa kaniya limang beses sa isang buwan, at walang gabing umuuwi na walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ngunit nitong nakaraang tatlong buwan ay isang beses na lamang ito kung umuwi. Hindi niya kinukuwestyon si Galvin dahil inisip niyang abala ito sa kompanya lalo pa't dalawang kompanya ang pinapatakbo nito. Alam niya rin na bago matapos ang taong ay naglalabas ng bagong line-up perfume, sa market ang kompanya nito. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments