Chapter: CHAPTER 10Tatlong araw na ang lumipas magmula ng magising ang matandang Lorenzo at na discharged na ito. Kaya naman ay abala si Tamara sa pag-impaki ng gamit nila ng kaniyang anak dahil may binitawan siyang salita sa byanang babae.Iyon ay ang pansamantala sila ni Baby Gavin na titira sa mansion hanggang sa tuluyang maka-recover ang byanang lalaki.Sakto niyang natapos ang pag-impaki ng gamit nila nang pumasok sa silid si Yaya Leng.“Ma'am, ako na ho magdadala niyan sa ibaba.” Presenta ni Yaya Leng at kinuha sa kamay niya ang maleta.“Sige ho. Dumating na po ba si Sande?” Hindi pa nakakasagot si Yaya Leng ay narinig nila ang ugong ng sasakyan mula sa labas at bumusena pa ‘yon.Nakatinginan silang dalawa at ngumiti si Tamara dahil paniguradong ‘yon na ang kaibigan na susundo sa kanila.“Ah! Paniguradong si Ma'am Sande na ‘yan.” Usal ni Yaya Leng. “Mauna na ako sa ibaba, kukunin ko pa ang mga gamit ko.”“Sige po, ihahanda ko lang si Baby Gavin.” Nilapitan ni Tamara ang anak sa crib nito. Akala
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: CHAPTER 9Mahigpit dalampung minutong nakaupo si Galvin sa waiting area habang hinihintay ang delivery boy nang pagkain na in-order niya.Tumayo agad si Galvin nang makita ang rider. Agad niyang dinukot ang wallet sa bulsa at binayaran ito.“Salamat, boss!” Sambit nito bago umalis.Tumango naman si Galvin, sinilip niya pa ang laman ng plastic na ibinigay sa kaniya bago pumasok sa loob ng silid ng kaniyang Ama.Bumungad kay Galvin ang ama na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Agad ring nalipat kay Tamara ang mata niya sa hindi kalayuang sofa. Nakaupo ito habang nakasandal ang ulo sa sandalan at nakapikit ang mga mata. May suot itong airpods halatang nakikinig ng musika kung kaya't hindi nito napansin ang pagpasok ni Galvin.Inilapag ni Galvin ang plastic ng pagkain sa bedside table bago umupo sa tabihan ni Tamara. Isinandal niya rin ang ulo sa sandalan bago nilingon si Tamara.Iminulat ni Tamara ang mga mata ng maramdaman na may umupo sa tabihan niya. Umirap siya ng bumungad sa kaniya ang m
Last Updated: 2025-01-27
Chapter: CHAPTER 8Matapang na sinalubong ni Tamara ang titig ni Galvin kahit na ang mga titig nito ay tumatagos sa kaniyang kaalaman.“Baka nakakalimutan mong divorce na tayo.” Paalala ni Tamara nang ilang dangal na lang ang agwat ng labi nila.Ngumisi si Galvin. “I haven't signed the divorce paper yet, so... We're still married.”Nanlaki ang mata ni Tamara. “Bakit hindi mo pa pinipirmahan?”Dumapo ang kamay ni Galvin sa maliit na bewang ni Tamara bago inilapit ang labi sa tenga nito at sinabing, “I will signed it if I'm satisfied with your reason. If not, I won't.” Diniinan ni Galvin ang hawak kay Tamara dahilan para itulak siya nito palayo ngunit hindi siya nagpatinag. “Ano ba, Galvino.” Saway ni Tamara. “Lumayo ka sa akin kung hindi...”“Anong gagawin mo, huh? Sasampalin mo ako?” Nagkatitigan silang dalawa. Mas lalong napipikon si Tamara na makita ang ngisi sa labi ni Galvin.“Sisigaw ako. Tingnan lang nat—Nanlaki ang mata ni Tamara dahil hindi pa natatapos ang kaniyang sasabihin ay pinatahimik n
Last Updated: 2025-01-27
Chapter: CHAPTER 7Sa Hospital, Sa labas ng ER umiiyak ang asawa nito na si Gretchen Lorenzo. Yakap-yakap ito ni Maris Keenly upang damayan ito.“Hindi ko kakayanin kung mawawala ang asawa ko... Hindi ko kaya!” Humagulhol ang ginang.“Don't say that, Tita, Tito will be okay!” Pagpapalakas ni Maris ng loob ng Ginang.Sa hindi kalayuan nakasandal sa pader si Mesande habang pinupukol ng masamang tingin ang kaniyang Kuya Galvin na nakatayo sa tapat ng ER.Sinulyapan ni Galvin si Mesande nang mapansing kanina pa ito nakatitig. Naging marahas ang tingin niya nang irapan siya nito.Samantala si Tamara, nang malaman ang masamang balita kay Mesande ay agad niyang tinungo ang hospital. Sobrang nag-aalala siya para sa lalaking byanan o mas madaling sabihin na dating byanan.Tapos na ang sa kanila ni Galvin ngunit mananatili itong pangalawang magulang sa kaniya, at apo nito ang anak niya. Bagay na kahit na anong mangyari ay mananatili siyang may ugnayan sa pamilya.Walang kinalaman ang mga magulang ni Galvin sa ma
Last Updated: 2025-01-20
Chapter: CHAPTER 6Sa Lorenzo Perfume Company,Sa tutok ng matayog na gusali ang opisina ni Galvin. Abala siya sa pagtipa ng kaniyang laptop nang makatanggap siya ng tawag mula sa lawyer.“I'm listening, Attorney.”“Magandang umaga, Mr. Lorenzo, tumawag ako para ipaalam sa'yo na matutuloy na ang diborsiyo ninyong mag-asawa.”Natigilan si Galvino sa narinig. Isinandal niya ang likod ng swivel chair niya. Akala niya'y nagbibiro lamang si Tamara sa hinihingi nito dahil naisip niyang galit lang ito.Ibang-iba na Tamara nga ang nakita niya nitong nakaraang gabi. Galit na galit ito sa kaniya at wala siyang maaninag na kaunting pagmamahal na nakasanayan niya mula kay Tamara.Saan ito kumukuha ng lakas ng loob na gawin ang bagay na ito sa kaniya?“So what's her demands? How much?” He coldly asked.“None, Mr. Lorenzo.”Nagsalubong ang kilay ni Galvin. “Fuck! What do you mean none, Attorney?”“Hindi siya humihingi ng pera, property o kung ano. Hiling niya lamang na pagkatapos ng diborsiyo ay magkasama kayong hahar
Last Updated: 2024-12-14
Chapter: CHAPTER 5Umiiyak na ginagamot ni Tamara ang kaniyang sugat sa hita na kagagawan ng nabasag na vase na tinabig ni Galvin. Pagkatapos gamutin ang sariling sugat ay tinawagan niya ang kaniyang kaibigan.[“Hello? Tam, napatawag ka? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang, tutulongan kita.”] Bungad ni Mesande nang sagutin ang tawag niya.“Sande, nakapagpasya na ako hihiwalayan ko na ang kuya mo. Alam ko na matagal na siyang may nakahandang divorce agreement naroon lang kay Attorney. Pwede mo ba kunin 'yon para sa akin at nang mapirmahan ko na.”[“Oh my god, oh my god! Is that true? Tama ba ang naririnig ko na hihiwalayan mo na si Kuya? Anong nangyari at ang bilis mong nakapagdesisyon? May ginawa ba sa'yo si Kuya?”] Nag-aalala tanong ni Mesande.Maluha-luhang ikinuwento ni Tamara ang nangyari at ang pag-uwi ni Galvin na kasama si Maris Keenly.[“Hayop na babae 'yan! Ang kapal ng mukha na tumungtong diyan sa pamamahay mo! Isa pa 'yang si Kuya Galvin, hindi ka na ginalang! Sumusobra na talaga siya, kung h
Last Updated: 2024-12-13
Chapter: LV RUTHERFORD 6Kinabukasan...Sa Sevilla Hospital,Abala si Max sa pag-scoll sa kaniyang Instagràm habang naglalakad papasok sa Hospital.“Ang swerte naman niya!”“Siya ba 'yon?”“Oo! Huwag ka ngang maingay!”Bulongan ng tatlong nurse na nadaanan ni Max. Bawat makasalubong niya—nurse o doctor ay binabati siya bagay na ipinagtataka niya.‘Ngayon lang ba nila napagtanto na anak ako ng may-ari nitong hospital?’ Sa isip ni Max.Panay ang tingin sa kaniya ng mga nadadaanan niya pagkatapos ay magbubulongan dahilan para kutuban siya.Inilagay ni Max ang phone sa loob ng bag bago nagmamadaling tinungo ang kaniyang opisina. Agad siyang natigilan ng makita ang kumpulan sa labas ng kaniyang opisina. Karamihan doon ay nurse, may mga doktor at ilang bantay ng pasyente.“Anong meron?” Tanong niya sa kaniyang sarili.“Excuse me? Padaan, padaan...” Hinawi niya ang mga taong naroon upang makadaan siya. Nang makarating sa bungad ng kaniyang opisina, napaawang ang labi ni Max at nanlaki ang kaniyang mga mata.Ang mal
Last Updated: 2025-03-20
Chapter: LV RUTHERFORD 5Pagsapit ng alas singko ay agad na lumabas ng Sevilla Hospital ng magkaibigan na si Max at Shandy.“Mauna na ako sa'yo, Shan!” Pinindot niya ang remote ng kaniyang sasakyan. “Gusto ko sanang tumambay sa condo mo pero nakapangako ako kay Mommy na magdi-dinner kami sa labas.” Sumimangot ito.Tumunog ang phone ni Max sa loob ng kaniyang bag, kinuha niya 'yon nang makita na ang unknown number ulit 'yon. Sumilip si Shandy at nag-hugis 'o' ang labi nito. Napabuntong hininga na lamang si Max nang nagkatitigan sila ng kaibigan.“Pagkatapos ka niyang pahirapan ng dalawang linggo at tinanggihan, bigla-biglang tatawag na mag-aaya ng kasal? Marami pang ibang paraan para maisalba ang hospital. Huwag mong pansinin 'yan! At kung talagang mapilit siya, kailangan niyang pahirapan!”Pinatay ni Max ang kaniyang phone bago ibinalik sa bag. “Gusto ko ng magpahinga, Shan. Ikamusta mo na lang ako kay Tita.” “Okay! Mag-iingat ka!” Yumakap si Shandy kay Max. “Ikaw rin.” Nagbeso sila.“Basta, ipangako mo na
Last Updated: 2025-03-18
Chapter: LV RUTHERFORD 4• • • TWO YEARS LATER • • • Nagmamadaling bumaba ng taxi si Zaharah Rosemaxine, yakap-yakap ang sandamakmak na folder na naglalaman ng mga dokumento. Mula ng lokohin siya ng kaniyang nobyo ay hindi niya nais pang tawagin siya sa pangalang Zaharah, at masyado namang mahaba ang Rosemaxine kaya naman mas pinaikli 'yon dahilan para tawagin siyang Max. Nasa harapan niya ang nakapagandang gusali at napakatayog niyon. Kitang-kita rin mula sa kinatatayuan niya ang mga letrang; ‘R-P COMPANY’ “Oh my god...” Usal niya nang mapagtanto na 'yon na naman ang aakyatin. Dala-dala niya ang mga dokumento upang ihatid sa opisina ng binatang ginawa siyang sekretarya ng araw na 'yon. Walang iba kundi si LV Rutherford! Ang totoo niyan, kaniyang kinamumuhian ang binata dahil sa mga pinagagawa nito sa kaniya. Labag man sa loob niya ngunit wala siyang mapagpipilian kundi sumunod dito dahil siya ang may kailangan. Dalawang linggo niya ng kinukumbinse si LV na pakasalan siya upang maisalba ang Sevilla h
Last Updated: 2025-03-18
Chapter: LV RUTHERFORD 3Kinabukasan... Nakahiga si LV sa kama, nakayakap ang isang braso sa unan na nakatakip sa kaniyang mukha habang si Zaharah ay pahalang ang pagkakahiga sa kama. Nakaunan sa matigas at malapad na dibdib ni LV, nakapatong ang isang kamay sa abs nito. Nanlaki ang mata ni Zaharah nang magising dahil bumungad sa kaniya ang katawan ng lalaki. Hindi lang 'yon basta katawan dahil 8 pack abs ang hawak niya at nakahiga pa siya sa dibdib nito! ‘A-anong nangyari bakit may lalaki sa suite ko?!’ Sa isip ni Zaharah. Sinilip niya ang katawan na nababalot ng kumot, nagulantang siya ng makitang wala siyang saplot ni-isa. Pakiramdam niya'y pagod na pagod siya kahit na kahit kagigising niya lamang at higit sa lahat masakit ang pagkababae niya. ‘No! This can't be! This is not true...’ Tanggi ng isipan niya nang mapagtanto na nakuha ng lalaking katabi niya ang kaniyang pagkabirhen. Nag-angat ng tingin si Zaharah sa lalaki ngunit hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ng unan. Napapikit si Zah
Last Updated: 2025-03-11
Chapter: LV RUTHERFORD 2Mahinang tumawa si Scott dahilan para magtawanan naman sina Lance, Klinton at Cyrus dahil sa inakto ni Renzi. “Man, I got your back.” Kumindat-kindat pa si Scott, itinaas ang hawak na baso bago uminom. Si Renzi ang nakakita kay Zaharah at nakaisip na ilibre 'yon ng alak dahil sa unang tingin pa lang ay napansin niyang malungkot 'yon at gusto niyang makitang nakangiti ang babae. “What did you do?” Pinakatitigan ni Renzi si Scott dahil paniguradong may ginawa itong kalokohan. Nagkibit-balikat si Scott. “Simply, I put s*x pills on her drink. Go, go on . . . You are welcome, man!” Awtomatikong napatingin ang sina Renzi, Klinton, Lance at Cyrus kay Scott nakatanggap ng malulutong na mura si Scott. “What the fuck!” “Hayop ka, Scott!” “Gago ka talaga!” “Did I fucking say, thanks . . . Lunatic?!” Scott phone buzz and he received a message from LV. “Rutherford is on his way.” Samantala, inubos ni Zaharah ang laman ng baso, humagod ang kakaibang init sa kaniyang lalamunan. Inisip ni
Last Updated: 2025-03-11
Chapter: LV RUTHERFORD 1Nagmamadaling bumaba si Zaharah sa kaniyang Mercedes Benz nang makarating sa condominium building ng kaniyang nobyong si Rabin. Bitbit niya ang isang kahon ng cake, sumakay sa elevator patungo sa ika-sampong palapag kung na saan ang unit nito. Ang araw na 'yon ay ang ikalawang anibersayo nila bilang magkasintahan. Sa buwan-buwan nilang ipinadiriwang ang kanilang pagmamahalan, walang palya ang kaniyang nobyo na sorprisahin at iparamdam sa kaniya kung gaano siya nito kamahal ngunit hindi ngayon. Aaminin ni Zaharah nalulungkot siya dahil kung kailan pa ang kanilang anibersayo ay saka naman ito nagkasakit. Hindi ito nakapasok sa hospital kung saan ito nata-tabaho bilang doctor. Ni-hindi siya nakatanggap ng bati mula dito kaya naisipan ni Zaharah na pagkatapos ng trabaho ay pupuntahan ito at susurpresahin. Kumunot ang noo ni Zaharah nang makatayo sa tapat ng condo unit ng nobyo, nakaawang ang pinto nito tila nakalimutan isara dahil sa pagmamadali o dahil sa nakalimutan 'yon? Sa iisipin
Last Updated: 2025-03-04