Share

CHAPTER 2

Author: PERIABRAS
last update Huling Na-update: 2024-12-12 00:51:04

Kahit masama ang loob ni Tamara sa kaniyang asawa ay ipinagpatuloy niya pa rin ang simpleng sorpresa para sa kanilang anniversary.

Kasalukuyang nasa dinning area si Tamara, nasa mesa ang masasarap na pagkain na inihanda niya para kay Galvin, may candle light upang mas romantic ang kanilang dinner. 

Nakaupo siya sa silya habang naghihintay kay Galvin ngunit upos na ang kandilang nagsisinding liwanag sa mesang nasa kaniyang harapan, malamig na ang lahat ng pagkain na nakahain ngunit wala pa ring Galvin na dumarating.

Gutom na gutom na siya ngunit hindi niya nais kumain dahil makakain lamang siya kapag kasalo niya ang kaniyang asawa. Sinulyapan niya ang relo na nasa pulsuhan niya, pasado alas dyes emedya na nang gabi, wala pa rin ito.

Wala siyang natatanggap na tawag o mensahe mula dito kung makakauwi ba ito o hindi. Kinumbensi niya ang sarili na hintayin pa ito ng ilang minuto ngunit ng sumapit ang alas onse na wala pa ito ay tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha kasabay ng paglisan niya sa mesang wala ng kabuhay-buhay.

Umakyat na siya sa silid nila ng kaniyang anak. Nakaupo sa couch si Yaya Leng, animo'y nakatulog na itong nakaupo habang naghihintay sa kaniya.

Hindi niya maiwasang makonsensya dahil sa kakahintay niya kay Galvin may isa ring nagpupuyat sa kaniyang pagbalik sa silid.

“Ma'am, nandiyan ka na pala... Nariyan na ba si Sir?” Sinalubong siya nito.

Tipid siyang ngumiti at umiling. “Sige na ho, Yaya, ako na ang bahala kay Baby, magpahinga na po kayo... Pasensya na at napuyat kayo sa kakahintay sa akin.”

Hinawakan ni Yaya Leng ang kaniyang braso. ”Ayos lang 'yon, Ma'am, magpahinga na rin po kayo. Siguro busy lang talaga si Sir sa trabaho kaya hindi siya makakauwi...”

Tipid na ngumiti si Tamara at hinatid ng tingin ang Yaya hangang sa makalabas ito ng silid.

“Sana lang, Yaya Leng, trabaho ang pinagkaka-busy-an niya...” Mangiyak-iyak niyang sambit.

Sa pagkakataong 'yon, gusto na lamang ni Tamara ang matulog at magpahinga ngunit nagising ang kaniyang anak at iyak ito ng iyak. 

Pinadede niya ito, pinalitan ng diaper at lahat-lahat na ginawa niya ngunit hindi ito tumahan. Hindi niya mapatigil-tigil sa pag-iyak ang anak, kaya napaiyak na lamang siya habang kalong ito sa kaniyang bisig.

“Hush... Don't cry, baby! Tahan na please...” Pakiusap niya dito. “Mommy loves you. I love you, baby...”

Sumilay ang ngiti sa labi ni Baby Gavin na animo'y 'yon ang hinihintay nitong marinig mula sa kaniya.

Inilapag niya sa gitna ng kama ang anak bago niya ito tinabihan at panay kausap niya dito na para bang handa itong makinig sa kaniya at naiintindihan ang mga sinasabi niya.

“Bakit naman naiyak ang baby ni Mommy ah? Gabing-gabi na eh... Dapat tulog ka na para big boy ka na agad...” Ilang beses na pumikit ang mata nito na mas ikina-cute nito dahilan para marahan siyang mapangiti.

“Ang gwapo talaga ng baby na 'yan... Alam mo bang habang lumalaki ka nagiging kamukha mo na ang Daddy mo? Ah?” 

Natawa si Tamara ng makitang nagsalubong ang kilay nito at humaba ang nguso na animo'y hindi nagustuhan ang sinabi niya ngunit mas lumabas ang pagkakatulad nito kay Galvin.

“Ayos lang 'yan, love na love ka naman ni Mommy. I... Love... You... I love you.” 

Pinupog ni Tamara ng halik ang mukha ng kaniyang anak. Hinalik-halikan niya rin ang maliit nitong kamay. Ginagawa niya 'yon hangang sa makatulog ang kaniyang anak at pinakatitigan ang mukha nitong mapayapang natutulog.

Watching her baby sleeping peacefully make her calm and fly away all the things make her sick. She loves baby Gavin so much! Looking at her baby make her at peace and she fall asleep...

◕◕◕

Sa kabilang banda, gabing-gabi na si Galvin nang lisanin niya ang kaniyang opisina dahil may inasikaso pa siya na hindi dapat ipagpabukas.

Nang makarating sa tapat ng mansion, wala ng ilaw sa buong mansion. Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang pambisig na relo doon niya lamang napagtanto na alas dose na nang gabi.

Kaya naman pala ilang minuto na siyang naghihintay sa labas ng gate ay hindi siya pinagbubuksan dahil tulog na ang mga tao sa mansion.

Sinuntok ni Galvin ang manibela bago inis bumaba upang pagbuksan ang sarili ng gate. Pagkatapos maiparada ng tahimik ang sasakyan sa loob garahe ay kinuha niya ang duplicate key ng mansion sa kaniyang bulsa.

Nang makapasok sa loob ng sala, namewang si Galvin at napahawak sa tungki ng kaniyang ilong habang nakatingala dahil ramdam niya ang matinding pagod. Nagpakawala rin siya ng marahas na hangin bago inilibot ang paningin sa madilim na kabuohan ng sala.

Kahit na madilim ang buong paligid kitang-kita niyang naka-ayos ang mga kagamitan doon tulad ng gusto ni Tamara, dumapo ang mata niya sa sofa kung saan madalas niyang madatnan si Tamara na natutulog kakahintay sa kaniya kapag alam nitong uuwi siya.

Nainis siya dahil wala doon ang babae, nakasanayan niya pa naman na ito ang bubungad sa kaniya. 

Naiiling na naglakad siya paakyat sa ikalawang palapag ngunit agad siyang natigilan ng mapansin ang dim light sa loob ng dinning area, kaya tinungo niya 'yon.

Pag-apak niya sa loob ng dinning room ay sakto naman na namatay ang ultimong kandila na nagbibigay liwanag sa mesa na puno ng pagkain.

Dinukot niya ang phone sa bulsa at binuksan ang flashlight. Isa-isa niyang tingnan ang pagkain na naroon na lumamig na hindi nagagalaw. 

“Ayos 'to ah... May pa romantic dinner sa pag-uwi ko!”

Natakam siya at sunod-sunod na nagreklamo ang kaniyang tiyan. Hindi pa siya kumakain dahil tinapos niya ang trabaho. Inilapag niya sa mesa ang kaniyang cellphone na nagsisilbing ilaw bago maingat na umupo sa silya na hindi nakakagawa ng anong ingay, nagpalinga-linga rin siya sa paligid upang masigurong walang tao bago nilantakan ang pagkain.

Kahit na malamig na ang mga 'yon ay maganang kumain si Galvin dahil paborito niya ang mga 'yon. Napatango-tango siya dahil masarap 'yon, ibang-iba sa luto ni Manang Luz na nakasanayan niya.

“Ano naman kayang pumasok sa kukute ng babaeng 'yon at naghanda pa? Psh!” Parang timang na kinakausap ang sarili.

Natigilan sa pagkain si Galvin nang makita ang kahon ng cake, binuksan niya 'yon. Bumungad sa kaniya ang strawberry cake at may nakasulat na; Happy 3rd Anniversary, Hubby!♡

Patapon na ibinalik ni Galvin ang takip ng kahon dahilan para mahulog 'yon sa sahig. Mas lalong nadagdagan ang inis niya kay Tamara at agad na nawalan ng ganang kumain. Uminom siya ng tubig at inis na tumayo nang maisip na 'yon ang dahilan kung bakit ito tumawag.

“Happy anniversary to you!” Singhal niya sa mesa.

Galit na umakyat siya sa master bedroom at bumungad sa kaniya ang silid na walang Tamara sa loob! Wala rin siyang nakikitang kahit isang gamit ni Tamara. Sa sobrang ayos ng silid na 'yon, masasabi mong palagi 'yong nililinis at walang gumagamit. 

Sa naalala niya, master bedroom ang ginagamit ni Tamara, ang silid na saksi ng kanilang pagniniig sa tuwing umuuwi siya dito o mas madaling sabihin na umuuwi siya upang gamitin ito.

“Saan naman nagpunta ang babaeng 'yon? Kating-kati siyang pauwiin ako tapos siya itong hindi ko madadatnan?”

Ibinato niya sa couch ang kaniyang, wallet, susi ng sasakyan at cellphone bago lumabas ng silid at binuksan ang kaharap ng silid ngunit walang tao doon.

Bubuksan niya na sana ang isa pang pinto nang marinig niya ang ingay ng sanggol sa katabing silid ng master bedroom. 

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Bumungad sa kaniya si Tamara na mahimbing na natutulog sa kama habang nasa tabi nito ang anak nilang si Gavin, gising na gising ito at nilalaro ang buhok ni Tamara.

Nilapitan niya ang mag-ina, naiiling na tinanggal niya ang buhok ni Tamara sa kamay ni Gavin. Iyong tipong sinasabunotan na ito ni Gavin ay hindi nagigising.

”Dude, don't hurt your, Mommy...” Halos walang boses na bulong ni Galvin. 

Inilagay niya sa likod ng tenga ni Tamara ang buhok nitong nakatatakip sa maamo at maganda nitong mukha. 

Napatitig siya sa mukha ni Tamara na animo'y pagod na pagod 'yon at halatang umiyak dahil mamasa-masa pa ang pilik-mata nito. Paniguradong siya ang iniiyakan ni Tamara dahil sa kahihintay sa kaniya. 

Alam niya na may patingin sa kaniya si Tamara, alam niya na mahal siya nito noon pa man kaya nga napipikon siya dito dahil hindi man lang ito tumanggi ng inalok niyang kontrata!

Dumukwang siya upang gawaran ng halik sa noo si Tamara ngunit muntik pa siyang masubsob at mauntog kay Gavin.

Hindi niya napansin na tumatama sa mukha ni Gavin ang dulo ng kaniyang necktie, kaya nang mahawakan nito ay sobrang higpit ng kapit. Animo'y aso siyang hindi hinayaan ng amo na makalapit sa biktima.

Nagulat si Gavin, maging siya ay nagulat. Imbes na umiyak ay ngumiti si Gavin, ang mahinang tawa nito ay animo'y musika sa kaniyang pandinig. Sumilay ang ngiti sa labi niya at awtomatikong nawala ang inis kay Tamara.

Tinatanggal niya ang kamay ni Gavin sa necktie niya, humaba ang nguso nito na animo'y iiyak ng malakas. Wala siyang magawa kundi ibalik 'yon sa kamay ng anak habang hinuhubad 'yon.

Umupo siya sa gilid ng kama. “Go back to sleep, handsome.”

Hinaplos niya ang mukha nito at panay ang patak niya ng halik kay Baby Gavin hangang sa makatulog ito na hindi nito binibitawan ang necktie niya. 

Sinubukan niya itong bawiin ngunit nagigising ito, kaya imbes na piliting kunin ay iniwan niya na. Hinalikan niya si Gavin sa noo at inayos ang kumot nito at siniguradong magiging komportable ito.

“Galvin... Galvin, sandali...” Usal ni Tamara. 

Natigilan si Galvin sa paglabas ng silid at nilingon si Tamara. Kumunot ang noo niya nang makitang tulog na tulog ito pero nagsasalita.

“Galvin, nakikiliti ako. Ano ba...” Lumiliyad pa ito.

Nakapamulsang pinakatitigan ni Galvin si Tamara na panay ang usal nito ng pangalan niya na animo'y pinapaligaya niya. Naiirita siya dito dahil maging sa panaginip ay pinagpapantasyahan siya!

‘What the fuck!’ Nagliliparan ang mura sa isipan ni Galvin.

Inilagay niya sa bedside table ang nakapa sa loob ng bulsa ng kaniyang trench coat bago galit na lumabas ng silid...

Kaugnay na kabanata

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 3

    Kinabukasan,Awtomatikong napabalikwas ng bangon si Tamara ng magising, agad siyang namula nang makita ang imahe nang kaniyang sarili na pinapaligaya ni Galvin gamit ang mga haplos at mainit na halik!Napasuklay siya sa kaniyang buhok upang iwasiwas ang panaginip. Nilingon niya si Baby Gavin na naglilikha ng sounds na animo'y enjoy sa paglalaro ng telang hawak nito!“Good morning, Love! Love ni Mommy...” Hinalikan ni Tamara ang anak at nagtatakang tiningnan ang hawak nito. Kumunot ang noo ni Tamara nang makitang necktie iyon ni Galvin!“Paano naman napunta sa'yo itong necktie ng Daddy mo? Hm?” Pinisil niya ang tungki ng ilong ni Baby Gavin at nagpalinga-linga sa buong silid upang tingnan kung naroon si Galvin.Wala siyang natagpuang Galvin ngunit agaw pansin ang maliit na kahon na nakapatong sa bedside table, sa tabi ng kaniyang phone.Kinuha niya ang maliit na kahon at binuksan. Bumungad sa kaniya ang silver necklace with diamond crescent moon pendant!Nanlaki ang mata ni Tamara at

    Huling Na-update : 2024-12-12
  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   PROLOGUE

    Hindi maipinta ang mukha ni Tamara habang nakatingin sa screen ng kaniyang mamahaling phone na naghihintay ng tawag o kahit mensahe mula sa asawang si Galvino Lorenzo.Ang haba na nang nguso ni Tamara dahil kanina pa siya nakabusangot. Malapit nang maghapon ay wala man lang siyang matanggap na update. Ni hindi nga siya nito binabati dahil ang araw na 'yon ay ang ika-tatlong taon nila bilang mag-asawa.Madalang lamang silang magkita ng asawa dahil nakatira si Tamara sa mansion ni Galvin habang si Galvin ay sa penthouse umuuwi dahil mas malapit 'yon sa kompanya. Umuuwi ito sa kaniya limang beses sa isang buwan, at walang gabing umuuwi na walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ngunit nitong nakaraang tatlong buwan ay isang beses na lamang ito kung umuwi. Hindi niya kinukuwestyon si Galvin dahil inisip niyang abala ito sa kompanya lalo pa't dalawang kompanya ang pinapatakbo nito. Alam niya rin na bago matapos ang taong ay naglalabas ng bagong line-up perfume, sa market ang kompanya nito.

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 1

    Umiiyak na umakyat si Tamara nang makasalubong niya si Yaya Leng—ito ang Yaya ng kaniyang gwapong supling, na nag-aalaga 24/7. Ang paglabas nito ng silid ay tanda na tulog na kaniyang anak.Nang makapasok sa silid ay agad na baupo si Tamara sa gilid ng king size bed ng kwartong inuokopa. Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang pigilan na makagawa ng anumang ingay upang hindi magising ang kaniyang gwapong supling na mahimbing na natutulog sa crib.Gavin Taylor Lorenzo.Tamara and Galvin's four months’ son...Sinapo ni Tamara ang kaniyang dibdib, matinding sakit na kaniyang nadarama. Nadudurog ang puso niya, hindi niya akalain na sa mismong anniversary nila malalaman niya ang napakasakit na balita.Pinagtataksilan siya ni Galvin kasama ang dati nitong kasintahan na si Maris Keenly at ang mas masakit, magkakaroon na ito ng anak!Pinakatitigan ni Tamara ang kaniyang baby na mahimbing na natutulog sa crib, ngayon pa lang ay nasasaktan na siya para dito, mas nadudurog siya na masasaktan ang

    Huling Na-update : 2024-12-08

Pinakabagong kabanata

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 3

    Kinabukasan,Awtomatikong napabalikwas ng bangon si Tamara ng magising, agad siyang namula nang makita ang imahe nang kaniyang sarili na pinapaligaya ni Galvin gamit ang mga haplos at mainit na halik!Napasuklay siya sa kaniyang buhok upang iwasiwas ang panaginip. Nilingon niya si Baby Gavin na naglilikha ng sounds na animo'y enjoy sa paglalaro ng telang hawak nito!“Good morning, Love! Love ni Mommy...” Hinalikan ni Tamara ang anak at nagtatakang tiningnan ang hawak nito. Kumunot ang noo ni Tamara nang makitang necktie iyon ni Galvin!“Paano naman napunta sa'yo itong necktie ng Daddy mo? Hm?” Pinisil niya ang tungki ng ilong ni Baby Gavin at nagpalinga-linga sa buong silid upang tingnan kung naroon si Galvin.Wala siyang natagpuang Galvin ngunit agaw pansin ang maliit na kahon na nakapatong sa bedside table, sa tabi ng kaniyang phone.Kinuha niya ang maliit na kahon at binuksan. Bumungad sa kaniya ang silver necklace with diamond crescent moon pendant!Nanlaki ang mata ni Tamara at

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 2

    Kahit masama ang loob ni Tamara sa kaniyang asawa ay ipinagpatuloy niya pa rin ang simpleng sorpresa para sa kanilang anniversary.Kasalukuyang nasa dinning area si Tamara, nasa mesa ang masasarap na pagkain na inihanda niya para kay Galvin, may candle light upang mas romantic ang kanilang dinner. Nakaupo siya sa silya habang naghihintay kay Galvin ngunit upos na ang kandilang nagsisinding liwanag sa mesang nasa kaniyang harapan, malamig na ang lahat ng pagkain na nakahain ngunit wala pa ring Galvin na dumarating.Gutom na gutom na siya ngunit hindi niya nais kumain dahil makakain lamang siya kapag kasalo niya ang kaniyang asawa. Sinulyapan niya ang relo na nasa pulsuhan niya, pasado alas dyes emedya na nang gabi, wala pa rin ito.Wala siyang natatanggap na tawag o mensahe mula dito kung makakauwi ba ito o hindi. Kinumbensi niya ang sarili na hintayin pa ito ng ilang minuto ngunit ng sumapit ang alas onse na wala pa ito ay tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha kasabay ng paglisan n

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 1

    Umiiyak na umakyat si Tamara nang makasalubong niya si Yaya Leng—ito ang Yaya ng kaniyang gwapong supling, na nag-aalaga 24/7. Ang paglabas nito ng silid ay tanda na tulog na kaniyang anak.Nang makapasok sa silid ay agad na baupo si Tamara sa gilid ng king size bed ng kwartong inuokopa. Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang pigilan na makagawa ng anumang ingay upang hindi magising ang kaniyang gwapong supling na mahimbing na natutulog sa crib.Gavin Taylor Lorenzo.Tamara and Galvin's four months’ son...Sinapo ni Tamara ang kaniyang dibdib, matinding sakit na kaniyang nadarama. Nadudurog ang puso niya, hindi niya akalain na sa mismong anniversary nila malalaman niya ang napakasakit na balita.Pinagtataksilan siya ni Galvin kasama ang dati nitong kasintahan na si Maris Keenly at ang mas masakit, magkakaroon na ito ng anak!Pinakatitigan ni Tamara ang kaniyang baby na mahimbing na natutulog sa crib, ngayon pa lang ay nasasaktan na siya para dito, mas nadudurog siya na masasaktan ang

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   PROLOGUE

    Hindi maipinta ang mukha ni Tamara habang nakatingin sa screen ng kaniyang mamahaling phone na naghihintay ng tawag o kahit mensahe mula sa asawang si Galvino Lorenzo.Ang haba na nang nguso ni Tamara dahil kanina pa siya nakabusangot. Malapit nang maghapon ay wala man lang siyang matanggap na update. Ni hindi nga siya nito binabati dahil ang araw na 'yon ay ang ika-tatlong taon nila bilang mag-asawa.Madalang lamang silang magkita ng asawa dahil nakatira si Tamara sa mansion ni Galvin habang si Galvin ay sa penthouse umuuwi dahil mas malapit 'yon sa kompanya. Umuuwi ito sa kaniya limang beses sa isang buwan, at walang gabing umuuwi na walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ngunit nitong nakaraang tatlong buwan ay isang beses na lamang ito kung umuwi. Hindi niya kinukuwestyon si Galvin dahil inisip niyang abala ito sa kompanya lalo pa't dalawang kompanya ang pinapatakbo nito. Alam niya rin na bago matapos ang taong ay naglalabas ng bagong line-up perfume, sa market ang kompanya nito.

DMCA.com Protection Status