Sa Lorenzo Perfume Company,Sa tutok ng matayog na gusali ang opisina ni Galvin. Abala siya sa pagtipa ng kaniyang laptop nang makatanggap siya ng tawag mula sa lawyer.“I'm listening, Attorney.”“Magandang umaga, Mr. Lorenzo, tumawag ako para ipaalam sa'yo na matutuloy na ang diborsiyo ninyong mag-asawa.”Natigilan si Galvino sa narinig. Isinandal niya ang likod ng swivel chair niya. Akala niya'y nagbibiro lamang si Tamara sa hinihingi nito dahil naisip niyang galit lang ito.Ibang-iba na Tamara nga ang nakita niya nitong nakaraang gabi. Galit na galit ito sa kaniya at wala siyang maaninag na kaunting pagmamahal na nakasanayan niya mula kay Tamara.Saan ito kumukuha ng lakas ng loob na gawin ang bagay na ito sa kaniya?“So what's her demands? How much?” He coldly asked.“None, Mr. Lorenzo.”Nagsalubong ang kilay ni Galvin. “Fuck! What do you mean none, Attorney?”“Hindi siya humihingi ng pera, property o kung ano. Hiling niya lamang na pagkatapos ng diborsiyo ay magkasama kayong hahar
Last Updated : 2024-12-14 Read more