BIANCA ISSABELLE POV
“Sign this! Tapos na ang pagiging sunod-sunuran ko sa iyo Bianca. Hindi kita mahal at ito na din siguro ang pagkakataon natin pareho para palayain ang isat isa!” seryosong wika sa akin ni Daniel Aragon Buenaventura. Inihagis niya sa harap ko ang hawak niyang papel at gamit ang nangingnginig kong kamay pinulot ko iyun at binasa. Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata habang binabasa ko ang divorce agreement. Mahigit isang lingo din siyang hindi umuwi dito sa bahay tapos ito pala ang pasalubong niya sa akin. Gusto niya nang makigpahiwalay sa akin. Gusto niya nang tapusin ang tatlong taon naming pagsasama na pilit kong iniingatan huwag lang masira. “Bakit? Hindi mo ba ako mahal? Never mo ba talaga akong minahal? Daniel, alam na alam mo kung paano kita inaalagaan sa loob ng tatlong taon! Hindi pa ba sapat ang lahat-lahat ng sakripisyo ko at pag-aalaga na ibinigay ko sa iyo? Ano ba ang kulang sa akin? Sabihin mo? Ano pa?” humahagulhol kong bigkas. Hindi ko akalain na dito na pala magtatapos ang tatlong taon naming pinagsamahan. “Walang kulang Bianca! Hindi ko din sinabi sa iyo na alagaan mo ako! Hinintay kong kusa kang bumitaw pero hindi mo ginawa. Wala kang balak na sumuko kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para matapos na ang lintik na kasal natin! Hindi ko nakikita ang sarili ko na makakasama ka habang buhay.” Malamig na bigkas niya kasabay ng dobleng sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun. “Lintik na kasal? Huwag mong sabihin na hindi ka nag-enjoy. Nagsex tayo! Ginagawa nating dalawa ang mga gawain na tanging mag-asawa lang ang pwede gumawa noon. Kung talagang hindi mo ako mahal bakit sa tuwing ginagamit mo ang katawan ko nag-eenjoy ka? Bakit?” umiiyak kong bigkas. Alam kong wala nang dahilan pa para pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito pero ang sakit kasi talaga eh. Sobrang sakit! “Lalaki ako..at ikaw ang nandiyan para makaraos ako. Hindi ikaw ang babaeng para sa akin kaya huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Pirmahan mo na iyan. Huwag kang mag-alala. Hindi na saklaw ni Lola ang mga desisyon ko ngayun. Nasa pangalan ko na ang parte ng kumpanya kaya hindi niya na magagawang panakot sa akin ang tungkol sa kasal natin para ipitin ako na huwag ibigay sa akin ang mana ko.” Balewala niyang wika. Pera-pera lang talaga. SAbagay, kaya lang naman kami ikinasal dahil sa hiling ng Lola niya. Binantaan siya noon ng Lola niya na kung hindi rin lang ako ang babaeng ihaharap niya sa altar huwag niya nang asahan pa na may mana siyang matatangap. At ito na nga iyun, nakuha niya na ang gusto niya kaya itsapwera na ako! Wala na akong halaga sa kanya. Para na akong isang basahan na gusto niyang itapon. Bakit siya pa rin ba? Si Jeneva pa rin ba ang dahilan? Paano na ako? Paano na ang lahat-lahat? Paano kapag malaman ito ni Lola? Alam na alam mo na siya ang gumawa ng paraan para maikasal tayo three years ago!” umiiyak kong bigkas sa kanya. “Ako ang bahala kay Lola. Maiinitindihan niya ako dahil ako ang apo niya. Sa akin pa rin siya papanig at wala na siyang magagawa once na nai-file na sa korte ang dokumento ng ating diborsiyo.” Seryosong sagot niya sa akin. Ni wala man lang indikasyon nang kalungkutan sa mga mata niya. Pursigido talaga siya na hiwalayan ako. “Hindi! Hindi ko kaya! Mahal kita! Hindi ko alam kung anong buhay ang haharapin ko kung sakaling mawala ka sa akin.” Umiiyak kong bigkas sa kanya sabay iling. Kaagad naman tumalim ang pagkakatitig niya sa akin palatandaan na hindi niya nagusutuhan ang sinabi ko. “Anong sabi mo? Ayaw mong pirmahan? Really, you don’t have a choice kundi to sign that fucking divorce paper Bianca. Hindi kita mahal at never kitang mamahalin habang buhay.” Singhal niya sa akin sabay kuha ng ballpen at iniabot sa akin. Mukhang naubos ko na ang pasensya niya. Ganito naman siya palagi eh..kapag hindi niya nakuha ang gusto niya sisigawan niya ako. “Sign that! Don’t worry, as long as pirmahan mo ang papel na iyan, automatic na may papasok na pera sa account mo na worth 30 million pesos. Sapat na ang perang iyun para makapagsimula ka ulit. Sapat na ang perang iyan bilang kabayaran sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo sa akin. Sapat na ang perang iyan bilang kabayaran sa pagamit ko sa katawan mo! ” Seryoso niyang bigkas sa akin. Sobrang nanliliit ako sa sinabi niya ngayun. Hindi ako isang prostitute para bayaran niya. Katunayan nga siya lang ang kaisa-isang lalaki na pinag-alayan ko ng katawan ko. Pero wala na…mukhang hindi importante sa kanya ang tungkol sa bagay na ito. Pag -aari ng ibang babae ang puso niya at alam kong si Jeneva ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niya nang tapusin ang kasal namin. “All right! Bibigyan kita ng twenty four hours para pirmahan at magligpit. Gusto ko bago mag twenty- four hours, wala ka na mansion na ito.” Seryoso niyang wika sa akin at mabilis ang hakbang na lumabas ng kwarto. Pabalibag niyang isinara ang pintuan na siyang dahilan kaya lumikha ng malakas na kalabog sa buong paligid. Kaagad naman akong napahagulhol ng iyak. Hindi ko akalain na darating ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na darating ang araw na gusto niya na akong hiwalayan. Kay Daniel lang umiikot ang mundo ko sa loob ng tatlong taon. Nanatili akong bilango sa mansion na ito sa loob ng tatlong taon dahil gusto ko siyang pagsilbihan. Gusto ko siyang bigyan ng satisfaction. Gusto kong ipakita sa kanya na karapat-dapat akong mahalin. Pero nabigo ako. Binigo niya na naman ako. Hindi ko alam kung ano ba ang mali sa akin. Bakit napakiharap niyang abutin? Bakit na- pakahirap turuan ang puso niya na mahalin ako. Muli akong napatitig sa divorce paper na nagkalat sa sahig. Hindi ko pa nga pinipirmahan ang naturang papel pero para na akong mamamatay. Para nang sinasaksak ng libo-libong karayom ang puso ko.BIANCA ISSABELLE POV Wala sa sariling napahawak ako sa impis ko pang puson. Kakagaling ko lang sa Doctor noong nakaraang araw at sinabi niyang dalawang buwan na akong nagdadalang -tao. Gusto ko sanang bangitin ito kay Daniel dahil mahigit isang lingo din siyang hindi umuwi dito sa mansion pero ito naman kaagad ang sinalubong niya sa akin. Divorce paper at gusto niya talaga akong burahin sa buhay niya. “Anak, don’t worry…lalaban si Mommy. Hindi ako papayag na lumaki kang walang ama. Na lumaki kang hindi tayo buo. Gagawin lahat ni Mommy para manatili sa tabi natin ang iyung ama.” Umiiyak kong bigkas. Dahan-dahan akong tumayo ng kama at naglakad patungo sa banyo. Hindi ako dapat umiyak. Hindi pa katapusan ng mundo para magmukmok ako. Kahit na anong mangyari, hinding hindi ako papayag na hihiwalayan ako ni Daniel. Pupuntahan ko si Grandma. Kakausapin ko sya. Magsusumbong ako. Alam kong papanigan niya ako dahil ako ang pinili niya para maging asawa ng paborito niyang apo. Naghilamo
BIANCA ISSABELLE POV Ang gutom na nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho. Gamit ang nanginginig kong binti muli akong umakyat ng hagdan. Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kwarto ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makarinig ako ng mahinang pag ungol. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtanto ko na galing sa kwarto ni Daniel ang naturang ungol. Mga ungol na parang nasasaktan or nasasarapan. Hindi ko maintindihan at kahit na hilam ang luha sa mga mata naglakad ako patungo doon at ganoon na lang ang pagtataka ko dahil nakaawang ang pintuan ng kwarto. Naisip ko nga ...baka sinadya nila para makita ko kung ano ang ginagawa nila. Para ipaintindi sa akin na wala naman talaga akong dapat na ipaglaban. Simula umpisa alam kong ako na ang balakid sa pagsasama nila. Alam kong mula umpisa ako ang dahilan sa naudlot nilang pagmamahalan. Alam kong masasaktan ako kapag sisilip ako pero kinain na ako ng matinding curiousity. Ito ang kauna-unahan
BIANCA ISSABELLE POV Napahinto ako sa paghakbang at muling napaiyak. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Parang gusto ko na lang tumakbo sa gitna ng kalasad at magpasagasa sa mga dumadaan na sasakyan. Parang gusto ko nang tapusin ang buhay ko. Nasa ganoong kalagayan ako ng mapansin ko ang paghinto ng isang itim na sports car sa gilid ng kalsada. Itutuloy ko na sana ulit ang aking paghakbang nang marinig ko na may biglang nagsalita. “Sister in Law? Sabi ko na nga ba eh…ikaw iyung nakikita ko kanina.”Nakangiting kaagad na bigkas ng driver ng naturang sports car. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad kong nakilala si Arnold. Ang half brother ni Daniel na bihira ko lang din makita dahil hindi naman ako umaattend sa mga mahahalagang okasyon mayroon ang angkan ng mga Buenaventura. Kung hindi pa si Lola Antonia ang mag-initiate na umattend ako malabong isasama ako n Daniel. “Saan ang punta mo? Tsaka, ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit ka
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Kumain na ba si Bianca?” kaagad na tanong ko sa kasambahay naming si Thelma pagkababa ko ng dining area. Kasalukuyan kaming magkasabay na kumakain ni Jeneva nang hindi mawala-wala sa isipan ko si Bianca. Sa tatlong taon na magkasama kami sa mansion na ito never akong pumayag na makasabay siyang kumain. Sanay akong kumakain na mag -isa habang nasa tabi ko siya at pinagsisilbihan niya. Ngayung ibang babae na ang kasama ko hindi ako nakakaramdam ng tuwa. Parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan. Aaminin ko sa sarili ko na nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Aware naman ako kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko. Tuwing nakikita ko ang kanyang mukha umiinit talaga ang ulo ko. "Si Mam Bianca po? Umalis na po siya kanina Sir." sagot naman ni Thelma na labis kong ikinagulat. Ito ang kauna-unahang lumabas ni Bianca ng bahay na hindi niya ipinaalam sa akin at hindi ko siya kasama. Wala sa sarilin
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Huwag mo nang subukan dahil kahit na anong gawin mo hinding-hindi ka niya magugustuhan. Tsaka, hindi ka ba nahihiya...ang babaeng pinagsawaan ko na willing mong saluin? Ganiyan na ba kalaki ang ingit mo sa akin dahil pati ang asawa ko gusto mong agawin sa akin?" galit kong singhal kay Arnold. Malakas naman itong napahalakhak. Hindi niya man lang ininda ang sinasabi ko. "Lahat nang nasa sa iyo gusto kong agawin? Nagpapatawa ka ba Daniel! For your information, wala akong inagaw sa iyo. Nagkataon lang talaga na matagal ko nang gusto si Bianca at ngayung naghiwalay na kayo sisiguraduhin kong hindi mo na siya makukuha ulit sa akin!'' nakangisi niyang bigkas at mabilis na siyang naglakad paalis. Hindi ko na napigilan pa ang pagkuyom ng kamao ko. Mabilis kong sinundan si Arnold at hinawakan siya sa balikat. "Hindi pa nauumpisahan ang proseso ng divorce namin sa korte kaya hindi pwede iyang iniisip mo. Hangat hindi pa napapawalang bisa ang kasal naming da
BIANCA POV "Kaya ko na ang sarili ko Kuya! Nandiyan naman si Manong driver para ihatid ako sa hospital." nakangiti kong wika kay Kuya Cyrus! Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast! Gusto niy akong samahan sa hospital para sa check-up ko pero tumangi ako. Ayaw kong isturbuhin siya dahil alam ko kung gaano siya kaabala sa negosyo at opisina. "Are you sure? Ngayung buntis ka, kailangan mong mag-doble ingat! Hayaan mo, ikukuha kita ng magbabantay sa iyo para masigurado ko ang kaligtasan mo sa lahat ng oras." sagot niya sa akin. Nakangiti naman akong umiling. "Kuya, hindi mo na kailangan pang gawin iyan! Hindi naman ako high profile na tao eh. Ang alam ng lahat isa akong ordinaryong tao na lumaki sa orphanage!" nakangiti kong sagot sa kanya. Oo, iyun ang alam ng lahat. Isa akong nurse noon at at isa naging pasyente ko si Lola Antonia. Sa kabila ng pagtutol ni Kuya Cyrus sa kursong kinuha ko hindi ako nagpatinag. Mula bata pa ako pangarap ko na talaga ang maging nurse at kahit na il
BIANCA POV "Ano ang ginagawa mo sa hospital na ito? Sinusundan mo ba ako? Ilang beses ko pa bang ipaintindi sa iyo na wala nang pag-asa pa ang pagsasama natin! Magkakaanak na kami ni Jeneva kaya tumigil ka na!" galit na singhal sa akin ni Daniel. Hindi pa nga ako nakabawi sa narinig ko tungkol sa pagbubuntis ni Jeneva, heto na naman. Pinahiya niya na naman ako sa mismong harapan pa ng kanyang kabit. "Kung nandito man ako sa hospital na ito wala ka na sigurong pakialam pa! Wala na akong balak pang maghabol sa iyo Daniel. Hindi mo ba nakita? Pinirmahan ko na ang divorce paper na iyun kaya pwede bang lubayan mo na ako?" mahinahon kong bigkas pero sa totoo lang, para nang sasabog ang puso ko sa sobrang sama ng loob! BAkit siya pa! Bakit siya pa ang minahal ko? Kay liit talaga ng mundo? Bakit sa dinami-dami nang mga taong pwede kong makasalubong at makasalamuha, bakit ang dalawang ito pa? Masyado nang tortured sa akin ang mga nangyari sa amin at hindi ko na alam kung saan kukuha ng l
BIANCA POV "Ano nga pala ang ginagawa ng magandang dilag dito sa hospital ko? Liban sa nakasalubong mo si Daniel sa labas may iba ka pa bang pakay?" nakangiting tanong sa akin ni Arnold. Lumitaw tuloy sa magkabilaan niyang pisngi ang biloy at pantay-pantay niyang ngipin. Hindi ko na tuloy napigilan pa ang mapatitig sa kanya. Matagal ko na siyang kilala at sana sa kanya na lang ako na-inloved! Di hamak na mas mabuti siyang tao kumapara kay Daniel. "Buntis ako at may schedule ako nang check-up sa ob gyne!" diretsahan kong sagot kay Arnold. Napansin kong saglit siyang natigilan habang titig na titig siya sa akin. "Alam ba ito ni Daniel?" seryoso niyang tanong. Kaagad naman akong umiling. "Hindi ako nabigyan ng chance na sabihin sa kanya. Bihira lang siyang umuwi ng mansion at susurpresahin ko sana siya pero ako naman ang nasorpresa niya. Tuluyan na siyang nakipag-hiwalay sa akin." mapait kong bigkas. Pigil ko ang sarili ko na muling maluha. Marami nang luha ang nasayang sa a