BIANCA ISSABELLE POV
Ang gutom na nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho. Gamit ang nanginginig kong binti muli akong umakyat ng hagdan. Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kwarto ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makarinig ako ng mahinang pag ungol. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtanto ko na galing sa kwarto ni Daniel ang naturang ungol. Mga ungol na parang nasasaktan or nasasarapan. Hindi ko maintindihan at kahit na hilam ang luha sa mga mata naglakad ako patungo doon at ganoon na lang ang pagtataka ko dahil nakaawang ang pintuan ng kwarto. Naisip ko nga ...baka sinadya nila para makita ko kung ano ang ginagawa nila. Para ipaintindi sa akin na wala naman talaga akong dapat na ipaglaban. Simula umpisa alam kong ako na ang balakid sa pagsasama nila. Alam kong mula umpisa ako ang dahilan sa naudlot nilang pagmamahalan. Alam kong masasaktan ako kapag sisilip ako pero kinain na ako ng matinding curiousity. Ito ang kauna-unahan kong makasilip sa kwarto ni Daniel sa loob ng tatlong taon na ikinasal kami. Kaagad na lumanding ang mga mata ko sa kama at kaagad akong napahawak sa aking dibdib sa nasaksihan. Dalawang katawan ang magkahugpong sa ibabaw ng kama habang hindi magkamayaw sa kakaungol ang babae. Parang tubig na nag-uunahan na sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Ilang saglit din akong nakatitig sa dalawang hubot-hubad na katawan na abala sa ibabaw ng kama. Enjoy na enjoy silang dalawa samantalang heto ako…durog na durog. Pakiramdam ko mababaliw ako sa aking nasaksihan. Hindi kayang tangapin ng kalooban ko ang lahat-lahat. Ni hindi man lang ako nakapag-ready na possible palang dumating ang ganitong senaryo sa buhay ko. Nanginginig ang aking binti habang naglalakad palayo sa kwartong iyun. Pilit kong iniipon ang unti-unting nawawala ko nang lakas. Hindi ko alam kung paano harapin ang bukas dahil alam kong kahit na ano ang gawin ko…wala na talagang pag -asa pa na muli siyang bumalik sa buhay ko. Hindi ko na namalayan pa na muli na pala akong nakabalik ng kwarto. Tinitigan ko ang divorce paper na nakatapatong sa gilid ng kama at nanginginig ang mga kamay na pinulot iyun. Kasabay ng pagpatak ng ilang butil ng luha sa papel ay ang pagdampot ko sa ballpen. Nanginginig ang aking kamay na pinirmahan ang papel kasabay ng malakas na hikbi na kumawala sa aking bibig. “Sorry Baby! Sorry ko kung hindi matutupad ni Mommy ang pangako ko sa iyo kani-kanina lang na hindi tayo aalis sa tabi ni Daddy. Gustuhin ko man pero hindi talaga pwede! Ayaw niya na sa atin. May iba na siyang gusto! May iba na siyang babaeng gustong makasama sa mansion na ito at hindi tayo iyun! Patawad!” umiiyak kong bigkas. Masakit…walang katulad na sakit! Pero hindi naman pwedeng ipilit ko kung ano ang gusto ko. Baka kasi mabaliw ako eh..hindi ako pwedeng maging makasarili lalo na at mayroong buhay ang nakasalalay sa sinapupunan ko. Siguro kung hindi lang ako buntis, parang gusto ko nang tapusin ang buhay ko. Parang gusto ko nang tumigil sa paghinga matakasan lang ang pighati na nararamdaman ko ngayun. Kaya lang…hindi pwede! Hindi ko pweding idamay ang baby ko! “Paalam Daniel Aragon Buenaventura! Sana hindi na muling magkrus ang landas nating dalawa. Pinapalaya na kita! Sana magiging masaya ka kayong dalawa ni Jeneva.” Umiiyak kong bigkas kasabay ng pagtangal ko sa aking suot-suot na wedding ring. Hinalikan ko muna iyun bago ko dahan-dahan na ipinatong sa ibabaw ng dokumentong kakapirma ko lang. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at dinampot ang aking cellphone at nag iisang maliit na bag. Malungkot kong inilibot ang aking tingin sa paligid. Saksi ang kwartong ito sa lungkot at saya na naranasan ko mula sa bisig ni Daniel. Ipinapangako ko na hindi na ako babalik sa lugar na ito. Hindi na kami babalik pa ng anak ko sa lugar na ito. Iiwasan ko na siya sa abot ng aking makakaya. Kakalimutan ko na siya. Alang-alang sa anak namin. Alang-alang sa batang nasa sinapupunan ko! Hinding hindi ko na hahayaan pa ang sarili ko na umiyak dahil lang sa kanya. Hindi siya ang lalaki para sa akin. Tama na ang tatlong taon na paghihirap. Tama na ang tatlong taon na pagtitiis sa bisig niya. Huminga lang ako ng malalim at mabilis nang lumabas ng kwarto. Muli akong napasulyap sa pintuan ng kwarto ni Daniel dahil bumukas iyun. Mula sa loob lumabas sa Daniel na walang damit pang-itaas at saglit na nagtama ang aming mga paningin. Malungkot ko siyang nginitian bago ako nagmamadaling naglakad paalis. Narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ng isa sa mga kasambahay namin kasabay ng muling pagsara ng pintuan ng kwarto. Malungkot akong napangiti habang tuloy-tuloy ang aking paghakbang pababa ng hagdan. Ito na siguro ang pinaka-masakit na araw ng buhay ko. Kasabay ng paglaya ko mula sa bisig ni Daniel ay ang pagkawasak ng puso ko. Mahirap pala talaga ang magmahal ng sobra. Ni hindi ko man lang nagawang magtira para sa sarili ko kaya naman labis akong nasasaktan ngayun. Pagkababa ko ng hagdan direcho ang hakbang ko palabas ng bahay hangang sa nakarating ako ng gate. Seryoso ko pang tinitigan ang guard habang binubuksan nito ang service gate. “Magko-commute po ba kayo Mam? Gusto niyo po bang itawag ko kayo ng taxi?” nakangiting tanong sa akin ni Manong guard. Kaagad naman akong umiling “Ayos na po ako Manong. Kaya ko na po ang sarili ko! Salamat!” seryoso kong sagot at mabilis ng lumabas. Pigil ko ang sarili ko na lumingon. Mas lalo lang kasi akong masasaktan kapag gagawin ko iyun. Mas lalo lang akong mahihirapan. Wala sa sariling naglakad ako palayo ng bahay. Alam kong kahit na sino ang makakakita sa akin ngayun iisipin na nababaliw na ako. Aware ako na sobrang gulo ng buhok ko tapos naka-pajama at blouse lang ako. Habang papalayo ako ng mansion lalo naman akong nakaramdam ng panghihina. Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo at nang tingnan ko ang aking paa, wala man lang akong soot na kahit na tsinelas man lang. Kaya pala nakakaramdam na ako ng sakit ng talampakan.BIANCA ISSABELLE POV Napahinto ako sa paghakbang at muling napaiyak. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Parang gusto ko na lang tumakbo sa gitna ng kalasad at magpasagasa sa mga dumadaan na sasakyan. Parang gusto ko nang tapusin ang buhay ko. Nasa ganoong kalagayan ako ng mapansin ko ang paghinto ng isang itim na sports car sa gilid ng kalsada. Itutuloy ko na sana ulit ang aking paghakbang nang marinig ko na may biglang nagsalita. “Sister in Law? Sabi ko na nga ba eh…ikaw iyung nakikita ko kanina.”Nakangiting kaagad na bigkas ng driver ng naturang sports car. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad kong nakilala si Arnold. Ang half brother ni Daniel na bihira ko lang din makita dahil hindi naman ako umaattend sa mga mahahalagang okasyon mayroon ang angkan ng mga Buenaventura. Kung hindi pa si Lola Antonia ang mag-initiate na umattend ako malabong isasama ako n Daniel. “Saan ang punta mo? Tsaka, ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit ka
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Kumain na ba si Bianca?” kaagad na tanong ko sa kasambahay naming si Thelma pagkababa ko ng dining area. Kasalukuyan kaming magkasabay na kumakain ni Jeneva nang hindi mawala-wala sa isipan ko si Bianca. Sa tatlong taon na magkasama kami sa mansion na ito never akong pumayag na makasabay siyang kumain. Sanay akong kumakain na mag -isa habang nasa tabi ko siya at pinagsisilbihan niya. Ngayung ibang babae na ang kasama ko hindi ako nakakaramdam ng tuwa. Parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan. Aaminin ko sa sarili ko na nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Aware naman ako kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko. Tuwing nakikita ko ang kanyang mukha umiinit talaga ang ulo ko. "Si Mam Bianca po? Umalis na po siya kanina Sir." sagot naman ni Thelma na labis kong ikinagulat. Ito ang kauna-unahang lumabas ni Bianca ng bahay na hindi niya ipinaalam sa akin at hindi ko siya kasama. Wala sa sarilin
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Huwag mo nang subukan dahil kahit na anong gawin mo hinding-hindi ka niya magugustuhan. Tsaka, hindi ka ba nahihiya...ang babaeng pinagsawaan ko na willing mong saluin? Ganiyan na ba kalaki ang ingit mo sa akin dahil pati ang asawa ko gusto mong agawin sa akin?" galit kong singhal kay Arnold. Malakas naman itong napahalakhak. Hindi niya man lang ininda ang sinasabi ko. "Lahat nang nasa sa iyo gusto kong agawin? Nagpapatawa ka ba Daniel! For your information, wala akong inagaw sa iyo. Nagkataon lang talaga na matagal ko nang gusto si Bianca at ngayung naghiwalay na kayo sisiguraduhin kong hindi mo na siya makukuha ulit sa akin!'' nakangisi niyang bigkas at mabilis na siyang naglakad paalis. Hindi ko na napigilan pa ang pagkuyom ng kamao ko. Mabilis kong sinundan si Arnold at hinawakan siya sa balikat. "Hindi pa nauumpisahan ang proseso ng divorce namin sa korte kaya hindi pwede iyang iniisip mo. Hangat hindi pa napapawalang bisa ang kasal naming da
BIANCA POV "Kaya ko na ang sarili ko Kuya! Nandiyan naman si Manong driver para ihatid ako sa hospital." nakangiti kong wika kay Kuya Cyrus! Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast! Gusto niy akong samahan sa hospital para sa check-up ko pero tumangi ako. Ayaw kong isturbuhin siya dahil alam ko kung gaano siya kaabala sa negosyo at opisina. "Are you sure? Ngayung buntis ka, kailangan mong mag-doble ingat! Hayaan mo, ikukuha kita ng magbabantay sa iyo para masigurado ko ang kaligtasan mo sa lahat ng oras." sagot niya sa akin. Nakangiti naman akong umiling. "Kuya, hindi mo na kailangan pang gawin iyan! Hindi naman ako high profile na tao eh. Ang alam ng lahat isa akong ordinaryong tao na lumaki sa orphanage!" nakangiti kong sagot sa kanya. Oo, iyun ang alam ng lahat. Isa akong nurse noon at at isa naging pasyente ko si Lola Antonia. Sa kabila ng pagtutol ni Kuya Cyrus sa kursong kinuha ko hindi ako nagpatinag. Mula bata pa ako pangarap ko na talaga ang maging nurse at kahit na il
BIANCA POV "Ano ang ginagawa mo sa hospital na ito? Sinusundan mo ba ako? Ilang beses ko pa bang ipaintindi sa iyo na wala nang pag-asa pa ang pagsasama natin! Magkakaanak na kami ni Jeneva kaya tumigil ka na!" galit na singhal sa akin ni Daniel. Hindi pa nga ako nakabawi sa narinig ko tungkol sa pagbubuntis ni Jeneva, heto na naman. Pinahiya niya na naman ako sa mismong harapan pa ng kanyang kabit. "Kung nandito man ako sa hospital na ito wala ka na sigurong pakialam pa! Wala na akong balak pang maghabol sa iyo Daniel. Hindi mo ba nakita? Pinirmahan ko na ang divorce paper na iyun kaya pwede bang lubayan mo na ako?" mahinahon kong bigkas pero sa totoo lang, para nang sasabog ang puso ko sa sobrang sama ng loob! BAkit siya pa! Bakit siya pa ang minahal ko? Kay liit talaga ng mundo? Bakit sa dinami-dami nang mga taong pwede kong makasalubong at makasalamuha, bakit ang dalawang ito pa? Masyado nang tortured sa akin ang mga nangyari sa amin at hindi ko na alam kung saan kukuha ng l
BIANCA POV "Ano nga pala ang ginagawa ng magandang dilag dito sa hospital ko? Liban sa nakasalubong mo si Daniel sa labas may iba ka pa bang pakay?" nakangiting tanong sa akin ni Arnold. Lumitaw tuloy sa magkabilaan niyang pisngi ang biloy at pantay-pantay niyang ngipin. Hindi ko na tuloy napigilan pa ang mapatitig sa kanya. Matagal ko na siyang kilala at sana sa kanya na lang ako na-inloved! Di hamak na mas mabuti siyang tao kumapara kay Daniel. "Buntis ako at may schedule ako nang check-up sa ob gyne!" diretsahan kong sagot kay Arnold. Napansin kong saglit siyang natigilan habang titig na titig siya sa akin. "Alam ba ito ni Daniel?" seryoso niyang tanong. Kaagad naman akong umiling. "Hindi ako nabigyan ng chance na sabihin sa kanya. Bihira lang siyang umuwi ng mansion at susurpresahin ko sana siya pero ako naman ang nasorpresa niya. Tuluyan na siyang nakipag-hiwalay sa akin." mapait kong bigkas. Pigil ko ang sarili ko na muling maluha. Marami nang luha ang nasayang sa a
BIANCA POV "How dare you para sabihin sa akin iyan! Ano ba Daniel? Hindi ka ba talaga titigil? Bakit ba ayaw mo pa akong lubayan?" galit kong singhal sa kanya. Lalo namang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Titigil? Nagpapatawa ka ba? Hindi ko maintindihan kung ano ang pinakain mo kay Lola. Bakit ba masyado siyang amaze na amaze sa iyo at dumating pa sa punto na pilit ka niyang ipinakasal sa akin?" muli niyang bigkas. Matalim ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata kasabay ng pagak kong pagtawa. Heto na naman kami! Sa dating issue pa rin ba? Hindi pa rin ba siya nakaka-moved on gayung sobra din naman siyang nag-enjoy sa katawan ko? "Bakit hindi siya ang tanungin mo? Wala na akong panahon pa na makipag-usap sa iyo Daniel. Kung ano man ang gagawin ko sa buhay ko, wala ka na doon!" bigkas ko at malakas na pumiksi. Kaagad niya naman akong nabitawan. "Sana ito na ang huling pagkakataon na magkita tayo. Sa susunod na magkasalubong pa tayong muli, huwag mo na akong pansin
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Kasalukuyan akong abala sa aking mga pinipirmahang mga papels nang napahinto ako dahil sa pabalagbag na pagbukas at sara ng pintuan ng opisina. Wala sa sariling napatayo ako at akmang sisitahin ko na sana kung sino man ang pangahas na bigla na lang pumasok nang hindi ko na nagawa pa dahil naunahan niya na ako. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng kamao niya sa pisngi ko na siyang dahilan kaya kaagad akong natumaba sa sahig. Kaagad akong napahawak sa ilong ko ng maramdaman ko ang isang mainit na likido na lumabas doon. "Walang hiya ka! Hayop talaga! Hayop iyang babae mo! Walang kwenta! Salot!" galit na bigkas sa akin ng half brother ko na si Arnold. Nakasuot pa siya ng doctor's coat habang kita ko sa kanyang mga mata ang galit. Akmang susugod sana ako sa kanya para makaganti sa pananapak niya sa akin pero napahinto din ako nang kaagad siyang nagsalita. "Ganiyan ka na ba kawalang -kwentang tao? Hiniwalayan mo na nga pagkatapos gusto mo pa siyang