Share

Chapter 6

DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV

"Huwag mo nang subukan dahil kahit na anong gawin mo hinding-hindi ka niya magugustuhan. Tsaka, hindi ka ba nahihiya...ang babaeng pinagsawaan ko na willing mong saluin? Ganiyan na ba kalaki ang ingit mo sa akin dahil pati ang asawa ko gusto mong agawin sa akin?" galit kong singhal kay Arnold. Malakas naman itong napahalakhak. Hindi niya man lang ininda ang sinasabi ko.

"Lahat nang nasa sa iyo gusto kong agawin? Nagpapatawa ka ba Daniel! For your information, wala akong inagaw sa iyo. Nagkataon lang talaga na matagal ko nang gusto si Bianca at ngayung naghiwalay na kayo sisiguraduhin kong hindi mo na siya makukuha ulit sa akin!'' nakangisi niyang bigkas at mabilis na siyang naglakad paalis. Hindi ko na napigilan pa ang pagkuyom ng kamao ko. Mabilis kong sinundan si Arnold at hinawakan siya sa balikat.

"Hindi pa nauumpisahan ang proseso ng divorce namin sa korte kaya hindi pwede iyang iniisip mo. Hangat hindi pa napapawalang bisa ang kasal naming dalawa ni Bianca hindi mo siya pwedeng ligawan!" galit kong singhal sa kanya.

"Really? Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba? Tsaka, ano ba ang pinuputok ng butsi mo? Bakit parang hindi mo tangap ang desisyon na ikaw mismo ang gumawa? Dont tell me na nagbago ang isip mo?" nang-iinis niyang tanong sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Mabilis ko siyang binigwasan kaya napadaing siya sa sakit.

"Ang kay Juan ay kay Juan at hindi pwedeng agawin ni Pedro!": galit kong singhal kay Arnold. Bigla kong nakalimutan na nasa paligid lang pala si Jeneva at narinig niya lahat ng sinabi ko. Wala na akong pakialam pa! Ngayun ko lang din lubos na naisip na hindi ko pala kayang mawala sa akin si Bianca. Kung ano man ang dahilan, hindi ko din alam!

"Really? Talagang binangit mo pa sa akin ang ganiyang kasabihan ha? Isang kasabihan na hindi mo nai-apply sa sarili mo!" sagot naman ni Arnold. Natigilan naman ako! Parang gusto ko na tuloy iuntog ang sarili ko sa pader nang ma-realized ko kung ano nga ba ang ginawa ko kay Bianca. Kung ano nga ba dahilan kung bakit tuluyan niya na akong nilisan.

Ako ang nagtulak sa kanya para gawin iyun pero bakit nasasaktan ako ngayun? Dahil ba sa ego ko? Dahil ba ngayun palang alam ko sa sarili ko na posible niya ding magusutuhan ang half brother ko na si Arnold na naging kahati ko sa lahat ng bagay simula noong maliliit pa kami!

Ano ba ang pakialam ko kung liligawan niya si Bianca? Wala naman diba? Dapat nga matuwa pa ako eh dahil sa wakas natupad ko na ang gusto kong makipaghiwalay sa kanya. Pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan?

Hindi! Hindi ko gusto si Bianca. Nakakaramdam lang ako ng insulto sa isiping pwede pa rin siyang magustuhan ng kahit sino. Lalo na ng half brother ko!

"Ito na ang huli kong pagtuntong sa mansion na ito dahil magiging busy na ako sa pagpapatayo ng sarili kong palasyo. Isang palasyo na kay Bianca ko lang iaalay. Isang palasyo kong saan si Bianca lang ang pwedeng maging reyna. Magpakasaya ka sa childhood Sweetheart mong makailang ulit ko na ding natikman!" nakangising bigkas ni Arnold at saglit na sinulyapan si Jeneva bago mabilis na naglakad paalis sa akin.

Wala sa sariling napatitig ako kay Jeneva na noon kita ko ang kaba sa kanyang mukha. Hindi ako tanga para hindi ko mainitindihan kung ano man ang gustong ipahiwatig ng haf brother ko!

"Babe, ikaw na din ang nagsabi na walang kwenta ang half brother mong iyun. Huwag kang maniwala sa kanya. Tiyak na ginagalit ka lang nya dahil gusto niyang makaganti sa iyo!" hugas kamay na bigkas ni Jeneva. Inisang hakbang ko lang ang pagitan naming dalawa at seryoso ko siyang tinitigan.

"Huwag kang magkamali na gumawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan kung hindi alam mo na kung paano ako magalit!" seryoso kong bigkas habang titig na titig ako sa kanyang mga mata. Alanganin naman siyang tumango.

"Promise..malinis ang konsensya ko! Hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi mo magugustuhan!" sagot niya. Tinitigan ko muna siya bago ako naglakad papasok ng mansion. Naramdaman ko naman na muli akong sinundan ni Jeneva.

"Babe....hayaan mo na iyang half brother mo na magpakabaliw kay Bianca! Ayaw mo pa noon, ngayung hiwalay na kayo ni Bianca, matutuloy na ang matagal nating pangarap na makapag-pakasal tayo!'" narinig kong bigkas ni Jeneva. Wala sa sariling muli akong napalingon sa kanya. Umiling-iling ako bago ako nagsalita.

"Right! Hindi pa tayo kasal kaya wala pa sigurong dahilan para tumira ka dito sa mansion." malamig kong sagot sa kanya. Napansin ko ang pagkadismaya sa mukha niya pero hindi ko na pinansin pa.

Mabilis ang hakbang na umakyat ako ng hagdan at direcho sa kwarto. Kinuha ang maleta niya at ilan pa sa mga gamit niya at hinila palabas.

" Ipapahatid na kita sa driver ko. Tatawagan na lang kita kapag may kailangan ako sa iyo!" malamig kong bigkas. Bigla naman siyang naluha at napakapit sa akin.

"Daniel, ano ba ang sinasabi mo? Bakit bigla na lang nagbago ang desisyon mo? Akala ko ba gustong mong dito na ako tumira? Mahal mo na ba siya? Mahal mo na ba si Bianca kaya ka nagkakaganiyan?" lumuluha niyang tanong sa akin.

Kaagad ko namang pinakiramdaman ang sarili ko pero wala akong nararamdaman na kakaiba sa kanya. Hindi ako nakakaramdam ng awa sa kanya katulad noong nararamdaman ko kay Bianca noong umiyak siya sa harap ko at nagmamakaawa na huwag ko siyang hiwalayan!

"Daniel, hindi pwede! Hindi mo ako pwedeng itaboy lalo na ngayung nagdadalang-tao ako!" umiiyak na bigkas ni Jeneva sa akin. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.

Ang pagkakaroon ng anak ang isa sa matagal ko nang gusto na mangyari sa buhay ko at ngayung ipinagbubuntis na ni Jeneva ang baby namin, kailangan ko na talaga sigurong mag-focus sa kanya. Total naman, mula umpisa, wala akong ibang gustong babaeng makasama habang buhay kundi siya lang!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status