BIANCA POV "Kuya! Kaya naman halos inaraw-araw mo akong kulitin para pauwiin eh! May plano ka na pala diyan! Sabihin mo sa akin...ano ba ang balak mong gawin? Bakit bigla-bigla mo nalang talikuran ang posisyon mo at ipaako sa akin? Hindi ka ba natatakot na baka bumagsak ang kumpanya sa mga kamay ko?" seryoso kong wika sa kanya. Susubukan ko siyang takutin dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang negosyo na naiwan ng mga magulang namin pero mukhang walang epekto. Tinawanan niya lang ako. "Malaki ang tiwala ko sa iyo little sister! Alam kong mas magaling ka kumpara sa akin kung ang paghawak ng negosyo ang pag-uusapan. Tingnan mo nga...ilang taon ka pa lang nag-umpisang magtrabaho pero ang laki na ng naitulong mo sa kumpanya natin para mas lalong tumaas ang revenue taon-taon. Malaki ang tiwala ko sa iyo kaya panatag kong iiwan sa iyo ang pamamahala ng kumpanya natin. Huwag ang mag-alala.. nasa likod mo lang ako palagi. Hindi naman porket bibitawan ko ang posisyon na iyan, tuluyan
BIANCA POV "So kumusta ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa? Sa wakas, naisipan mo din umuwi. Kaunting-kaunti na lang magrereklamo na ako sa iyo dahil ang laki ng ginagastos ko palagi makita lang kayo ng mga inaanak ko!" kaagad na bigkas ni Arnold sa akin sabay abot niya ng hawak niyang bouquet of roses. Kaagad ko naman iyung tinanggap at nagpasalamat sa kanya. Ganito siya palagi sa akin tuwing dinadalaw ako kahit noong nasa Paris pa ako. Palagi siyang may pasalubong na bulaklak.Sa wakas, nakawala din siya sa kambal. Nagawa din naming mag-usap ngayun bago pa ako umakyat ng kwarto para magpahinga. "Huwag mo akong konsesyahin diyan sa mga nagastos mo. Hindi kita inutusan na bumyahe, papuntang Paris at pabalik ng Pinas. Kagustuhan mo iyan kaya labas na ako diyan!" direkta ko namang sagot sa kanya. Sinipat ko ng tingin ang mga bulaklak at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang ganda kasi talaga! Kasing ganda ko! "Ouchhh! Ang sakit noon ah? Pasalamat ka mahal ko kayo ng mga b
BIANCA POV Pagkatapos namin mag-usap ni Arnold, dinaanan ko lang ang kambal sa kwarto nila para icheck kung ano ang ginagawa nilang dalawa. Ganoon na lang ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nang maabutan ko silang mahimbing nang natutulog. Sa loob ng pitong taon wala akong ibang ginawa kundi protektahan sila. Ilayo sila sa kapahamakan at masiguro ang kanilang kaligtasan. Ang kinasangkutan kong aksidente seven years ago ay nagbigay sa akin ng malaking trauma. After ng aksidente, nabulag ako at muntik nang mapahamak ang ipinagbubuntis ko. Maswerte lang talaga at malakas ang kapit ng mga baby na nasa sinapupunan ko kung hindi baka tuluyan na akong mabaliw kung sakaling napahamak sila. Namuhay ako sa kadiliman sa buong period ng pagbubuntis ko. Mas lalong dumagdag sa sakit ng kalooban ko noong nalaman ko na patay ang isa sa mga babies pagkapanganak ko. Triplets sila pero hindi naka-survived ang isang bata. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa noon. Pakiramdam ko bigla
BIANCA POV Paalis kami ng bahay ng bigla namang dumating si Arnold. Naka-formal atitre ito kaya lalong lumutong ang angkin nitong gandang lalaki. Kung hindi lang traumatic ang nagdaan kong pag-ibig baka matagal ko na din siyang minahal. Kaya lang, sa ngayun hindi pa talaga ako ready para pumasok sa panibagong relasyon. Ayaw ko din siyang gawing panakip butas at lalong ayaw kong magigng unfair sa kanya. Masyado siyang mabait sa akin para gamitin siya para lang tuluyan kong makalimutan ang mga nangyari sa akin noon. "Hey, saan ang punta niyo?" kaagad na tanong niya. Nagkagulo na naman ang dalawang bata nang makita nila ang kanilang Ninong. Nakasakay na ang dalawa sa kotse at dali-daling nagsipagbabaan para lang makalapit kaagad sa Ninong nila. Todo saway naman ako pero ayaw talagang makinig. Masyado talaga silang malapit kay Arnold. Palibhasa kasi ini-spoiled eh! "Ninong, we are going to School. Pwede mo po ba kaming samahan?" malambing na paanyaya ni Scarlett Pearl. Kulang nala
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Nasa kasagsagan ako ng meeting ng biglang tumawag sa akin si Jeneva. Nasa isang iskwlehan daw siya at ibinalita sa akin na bigla na lang daw inatake ang anak naming si Anyana. Kaagad kong tinapos ang meeting at napasugod sa iskwelahan. Naabutan ko ang anak ko sa clinic ng School. Maputla at alam kong galing lang sa hagupit ng paghihirap dahil sa sakit niya. Awang-awa akong napatitig sa aking anak habang hindi ko napigilan ang sarili ko. Galit kong kinumpronta si Jeneva na noon ay mangiyak-iyak na. "Sorry! Sorry! Akala ko ayos na siya eh. Medyo matagal nang hindi siya inaatake ng sakit niya pero nagulat na lang ako kanina dahil bigla na lang siyang nahirapan huminga." umiiyak na bigkas niya. Kaagad kong naikuyom ang aking kamao at walang sabi-sabing binuhat ko ang aking anak. Pagkatapos magpasalamat sa Doctor at nurse on duty, mabilis na akong lumabas ng school Clinic. "I told you na hindi pwede iyang gusto mo! Nakita mo ba? Muntik ng mapahamak si
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Habang papuntang hospital, hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang mukha ng dalawang batang kasama ni Arnold. Gusto ko sana silang lapitan kanina para kumprontahin at tanungin ang magaling kong half brother kung nag-asawa na ba siya. Kung sino ang dalawang batang iyun pero muling nagreklamo si Anyana na nahihirapan na namang huminga. Sabagay, mabuti na din siguro na hindi ko sila nilapitan. Wala na akong pakialam pa kung nag-asawa na ba siya at nagkaanak ng pasekreto. Ang importante kung atupagin ngayun ay si Anyana. Ang anak kong masyado nang pinapahirapan ng sakit niya. Hindi ko napigilan na mapasulyap kay Jeneva. Kanina pa siya walang tigil sa pag-iyak. Kung wala lang kami sa nakakatakot ng sitwasyon, baka kanina ko pa siya binulyawan ulit dahil sa katangahan niya! Kung hindi niya sana nilabas ng mansion si Anyana hindi sana mangyari ito. Hindi nag-iisip at pinapairal ang katangahan. Pagdating sa AB Medical Center kaagad na inasikaso ang
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Invitation galing sa Velasquez Group of Companies?" seryosong tanong ko sa executive secretary kong si Renzo Claveria. Nang masiguro ko na maayos na ang kalagayan ni Baby Anyana mabilis akong bumalik dito sa opisina para pirmahan ang mga nakabinbin na mga papeles na kailangang kailangan ko na ng pirma. "Yes Sir! Welcome party ng kanyang nakakabatang kapatid at pagpapakilala yata sa bagong CEO ng Velasquez Group of Companies ang dahilan ng nasabing party. Sa mismong Diamond Hotel gaganapin ang naturang party at pwedeng magsama ang mga nasa guest list ng isa or dalawang escort." sagot sa akin ni Renzo. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka. Nakikita ko lang sa mga business conference si Mr. Cyrus Velasquez pero hindi ko siya nakakausap. Hindi siya friendly na tao at bihira lang kung makihalubilo sa mga kapwa negosyante. Usap-usapan na may sarili itong mundo pero matinik naman pagdating sa negosyo Ano kaya ang reason niya at bakit gusto niyang umal
BIANCA ISSABELLE VELASQUEZ Ngayun ang araw ng welcome party at announcement ng pagpapasa ng posisyon ng pagiging CEO ng Velasquez Group of Companies. Hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng kaba habang hinihintay ko na tawagin ang aking pangalan. "Alam kong perfect ang aking appearance ngayun. Bumagay sa hubog ng aking katawan ang gown na suot ko na likha ng isang kilalang designer sa dubai. Pinarisan ko iyung ng mga jewelries na ako mismo ang nag design. Habang sinisipat ko ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin, alam kong malayo na talaga ang aking narating. Tuluyan nang naglaho ang dating Bianca. Tuluyan ko nang kinalimutan ang pgiging simple kong babae at ang propesyon kong bilang isang nurse ay tuluyan ko nang tinalikuran. Hnidi madali ang buhay. Napatunayan ko na iyan. Kung wala ka pa lang sinabi sa lipunan, basta ka na lang yuyurak-yurakan ng kahit na sino. Napatunayan ko na iyan ng makailang ulit kaya wala na akong balak pang balikan ang naging buhay ko noon
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal