DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Habang papuntang hospital, hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang mukha ng dalawang batang kasama ni Arnold. Gusto ko sana silang lapitan kanina para kumprontahin at tanungin ang magaling kong half brother kung nag-asawa na ba siya. Kung sino ang dalawang batang iyun pero muling nagreklamo si Anyana na nahihirapan na namang huminga. Sabagay, mabuti na din siguro na hindi ko sila nilapitan. Wala na akong pakialam pa kung nag-asawa na ba siya at nagkaanak ng pasekreto. Ang importante kung atupagin ngayun ay si Anyana. Ang anak kong masyado nang pinapahirapan ng sakit niya. Hindi ko napigilan na mapasulyap kay Jeneva. Kanina pa siya walang tigil sa pag-iyak. Kung wala lang kami sa nakakatakot ng sitwasyon, baka kanina ko pa siya binulyawan ulit dahil sa katangahan niya! Kung hindi niya sana nilabas ng mansion si Anyana hindi sana mangyari ito. Hindi nag-iisip at pinapairal ang katangahan. Pagdating sa AB Medical Center kaagad na inasikaso ang
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Invitation galing sa Velasquez Group of Companies?" seryosong tanong ko sa executive secretary kong si Renzo Claveria. Nang masiguro ko na maayos na ang kalagayan ni Baby Anyana mabilis akong bumalik dito sa opisina para pirmahan ang mga nakabinbin na mga papeles na kailangang kailangan ko na ng pirma. "Yes Sir! Welcome party ng kanyang nakakabatang kapatid at pagpapakilala yata sa bagong CEO ng Velasquez Group of Companies ang dahilan ng nasabing party. Sa mismong Diamond Hotel gaganapin ang naturang party at pwedeng magsama ang mga nasa guest list ng isa or dalawang escort." sagot sa akin ni Renzo. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka. Nakikita ko lang sa mga business conference si Mr. Cyrus Velasquez pero hindi ko siya nakakausap. Hindi siya friendly na tao at bihira lang kung makihalubilo sa mga kapwa negosyante. Usap-usapan na may sarili itong mundo pero matinik naman pagdating sa negosyo Ano kaya ang reason niya at bakit gusto niyang umal
BIANCA ISSABELLE VELASQUEZ Ngayun ang araw ng welcome party at announcement ng pagpapasa ng posisyon ng pagiging CEO ng Velasquez Group of Companies. Hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng kaba habang hinihintay ko na tawagin ang aking pangalan. "Alam kong perfect ang aking appearance ngayun. Bumagay sa hubog ng aking katawan ang gown na suot ko na likha ng isang kilalang designer sa dubai. Pinarisan ko iyung ng mga jewelries na ako mismo ang nag design. Habang sinisipat ko ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin, alam kong malayo na talaga ang aking narating. Tuluyan nang naglaho ang dating Bianca. Tuluyan ko nang kinalimutan ang pgiging simple kong babae at ang propesyon kong bilang isang nurse ay tuluyan ko nang tinalikuran. Hnidi madali ang buhay. Napatunayan ko na iyan. Kung wala ka pa lang sinabi sa lipunan, basta ka na lang yuyurak-yurakan ng kahit na sino. Napatunayan ko na iyan ng makailang ulit kaya wala na akong balak pang balikan ang naging buhay ko noon
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Habang nakatitig ako ngayun sa mga mata ni Bianca, hindi ko maiwasan na makaramdam ng kakaiba sa sarili ko. Alam kong hindi na siya ang dating Bianca na asawa ko! Ibang Bianca na ang kaharap ko ngayun at sa loob ng pitong taon na hindi ko siya nakikita, alam kong ang laki na nang ipinagbago niya. Ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang galit para sa akin. Hindi siya masaya na nakita niya ako. Para akong isang istranghero kung ituring niya ngayun. Ibang-iba na siya. Wala na ang ngiti sa labi niya tuwing nakikita niya ako. Napalitan iyun ng pagkasuklam. Sabagay, hindi ko siya masisisi. Wala akong ibang ipinakita sa kanya noon kundi kasamaan. Sa loob ng tatlong taon na nagsama kami puro sama ng loob ang narananasan niya sa akin Muli ko siyang sinipat ng tingin. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. Lalo siyang naging kaakit-akit! Parang hindi man lang nadagdagan ang edad niya! Pero bakit ganoon? Kung talagang kapatid siya ni Cyrus Velasquez bakit h
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Sa isang madilim na lugar sa Antipolo ako nakarating. Pinahinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at lumabas bitbit ang isang kahang sigarilyo at lighter! Nagsindi ako ng stick ng sigarilyo at bumuga at humithit ng makailang ulit. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo kong pagkatao. Tuwa at lungkot dahil sa mga nalaman ngayung gabi. Natutuwa ako na makitang muli si Bianca na ligtas pero nalulungkot ako sa isiping hindi ko na pag-aari ang puso niya! Mariin akong napapikit kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ni sa hinagap hindi ko akalain na mararanasan ko ito. Akala ko talaga hindi ko siya mahal at hindi ko siya matutunang mahalin. Teenager pa lang, wala akong ibang hangad na babae noon na makasama habang buhay kundi si Jeneva lang. Ni wala nga akong kaamor-amor kay Bianca eh. Ni hindi ko nakikita ang sarili ko na siya ang makakasama ko habang buhay. Pinatikim ko ang impyerno sa kanya habang nagsasama kami dahil gusto kong siya na
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Kahit na masakit ang katawan ko dahil sa tinamong sapak at sipa ni Arnold, nagawa ko pa rin makauwi ng mansion ng ligtas. Pagkababa ko pa lang ng kotse, galit na mukha ni Mommy Sylvia ang kaagad na sumalubong sa akin. "Anong ginawa mo? Bakit mo iniwan si Jeneva sa gitna ng kawalan? Hindi mo man lang ba naisip na baka kung ano ang mangyari sa kanya?" galit na bigkas niya sa akin. Minsan talaga, napapaisip ako kung anak niya ba talaga ako! Palagi na lang kasing si Jeneva ang pinapaburan niya kumpara sa akin na dugot laman niya! "Mom! Please, not now! Pagod ako! Pagod na pagod ako!" seryoso kong bigkas. Natigilan naman ito kaya mabilis na akong naglakad papasok ng mansion. Direcho ako sa living area at hapong-hapo na naupo. Kaagad ko namang naramdaman ang pagsunod niya sa akin. "Ano bang nangyari? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Diyos Mio! Napaaway ka ba? Sinong may gawa ng pasa na iyan?" halos histirikal na bigkas ni Mommy sa akin. Wala sa sariling n
BIANCA POV "Ready?" nakangiting tanong sa akin ni Kuya Cyrus. Kasalukuyan akong naghahanda sa pagpasok ng opisina. Ngayun ang unang araw ko at gustong kong presentableng-presetable ako sa aking kasuotan. "Oo naman! Thank you Kuya! Dont worry, hindi kita bibiguin. Hangat wala ka at naglalamiyerda ka, ako na muna ang bahala sa kumpanya." nakangiti kong sagot kay Kuya. Natawa naman ito bago niya ako inalalayan na makasakay ng kotse. Buong biyahe kaming masaya at nahahalata ko talaga sa kanya na excited na siyang magtravel sa karagatan. Yes, instead ang pagtatravel sa ibang bansa ang atupagin niya para makapag-relax bumili siya ng sariling yate para malibot ang buong Pilipinas. Simple lang naman ang gusto niya..iyun ay makapaglibang hangat binata pa dahil pagkatapos niya umanong maglayag ang paghahanap na naman daw ng mapapangasawa ang susunod niyang aatupugin. Actually, ayaw ko siyang pigilan sa gusto niyang gawin. Ilang taon niya din kasi akong sinupurtahan sa gusto ko at wala
BIANCA POV "Nagbibiro ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair tumayo siya at naglakad patungo sa sofa at naupo. Kita ko sa mukha niya ang pagiging bored sa buhay. "Hindi noh! Pagod na ako! alam mo sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang wala nang ka-challenge-challenge ang buhay ko!" bigkas niya. Kaagad namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Naupo ako sa katapat na sofa at seryoso siyang tinitigan. "Well, magtayo ka din ng business. For sure susuportahan ka ng buo mong pamilya. At siyempre nandito din ako para suportahan ka!" nakangiti kong bigkas. "Sosyo tayo?" nakangiti niyang tanong. Hindi ko tuloy malaman kong matatawa ba ako or hindi. Gusto niya pang makipag-sosyo sa akin eh hindi ko na nga alam kung paano hahatiin ang pagiging CEO ko at pagiging Mommy ng mga anak ko. "Well, pag-iisipan ko! Pero nakakatakot....baka hindi kita matulungan masyado. Alam mo na...bago lang ako sa posisyon ko at mangangapa pa