DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Kahit na masakit ang katawan ko dahil sa tinamong sapak at sipa ni Arnold, nagawa ko pa rin makauwi ng mansion ng ligtas. Pagkababa ko pa lang ng kotse, galit na mukha ni Mommy Sylvia ang kaagad na sumalubong sa akin. "Anong ginawa mo? Bakit mo iniwan si Jeneva sa gitna ng kawalan? Hindi mo man lang ba naisip na baka kung ano ang mangyari sa kanya?" galit na bigkas niya sa akin. Minsan talaga, napapaisip ako kung anak niya ba talaga ako! Palagi na lang kasing si Jeneva ang pinapaburan niya kumpara sa akin na dugot laman niya! "Mom! Please, not now! Pagod ako! Pagod na pagod ako!" seryoso kong bigkas. Natigilan naman ito kaya mabilis na akong naglakad papasok ng mansion. Direcho ako sa living area at hapong-hapo na naupo. Kaagad ko namang naramdaman ang pagsunod niya sa akin. "Ano bang nangyari? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Diyos Mio! Napaaway ka ba? Sinong may gawa ng pasa na iyan?" halos histirikal na bigkas ni Mommy sa akin. Wala sa sariling n
BIANCA POV "Ready?" nakangiting tanong sa akin ni Kuya Cyrus. Kasalukuyan akong naghahanda sa pagpasok ng opisina. Ngayun ang unang araw ko at gustong kong presentableng-presetable ako sa aking kasuotan. "Oo naman! Thank you Kuya! Dont worry, hindi kita bibiguin. Hangat wala ka at naglalamiyerda ka, ako na muna ang bahala sa kumpanya." nakangiti kong sagot kay Kuya. Natawa naman ito bago niya ako inalalayan na makasakay ng kotse. Buong biyahe kaming masaya at nahahalata ko talaga sa kanya na excited na siyang magtravel sa karagatan. Yes, instead ang pagtatravel sa ibang bansa ang atupagin niya para makapag-relax bumili siya ng sariling yate para malibot ang buong Pilipinas. Simple lang naman ang gusto niya..iyun ay makapaglibang hangat binata pa dahil pagkatapos niya umanong maglayag ang paghahanap na naman daw ng mapapangasawa ang susunod niyang aatupugin. Actually, ayaw ko siyang pigilan sa gusto niyang gawin. Ilang taon niya din kasi akong sinupurtahan sa gusto ko at wala
BIANCA POV "Nagbibiro ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair tumayo siya at naglakad patungo sa sofa at naupo. Kita ko sa mukha niya ang pagiging bored sa buhay. "Hindi noh! Pagod na ako! alam mo sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang wala nang ka-challenge-challenge ang buhay ko!" bigkas niya. Kaagad namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Naupo ako sa katapat na sofa at seryoso siyang tinitigan. "Well, magtayo ka din ng business. For sure susuportahan ka ng buo mong pamilya. At siyempre nandito din ako para suportahan ka!" nakangiti kong bigkas. "Sosyo tayo?" nakangiti niyang tanong. Hindi ko tuloy malaman kong matatawa ba ako or hindi. Gusto niya pang makipag-sosyo sa akin eh hindi ko na nga alam kung paano hahatiin ang pagiging CEO ko at pagiging Mommy ng mga anak ko. "Well, pag-iisipan ko! Pero nakakatakot....baka hindi kita matulungan masyado. Alam mo na...bago lang ako sa posisyon ko at mangangapa pa
BIANCA POV Nagulat man sa biglang pagsulpot ni Daniel dito sa CR pinilit ko pa ring makawala sa pagkakayapos niya sa akin. Hangat maaari, ayaw na ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kanya. Ayaw ko nang dumikit-dikit pa siya sa akin dahil lalo lamang bumabalik sa alaala ko ang mga masasakit na bagay na ginawa niya sa akin noon. "Ano ba Daniel! Bitawan mo nga ako! Mahigit pitong na tayong tapos. Wala ka nang pakialam pa kung sino man ang kasama ko ngayun!" galit kong sigaw sa kanya. Nang makatiyempo malakas kong inapakan ang kanyang paa na naging dahilan kaya kaagad niya akong nabitawan. Mabilis naman akong dumistansya sa kanya. Napansin ko ang paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hangang paa. Nababasa ko din sa kanyang mga mata ang hindi maipaliwanag na damdamin. Pinilit kong ignorahin iyun at pilit na nagpaka-kaswal sa harapan niya. "Ang laki na nang ipinagbago mo. Alam mo bang kanina pa kita pinagmamasdan? Kailan ka pa natutong uminom? Kailan ka pa natutong magsuot ng
BIANCA ISSABELLE VELASQUEZ POV Sa paglabas ko ng banyo pinilit kong maglakad ng tuwid. Nanginginig kasi ang tuhod ko habang naglalakad. Hindi ko akalain na muling magkrus ang landas naming dalawa. Bigla din nawala ang pagka-tipsy ko dahil sa kumprontasyon naming dalawa ni Daniel. Pitong taon na ang lumipas pero bakit feeling ko parang kahapon lang nangyari ang lahat? Masakit pa rin! Hindi pa rin ako nakaka-moved on! Akala ko talaga ayos na ako eh..pero bakit ganito? Bakit apektado pa rin ako sa presensya niya? Dahil ba siya ang kauna-unahang lalaki na minahal ko? Dahil ba minsan na akong nagpakatanga sa kanya noon? Dahil ba alam ko sa sarili ko na siya ang ama ng mga anak ko? Pero hindi eh...dapat kamuhian ko siya! Hindi ako dapat makaramdam sa kanya ng kahit ano mang bagay dahil siya ang dahilan kung bakit muntik na akong namatay noon. Siya din ang dahilan kung bakit namatay ang isa sa mga triplets kong anak. Kung hindi sana ako nabundol noon, hindi sana nagkaroon ng kumpleka
BIANCA ISSABELLE POV Hindi pa kami divorced? Hindi niya pa naifile sa korte ang papel na pinirmahan ko noon? Bakit? Siguro inisip niya talaga na patay na ako. Na hindi na kailangan dahil biyudo na siya at pwede na siyang magpakasal kay Jeneva. Hindi ako dapat mag-isip ng kahit na ano pa man dahil iyun ang masakit na katotohanan. Simula noong nagsama kami noon, wala siyang ibang bukambibig kundi ang hiwalayan ako at noong piniramahan ko na ang papel na iyun sasabihin niya sa akin ngayun na hindi niya pa naifile? Sino ang pinagluluko niya? Akala niya siguro kaya niya pang bilugin ang ulo ko sa mga kasinungalingan na nagawa niya sa akin! "Huwag mo nga akong hawakan! Akin na ang mga damit ko dahil aalis na ako!" galit kong bigkas sa kanya. Hindi talaga ako natutuwa sa ginagawa niyang ito sa akin. "Huminahon ka kasi muna! Bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong masamang ginawa sa iyo ah? Mag-uusap lang tayo!'' kalmadong bigkas niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa may bi
BIANCA ISSABELLE POV Pagkatapos kong magbihis muling bumalik si Daniel ng kwarto at niyaya niya na akong lumabas. Nagulat pa ako dahil nasa isang hotel lang pala kami. Direcho kami sa parking area at tuluyan nang umalis. Buong byahe, tahimik siya pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang awra. Pinilit ko na lang na libangin ang sarili ko habang nasa biyahe kami. Okay na din ito, at least nag-effort siya na ihatid ako pagkatapos naming mag-usap. Laking pasalamat ko pa rin dahil hindi niya ako ginawan ng masama. "Hinahanap ka ni Lola Antonia. Pwede mo ba siyang dalawin kung sakaling hindi ka abala?" maya-maya ay pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng lungkot ng maisip ko si Lola Antonia. Siya lang ang naging kakampi ko noon at nagawa kong umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. "Kumusta siya?" malungkot kong tanong. Kung alam niya lang, matagal ko nang gustong makita si Lola Antonia. Napamahal na siya sa akin dah
BIANCA ISSABELLE POV ''Tama na sabi eh!" muling sigaw ko kay Arnold ng akmang susugurin niya na naman muli si Daniel. Kitang -kita ko ang galit sa kanyang mukha habang nakakuyom ang kanyang kamao. Hinarap ko naman si Daniel na noon ay dahan-dahan nang tumatayo at seryosong kinakusap. "Umalis ka na! Salamat sa paghatid mo sa akin at sana ito na ang huli nating pag-uusap. Huwag ka na ulit gumawa ng mga bagay na hindi akmang gawain ng isang matinong tao." wika ko sa kanya at mablis siyang tinalikuran. Tinitigan ko muna si Arnold bago naglakad papasok ng gate. Kung ayaw nilang makinig sa akin, bahala na silang magpatayan. Basta ginawa ko na ang lahat para hindi sila magsalpukan. "Bianca...wait!" natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Arnold. Huminto ako sa paghakbang at nilingon siya. Sinundan niya pala ako at nang mapatingin ako sa labas ng gate, napansiin kong nakaalis na ang kotse na minamaneho ni Daniel. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. "KU
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nag
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya!
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa
SCARLETT POV "Yeah, I understand! Hindi pwede dahil wala tayong pagtingin sa isa't isa! Pero pwede naman siguro nating subukan diba? Para sa mga bata!" seryoso niyang bigkas! Wala sa sariling kaagad naman akong napailng! "Subukan? Yes..pwede subukan pero paano kung hindi maging successful? Paano ang mga anak natin? Draku, for me mas mabuti na din siguro ang ganito! Na magkaundo tayo pagdating sa mga bata pero no more romantic moments sa pagitan nating dalawa!" seryoso kong sagot sa kanya! Hindi talaga pwede dahil ayaw kong magdesisyon ng mga bagay na alam kong ako lang din ang magiging talo sa bandang huli! Pagkatapos kong kumain, muli akong inihatid ni Draku sa aking silid! Kapansin-pansin ang kanyang pananahimik pero pilit kong binabaliwala iyun! Naging maayos ang unang gabi ko sa bahay ni Draku! Naging panatag naman ang kalooban ko at himalang nakatulog din naman ako ng mahimbing! Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pintuan ng aking siild at nang sipatin ko ang
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya
SCARLETT POV"ITO ang magiging kwarto ko?" kaagad kong tanong kay Draku! Balik kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin kanina at nagulat na lang ako nang muli niya akong dinala sa kwarto kung saan ako natulog kanina! Kung hindi ako maaaring magkamali, ito din ang silid niya dahil sa loob ng walk in closet habang nag-iikot ako, may napapansin akong mga personal niyang mga gamit!"Ito lang ang pinakamalaki at pinaka-kumportableng kwarto sa bahay na ito! Don't worry, bihira lang naman akong umuuwi dito at kapag nandito naman ako pwede din naman akong magpahinga sa ibang silid kaya wala kang dapat na ikabahala!" nakangiti niyang sagot sa akin! Simula kanina, hindi ko na siya nakikitaan pa ng kagaspangan ng pag-uugali!Palagi na ding mahinahon ang tono ng kanyang pananalita na siyang labis kong ipinagpasalamat!"Pero, pwede naman ako sa ibang kwarto na lang! Bakit dito pa?" nagtataka kong bigkas!"Scarlett, hindi ka pa ba napapagod? I think, kailangan mo na munang magpahinga! Mamaya ng k
SCARLETT POV "ALAM kong sobrang naging unfair ako kay Anyana dahil idinamay ko siya sa galit ko sa Ina niya pero kahit na magsisisi pa ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari! Naiinitinhan ko kung galit man siya sa akin ngayun! Naiintindihan ko kung halos isumpa niya man ako ngayun! Kung umiiyak at nasasaktan man ako ngayun, siguro ito na ang karma ko!" muli kong bigkas! Napatitig ako sa labas ng sasakyan habang nag-uumpisa na naman akong maluha! Siguro, kailangan ko nang masanay! Siguro, kailangan ko nang tangapin sa aking sarili na palagi na akong iiyak! "Now, I understand! Don't worry, kakausapin ko si Anyana regarding this matter! Magiging maayos din ang lahat!" mahina niyang sambit! Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay pero mabilis ko ding hinila iyun! Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko sa kanya pagkatapos kong gawin iyun pero hindi ko na lang binigyang pansin pa! Wala naman kaming relasyon para hawak-hawakan niya ako sa aking kamay at i
SCARLETT POV HANGANG sa makasakay ako sa sasakan ni Draku, walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata! Sobrang nasasaktan talaga ako sa mga nangyari! Hindi ko akalain na kaya pala akong tiisin ni Daddy! Akala ko talaga hindi nila ako pababayaan at maiintindihan nila ako sa lahat ng mga desisyon na nais kong gawin sa buhay ko pero nagkakamali pala ako! Kaya niya pala akong itakwil dahil lang sa ayaw niya sa lalaking nakabuntis sa akin! "Are you okay?" sa patuloy na pagpatak ng luha sa aking mga mata, ang boses ni Draku ang umagaw sa aking attention! Katabi ko siya dito sa loob ng sasakyan at ngaun lang siya ulit nagsalita! "Sa palagay mo, mukha ba akong okay?" seryoso kong tanong pabalik sa kanya! Napansin kong saglit siyang natigilan habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha! "Nakita mo na ngang umiiyak ako, magtatanong ka pa!" naiinis kong muling bigkas kasabay ng pasimple kong pagpunas ng sarili kong luha gamit ang sarili kong kamay! "I know na hindi
SCARLETT POV '"DAD! NO! Huwag niyo po itong gawin sa akin! Please...huwag niyo naman akong pahirapan ngayun! Mahal ko kayo..mahal na mahal ko kayo pero paano ang mga anak ko? Ano ang mangyayari sa kanila kung lumaki silang wala ang ama nila sa tabi nila!" umiiyak kong bigkas! Nakikiusap ang mga matang tumitig ako kay Mommy dahil alam kong walang ibang makakatulong sa akin ngayun kundi siya lang! "Daniel! Ano ba? Hindi mo man lang ba kayang isaalang-alang ang galit mo? Buntis si Scarlett at sa kalagayan niya ngayun, bawal sa kanya ang sobrang ma-stress!' seryosong muling bigkas ni Mommy! Kaya lang, wala yatang balak na makinig si Daddy dahil muli nitong itinoon ang attention sa akin. "I am waiting Scarlett! Sino ang pipiliin mo...kami na mga magulang mo or ang lalaking iyan?" seryosong tanong niya! "Mr. Buenaventura! Please...not now! Masyadong masakit para kay Scarlett ang ginagawa niyong ito at posible---" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Draku nang malakas na tumawa si D