BIANCA ISSABELLE VELASQUEZ POV Sa paglabas ko ng banyo pinilit kong maglakad ng tuwid. Nanginginig kasi ang tuhod ko habang naglalakad. Hindi ko akalain na muling magkrus ang landas naming dalawa. Bigla din nawala ang pagka-tipsy ko dahil sa kumprontasyon naming dalawa ni Daniel. Pitong taon na ang lumipas pero bakit feeling ko parang kahapon lang nangyari ang lahat? Masakit pa rin! Hindi pa rin ako nakaka-moved on! Akala ko talaga ayos na ako eh..pero bakit ganito? Bakit apektado pa rin ako sa presensya niya? Dahil ba siya ang kauna-unahang lalaki na minahal ko? Dahil ba minsan na akong nagpakatanga sa kanya noon? Dahil ba alam ko sa sarili ko na siya ang ama ng mga anak ko? Pero hindi eh...dapat kamuhian ko siya! Hindi ako dapat makaramdam sa kanya ng kahit ano mang bagay dahil siya ang dahilan kung bakit muntik na akong namatay noon. Siya din ang dahilan kung bakit namatay ang isa sa mga triplets kong anak. Kung hindi sana ako nabundol noon, hindi sana nagkaroon ng kumpleka
BIANCA ISSABELLE POV Hindi pa kami divorced? Hindi niya pa naifile sa korte ang papel na pinirmahan ko noon? Bakit? Siguro inisip niya talaga na patay na ako. Na hindi na kailangan dahil biyudo na siya at pwede na siyang magpakasal kay Jeneva. Hindi ako dapat mag-isip ng kahit na ano pa man dahil iyun ang masakit na katotohanan. Simula noong nagsama kami noon, wala siyang ibang bukambibig kundi ang hiwalayan ako at noong piniramahan ko na ang papel na iyun sasabihin niya sa akin ngayun na hindi niya pa naifile? Sino ang pinagluluko niya? Akala niya siguro kaya niya pang bilugin ang ulo ko sa mga kasinungalingan na nagawa niya sa akin! "Huwag mo nga akong hawakan! Akin na ang mga damit ko dahil aalis na ako!" galit kong bigkas sa kanya. Hindi talaga ako natutuwa sa ginagawa niyang ito sa akin. "Huminahon ka kasi muna! Bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong masamang ginawa sa iyo ah? Mag-uusap lang tayo!'' kalmadong bigkas niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa may bi
BIANCA ISSABELLE POV Pagkatapos kong magbihis muling bumalik si Daniel ng kwarto at niyaya niya na akong lumabas. Nagulat pa ako dahil nasa isang hotel lang pala kami. Direcho kami sa parking area at tuluyan nang umalis. Buong byahe, tahimik siya pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang awra. Pinilit ko na lang na libangin ang sarili ko habang nasa biyahe kami. Okay na din ito, at least nag-effort siya na ihatid ako pagkatapos naming mag-usap. Laking pasalamat ko pa rin dahil hindi niya ako ginawan ng masama. "Hinahanap ka ni Lola Antonia. Pwede mo ba siyang dalawin kung sakaling hindi ka abala?" maya-maya ay pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng lungkot ng maisip ko si Lola Antonia. Siya lang ang naging kakampi ko noon at nagawa kong umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. "Kumusta siya?" malungkot kong tanong. Kung alam niya lang, matagal ko nang gustong makita si Lola Antonia. Napamahal na siya sa akin dah
BIANCA ISSABELLE POV ''Tama na sabi eh!" muling sigaw ko kay Arnold ng akmang susugurin niya na naman muli si Daniel. Kitang -kita ko ang galit sa kanyang mukha habang nakakuyom ang kanyang kamao. Hinarap ko naman si Daniel na noon ay dahan-dahan nang tumatayo at seryosong kinakusap. "Umalis ka na! Salamat sa paghatid mo sa akin at sana ito na ang huli nating pag-uusap. Huwag ka na ulit gumawa ng mga bagay na hindi akmang gawain ng isang matinong tao." wika ko sa kanya at mablis siyang tinalikuran. Tinitigan ko muna si Arnold bago naglakad papasok ng gate. Kung ayaw nilang makinig sa akin, bahala na silang magpatayan. Basta ginawa ko na ang lahat para hindi sila magsalpukan. "Bianca...wait!" natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Arnold. Huminto ako sa paghakbang at nilingon siya. Sinundan niya pala ako at nang mapatingin ako sa labas ng gate, napansiin kong nakaalis na ang kotse na minamaneho ni Daniel. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. "KU
ARNOLD POV Wala sa sariling nasundan ko na lang ng tingin si Bianca habang naglalakad na siya papasok ng kanilang bahay. Alam kong kahit na katiting wala pa rin siyang nararamdaman na kahit ano pa man sa akin. Kay hirap niya talagang paibigin. Sa loob ng pitong taon na paghihintay para makamit ang matamis niyang 'oo' hinding-hindi ako mapapagod. Wala akong ibang babaeng gustong makasama habang buhay kundi siya lang. Ngayung alam kong lumalapit na naman sa kanya ang half brother kong si Daniel kailangan kong higpitan ang pagbabantay ko sa kanya. Ayaw kong magkabalikan pa sila. Ayaw kong mapunta sa wala ang pitong taon kong paghihintay para mapasa-akin siya Sinusumpa ko. Walang ibang magmamay-ari kay Bianca kundi ako lang. Kung kinakailangan na turuan ko ang puso niya na mahalin ako, gagawin ko. Hindi ko na hahayaan pa na muli siyang mahulog kay Daniel. Kung kinakailangan na habang buhay kaming hindi magkakabati ng half brother kong iyun, maluwag kong tatangapin kung ang kapalit
ARNOLD POV "Teka lang! Ano ang ginagawa mo? No! Hindi pwede! Mali ito!" bigkas ni Amber pagkatapos kong pakawalan ang labi niya. Mukhang nahimasmasan na siya at wala na sa kanya ang tama ng alak kaya ayaw niya na. Gayunpaman, hindi pumapayag ang sistema ko. Hindi ko na kaya pang magpigil. Gusto ko na siyang maangkin ulit! Katulad kagabi! "Too late honeybunch! Ngayun pa ba tayo titigil gayung nagawa mo nang ipagkaloob sa akin ang sarili mo kagabi ng pauli-ulit?" nakangisi kong sagot sa kanya habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kanyang mga mata. Saglit siyang natigilan at kaagad na nag-iwas ng tingin sa akin. Napansin ko na guilt na kaagad na gumuhit sa kanyang mukha. "Kahit na! Lasing ako kagabi. Hindi ko alam ang ginagawa ko!" bigkas niya at buong lakas akong itinulak. Nakawala siya sa pagkakadagan ko at mabilis na bumangon ng kama. Napansin ko pang hirap siyang bumangon. Siguro dahil masakit ang buo niyang katawan. Alam kong masyado kong nabugbog ang pagkababae niya
ARNOLD POV Habang nakatitig ako sa umiiyak na si Amber lalo ko namang na-realized kung gaano ako kagago! Bakit ko nga ba siya pinatulan kagabi? Siya itong lasing at ako iyung nasa matinong pag-iisip kaya dapat ako ang umiwas. Fuck! Napaka-gago ko! Ni hindi ko man lang naisip kung ano ang posibleng consequences sa ginawa ko! "Sorry! Hindi ko sinasadya!'' bigkas ko. Hind siya umimik bagkos naglakad siya patungo sa kanyang bag at dinampot iyun! Akmang maglalakad na sana siya patungo sa pintuan nang mabilis akong tumayo at nilapitan siya. Hinawakan ko siya sa braso at matiim na tinitigan sa mga mata. "Alam kong mali pero naumpisahan na natin eh. Amber...sobrang laki ng epekto sa pagkatao ko ang kung ano man ang nangyari sa atin kagabi." bigkas ko at sa isang iglap lang, mabilis ko siyang kinabig payakap! "Arnold! ano ba! Mali ito! Maling-mali!" bigkas niya pero hindi ko siya sinagot. Buong pananabik kong inangkin ang labi niya na naging dahilan para lalo akong kinain ng matind
BIANCA POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Tuluyan nang ipinaubaya ni Kuya Cyrus sa akin ang pamamalakad sa kumpanya. Nag-umpisa na siyang gawin kung ano ang mga gusto niyang gawin sa buhay niya na labis ko din namang sinuportahan dahil ito na din ang pagkakataon niya para makapg-relax. Thirty five years old na si Kuya at kailangan niya na ding i-enjoy ang buhay binata niya na never niyang naranasan noon. Bahay at trabaho lang kasi talaga ang naging lifestyle niya nitong mga nakaraang taon. Sinigurado niya naman sa akin na ko-contact siya sa akin from time to time at kapag may problema babalik din naman kaagad siya ng Manila para tulungan ako. Naging abala ako sa opisina pati na din sa pag-aasikaso sa mga anak ko. Start na kasi ng pasukan sa School kaya kahit gaano ako kaabala, sinisigurado ko na nagagamapanan ko pa rin ang pagiging ina ko sa kanila. Kapag hindi ganoon kaabala ako ang personal na naghahatid at sundo sa kanila sa iskwelahan. Patuloy pa rin sa panunuyo sa
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal