BIANCA ISSABELLE POV Pagkatapos kong magbihis muling bumalik si Daniel ng kwarto at niyaya niya na akong lumabas. Nagulat pa ako dahil nasa isang hotel lang pala kami. Direcho kami sa parking area at tuluyan nang umalis. Buong byahe, tahimik siya pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang awra. Pinilit ko na lang na libangin ang sarili ko habang nasa biyahe kami. Okay na din ito, at least nag-effort siya na ihatid ako pagkatapos naming mag-usap. Laking pasalamat ko pa rin dahil hindi niya ako ginawan ng masama. "Hinahanap ka ni Lola Antonia. Pwede mo ba siyang dalawin kung sakaling hindi ka abala?" maya-maya ay pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng lungkot ng maisip ko si Lola Antonia. Siya lang ang naging kakampi ko noon at nagawa kong umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. "Kumusta siya?" malungkot kong tanong. Kung alam niya lang, matagal ko nang gustong makita si Lola Antonia. Napamahal na siya sa akin dah
BIANCA ISSABELLE POV ''Tama na sabi eh!" muling sigaw ko kay Arnold ng akmang susugurin niya na naman muli si Daniel. Kitang -kita ko ang galit sa kanyang mukha habang nakakuyom ang kanyang kamao. Hinarap ko naman si Daniel na noon ay dahan-dahan nang tumatayo at seryosong kinakusap. "Umalis ka na! Salamat sa paghatid mo sa akin at sana ito na ang huli nating pag-uusap. Huwag ka na ulit gumawa ng mga bagay na hindi akmang gawain ng isang matinong tao." wika ko sa kanya at mablis siyang tinalikuran. Tinitigan ko muna si Arnold bago naglakad papasok ng gate. Kung ayaw nilang makinig sa akin, bahala na silang magpatayan. Basta ginawa ko na ang lahat para hindi sila magsalpukan. "Bianca...wait!" natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Arnold. Huminto ako sa paghakbang at nilingon siya. Sinundan niya pala ako at nang mapatingin ako sa labas ng gate, napansiin kong nakaalis na ang kotse na minamaneho ni Daniel. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. "KU
ARNOLD POV Wala sa sariling nasundan ko na lang ng tingin si Bianca habang naglalakad na siya papasok ng kanilang bahay. Alam kong kahit na katiting wala pa rin siyang nararamdaman na kahit ano pa man sa akin. Kay hirap niya talagang paibigin. Sa loob ng pitong taon na paghihintay para makamit ang matamis niyang 'oo' hinding-hindi ako mapapagod. Wala akong ibang babaeng gustong makasama habang buhay kundi siya lang. Ngayung alam kong lumalapit na naman sa kanya ang half brother kong si Daniel kailangan kong higpitan ang pagbabantay ko sa kanya. Ayaw kong magkabalikan pa sila. Ayaw kong mapunta sa wala ang pitong taon kong paghihintay para mapasa-akin siya Sinusumpa ko. Walang ibang magmamay-ari kay Bianca kundi ako lang. Kung kinakailangan na turuan ko ang puso niya na mahalin ako, gagawin ko. Hindi ko na hahayaan pa na muli siyang mahulog kay Daniel. Kung kinakailangan na habang buhay kaming hindi magkakabati ng half brother kong iyun, maluwag kong tatangapin kung ang kapalit
ARNOLD POV "Teka lang! Ano ang ginagawa mo? No! Hindi pwede! Mali ito!" bigkas ni Amber pagkatapos kong pakawalan ang labi niya. Mukhang nahimasmasan na siya at wala na sa kanya ang tama ng alak kaya ayaw niya na. Gayunpaman, hindi pumapayag ang sistema ko. Hindi ko na kaya pang magpigil. Gusto ko na siyang maangkin ulit! Katulad kagabi! "Too late honeybunch! Ngayun pa ba tayo titigil gayung nagawa mo nang ipagkaloob sa akin ang sarili mo kagabi ng pauli-ulit?" nakangisi kong sagot sa kanya habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kanyang mga mata. Saglit siyang natigilan at kaagad na nag-iwas ng tingin sa akin. Napansin ko na guilt na kaagad na gumuhit sa kanyang mukha. "Kahit na! Lasing ako kagabi. Hindi ko alam ang ginagawa ko!" bigkas niya at buong lakas akong itinulak. Nakawala siya sa pagkakadagan ko at mabilis na bumangon ng kama. Napansin ko pang hirap siyang bumangon. Siguro dahil masakit ang buo niyang katawan. Alam kong masyado kong nabugbog ang pagkababae niya
ARNOLD POV Habang nakatitig ako sa umiiyak na si Amber lalo ko namang na-realized kung gaano ako kagago! Bakit ko nga ba siya pinatulan kagabi? Siya itong lasing at ako iyung nasa matinong pag-iisip kaya dapat ako ang umiwas. Fuck! Napaka-gago ko! Ni hindi ko man lang naisip kung ano ang posibleng consequences sa ginawa ko! "Sorry! Hindi ko sinasadya!'' bigkas ko. Hind siya umimik bagkos naglakad siya patungo sa kanyang bag at dinampot iyun! Akmang maglalakad na sana siya patungo sa pintuan nang mabilis akong tumayo at nilapitan siya. Hinawakan ko siya sa braso at matiim na tinitigan sa mga mata. "Alam kong mali pero naumpisahan na natin eh. Amber...sobrang laki ng epekto sa pagkatao ko ang kung ano man ang nangyari sa atin kagabi." bigkas ko at sa isang iglap lang, mabilis ko siyang kinabig payakap! "Arnold! ano ba! Mali ito! Maling-mali!" bigkas niya pero hindi ko siya sinagot. Buong pananabik kong inangkin ang labi niya na naging dahilan para lalo akong kinain ng matind
BIANCA POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Tuluyan nang ipinaubaya ni Kuya Cyrus sa akin ang pamamalakad sa kumpanya. Nag-umpisa na siyang gawin kung ano ang mga gusto niyang gawin sa buhay niya na labis ko din namang sinuportahan dahil ito na din ang pagkakataon niya para makapg-relax. Thirty five years old na si Kuya at kailangan niya na ding i-enjoy ang buhay binata niya na never niyang naranasan noon. Bahay at trabaho lang kasi talaga ang naging lifestyle niya nitong mga nakaraang taon. Sinigurado niya naman sa akin na ko-contact siya sa akin from time to time at kapag may problema babalik din naman kaagad siya ng Manila para tulungan ako. Naging abala ako sa opisina pati na din sa pag-aasikaso sa mga anak ko. Start na kasi ng pasukan sa School kaya kahit gaano ako kaabala, sinisigurado ko na nagagamapanan ko pa rin ang pagiging ina ko sa kanila. Kapag hindi ganoon kaabala ako ang personal na naghahatid at sundo sa kanila sa iskwelahan. Patuloy pa rin sa panunuyo sa
BIANCA POV Feeling ko talaga may problema ang babaeng ito eh! Kilala ko ang ugali nitong si Amber! Alam na alam ko kung may bumabagabag sa isipan niya unang tingin ko pa lang kaya alam kong may hindi talaga tama sa kanya. "Amber..magtapat ka nga sa akin. May problema ka ba?" hindi ko na napigilan pang tanong sa kanya. Napansin kong saglit siyang natigilan sabay iwas ng tingin sa akin. Hindi ko na tuloy napigilan pa ang sarili ko. Kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa ipinapakita niyang reaction ngayun. "Problema? Anong problema? Wala....walang problema!" kaagad na pagkakaila niya. Pero kita ko naman sa mga mata niya na hindi siya nagsasabi ng totoo. Hindi kasi siya makatingin ng direcho sa akin eh. Hindi ko tuloy napigilan ang mapabutong hininga. "So, nagagawa mo nang maglihim sa akin ngayun? Akala ko ba bawal ang maglihim sa isat-isa? Bakit feeling ko nagawa mo yata ngayun sa akin iyan?" kunwari nagtatampo kong bigkas. Kaagad naman siyang natawa. Iyung tawa na hindi ma
BIANCA POV Birthday party ni Lola Agatha at eksakto alas siyete ng gabi ako sinundo ni Arnold sa bahay. Mabuti na lang at ready na ako kaya naman pagkadating niya umalis na din kaagad kami. Binilinan ko ang dalawang Yaya's ng mga anak ko na kailangang matulog ng maaga ang mga bata dahil maaga din ang pasok nila sa School kinabukasan. Kung hindi lang ako naka- 'oo' na kay Arnold na aattend ako sa party na ito parang ayaw ko na din sanang tumuloy pang dumalo. HIndi pa talaga ako ready na muling makaharap ang mga taong naging dahilan kaya hangang ngayun nasasaktan pa rin ako. "Ayos ka lang ba? Bakit napakatahimik mo yata?" nakangiting tanong sa akin ni Arnold pagkababa namin ng kotse. Sa mansion ni Lola Antonia gaganapin ang party at katulad noong mga unang pagpunta ko sa lugar na ito halos wala man lang ipinagbago. Pagpasok pa lang sa loob ng bakuran, kita na ang karangyaan sa buong paligid. Halatang maraming bisitang dumalo base na din sa nakikita ko. "Kukumustahin ko lang si
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabut
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nan
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nag
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya!
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa
SCARLETT POV "Yeah, I understand! Hindi pwede dahil wala tayong pagtingin sa isa't isa! Pero pwede naman siguro nating subukan diba? Para sa mga bata!" seryoso niyang bigkas! Wala sa sariling kaagad naman akong napailng! "Subukan? Yes..pwede subukan pero paano kung hindi maging successful? Paano ang mga anak natin? Draku, for me mas mabuti na din siguro ang ganito! Na magkaundo tayo pagdating sa mga bata pero no more romantic moments sa pagitan nating dalawa!" seryoso kong sagot sa kanya! Hindi talaga pwede dahil ayaw kong magdesisyon ng mga bagay na alam kong ako lang din ang magiging talo sa bandang huli! Pagkatapos kong kumain, muli akong inihatid ni Draku sa aking silid! Kapansin-pansin ang kanyang pananahimik pero pilit kong binabaliwala iyun! Naging maayos ang unang gabi ko sa bahay ni Draku! Naging panatag naman ang kalooban ko at himalang nakatulog din naman ako ng mahimbing! Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pintuan ng aking siild at nang sipatin ko ang
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya
SCARLETT POV"ITO ang magiging kwarto ko?" kaagad kong tanong kay Draku! Balik kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin kanina at nagulat na lang ako nang muli niya akong dinala sa kwarto kung saan ako natulog kanina! Kung hindi ako maaaring magkamali, ito din ang silid niya dahil sa loob ng walk in closet habang nag-iikot ako, may napapansin akong mga personal niyang mga gamit!"Ito lang ang pinakamalaki at pinaka-kumportableng kwarto sa bahay na ito! Don't worry, bihira lang naman akong umuuwi dito at kapag nandito naman ako pwede din naman akong magpahinga sa ibang silid kaya wala kang dapat na ikabahala!" nakangiti niyang sagot sa akin! Simula kanina, hindi ko na siya nakikitaan pa ng kagaspangan ng pag-uugali!Palagi na ding mahinahon ang tono ng kanyang pananalita na siyang labis kong ipinagpasalamat!"Pero, pwede naman ako sa ibang kwarto na lang! Bakit dito pa?" nagtataka kong bigkas!"Scarlett, hindi ka pa ba napapagod? I think, kailangan mo na munang magpahinga! Mamaya ng k
SCARLETT POV "ALAM kong sobrang naging unfair ako kay Anyana dahil idinamay ko siya sa galit ko sa Ina niya pero kahit na magsisisi pa ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari! Naiinitinhan ko kung galit man siya sa akin ngayun! Naiintindihan ko kung halos isumpa niya man ako ngayun! Kung umiiyak at nasasaktan man ako ngayun, siguro ito na ang karma ko!" muli kong bigkas! Napatitig ako sa labas ng sasakyan habang nag-uumpisa na naman akong maluha! Siguro, kailangan ko nang masanay! Siguro, kailangan ko nang tangapin sa aking sarili na palagi na akong iiyak! "Now, I understand! Don't worry, kakausapin ko si Anyana regarding this matter! Magiging maayos din ang lahat!" mahina niyang sambit! Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay pero mabilis ko ding hinila iyun! Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko sa kanya pagkatapos kong gawin iyun pero hindi ko na lang binigyang pansin pa! Wala naman kaming relasyon para hawak-hawakan niya ako sa aking kamay at i