BIANCA ISSABELLE POV "Excuse us! Hindi kayo ang dahilan kaya kami nandito. Kaunting respito naman sa kasama ko Tita Sylvia!" narinig kong bigkas ni Arnold at iginiya na ako palayo kay Mrs. Sylvia Buenaventura. Kaagad naman akong nagpatianod. Ayaw kong ubusin ang energy ko para patulan ang isang taong kagaya ni Mrs. Buenaventura. Mabuti na lang at hindi na ito nagreact. Pero sa gilid ng mga mata ko napansin ko ang pagdating ni Daniel kasama si Jeneva. Hindi ko tuloy mapiglan ang makaramdam ng lungkot kaya lalo kong binilisan ang paghakbang ko. Hangang ngayun pa rin kasi aminado ako na nakakaramdam pa rin ako ng kirot ng kalooban tuwing nakikita kong magkasama silang dalawa. Tatlong taon kaming nagsama ni Daniel at never niya akong isinama sa kung ano mang party. Never ko din naramdaman na naipagmalaki niya ako sa kanyang mga kakilala. Hindi katulad sa mga ginagawa niya kay Jeneva ngayun. Pinilit kong baliwalain ang sakit ng kalooban nang tumapat kami sa isang kwarto. Alam kong
BIANCA POV Ito ang pinaka-iiwasan ko ang lahat! Iyung magharap kaming lahat at magbitaw ng mga hindi magagandang salita. Kaya lang kasama na siguro talaga sa buhay ko. Kailangan kong harapin ang mga taong nagkasala sa akin at ito na din siguro ang tamang pagkakataon para unti-unting maningil. "La...relax lang po kayo! Naiinitindihan ko naman si Mrs. Buenaventura! Para po kasi sa kanya wala akong puwang sa pamilyang ito kaya nasasabi niya ang katagang iyun!" kunwari malungkot kong bigkas. Napansin kong muling napatitig si Daniel sa akin pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun! Kita ko sa mga mata niya ang hindi maisatinig na damdamin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Mrs. Buenaventura? Kinalimutan mo na nga talaga na minsan tayong naging mag-asawa at supposed to be, Mommy ang itawag mo sa sarili kong Ina!" bigkas niya. Peke naman akong natawa. "Daniel naman! Alam natin pareho na noon pa man, ayaw na sa akin ng Mommy mo! Ngayung divorced na tayo, wala na sigur
BIANCA POV "Tama na! Magtatalo -talo na lang ba kayo diyan? Nakalimutan niyo yata na birthday ko ngayun at maraming bisita na naghihintay sa atin sa labas! Sylvia, Daniel, Jeneva pwede bang lumabas muna kayo? Asikasuhin niyo ang mga bisita sa labas para naman magkaroon ng saysay ang party na ito dahil presensya pa lang ni Bianca sapat na sa akin!" galit na wika ni Lola Antonia sa kanila. Pigil ko naman ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Mukhang sa pagkakataon na ito ako pa rin ang nagwagi sa puso ni Lola Antonia. Pinapakita niya lang sa lahat na ako pa rin ang papanigan niya sa lahat ng oras. "Pero La...gusto ko pang makausap si Bianca! Mag-asawa pa rin kami at may lilinawin lang po ako sa kanya!" giit naman ni Daniel. Mukhang hindi pa rin siya titigil sa kakulitan niya. Mukhang hindi pa rin siya tapos sa issue ng hiwalayan namin. "Daniel naman! Bakit ba ang kulit mo? Hindi ba't iyun naman ang gusto mong mangyari? Noon pa man gusto mo na akong hiwalayan. Ayan na...hiwal
BIANCA POV Sa may gilid ng pool kami nakarating ni Jeneva. May mangilan-ilan akong napapansin na mga bisita na nakatambay din sa bahaging ito kaya naman kahit papaano nagkaroon ako ng kumpyansa sa sarili ko na wala naman sigurong gagawing masama sa akin si Jeneva ngayung gabi. "Ano ang gusto mong sabihin? Sabihin mo na dahil nagmamadali ako!'" kaagad kong tanong sa kanya. Seryoso niya akong tinitgan bago nagpakawala ng isang nakakainsultong pagngisi. "Hindi ko talaga akalain na may sa pusa ka pala! Akala ko talaga napuruhan ka at namatay ka na eh....pero mukhang nagkamali ako!" bigkas niya habang matalim na nakatitig sa akin. Mapakla naman akong natawa at naglakad palapit sa kanya. "Bilib din naman ako tapang mo noh! Sa sinasabi mo ngayun, parang inamin mo na din na sinadya mo akong pasagasaan seven years ago!" nakangiti kong bigkas sa kanya. Ngiti na hindi umabot sa mga mata ko. Ngiti ng pagkasuklam lalo na nang manumbalik sa isip ko ang impyerno na pinagdaanan ko pagkatapos
BIANCA POV Pagkatapos maiahon ni Daniel mula sa pool si Jeneva kaagad niya din itong binalabalan ng suot niyang coat. Matalim akong tinitigan bago inakay ang kerida niya papuntang mansion. Naiwan naman akong pigil ang sarili kong maluha. Ganiyan na talaga siya noon pa man! Kakasabi niya lang kanina na ayaw niyang makipag-divorce sa akin pero iba naman ang ipinapakita niya sa akin ngayun. Mula noon hangang ngayun walang ipinagbago. Si Jeneva pa rin ang kinampihan niya. Ni hindi man lang siya nagtanong kung sino ang may kasalanan bago siya nagdesisyon kung sino ang kakampihan niya. "Basa ka na! Kailangan mong magpalit ng damit!" muling naagaw ni Arnold ang attention ko nang muli itong nagsalita. Blanko ang expression ng mukha na tinitigan ko siya at pilit na nagpakawala ng ngiti sa labi. "Ayos lang ako! Matitiis ko pa naman ang lamig. Sa bahay na ako magpapalit ng damit." bigkas ko at nagpatiuna nang naglakad paalis. Napansin ko pa ang makahulugang pagtitig sa akin ng ilan sa mg
BIANCA POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Kakalabas ko lang ng conference room nang kaagad akong salubungin ng secretary kong si Yvette. Ibinalita niya sa akin na nasa baba daw si Daniel Buenaventura at kanina pa nangungulit sa mga staff at gwardiya para makausap daw ako. Hindi ako tumatangap ng bisita nang wala sa appointment list ko. Pero nabangit sa akin ni Attorney na nag-resfused daw si Daniel na pirmahan ang inihain kong divorce kaya pwede ko naman siyang maisingit sa schedule ko ngayung araw. Hangat maaari gusto ko na din talagang matapos ang problema sa kasal naming dalawa. "Paakyatin mo siya Yvette! NO problem, may isang oras pa naman bago ang kasunod kong meeting diba?" nakangiti kong sagot kay Yvette. Tumango naman ito at mabilis na din siyang bumalik sa kanyang pwesto samantalang bumalik na din ako sa aking opisina. Pagkapasok ko sa loob ng opisina kaagad na naagaw ang attention ko sa isang bugkos ng bulaklak na nakapatong sa mesa. Kahit na hindi ko titingnan iy
BIANCA POV "Hindi tayo para sa isat-isa dahil simula pa lang, isang malaking pagkakamali na ang kasal nating dalawa!" muling bigkas ko at muling napaupo sa swivel chair ko. Habang sinasabi ko kasi ang katagang iyun hindi ko mapigilan ang makaramdam ng panginginig ng tuhod. Noon pa man siya na ang pangarap kong lalaki na makasama habang buhay pero ang hirap niyang ipaglaban. Tama na ang minsang nagpaka-martir ako sa kanya. Tama na ang minsang pag-iyak ko. Para sa mga anak ko pipilitin kong maging matatag! Tuluyan ko na siyang buburahin sa buhay ko para maka-moved- on na ako. Ayaw kong mabuhay sa kahapon dahil pagod na ako! " I understand! Kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo ang kalayaan na nais mo. Bahala na ang abogado ko ang makikipag-usap sa abogado mo. Sana maging masaya ka sa naging desisyong mong ito Bianca!" bigkas niya at laglag ang balikat na tuluyang lumabas ng opisina. Ilang saglit din akong natulala habang hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa akin
DANIEL POV "Hindi pwede! Uuwi tayo ng bahay dahil hindi ka pwedeng mapagod!" pangalawang araw ni Anyana dito sa hospital at kakarating ko lang para sunduin sila pauwi ng bahay nang ito kaagad ang narinig ko pagbungad pa lang sa pintuan ng kwarto. Si Anyana, nakaupo sa kama habang nakayuko samantalang si Jeneva naman ay nakapamaywang sa harap niya at nakaduro sa anak ko. Kaagad namang napakunot ang noo ko dahil sa nasaksihan. "Gusto ko lang naman po makapunta sa amusement park! Hindi naman po ako magra-ride Mommy!" narinig kong bigkas ni Anyana. Halata sa boses nito ang takot habang sinasabi ang katagang iyun kay Jeneva. "Hindi nga pwede! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gusto mo na bang mamatay? Alam mo naman siguro kung ano ang kondisyon mo diba? Anyana, pagod na ako sa kakabantay sa iyo dito sa hospital kaya utang na loob! Huwag matigas ang ulo mo kung ayaw mong makatikim sa akin!" galit na bulyaw ni Jeneva na labis kong ikinagulat. Wala akong kamalay-malay na ganito pala an