BIANCA POV Pagkatapos maiahon ni Daniel mula sa pool si Jeneva kaagad niya din itong binalabalan ng suot niyang coat. Matalim akong tinitigan bago inakay ang kerida niya papuntang mansion. Naiwan naman akong pigil ang sarili kong maluha. Ganiyan na talaga siya noon pa man! Kakasabi niya lang kanina na ayaw niyang makipag-divorce sa akin pero iba naman ang ipinapakita niya sa akin ngayun. Mula noon hangang ngayun walang ipinagbago. Si Jeneva pa rin ang kinampihan niya. Ni hindi man lang siya nagtanong kung sino ang may kasalanan bago siya nagdesisyon kung sino ang kakampihan niya. "Basa ka na! Kailangan mong magpalit ng damit!" muling naagaw ni Arnold ang attention ko nang muli itong nagsalita. Blanko ang expression ng mukha na tinitigan ko siya at pilit na nagpakawala ng ngiti sa labi. "Ayos lang ako! Matitiis ko pa naman ang lamig. Sa bahay na ako magpapalit ng damit." bigkas ko at nagpatiuna nang naglakad paalis. Napansin ko pa ang makahulugang pagtitig sa akin ng ilan sa mg
BIANCA POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Kakalabas ko lang ng conference room nang kaagad akong salubungin ng secretary kong si Yvette. Ibinalita niya sa akin na nasa baba daw si Daniel Buenaventura at kanina pa nangungulit sa mga staff at gwardiya para makausap daw ako. Hindi ako tumatangap ng bisita nang wala sa appointment list ko. Pero nabangit sa akin ni Attorney na nag-resfused daw si Daniel na pirmahan ang inihain kong divorce kaya pwede ko naman siyang maisingit sa schedule ko ngayung araw. Hangat maaari gusto ko na din talagang matapos ang problema sa kasal naming dalawa. "Paakyatin mo siya Yvette! NO problem, may isang oras pa naman bago ang kasunod kong meeting diba?" nakangiti kong sagot kay Yvette. Tumango naman ito at mabilis na din siyang bumalik sa kanyang pwesto samantalang bumalik na din ako sa aking opisina. Pagkapasok ko sa loob ng opisina kaagad na naagaw ang attention ko sa isang bugkos ng bulaklak na nakapatong sa mesa. Kahit na hindi ko titingnan iy
BIANCA POV "Hindi tayo para sa isat-isa dahil simula pa lang, isang malaking pagkakamali na ang kasal nating dalawa!" muling bigkas ko at muling napaupo sa swivel chair ko. Habang sinasabi ko kasi ang katagang iyun hindi ko mapigilan ang makaramdam ng panginginig ng tuhod. Noon pa man siya na ang pangarap kong lalaki na makasama habang buhay pero ang hirap niyang ipaglaban. Tama na ang minsang nagpaka-martir ako sa kanya. Tama na ang minsang pag-iyak ko. Para sa mga anak ko pipilitin kong maging matatag! Tuluyan ko na siyang buburahin sa buhay ko para maka-moved- on na ako. Ayaw kong mabuhay sa kahapon dahil pagod na ako! " I understand! Kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo ang kalayaan na nais mo. Bahala na ang abogado ko ang makikipag-usap sa abogado mo. Sana maging masaya ka sa naging desisyong mong ito Bianca!" bigkas niya at laglag ang balikat na tuluyang lumabas ng opisina. Ilang saglit din akong natulala habang hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa akin
DANIEL POV "Hindi pwede! Uuwi tayo ng bahay dahil hindi ka pwedeng mapagod!" pangalawang araw ni Anyana dito sa hospital at kakarating ko lang para sunduin sila pauwi ng bahay nang ito kaagad ang narinig ko pagbungad pa lang sa pintuan ng kwarto. Si Anyana, nakaupo sa kama habang nakayuko samantalang si Jeneva naman ay nakapamaywang sa harap niya at nakaduro sa anak ko. Kaagad namang napakunot ang noo ko dahil sa nasaksihan. "Gusto ko lang naman po makapunta sa amusement park! Hindi naman po ako magra-ride Mommy!" narinig kong bigkas ni Anyana. Halata sa boses nito ang takot habang sinasabi ang katagang iyun kay Jeneva. "Hindi nga pwede! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gusto mo na bang mamatay? Alam mo naman siguro kung ano ang kondisyon mo diba? Anyana, pagod na ako sa kakabantay sa iyo dito sa hospital kaya utang na loob! Huwag matigas ang ulo mo kung ayaw mong makatikim sa akin!" galit na bulyaw ni Jeneva na labis kong ikinagulat. Wala akong kamalay-malay na ganito pala an
DANIEL BUENAVENTURA POV "Go home! Ako na ang bahala kay Anyana!" pautos kong bigkas kay Jeneva pagkalabas namin ng hospital. Ready na kaming umalis at nasa loob na ng kotse si Anyana nang kausapin ko si Jeneva. Iniiwasan ko na marinig ng bata kung ano man ang sasabihin ko sa ina niya. "Daniel....hangang ngayun pa ba naman galit ka pa rin sa akin? Sorry, pagod lang talaga ako kaya nagawa kong magsalita ng hindi maayos kay Anyana kanina! Pangako, magbabago na ako!" nakikiusap niyang sagot sa akin. Matalim ko naman siyang tinitigan. "Jeneva, not now! Mag-usap tayo mamaya sa bahay. Dadalhin ko sa amusement park si Anyana at sinabi mong pagod ka kaya walang dahilan na sumama ka sa amin. Go home.." pagalit kong bigkas at kaagad siyang tinalikuran. Akmang susundan pa sana niya ako pero matalim ko siyang tinitigan. Kita ko naman ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata kaya naman kaagad na akong sumakay ng kotse. Walang lugar ang babaeng iyun sa buhay ni Anyana. Dinig na dinig ko kung
DANIEL POV Pagkadating namin ng amusement park kita ko kung gaano kasaya si Anyana. Para siyang isang ibon na nakawala sa hawla. Amazed na amazed siya sa kanyang mga nakita at halatang hindi siya sanay na makihalubilo sa ibang tao. '"Dad, ang ganda dito! Gusto kong pumunta dito palagi Daddy!" nakangiting bigkas niya sa akin. Hindi ko na nabilang pa kung ilang beses niya nang nasambit ang katagang iyun pero hindi ko na pinansin pa. Alam kong masaya siya sa bagong environment na nasilayan ng kanyang mga mata. "Gusto mo bang mag ride diyan baby?" tanong ko sa kanya sabay turo sa isang rides pambata. Alam kong kaya ni Anyana sumakay doon dahil mahina lang naman ang ikot ng conveyor. Isa itong merry go round rides ay pinapayagan pati ang mga parents na asistihan ang mga batang ayaw humiwalay sa mga magulang. "Pwede po ba Dad? Ang ganda! Gusto ko ang color white na kabayong iyan DAddy!" excited na bigkas ni Anyana at itinuro niya pa ang isang partikular na bagay na gusto niyang saky
DANIEL POV Ah yes...naalala ko na! Sila ang mga batang kasama ni Arnold na nakita ko noon sa parking area! Mga batang akala ko anak ni Arnold! Kay liit talaga ng mundo. Imagine, ganito pala ka-cute ang mga batang ito sa malapitan? Pero sino sila? Bakit kasama sila ni Arnold noon? Anak niya ba ang mga ito? Pero parang hindi naman! Malayo sa hitsura ni Arnold na nagkaanak na ito at sa ugali ni Arnold alam kong ipagmamalaki niya kay Lola ang kambal na ito kung sakaling siya nga ang ama! "Pasensya na po kayo Mister! Baka magalit si Mam kapag malaman ito." bigkas ng kasama nilang Yaya kaya wala na akong nagawa pa kundi ang tumango na lang habang hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig ko sa dalawang bata. Deep inside my heart para kasing gusto ko silang yakapin at hawakan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro dahil parang kasing-edad lang sila ni Anyana kaya nakakaramdam ako ng ganito! Or baka nga pamangkin ko sila kung talagang anak sila ng half brother kong si Arnold.
BIANCA POV Mamasyal lang naman sana kami pero hindi ko naman akalain na aabot ako sa ganitong sitwasyon! Ang liit talaga ng mundo para magkita kaming dalawa ni Daniel dito sa amusement park habang kasama ko ang mga anak namin! Ang lakas ng loob niya na lapitan ako at sabihin sa akin na gusto niya akong makausap. Hindi pa man kami nag-uumpisang mag-usap, alam na alam ko na kung ano ang pakay niya sa akin! "Now what?" kaagad kong tanong kay Daniel nang makalayo kami sa coffee shop. Pinili namin ang lugar na wala masyadong tao para makapag-usap kami ng maayos. "Sino sila? Mga anak ko ba sila?" kaagad na tanong nito sa akin. Hindi na ako nagulat sa tanong niyang iyun. Alam ko sa sarili ko na mangyayari ang ganitong senaryo kaya lang hindi ko naman akalain na agad-agad! Hindi pa ako ready na magpaliwanag sa kanya! "Anak? Kailan ka pa nagkaanak sa akin?" namimilusupo kong sagot sa kanya. Natigilan ito pero bakas sa mga mata niya ang pait! Hindi ko naman napigilan ang mapaismid!
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabut
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nan
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nag
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya!
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa
SCARLETT POV "Yeah, I understand! Hindi pwede dahil wala tayong pagtingin sa isa't isa! Pero pwede naman siguro nating subukan diba? Para sa mga bata!" seryoso niyang bigkas! Wala sa sariling kaagad naman akong napailng! "Subukan? Yes..pwede subukan pero paano kung hindi maging successful? Paano ang mga anak natin? Draku, for me mas mabuti na din siguro ang ganito! Na magkaundo tayo pagdating sa mga bata pero no more romantic moments sa pagitan nating dalawa!" seryoso kong sagot sa kanya! Hindi talaga pwede dahil ayaw kong magdesisyon ng mga bagay na alam kong ako lang din ang magiging talo sa bandang huli! Pagkatapos kong kumain, muli akong inihatid ni Draku sa aking silid! Kapansin-pansin ang kanyang pananahimik pero pilit kong binabaliwala iyun! Naging maayos ang unang gabi ko sa bahay ni Draku! Naging panatag naman ang kalooban ko at himalang nakatulog din naman ako ng mahimbing! Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pintuan ng aking siild at nang sipatin ko ang
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya