BIANCA POV "Sorry! Hindi ko alam! Patawarin mo ako Bianca!" narinig kong bigkas ni Daniel na siyang dahilan kaya hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. "Sorry? Maibabalik ba ng sorry lahat-lahat ng mga pasakit na ibinigay mo sa akin Daniel? Lahat ng sakit naipon sa puso ko kaya hindi mo naman siguro ako masisisi kung bakit ko nagawang ilihim sila sa iyo!" seryoso kong sagot sa kanya habang patuloy ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko tuloy ngayun para akong bumalik sa kahapon. Muling nanariwa ang sugat sa puso ko na ilang taon ko ding pinilit na pinahilom! Sa isang iglap muling bumalik sa balintataw ko ang mga masasakit na alaala na nagbigay sa akin ng sobrang galit sa puso ko! "Ni hindi mo man lang naisip kung gaano kalaking epekto sa akin ang ginawa ni Jeneva sa akin noon! Alam mo ang katotohanan pero pinilit mong ilabas siya sa kulungan! Ni hindi mo ako binigyan ng hustisya Daniel! Hindi mo din binigyan ng hustisya ang isa sa mga
DANIEL POV Nasundan ko na lang ng tingin si Bianca pagkaalis nito. Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya malusutan lamang ang pahirap na ipinaranas ko sa kanya noon. Ni hindi ko man lang naipadama sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Kahit na saang aspeto ng buhay tingnan, binigo ko siya! Hindi ko na nga siya naipaglaban, hindi ko pa siya binigyan ng hustisya laban kay Jeneva. May dahilan talaga siya kung bakit galit na galit siya sa akin! Hindi ko alam kung dapat ba akong tawaging DAddy ng mga anak ko! Nahihiya ako sa kanila dahil hindi ko man lang pinahalagahan ang Ina nila noon! Sa isiping iyun parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Napaka-walang kwenta kong asawa! Napaka-walang kwenta kong tao at hindi nga ako deserved ni Bianca. Dapat lang talaga na iwan niya na ako ng tuluyan at maghanap ng ibang pag-ibig sa bisig ng ibang lalaki at walang iba kundi kay Arnold! Yes...kay Arnold na alam ko sa sarili ko na mamahalin siya ng lubusan. Sa isipi
DANIEL POV "Once na lumabas na sa korte ang papel na tuluyan nang napawalang bisa ang kasal niyong dalawa ni Bianca..papakasalan ko na siya!" bigkas ni Arnold na parang bomba na sumabog sa pandinig ko. Para iyung isang matalim ng punyal na biglang tumarak sa kaibuturan ng puso ko. Kaya pala bigla niya akong niyaya na lumabas ng coffee shop dahil ito pala ang sasabihin niya sa akin. Gusto niyang pakasalan si Bianca. Gusto niyang tuluyang ilayo sa akin ang asawa ko! "What? Kasal? Ang bilis naman?" wala sa sarili kong bigkas. "Daniel, alam natin pareho na matagal akong naghintay! Actually, hindi ako sang-ayon na ipapakilala ka ni Bianca sa dalawang bata pero since anak mo naman sila wala na akong magagawa pa!" muling bigkas niya sa akin. Wala sa sariling napatitig ako kay Arnold. Kapatid ko ba talaga ang taong ito? Bakit feeling ko wala siyang pakialam sa akin? Bakit pakiramdam ko napaka-makasarili niya! Hindi niya man lang ba naramdaman kung gaano kasakit sa akin ang hindi pa
BIANCA POV "Akala ko wala kang plano na ipakilala ang mga bata sa ama nila? Kay Daniel? Anong nangyari?" tanong ni Arnold habang nandito kami sa garden. Akala ko ihahatid niya lang kami kanina pagkagaling sa amusement park pero nagkakamali ako. May balak pala siyang kausapin ako sa isang bagay na hindi pa ako ready na pag-usapan. "Iyan din ang plano ko! Pero nagbago ang lahat noong nagkita kami ni Daniel! Bigla kong na-realized kanina na bigyan siya ng chance lalo na at nakita ko kung paano niya alagaan ang anak nilang dalawa ni Jeneva!" kaagad kong sagot sa kanya. Napansin kong natigilan naman si Arnold. "Matagal na panahon kong kinimikim ang galit sa puso ko para sa kanya at ito na din siguro ang time para i-let go ko iyun! Lalo na at malapit nang dumating ang oras na tuluyan na kaming mawalan ng ugnayan sa isa't isa!" muli kong bigkas sa kanya. "Bianca...sorry! Pero aaminin ko sa iyo na natatakot ako na baka mahulog ka ulit sa kanya! Alam mo naman siguro kung gaano ako kat
BIANCA POV "Mam, may naghahanap po sa inyo sa labas!" kasalukuyan kaming kumakain ng mga bata ng breakfast nang inanunsiyo sa akin ng isa sa mga kasambahay ang tungkol sa bisita na dumating. Nagulat man pero hindi ako nagpahalata sa dalawang bata. Ako ang maghahatid sa kanila ngayun sa School bago ako papasok ng opisina. Hangat maari, gusto kong bigyan ng sapat na oras ang mga anak ko kahit na gaano ako kaabala. "Sino daw?" nagtataka kong tanong kay Elsa. Isa siya sa matagal nang kasambahay ni Kuya. "Daniel daw po ang pangalan niya Mam! May kasama din siyang bata." sagot ni Elsa na labis kong ikinagulat. Grabe, ang aga naman nitong si Daniel? Paano siya pakikiharapan ng mga bata gayung maaga din ang pasok sa School. Pinayagan ko siyang dumalaw dito sa bahay pero ini-expect ko na mamayang hapon pa! Nababaliw na ba itong si Daniel? "Wow, nandiyan si Tito Daniel kasama si Anyana Mommy?" kaagad namang sabat ni Scarlett. Nagniningning ang mga mata nito sa tuwa. Halatang exci
BIANCA POV Pagkatapos kong ihatid ang mga bata sa School iniwan ko na sila doon. Sila Daniel at Anyana naman ay tuluyan na ding pumunta sa office ng iskwelahan para makipag-usap kung pwede pa bang ihabol si Anyana na pumasok ngayung school year. Na-enroll na pala siya ng Mommy niyang si Jeneva noon pero hindi na-follow- up dahil nagkasakit nga ulit ang bata. Sana lang maihabol. Kawawa din kasi ang bata. Alam kong isa sa mga dahilan nito kaya gustong mag-aral dahil kina Scarlett at Stephen. Sabagay, kung tutuusin magkapatid naman talaga sila sa ama. Kaya siguro malapit ang loob nila sa isat-isat dahil doon. Pagkadating ng opisina nagulat pa ako dahil naabutan ko si Amber. Bakit parang sobrang aga naman yata nitong kaibigan ko? Ilang araw din itong hindi nagpakita sa akin kaya hindi ko alam kung saan nagsusuot itong kaibigan kong ito. Napaka happy go lucky niya kasi talaga eh. Walang responsibilidad sa buhay kaya ang bilis niyang magdesisyon ng mga bagay-bagay. "Good Morning Bia
ELIZABETH 'AMBER' MEYER POV Habang nakatitig ako sa masayang si Bianca habang hawak ang bulaklak na galing kay Arnold hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng selos. Mukhang tuluyan na ngang naka-moved-on ang kaibigan ko sa kabiguan sa pag-ibig sa una niyang asawa na si Daniel. Mukhang si Arnold na ngayun ang mahal niya. Pinigilan ko ang pagpatak ng luha sa aking mga mata kaya lang hindi ko talaga kaya! Pasaway kasi talaga itong mga mata ko eh! Gusto talagang maluha! Wala pa sana akong balak umalis pero wala akong choice kundi ang tumayo na! Ayaw kong makita ni Bianca kung ano man ang nararamdaman ko! Wala akong balak ng aminin sa kanya kung ano man ang namagitan sa amin ng boyfriend niya ngayung si Arnold! Marami na siyang mga pinagdaanan para makisawsaw pa ako! Siguro nga ito na ang panahon para tuluyan na akong magparaya! Sabagay, ano ba ang dapat kong ipaglaban gayung wala naman kaming relasyon ni Arnold! Pure sex lang ang nangyari dala ng kalasingan! "Teka...
BIANCA POV "Hi Babe!" abala ako sa kakapirma sa mga papeles na nasa harapan ko nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa si Arnold! Hindi ko tuloy mapigilang ang napatitig sa kanya. Ang aga niya naman yatang bisitahin ako dito sa opisina? Hindi ba siya busy sa hospital? "Arnold...napadaan ka? By the way...thank you nga pala sa mga flowers!" nakangiti kong sagot sa kanya at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Nilapitan ko siya at iginiya paupo sa sofa. Nagulat pa ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. Kaagad naman akong nakaramdam ng matinding pagkailang. Lalo na ng mapansin ko na may gustong ipahiwatig ang mga titig niya. Ilang saglit lang, dahan-dahan na bumaba ang mukha niya sa mukha ko! Sa gulat ko kaagad akong napaiwas! Shocks...balak niya pa yata akong halikan sa pisngi or sa lips pero hindi ko kayang magkunwari sa harapan niya. Hindi pa ako ready na magpahalik sa kanya kahit sa pisngi lang.