BIANCA POV "Akala ko wala kang plano na ipakilala ang mga bata sa ama nila? Kay Daniel? Anong nangyari?" tanong ni Arnold habang nandito kami sa garden. Akala ko ihahatid niya lang kami kanina pagkagaling sa amusement park pero nagkakamali ako. May balak pala siyang kausapin ako sa isang bagay na hindi pa ako ready na pag-usapan. "Iyan din ang plano ko! Pero nagbago ang lahat noong nagkita kami ni Daniel! Bigla kong na-realized kanina na bigyan siya ng chance lalo na at nakita ko kung paano niya alagaan ang anak nilang dalawa ni Jeneva!" kaagad kong sagot sa kanya. Napansin kong natigilan naman si Arnold. "Matagal na panahon kong kinimikim ang galit sa puso ko para sa kanya at ito na din siguro ang time para i-let go ko iyun! Lalo na at malapit nang dumating ang oras na tuluyan na kaming mawalan ng ugnayan sa isa't isa!" muli kong bigkas sa kanya. "Bianca...sorry! Pero aaminin ko sa iyo na natatakot ako na baka mahulog ka ulit sa kanya! Alam mo naman siguro kung gaano ako kat
BIANCA POV "Mam, may naghahanap po sa inyo sa labas!" kasalukuyan kaming kumakain ng mga bata ng breakfast nang inanunsiyo sa akin ng isa sa mga kasambahay ang tungkol sa bisita na dumating. Nagulat man pero hindi ako nagpahalata sa dalawang bata. Ako ang maghahatid sa kanila ngayun sa School bago ako papasok ng opisina. Hangat maari, gusto kong bigyan ng sapat na oras ang mga anak ko kahit na gaano ako kaabala. "Sino daw?" nagtataka kong tanong kay Elsa. Isa siya sa matagal nang kasambahay ni Kuya. "Daniel daw po ang pangalan niya Mam! May kasama din siyang bata." sagot ni Elsa na labis kong ikinagulat. Grabe, ang aga naman nitong si Daniel? Paano siya pakikiharapan ng mga bata gayung maaga din ang pasok sa School. Pinayagan ko siyang dumalaw dito sa bahay pero ini-expect ko na mamayang hapon pa! Nababaliw na ba itong si Daniel? "Wow, nandiyan si Tito Daniel kasama si Anyana Mommy?" kaagad namang sabat ni Scarlett. Nagniningning ang mga mata nito sa tuwa. Halatang exci
BIANCA POV Pagkatapos kong ihatid ang mga bata sa School iniwan ko na sila doon. Sila Daniel at Anyana naman ay tuluyan na ding pumunta sa office ng iskwelahan para makipag-usap kung pwede pa bang ihabol si Anyana na pumasok ngayung school year. Na-enroll na pala siya ng Mommy niyang si Jeneva noon pero hindi na-follow- up dahil nagkasakit nga ulit ang bata. Sana lang maihabol. Kawawa din kasi ang bata. Alam kong isa sa mga dahilan nito kaya gustong mag-aral dahil kina Scarlett at Stephen. Sabagay, kung tutuusin magkapatid naman talaga sila sa ama. Kaya siguro malapit ang loob nila sa isat-isat dahil doon. Pagkadating ng opisina nagulat pa ako dahil naabutan ko si Amber. Bakit parang sobrang aga naman yata nitong kaibigan ko? Ilang araw din itong hindi nagpakita sa akin kaya hindi ko alam kung saan nagsusuot itong kaibigan kong ito. Napaka happy go lucky niya kasi talaga eh. Walang responsibilidad sa buhay kaya ang bilis niyang magdesisyon ng mga bagay-bagay. "Good Morning Bia
ELIZABETH 'AMBER' MEYER POV Habang nakatitig ako sa masayang si Bianca habang hawak ang bulaklak na galing kay Arnold hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng selos. Mukhang tuluyan na ngang naka-moved-on ang kaibigan ko sa kabiguan sa pag-ibig sa una niyang asawa na si Daniel. Mukhang si Arnold na ngayun ang mahal niya. Pinigilan ko ang pagpatak ng luha sa aking mga mata kaya lang hindi ko talaga kaya! Pasaway kasi talaga itong mga mata ko eh! Gusto talagang maluha! Wala pa sana akong balak umalis pero wala akong choice kundi ang tumayo na! Ayaw kong makita ni Bianca kung ano man ang nararamdaman ko! Wala akong balak ng aminin sa kanya kung ano man ang namagitan sa amin ng boyfriend niya ngayung si Arnold! Marami na siyang mga pinagdaanan para makisawsaw pa ako! Siguro nga ito na ang panahon para tuluyan na akong magparaya! Sabagay, ano ba ang dapat kong ipaglaban gayung wala naman kaming relasyon ni Arnold! Pure sex lang ang nangyari dala ng kalasingan! "Teka...
BIANCA POV "Hi Babe!" abala ako sa kakapirma sa mga papeles na nasa harapan ko nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa si Arnold! Hindi ko tuloy mapigilang ang napatitig sa kanya. Ang aga niya naman yatang bisitahin ako dito sa opisina? Hindi ba siya busy sa hospital? "Arnold...napadaan ka? By the way...thank you nga pala sa mga flowers!" nakangiti kong sagot sa kanya at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Nilapitan ko siya at iginiya paupo sa sofa. Nagulat pa ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. Kaagad naman akong nakaramdam ng matinding pagkailang. Lalo na ng mapansin ko na may gustong ipahiwatig ang mga titig niya. Ilang saglit lang, dahan-dahan na bumaba ang mukha niya sa mukha ko! Sa gulat ko kaagad akong napaiwas! Shocks...balak niya pa yata akong halikan sa pisngi or sa lips pero hindi ko kayang magkunwari sa harapan niya. Hindi pa ako ready na magpahalik sa kanya kahit sa pisngi lang.
BIANCA POV Sa isang sikat na mall kami dumirecho! Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tuwa na naka-rehistro sa mga mata ng mga anak ko habang kasama namin si Daniel! Nakahawak si Scarlett at Stephen sa magkabilaang kamay ni Daniel samantalang hawak-hawak ko naman din si Anyana. Ang bilis nahulog ang loob sa akin ng batang ito! Mabuti na lang at hindi nagmana ang ugali niya sa kanyang ina na si Jeneva. Kung titingnan para kaming isang masayang pamilya kasama ang mga anak namin. Pero hindi eh...nararamdaman ng puso ko na imposible na mangyari kung ano man nag nais ng kalooban ko. Direcho kami sa isang mamahaling restaurant. Nagreklamo kasi si Scarlett na nagugutom na daw siya kaya naman kaagad ding pinagbigyan ni Daniel. Sa totoo lang. Hindi ko maintindihan si Daniel. Sa isang iglap, nagbago ang ugali niya lalo na noong nalaman niyang nagkaanak kami. Sa isang iglap, biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin! Iyun nga lang..ayaw ko nang umasa pa. Tapos na ang kung ano man
BIANCA POV "Paanong hindi namin ito alam? How dare you para ilihim mo sila sa amin?" nang-uusig ang boses ni Mrs. Sylvia habang sinasabi ang katagang iyun. Kaagad naman akong napangisi. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng kakapalan ng mukha ang Mommy nitong si Daniel. Gusto pa yata akong sisihin dahil itinago ko sa kanila ang anak ko! "Why...kapag sasabihin ko ba sa iyo ang katotohanan magbabago ba ang pagtrato mo sa akin noon? Hindi mo na ba ako hahamakin at kukutayain? Magiging maayos ba ang lahat at hindi mo na papanigan si Jeneva sa lahat ng oras?" seryoso kong bigkas. Kung hindi ko lang kasama ang mga anak ko baka kanina ko pa sila tinarayan. Baka kanina ko pa nailabas ang sama ng loob na naipon sa dibdib ko ng mahabang taon! Napansin ko ang pagkatigagal ni Mrs. Sylvia dahil sa sinabi ko kaya naman kaagad kong hinawakan si Stephen at Scarlett. Pinatayo ko sila at akmang aalma pa sana si Daniel pero matalim ang mga matang tinitigan ko siya. "Ayusin mo ang problema mo sa
DANIEL BUENAVENTURA POV "I want Scarlett and Stephen! Gusto ko pa silang maka-play!" hindi ko na nabilang pa kung ilang beses ko nang narinig ang katagang iyun kay Anyana mula mall hangang sa nakarating kami dito sa mansion! Nag-aalala na ako! Lalo na at first kong nakita si Anyana na magtantrums ng ganito! Wala na ding tigil ang kanyang pag-iyak. Kahit nga si Mommy Sylvia, gumagawa na ng paraan para patahanin ang kanyang apo pero walang epekto. Wala siyang ibang bukambibig kundi sila Scarlett at Stephen. Hindi ko naman napigilan ang makaramdam ng matinding galit lalo na at ilang beses ko nang nahuhuli si Jeneva na tinititigan niya ng masama si Anyana. Kung umasta, parang hindi siya Nanay ni Anyana! Imbes na patahanin niya ang bata tinitingan niya pa ng masama. Lalo tuloy nagrerebelde! "Yes baby! Makakalaro mo naman sila ulit! Promise....tomorrow, ddalhin kita sa kanila! Maglalaro kayo buong maghapon!" nakangiti kong bigkas kahit na ang totoo, punong-puno na ng agam-agam ang