Share

Chapter 29

BIANCA ISSABELLE VELASQUEZ POV

Sa paglabas ko ng banyo pinilit kong maglakad ng tuwid. Nanginginig kasi ang tuhod ko habang naglalakad. Hindi ko akalain na muling magkrus ang landas naming dalawa. Bigla din nawala ang pagka-tipsy ko dahil sa kumprontasyon naming dalawa ni Daniel.

Pitong taon na ang lumipas pero bakit feeling ko parang kahapon lang nangyari ang lahat? Masakit pa rin! Hindi pa rin ako nakaka-moved on! Akala ko talaga ayos na ako eh..pero bakit ganito? Bakit apektado pa rin ako sa presensya niya?

Dahil ba siya ang kauna-unahang lalaki na minahal ko? Dahil ba minsan na akong nagpakatanga sa kanya noon? Dahil ba alam ko sa sarili ko na siya ang ama ng mga anak ko?

Pero hindi eh...dapat kamuhian ko siya! Hindi ako dapat makaramdam sa kanya ng kahit ano mang bagay dahil siya ang dahilan kung bakit muntik na akong namatay noon. Siya din ang dahilan kung bakit namatay ang isa sa mga triplets kong anak. Kung hindi sana ako nabundol noon, hindi sana nagkaroon ng kumpleka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status