DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV
"Kumain na ba si Bianca?” kaagad na tanong ko sa kasambahay naming si Thelma pagkababa ko ng dining area. Kasalukuyan kaming magkasabay na kumakain ni Jeneva nang hindi mawala-wala sa isipan ko si Bianca. Sa tatlong taon na magkasama kami sa mansion na ito never akong pumayag na makasabay siyang kumain. Sanay akong kumakain na mag -isa habang nasa tabi ko siya at pinagsisilbihan niya. Ngayung ibang babae na ang kasama ko hindi ako nakakaramdam ng tuwa. Parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan. Aaminin ko sa sarili ko na nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Aware naman ako kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko. Tuwing nakikita ko ang kanyang mukha umiinit talaga ang ulo ko. "Si Mam Bianca po? Umalis na po siya kanina Sir." sagot naman ni Thelma na labis kong ikinagulat. Ito ang kauna-unahang lumabas ni Bianca ng bahay na hindi niya ipinaalam sa akin at hindi ko siya kasama. Wala sa sariling nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor at seryosong tinitigan si Thelma. "Umalis? Saan nagpunta?" nagtataka kong tanong. "May mga dala bang gamit? Baka pumayag na siyang maghiwalay kayo Babe!" sabat naman ni Jeneva. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya. Si Jeneva! Ang childhood sweetheart ko na mula mga teenager pa lang kami nangako na ako sa kanya na siya lang ang papakasalan ko. Nagbago lang ang lahat dahil sa pakikialam ni Lola! Hindi ko natupad ang pangako ko pero sa loob ng tatlong taon na pagsasama naming dalawa ni Bianca...never din naman kaming naghiwalay ni Jeneva. May relasyon pa rin kami. Patago nga lang. Alam kong malaking kalapastanganan kay Bianca ang ginagawa kong ito pero sa tuwing tinititigan ko si Jeneva, palaging bumabalik sa isipan ko ang pangako ko sa kanya noon pa man na siya lang ang baaeng mamahalin ko. Siya lang at wala nang iba. "Ayaw niyang pirmahan ang divorce paper. Ayaw niyang mawalay sa tabi ko." sagot ko at mabillis na tumayo. Lumabas ng dining are at direchong umakyat ng hagdan. Isang kwarto lang ang gusto kong puntahan ngayun. Kwarto ni Bianca at nang buksan ko ang pintuan, kakaibang katahimikan ang kaagad na bumalot sa buo kong pagkatao. Parang bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Inilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na wala si Bianca. Maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit niya lalo na ang mga librong paborito niyang basahin. Wala sa sariling napatingin ako sa kama at ganoon din. Maayos ang mga beddings at mukhang walang gumamit or nahiga man lang. Naagaaw ng attention ko ang papel na pilit kong pinapirmahan sa kanya. Kaagad na napakunot ang noo ko nang mapansin ko na maayos na iyung nakapatong sa bedside table. Akamng dadamputin ko sana nang mapansin ko ang isang kumikinang na bagay. Pinulot ko iyun at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang wedding ring ni Bianca. Yes, wedding ring niya at never kong nakita itong hinubad niya. Parang biglang nanginig ang laman ko at kaagad na dinampot ang divorce agreement at binuklat. Ganoon na lang ang panlulumo ko ng makita ko na pirmado na ito ni Bianca. Piniramahan niya na ang divorce agreement namin pero bakit hindi ako masaya? Bakit feeling ko may isang importanteng bagay ang biglang nawala sa akin! Bakit parang nasasakatan ako ngayun? Dahil ba nasanay na ako sa presensya niya dito sa mansion? Dahil ba hindi na ako sanay na wala na siya? "Umalis na ba siya? Pinirmahan niya na?" napukaw lang ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Jeneva at nang lingunin ko siya, nakatayo siya sa pintuan ng kwarto habang may matamis na ngiti na nakaguhit sa labi. Kaagad kong nailapag ang divorce paper at mabilis na naglakad palapit sa kanya. "Hindi ka pwede dito. Off-limits ka!" bigkas ko sabay hawak sa braso niya at halos kaladkarin ko siya paalis. Kaagad kong isinara ang pintuan ng silid at seryosong tinitigan si Jeneva. "Hindi porket pinayagan kita na pumasok dito sa mansion malaya mo nang gawin lahat ng gusto mo!" seryoso kong wika sa kanya. Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata nito habang titig na titig sa akin. "Daniel, ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi ako si Bianca para pagsabihan mo ng ganiyan. Ako si Jeneva....ang chilhood sweetheart mo!" nakangiti niyang bigkas. Tinitigan ko naman siya sabay tango. "I know at kung gusto mong magtagal dito sa mansion sundin mo ang sinabi ko. Ayaw na ayaw kong pumapasok ka sa kwarto na iyan!" sagot ko sa kanya sabay turo sa kwartong nakasarado. Ang kwartong tatlong taon din na ginamit ni Bianca. "Why..d'ont tell me na nakokonsensya ka? Don't tell me biga mong na-realized na hindi mo pala kayang mawala siya sa iyo?" tatawa-tawang sagot naman ni Jeneva. Hindi ko siya pinansin bagkos mabilis akong bumaba ng hagdan. Palabas na ako ng bahay nang makasalubong ko ang aking half brother na may nakaguhit na masayang ngiti na napatingin din sa akin. "Paano ka nakapasok? Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na bawal ka dito?" galit kong sita sa kanya. Malakas naman itong natawa sabay sulyap kay Jeneva na nasa likuran ko lang. "Mukhang may dahilan kung bakit nagpasya ang asawa mong layasan ka! I think hindi ko na kailangan pa ng confirmation mula sa iyo. Malinaw na sa akin ang lahat. Hiwalay na kayo at pwede ko nang ligawan ang babaeng matagal ko nang gusto." nakangisi nitong bigkas. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Dont dare...hindi pa napo-proseso sa korte ang divorce namin kaya wala kang karapatan na landiin ang asawa ko!" galit kong singhal kay Arnold. Tumawa lang ito ng malakas at matalim ang mga matang tinitigan ako. "Sorry Bro! Kahit na alam kong ilang beses mo na siyang pinagsawaan, handa pa rin akong tangapin siya ng buong puso. Gagawin ko siyang reyna sa aking palasyo at hindi ko gagawin ang mga kasamaan na ginawa mo sa kanya!" seryosong bigkas ni Arnold na lalong nagpakulo ng dugo ko. Ngayun pa lang.....parang gusto ko nang pagsisisihan ang ginawa kong pagpapapirma ng divorce paper kay Bianca! Maganda naman talaga si Bianca at maraming lalaki ang naghahabol sa kanya bago kami ikasal. Isa na dito ang half brother kong si Arnold na nakikita ko sa kanyang mga mata ngayun na pursigido talaga siyang maangkin ang asawa ko!DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Huwag mo nang subukan dahil kahit na anong gawin mo hinding-hindi ka niya magugustuhan. Tsaka, hindi ka ba nahihiya...ang babaeng pinagsawaan ko na willing mong saluin? Ganiyan na ba kalaki ang ingit mo sa akin dahil pati ang asawa ko gusto mong agawin sa akin?" galit kong singhal kay Arnold. Malakas naman itong napahalakhak. Hindi niya man lang ininda ang sinasabi ko. "Lahat nang nasa sa iyo gusto kong agawin? Nagpapatawa ka ba Daniel! For your information, wala akong inagaw sa iyo. Nagkataon lang talaga na matagal ko nang gusto si Bianca at ngayung naghiwalay na kayo sisiguraduhin kong hindi mo na siya makukuha ulit sa akin!'' nakangisi niyang bigkas at mabilis na siyang naglakad paalis. Hindi ko na napigilan pa ang pagkuyom ng kamao ko. Mabilis kong sinundan si Arnold at hinawakan siya sa balikat. "Hindi pa nauumpisahan ang proseso ng divorce namin sa korte kaya hindi pwede iyang iniisip mo. Hangat hindi pa napapawalang bisa ang kasal naming da
BIANCA POV "Kaya ko na ang sarili ko Kuya! Nandiyan naman si Manong driver para ihatid ako sa hospital." nakangiti kong wika kay Kuya Cyrus! Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast! Gusto niy akong samahan sa hospital para sa check-up ko pero tumangi ako. Ayaw kong isturbuhin siya dahil alam ko kung gaano siya kaabala sa negosyo at opisina. "Are you sure? Ngayung buntis ka, kailangan mong mag-doble ingat! Hayaan mo, ikukuha kita ng magbabantay sa iyo para masigurado ko ang kaligtasan mo sa lahat ng oras." sagot niya sa akin. Nakangiti naman akong umiling. "Kuya, hindi mo na kailangan pang gawin iyan! Hindi naman ako high profile na tao eh. Ang alam ng lahat isa akong ordinaryong tao na lumaki sa orphanage!" nakangiti kong sagot sa kanya. Oo, iyun ang alam ng lahat. Isa akong nurse noon at at isa naging pasyente ko si Lola Antonia. Sa kabila ng pagtutol ni Kuya Cyrus sa kursong kinuha ko hindi ako nagpatinag. Mula bata pa ako pangarap ko na talaga ang maging nurse at kahit na il
BIANCA POV "Ano ang ginagawa mo sa hospital na ito? Sinusundan mo ba ako? Ilang beses ko pa bang ipaintindi sa iyo na wala nang pag-asa pa ang pagsasama natin! Magkakaanak na kami ni Jeneva kaya tumigil ka na!" galit na singhal sa akin ni Daniel. Hindi pa nga ako nakabawi sa narinig ko tungkol sa pagbubuntis ni Jeneva, heto na naman. Pinahiya niya na naman ako sa mismong harapan pa ng kanyang kabit. "Kung nandito man ako sa hospital na ito wala ka na sigurong pakialam pa! Wala na akong balak pang maghabol sa iyo Daniel. Hindi mo ba nakita? Pinirmahan ko na ang divorce paper na iyun kaya pwede bang lubayan mo na ako?" mahinahon kong bigkas pero sa totoo lang, para nang sasabog ang puso ko sa sobrang sama ng loob! BAkit siya pa! Bakit siya pa ang minahal ko? Kay liit talaga ng mundo? Bakit sa dinami-dami nang mga taong pwede kong makasalubong at makasalamuha, bakit ang dalawang ito pa? Masyado nang tortured sa akin ang mga nangyari sa amin at hindi ko na alam kung saan kukuha ng l
BIANCA POV "Ano nga pala ang ginagawa ng magandang dilag dito sa hospital ko? Liban sa nakasalubong mo si Daniel sa labas may iba ka pa bang pakay?" nakangiting tanong sa akin ni Arnold. Lumitaw tuloy sa magkabilaan niyang pisngi ang biloy at pantay-pantay niyang ngipin. Hindi ko na tuloy napigilan pa ang mapatitig sa kanya. Matagal ko na siyang kilala at sana sa kanya na lang ako na-inloved! Di hamak na mas mabuti siyang tao kumapara kay Daniel. "Buntis ako at may schedule ako nang check-up sa ob gyne!" diretsahan kong sagot kay Arnold. Napansin kong saglit siyang natigilan habang titig na titig siya sa akin. "Alam ba ito ni Daniel?" seryoso niyang tanong. Kaagad naman akong umiling. "Hindi ako nabigyan ng chance na sabihin sa kanya. Bihira lang siyang umuwi ng mansion at susurpresahin ko sana siya pero ako naman ang nasorpresa niya. Tuluyan na siyang nakipag-hiwalay sa akin." mapait kong bigkas. Pigil ko ang sarili ko na muling maluha. Marami nang luha ang nasayang sa a
BIANCA POV "How dare you para sabihin sa akin iyan! Ano ba Daniel? Hindi ka ba talaga titigil? Bakit ba ayaw mo pa akong lubayan?" galit kong singhal sa kanya. Lalo namang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Titigil? Nagpapatawa ka ba? Hindi ko maintindihan kung ano ang pinakain mo kay Lola. Bakit ba masyado siyang amaze na amaze sa iyo at dumating pa sa punto na pilit ka niyang ipinakasal sa akin?" muli niyang bigkas. Matalim ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata kasabay ng pagak kong pagtawa. Heto na naman kami! Sa dating issue pa rin ba? Hindi pa rin ba siya nakaka-moved on gayung sobra din naman siyang nag-enjoy sa katawan ko? "Bakit hindi siya ang tanungin mo? Wala na akong panahon pa na makipag-usap sa iyo Daniel. Kung ano man ang gagawin ko sa buhay ko, wala ka na doon!" bigkas ko at malakas na pumiksi. Kaagad niya naman akong nabitawan. "Sana ito na ang huling pagkakataon na magkita tayo. Sa susunod na magkasalubong pa tayong muli, huwag mo na akong pansin
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Kasalukuyan akong abala sa aking mga pinipirmahang mga papels nang napahinto ako dahil sa pabalagbag na pagbukas at sara ng pintuan ng opisina. Wala sa sariling napatayo ako at akmang sisitahin ko na sana kung sino man ang pangahas na bigla na lang pumasok nang hindi ko na nagawa pa dahil naunahan niya na ako. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng kamao niya sa pisngi ko na siyang dahilan kaya kaagad akong natumaba sa sahig. Kaagad akong napahawak sa ilong ko ng maramdaman ko ang isang mainit na likido na lumabas doon. "Walang hiya ka! Hayop talaga! Hayop iyang babae mo! Walang kwenta! Salot!" galit na bigkas sa akin ng half brother ko na si Arnold. Nakasuot pa siya ng doctor's coat habang kita ko sa kanyang mga mata ang galit. Akmang susugod sana ako sa kanya para makaganti sa pananapak niya sa akin pero napahinto din ako nang kaagad siyang nagsalita. "Ganiyan ka na ba kawalang -kwentang tao? Hiniwalayan mo na nga pagkatapos gusto mo pa siyang
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Kung kanina ako ang sinugod ng half brother kong si Arnold ako naman ang sumugod sa kanya ngayun. Halos sirain ko ang pintuan ng opisina niya! Malakas kong itinulak at kaagad na sinugod ang gulat na gulat na si Arnold! "Ano ang ginawa mo? Kailan pa pwedeng maging confidential ang record ng asawa ko?" galit kong singhal sa kanya at mahigpit ko siyang hinawakan sa kanyang kwelyo. "Ohhh! Napasugod ka Bro? Bigla mo bang na-realized ngayun kung gaano ka kasama sa ex-wife mo kaya nandito ka ngayun sa hospital ko?" nakangisi niyang sagot sa akin. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkasindak dahil sa galit ko. Mariin niyang hinawakan ang makabilaan kong kamay at halos pilipitin niya iyun matanggal lamang sa pagkakahawak sa kwelyo niya! "Hindi ako nakikipag-biruan sa iyo Arnold! Nasaan si Bianca? Nasaan ang asawa ko?" galit kong singhal sa kanya. Padaskol ko siyang binitawan at umatras ng ilang hakbang sa kanya! Napansin ko naman ang pagtaas ng su
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Hungkag ang pakiramdam na nahiga ako ng kama. Hangang ngayun hindi pa rin lubusang matangap sa sarili ko na wala na siya. Hindi na kami magkikita at malabo nang maging masaya ako dahil alam kong habang buhay akong uusigin ng aking konsensya dahil sa nangyari sa kanya. Nanatili ako sa loob ng kwarto ni Bianca hangang sa gumabi na. Tahimik akong nakahiga sa kama niya para sana damhin ang presensya niya! Ni hindi ko nga pinagkaabalahan na buksan ang ilaw. Hindi ko ininda kung gaano kadilim ang buong paligid. Gusto kong mag-isa! Gusto kong magmuni-muni. Ni hindi ako nakakaramdam ng gutom kahit oras na ng dinner. Dilat na dilat ang aking mga mata hangang sa muling sumikat ang araw. Kahit isang idlip lang hindi ko nagawa kaya noong may kumatok sa pintuan ng kwarto para akong bangag na tumayo at naglakad patungo doon para tingnan kung sino ang nasa labas. "Daniel...ano ba ang ginagawa mo? Alam mo bang buong gabi kaming sobrang nag-aalala?" kaagad na sal
ANYANA POV KINABUKASAN, hindi ko na naabutan pa si Daddy Draku pagkababa ko ng dining area para kumain! Ayun sa tagaluto takipsilim pa lang daw lumarga na si Daddy! Hindi naman bago sa akin ang mga ganitong klaseng pangyayari kaya ipinagkibit balikat ko na lang! Sinabi na sa akin ni Daddy Draku kagabi na malaya ko na daw gawin lahat ng nais ko! Pwede akong mamasyal kahit na hindi ko daw sabihin sa kanya! Ibig sabihin, binibigyan niya na ako ng kalayaan para magdesisyon ng mga bagay-bagay para sa sarili ko! Pero siyempre, bilang isang masunuring anak, wala akong balak na abusuhin ang kalayaan na ibinigay niya sa akin ngayun! Pagkatapos kong kumain ng breakfast kaagad na din akong naghanda para sa pamamasyal! SA nasabi ko na kagabi, itutuloy ko ang naudlot kong pagbili ng mga regalo sa mga taong palagi kong kasama! Isasabay ko na din siguro sa pagbili ng regalo ang iba ang mga kasambahay dahil simula nang dumating ako dito sa bahay nakita ko naman kung gaano sila kababait at kung
ANYANA POV "WALA pa ba si Daddy?" nakangiti kong tanong kay Ate Divina habang nagpapahid ako ng mga pampaganda sa aking mukha! Late na at hinihintay ko talaga ang pag-uwi ni Daddy dahil magpapaalam ako sa kanya na may lakad ako bukas! Itutuloy ko ang naudlot na pagbibigay ko ng treats sa mga staff ko! "Wala pa Senyorita eh! Teka lang, late na ah...kailangan mo nang matulog!" bigkas ni Ate Divina! Matamis ko naman siyang nginitian! "Kayo yata ang dapat matulog Ate eh! Iwan niyo na ako dito sa room ko! Hindi na ako bata para all the time bantayan mo pa! GAbi na at kailangan mo na din matulog!" nakangiti kong sagot sa kanya! "Sure po ba kayo Senyorita? Katunayan inaantok na din ako eh! Pero kung ipangako mo sa akin na wala kang gagawin pagkatapos mong magpaganda kundi ang matulog na, iiwan na kita dito sa room mo!" nakangiti niyang sagot sa akin 'Wala na akong gagawin! Tsaka, kailan ba ako gumawa ng mga hakbang na hindi niyo nagugustuhan?" nakalabi kong sagot sa kanya! Kaagad
SCARLETT POV "Ahmmm, Draku...ano ang ginagawa mo?" mahina kong sambit! Pakiramdam ko kakapusin na ako sa aking paghinga! Nararamdaman ko na ang kanyang daliri na humagod sa aking hiwa. "Masarap ba?" mahina niyang sambit! Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang maramdaman ko na pilit nang bumabaon ang isa niyang daliri sa aking butas! Masakit iyun at wala sa sariling napaiktad ako kasabay ng mabilis kong pag-alis sa kadungan niya! "Bastos! Ano ang ginawa mo sa akin?" naiiyak kong tanong sa kanya at nagmamadaling hinagilap ang lahat ng mga kasuotan sa natangal niya na sa katawan ko! Tanging ang maikising mini-skirt na lang ang natira sa akin dahil tuluyan niya na din palang nahubad ang panty ko nang hindi ko man lang namamalayan! "Ano ang ginawa ko? Don't tell me hindi ka nasasarapan?" nakangisi niyang sagot sa akin at pasimpleng isinubo ang isang daliri niya kung saan alam kong ginamit niya sa paglalaro sa aking pagkababae! Pa
SCARLETT POV HINDI AKO ITO! Kahit na ginagabi ako sa mga bars kasama ng mga kaibigan ko, never akong nakipag-lampungan sa kung kani-kaninong lalaki! Kay Gino nga hangang holding hands at halik lang sa noo ang nagagawa sa akin eh! Kaya nga mas lalo kong nagustuhan ang lalaking iyun dahil ramdam ko ang pag-aalaga nya sa akin! '"Draku!" mahina kong sambit! Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero hindi na ako kontento sa ginagawang paghaplos niya sa pisngi ko! Nakakaramdam na din ko ng excitement sa buo kong laman na sa kanya kong lang narararamdaman. "Let me taste your sweet lips, honey!" bigkas niya kasabay ng pagbaba ng mukha niya patungo sa aking mukha kasabay ng pagsayad ng labi niya sa labi ko! Hindi ko mapigilang mapaawang ang bibig ko lalo na nang maramdaman ang init ng labi niya! Nakakapaso na para bang dinadala ako sa ibang dimension! Shit...first time na may sumayad na labi sa labi ko at isang istranghero pa talaga ang may gawa! Dapat magalit ako at lumayo pero bakit w
SCARLETT POV HALOS manlaki pati butas ng ilong ko dahil sa sinabi ni Draku! Gago talaga! Pasimpleng bastos ! "No! Hindi ako papayag!" naiinis kong bigkas at mabilis ang hakbang na umalis sa tabi ng kanyang kotse! Hinding hindi niya ako madadala sa mga sinasabi niya! Kung gusto niyang magpapulis, eh di magpa-pulis siya! Pakialam ko ba! Ako yata ito! Si Scarlett Buenaventura at hindi pa naipapanganak ang taong kaya akong takutin! Mabilis akong naglakad pabalik ng kotse ko at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan pero natigilan ako! Bakit naka-lock na? Hindi ko na mabuksan ang pintuan ng kotse gayung sa naalala ko nasa loob lang ang susi dahil hindi ko naman pinatay ang makina bago ako bumaba kanina! "Wala sa sariling napatitig ako sa sasakyan ni Draku, at doon ko napagtanto kung ano ang nangyari! Kitang kita ko kasi kung ano ang iniabot ng isa sa mga tauhan niya sa bintana. Iyun ay ang susi ng kotse ko! Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang kamao ko at mabilis ang hakbang na na
SCARLETT POV PARA akong ipinako sa aking kinatatayuan habang nasundan ko na lang ng tingin si Draku Atienza na mabilis na pumasok sa loob ng kotse! Hindi ko malaman ang gagawin ko pero isa lang ang sigurado ako...ayaw kong mapa-pulis or ma-demanda. Piste..napakaliit na damage ng sasakyan bakit ba pinapalaki niya pa? Kung alam ko lang na ito ang mangyayari nag stay nalang sana muna ako ng hospital eh! Ngayun ko lang lubos na naisip na kaakibat pala ng kamalasan ang makipag-usap sa isang lalaking hindi mo pa lubusang kilala! Idinadaan ang lahat sa santong paspasan! No! Hindi ako papayag na makapag-take advantage siya sa akin kaya naman mabilis na akong naglakad palapit sa kanyang kotse! Kinatok ko ang bintana sa bahagi kung saan siya sumakay. "Mam, bawal na po isturbuhin si Boss! Sundin na lang po natin ang nais niya! Hintayin na lang po natin ang mga kapulisan!" kaagad namang saway sa akin ng isa sa mga kasamahanan niya! Wala sa sariling napatitig ako dito! Kung hindi ako
SCARLETTE POV "YES, i guess kaya mong bayaran ang damage ng sasakyan ko pero paano naman ang oras na nasayang sa akin?" seryosong bigkas ni Draku na labis kong ikinagulat. Seriously? Sa dami niyang mga kasamang tauhan naisip niya pa talaga ang tungkol sa oras na masasayang daw sa kaunting damage ng kanyang sasakyan? Humalik lang ng kaunti ang bumper ng sasakyan ko sa pwetan ng kotse niya isturbo na kaagad iyun? Grabe naman siya. Bagay na bagay nga sa kanya ang ugali niya sa panlabas niyang kaanyuan! Oo, kagaya ni Gino, matangkad din itong si Draku Monteverde Atienza! Gwapo din pero feeling ko mas malakas ang kanyang sex appeal compare kay Gino! May something kasi sa kanya na hindi ko ma-explain eh! Para bang sa tuwing makakasalubong mo siya somewhere hindi din maiwasan na mapapalingon ka sa kanya. Ilang taon na ba siya? Well, alam kong mas hamak na mas matanda siya compare sa akin! Kilala siya ni Daddy at naalala ko pa nga na pinapaiwas niya kami sa taong ito! Bakit kaya? D
SCARLETT POV TULALA ako habang nagmamaneho ako pauwi ng mansion! Hangang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala nang masilayan ko ang hitsura ng dalawa kong kaibigan! Natutulog sila kanina nang dumating kami sa kanilang room pero kitang kita sa katawan nila ang hirap na kanilang pinagdaanan! Ang laki ng ipinagbago nila at para bang dumaan sila sa matinding pagpapahirap! Ibang iba ang hitsura nila compare noong last na nakasama namin sila! Mahaba na ngayun ang kanilang mga buhok at balbas na para bang ilang buwan nang hindi nagugupitan. Umitim din sila at pumayat and worst, marami akong napansin na pasa sa kanilang katawan kanina! Ano ang nangyari? Sino ang nasa likod ng pagpapahirap nila Jeff at Luigi" Bakit kailangan nilang danasin ang matinding pagpapahirap? Ang alam ko wala silang kaaway! Kahit naman mukha silang mga luko-luko pero mababait din naman sila! Kaming lima lang din ang magkakaibigan simula noong high school pa lang kami kaya never kong narinig na nagkaroon sila
SCARLETT POV YES...aminado ako! Kasalanan ko! Kasalanan ko kung bakit pati kapatid ko ay nasasaktan ngayun! Ako ang nag-umpisa sa gulo! Simula't sapol, ako ang mitsa sa paghihirap ni Anyana! Plinano ko ang lahat ang worst, lahat ng mga kasamaan na ginawa ko ay muntik nang naging kapalit noon ang buhay ni Anyana. Hindi ako nakontento sa isang beses na nasaktan siya ng sobra! Pumangalawa pa talaga ako at hindi ko alam kung papaano ako makakabawi sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko! Gusto ko nang magbago! Gusto kong makausap si Anyana para sana makahingi man lang ng tawad sa kanya! Para naman mabawas-bawasan ng kahit na kaunti ang sundot ng konsensya na nararamdaman ko ngayun! Kaya lang, paano ba? Paano ako hihingi ng tawad sa isang taong nakikita ko ang pagkasuklam sa mga mata niya tuwing kaharap ko siya! "Scarlett, nadiyan ka pa ba? Hello??" napakurap ako ng makailang ulit nang muli kong narinig ang boses ni Kayzee! SA dami nang umuukupang alalahanin sa isipan ko naka