BIANCA POV
"Kaya ko na ang sarili ko Kuya! Nandiyan naman si Manong driver para ihatid ako sa hospital." nakangiti kong wika kay Kuya Cyrus! Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast! Gusto niy akong samahan sa hospital para sa check-up ko pero tumangi ako. Ayaw kong isturbuhin siya dahil alam ko kung gaano siya kaabala sa negosyo at opisina. "Are you sure? Ngayung buntis ka, kailangan mong mag-doble ingat! Hayaan mo, ikukuha kita ng magbabantay sa iyo para masigurado ko ang kaligtasan mo sa lahat ng oras." sagot niya sa akin. Nakangiti naman akong umiling. "Kuya, hindi mo na kailangan pang gawin iyan! Hindi naman ako high profile na tao eh. Ang alam ng lahat isa akong ordinaryong tao na lumaki sa orphanage!" nakangiti kong sagot sa kanya. Oo, iyun ang alam ng lahat. Isa akong nurse noon at at isa naging pasyente ko si Lola Antonia. Sa kabila ng pagtutol ni Kuya Cyrus sa kursong kinuha ko hindi ako nagpatinag. Mula bata pa ako pangarap ko na talaga ang maging nurse at kahit na ilang beses akong kinausap ni Kuya hindi ko siya pinakingan. Mayaman kami! BAgo namatay ang mga magulang naming dalawa ni Kuya sa aksidente nag-iwan naman sila ng limpak-limpak na salapi sa amin. Pero wala akong pakialam. Namuhay ako ng simple habang abala si Kuya sa negosyo namin. Hangang sa naka-graduate ako at naging lisesyadong nurse. Nagtrabaho ako sa isang hospital at doon ko nga nakilala si Donya Antonia. Tuluyan kong isinikreto kahit kanino kung sino ako. Namuhay akong simple at ordinaryong tao. Walang ibang nakakaalam sa tunay kong pagkatao maliban kay Kuya Cyrus at Arnold Paanong hindi malaman ni Arnold. High School pa lang magkakilala na silang dalawa ni Kuya Cyrus. Bunga si Arnold ng pangagaliwa ng ama ni Daniel na ilang taon na ding patay. Aware din akong hindi sila magkasundo ni Daniel kaya noong pinakiusapan ko siyang huwag ipagsabi kahit kanino kung sino ba talaga ako, kaagad siyang nakiayon. Wala naman daw siyang pakialam sa buhay ng ibang tao! Sa lahat ng nahawakan kong mga pasyente si Donya Antonia ang pinakamabait. Nagkapalagayan kami ng loob hangang sa ituring niya akong parang apo niya. Pagkalabas niya ng hospital kinuha niy akong private nurse niya at doon ko nga nakilala si Daniel. Na love at first sight ako sa kanya at hindi iyun nakaligtas sa mga mata ng mabait na si Lola Antonia. "Magaling kang mag-alaga at alam kong maalagaan mo ng maayos ang apo ko! Gusto kong ikaw ang magiging asawa niya!" naalala ko pang wika ni Lola Antonia. Noong una tumangi ako lalo na at grabe ang pagtutuol ni Mommy Sylvia. Ang ina ni Daniel. Patay-gutom nga ang tawag niya sa akin. S********p lang daw ako kay Lola Antonia dahil sa kayamanan. Kung alam lang siguro nila ang katotohanan sa tunay kong pagkatao hindi siguro nila ako tatratuhin na parang basura.. Tinalikuran ko ang yaman ko para lang makasama ang anak nila! Nakipagtikisan ako kay Kuya Cyrus masunod lang ang gusto ko! Kung ayaw sa akin ni Daniel pati na din ng mga magulang niya mas lalong ayaw naman sa kanila ni Kuya Cyrus. Mahigpit na magka-kumpetensiya pagdating sa negosyo sila Kuya at Daniel at isa pa hindi talaga sila in good terms. Kung ano man ang dahilan pilit kong iwinawaksi sa isip ko dahil sa matinding pagmamahal ko kay Daniel. "Bianca..magkapatid tayo at wala akong ibang hangad kundi ang kabutihan mo. Sana sa pagkakataon na ito, makinig ka sa akin! Magiging ina ka na at sana yakapin mo kung anong buhay meron ka!" wika niya. Dahan-dahan naman akong tumango sabay ngiti. "Siyempre naman Kuya! Kaya nga ako bumalik sa iyo dahil ready na akong baguhin ang buhay ko eh. Wala nang dahilan pa para mamuhay ng simple. Pinagsisisihan ko na ang lahat dahil sa katigasan ng ulo ko kaya ako nasasaktan ngayun!" lumuluha kong bigkas. Kaagad namang napatayo si Kuya sabay dantay ng kanyang kamay sa tuktok ng buhok ko. Hinaplos-haplos niya iyun habang may ngiting nakaguhit sa labi niya. "Nabigo din akong protektahan ka noon. Masyado akong naging abala sa negosyo at dumating pa sa punto na nakalimutan ko na may kapatid pala ako. Pangako, simula ngayung araw....hindi na ako papayag pa na masaktan ka. Hindi na ako papayag pa na may manakit sa iyo! Babawi si Kuya! Mahal na mahal kita Bianca!" nakangiti niyang bigkas. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Mabilis akong napatayo at yumapos sa kanya. "Mahal na mahal din kita Kuya! Sorry po kung matigas ang ulo ko!" himihikbi kong bigkas. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sabay tapik sa likod ko. "Hindi matigas ang ulo mo Nagkataon lang na naging curious ka sa paligid mo. Gusto mo lang sigurong subukan ang lahat. Kasama sa growth mo ang nangyari sa iyo kaya sana maging wise ka na. Nandito lang ako para i-guide ka. Nandito lang ako na handa kang suportahan sa lahat ng bagay." sagot niya sa akin. Pagkatapos ng madamdamin naming pag-uusap ni Kuya Cyrus kaagad na siyang umalis ng mansion para pumasok ng opisina. Naligo lang din ako at nagpahatid sa driver papuntang hospital. Hindi naman ako pinapahirapan ng pagbubuntis kong ito pero gusto kong masiguro na nasa maayos na kalagayan ang baby sa aking sinapupunan. Kasalukuyan akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng hospital nang maramdaman ko na may biglang bumanga sa akin. Nang itaas ko ang aking paningin mukha ni Daniel at Jeneva ang una kong nasilayan. "Ouch! Tingnan mo ang ex mo! Nanadya talaga siya! Binanga ba naman ako! Paano na lang kung may mangyaring masama sa baby natin Daniel!" maarteng bigkas niya. HIndi naman ako makapaniwala dahil sa narinig. Buntis si Jeneva? Magkakaanak na sila? Kaya pala naging pursigido siya na pirmahan ko ang divorce paper dahil nagdadalang-tao na pala ang kabit niya. Ang saklap!BIANCA POV "Ano ang ginagawa mo sa hospital na ito? Sinusundan mo ba ako? Ilang beses ko pa bang ipaintindi sa iyo na wala nang pag-asa pa ang pagsasama natin! Magkakaanak na kami ni Jeneva kaya tumigil ka na!" galit na singhal sa akin ni Daniel. Hindi pa nga ako nakabawi sa narinig ko tungkol sa pagbubuntis ni Jeneva, heto na naman. Pinahiya niya na naman ako sa mismong harapan pa ng kanyang kabit. "Kung nandito man ako sa hospital na ito wala ka na sigurong pakialam pa! Wala na akong balak pang maghabol sa iyo Daniel. Hindi mo ba nakita? Pinirmahan ko na ang divorce paper na iyun kaya pwede bang lubayan mo na ako?" mahinahon kong bigkas pero sa totoo lang, para nang sasabog ang puso ko sa sobrang sama ng loob! BAkit siya pa! Bakit siya pa ang minahal ko? Kay liit talaga ng mundo? Bakit sa dinami-dami nang mga taong pwede kong makasalubong at makasalamuha, bakit ang dalawang ito pa? Masyado nang tortured sa akin ang mga nangyari sa amin at hindi ko na alam kung saan kukuha ng l
BIANCA POV "Ano nga pala ang ginagawa ng magandang dilag dito sa hospital ko? Liban sa nakasalubong mo si Daniel sa labas may iba ka pa bang pakay?" nakangiting tanong sa akin ni Arnold. Lumitaw tuloy sa magkabilaan niyang pisngi ang biloy at pantay-pantay niyang ngipin. Hindi ko na tuloy napigilan pa ang mapatitig sa kanya. Matagal ko na siyang kilala at sana sa kanya na lang ako na-inloved! Di hamak na mas mabuti siyang tao kumapara kay Daniel. "Buntis ako at may schedule ako nang check-up sa ob gyne!" diretsahan kong sagot kay Arnold. Napansin kong saglit siyang natigilan habang titig na titig siya sa akin. "Alam ba ito ni Daniel?" seryoso niyang tanong. Kaagad naman akong umiling. "Hindi ako nabigyan ng chance na sabihin sa kanya. Bihira lang siyang umuwi ng mansion at susurpresahin ko sana siya pero ako naman ang nasorpresa niya. Tuluyan na siyang nakipag-hiwalay sa akin." mapait kong bigkas. Pigil ko ang sarili ko na muling maluha. Marami nang luha ang nasayang sa a
BIANCA POV "How dare you para sabihin sa akin iyan! Ano ba Daniel? Hindi ka ba talaga titigil? Bakit ba ayaw mo pa akong lubayan?" galit kong singhal sa kanya. Lalo namang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Titigil? Nagpapatawa ka ba? Hindi ko maintindihan kung ano ang pinakain mo kay Lola. Bakit ba masyado siyang amaze na amaze sa iyo at dumating pa sa punto na pilit ka niyang ipinakasal sa akin?" muli niyang bigkas. Matalim ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata kasabay ng pagak kong pagtawa. Heto na naman kami! Sa dating issue pa rin ba? Hindi pa rin ba siya nakaka-moved on gayung sobra din naman siyang nag-enjoy sa katawan ko? "Bakit hindi siya ang tanungin mo? Wala na akong panahon pa na makipag-usap sa iyo Daniel. Kung ano man ang gagawin ko sa buhay ko, wala ka na doon!" bigkas ko at malakas na pumiksi. Kaagad niya naman akong nabitawan. "Sana ito na ang huling pagkakataon na magkita tayo. Sa susunod na magkasalubong pa tayong muli, huwag mo na akong pansin
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Kasalukuyan akong abala sa aking mga pinipirmahang mga papels nang napahinto ako dahil sa pabalagbag na pagbukas at sara ng pintuan ng opisina. Wala sa sariling napatayo ako at akmang sisitahin ko na sana kung sino man ang pangahas na bigla na lang pumasok nang hindi ko na nagawa pa dahil naunahan niya na ako. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng kamao niya sa pisngi ko na siyang dahilan kaya kaagad akong natumaba sa sahig. Kaagad akong napahawak sa ilong ko ng maramdaman ko ang isang mainit na likido na lumabas doon. "Walang hiya ka! Hayop talaga! Hayop iyang babae mo! Walang kwenta! Salot!" galit na bigkas sa akin ng half brother ko na si Arnold. Nakasuot pa siya ng doctor's coat habang kita ko sa kanyang mga mata ang galit. Akmang susugod sana ako sa kanya para makaganti sa pananapak niya sa akin pero napahinto din ako nang kaagad siyang nagsalita. "Ganiyan ka na ba kawalang -kwentang tao? Hiniwalayan mo na nga pagkatapos gusto mo pa siyang
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Kung kanina ako ang sinugod ng half brother kong si Arnold ako naman ang sumugod sa kanya ngayun. Halos sirain ko ang pintuan ng opisina niya! Malakas kong itinulak at kaagad na sinugod ang gulat na gulat na si Arnold! "Ano ang ginawa mo? Kailan pa pwedeng maging confidential ang record ng asawa ko?" galit kong singhal sa kanya at mahigpit ko siyang hinawakan sa kanyang kwelyo. "Ohhh! Napasugod ka Bro? Bigla mo bang na-realized ngayun kung gaano ka kasama sa ex-wife mo kaya nandito ka ngayun sa hospital ko?" nakangisi niyang sagot sa akin. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkasindak dahil sa galit ko. Mariin niyang hinawakan ang makabilaan kong kamay at halos pilipitin niya iyun matanggal lamang sa pagkakahawak sa kwelyo niya! "Hindi ako nakikipag-biruan sa iyo Arnold! Nasaan si Bianca? Nasaan ang asawa ko?" galit kong singhal sa kanya. Padaskol ko siyang binitawan at umatras ng ilang hakbang sa kanya! Napansin ko naman ang pagtaas ng su
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Hungkag ang pakiramdam na nahiga ako ng kama. Hangang ngayun hindi pa rin lubusang matangap sa sarili ko na wala na siya. Hindi na kami magkikita at malabo nang maging masaya ako dahil alam kong habang buhay akong uusigin ng aking konsensya dahil sa nangyari sa kanya. Nanatili ako sa loob ng kwarto ni Bianca hangang sa gumabi na. Tahimik akong nakahiga sa kama niya para sana damhin ang presensya niya! Ni hindi ko nga pinagkaabalahan na buksan ang ilaw. Hindi ko ininda kung gaano kadilim ang buong paligid. Gusto kong mag-isa! Gusto kong magmuni-muni. Ni hindi ako nakakaramdam ng gutom kahit oras na ng dinner. Dilat na dilat ang aking mga mata hangang sa muling sumikat ang araw. Kahit isang idlip lang hindi ko nagawa kaya noong may kumatok sa pintuan ng kwarto para akong bangag na tumayo at naglakad patungo doon para tingnan kung sino ang nasa labas. "Daniel...ano ba ang ginagawa mo? Alam mo bang buong gabi kaming sobrang nag-aalala?" kaagad na sal
BIANCA POV SEVEN YEARS LATER NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPOT TERMINAL 1 Suot ang Gucci Retro Tweed Mini Dress na pinarisan ko ng two inches high heels, parang model ang hakbang ko habang naglalakad palabas ng airport. Nakasunod ang tatlong bodyguards at dalawang Yaya ng kambal kong anak habang taas noo akong naglalakad. Hawak ko sa kanang kamay ko si Scarlett Pearl at sa kaliwanag kamay ko naman ay si Stephen Kyle. Ang kambal kong anak na muntik ng mawala sa akin seven years ago dahil sa kinasangkutan kong aksidente na kagagawan ng mga taong gusto akong mawala ng tuluyan dito sa mundo. Agaw pansin din kami sa ibang mga byahero. Alam kong lahat sila nakatingin sa gawi namin at kinikilala kong sino ako. Sabagay, sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kagaya ko. Simula noong namuhay ako sa Paris France talagang ginawa ko ang lahat para alagaan ko ang sarili ko. Lalo akong nagpaganda at minahal ko ang sarili ko. Dagdagan pa ng dalawa kong cute na anak na kahit sino sa mga
BIANCA POV "Kuya! Kaya naman halos inaraw-araw mo akong kulitin para pauwiin eh! May plano ka na pala diyan! Sabihin mo sa akin...ano ba ang balak mong gawin? Bakit bigla-bigla mo nalang talikuran ang posisyon mo at ipaako sa akin? Hindi ka ba natatakot na baka bumagsak ang kumpanya sa mga kamay ko?" seryoso kong wika sa kanya. Susubukan ko siyang takutin dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang negosyo na naiwan ng mga magulang namin pero mukhang walang epekto. Tinawanan niya lang ako. "Malaki ang tiwala ko sa iyo little sister! Alam kong mas magaling ka kumpara sa akin kung ang paghawak ng negosyo ang pag-uusapan. Tingnan mo nga...ilang taon ka pa lang nag-umpisang magtrabaho pero ang laki na ng naitulong mo sa kumpanya natin para mas lalong tumaas ang revenue taon-taon. Malaki ang tiwala ko sa iyo kaya panatag kong iiwan sa iyo ang pamamahala ng kumpanya natin. Huwag ang mag-alala.. nasa likod mo lang ako palagi. Hindi naman porket bibitawan ko ang posisyon na iyan, tuluyan
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya
SCARLETT POV"ITO ang magiging kwarto ko?" kaagad kong tanong kay Draku! Balik kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin kanina at nagulat na lang ako nang muli niya akong dinala sa kwarto kung saan ako natulog kanina! Kung hindi ako maaaring magkamali, ito din ang silid niya dahil sa loob ng walk in closet habang nag-iikot ako, may napapansin akong mga personal niyang mga gamit!"Ito lang ang pinakamalaki at pinaka-kumportableng kwarto sa bahay na ito! Don't worry, bihira lang naman akong umuuwi dito at kapag nandito naman ako pwede din naman akong magpahinga sa ibang silid kaya wala kang dapat na ikabahala!" nakangiti niyang sagot sa akin! Simula kanina, hindi ko na siya nakikitaan pa ng kagaspangan ng pag-uugali!Palagi na ding mahinahon ang tono ng kanyang pananalita na siyang labis kong ipinagpasalamat!"Pero, pwede naman ako sa ibang kwarto na lang! Bakit dito pa?" nagtataka kong bigkas!"Scarlett, hindi ka pa ba napapagod? I think, kailangan mo na munang magpahinga! Mamaya ng k
SCARLETT POV "ALAM kong sobrang naging unfair ako kay Anyana dahil idinamay ko siya sa galit ko sa Ina niya pero kahit na magsisisi pa ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari! Naiinitinhan ko kung galit man siya sa akin ngayun! Naiintindihan ko kung halos isumpa niya man ako ngayun! Kung umiiyak at nasasaktan man ako ngayun, siguro ito na ang karma ko!" muli kong bigkas! Napatitig ako sa labas ng sasakyan habang nag-uumpisa na naman akong maluha! Siguro, kailangan ko nang masanay! Siguro, kailangan ko nang tangapin sa aking sarili na palagi na akong iiyak! "Now, I understand! Don't worry, kakausapin ko si Anyana regarding this matter! Magiging maayos din ang lahat!" mahina niyang sambit! Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay pero mabilis ko ding hinila iyun! Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko sa kanya pagkatapos kong gawin iyun pero hindi ko na lang binigyang pansin pa! Wala naman kaming relasyon para hawak-hawakan niya ako sa aking kamay at i
SCARLETT POV HANGANG sa makasakay ako sa sasakan ni Draku, walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata! Sobrang nasasaktan talaga ako sa mga nangyari! Hindi ko akalain na kaya pala akong tiisin ni Daddy! Akala ko talaga hindi nila ako pababayaan at maiintindihan nila ako sa lahat ng mga desisyon na nais kong gawin sa buhay ko pero nagkakamali pala ako! Kaya niya pala akong itakwil dahil lang sa ayaw niya sa lalaking nakabuntis sa akin! "Are you okay?" sa patuloy na pagpatak ng luha sa aking mga mata, ang boses ni Draku ang umagaw sa aking attention! Katabi ko siya dito sa loob ng sasakyan at ngaun lang siya ulit nagsalita! "Sa palagay mo, mukha ba akong okay?" seryoso kong tanong pabalik sa kanya! Napansin kong saglit siyang natigilan habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha! "Nakita mo na ngang umiiyak ako, magtatanong ka pa!" naiinis kong muling bigkas kasabay ng pasimple kong pagpunas ng sarili kong luha gamit ang sarili kong kamay! "I know na hindi
SCARLETT POV '"DAD! NO! Huwag niyo po itong gawin sa akin! Please...huwag niyo naman akong pahirapan ngayun! Mahal ko kayo..mahal na mahal ko kayo pero paano ang mga anak ko? Ano ang mangyayari sa kanila kung lumaki silang wala ang ama nila sa tabi nila!" umiiyak kong bigkas! Nakikiusap ang mga matang tumitig ako kay Mommy dahil alam kong walang ibang makakatulong sa akin ngayun kundi siya lang! "Daniel! Ano ba? Hindi mo man lang ba kayang isaalang-alang ang galit mo? Buntis si Scarlett at sa kalagayan niya ngayun, bawal sa kanya ang sobrang ma-stress!' seryosong muling bigkas ni Mommy! Kaya lang, wala yatang balak na makinig si Daddy dahil muli nitong itinoon ang attention sa akin. "I am waiting Scarlett! Sino ang pipiliin mo...kami na mga magulang mo or ang lalaking iyan?" seryosong tanong niya! "Mr. Buenaventura! Please...not now! Masyadong masakit para kay Scarlett ang ginagawa niyong ito at posible---" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Draku nang malakas na tumawa si D
SCARLETT POV ''ANO ang ibig sabihin nito?" seryosong tanong ni Daddy sa akin! Napansin kong hindi niya tinangap ang pakikipagkamay ni Draku sa kanya! "Dad...si Draku po ang ama ng ipinagbubuntis ko!" direktahan kong sambit! Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay ni Daddy habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Draku! "Ano? SCARLETT!" mataas ang boses na bigkas ni Daddy kaya mabiis naman itong hinawakan ni Mommy sa braso! Napansin ko ang unti-unting pamumula ng mukha at tainga nito dahil sa tinitimping galit! Matalim ang mga matang tinititigan si Draku sabay iling "Lintik naman Atienza! Sa dinami-dami ng mga babaeng pwede mong buntisin anak ko pa talaga!" halos pasigaw na bigkas nito! Hindi ko naman mapigilan ang pagdagsa ang takot sa puso ko! Ngayun ko lang din kasi nakita si Daddy kung paano sobrang nagalit! Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nagulat na lang ako nang bigla niya na lang sapakin sa panga si Draku! Sa sobrang lakas noon, napaatras pa nga s
SCARLETT POV SA PAGTUTULOG-TULUGAN KO, hindi ko na nga namalayan pa na tuluyan na pala akong nakatulog! Medyo napasarap yata ang tulog ko dahil pagkatingin ko sa bintana na salamin ng kwarto...napansin kong medyo madilim na sa labas! Medyo madilim na din dito sa loob ng kwarto na tanging lampshade na lang ang nakasindi! "Good evening!" hindi ko pa nga mapigilan ang mapapitlag nang marinig ko ang seryosong boses na iyun! Si Draku, kakatayo niya lang mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa at naglakad palapit sa akin! "Anong oras na? Uwi na ako!" sagot ko sa kanya sabay hikab! Akmang bababa na sana ako mula sa kama pero maagap siyang inalalayan ako! "Sure...uuwi na tayo sa inyo! Kasama ako dahil kakausapin ko ang mga parents mo!" seryoso niyang bigkas! Sa gulat ko wala sa sariling napatitig ako sa kanya. "Sigurado ka na ba diyan? Anong rason mo? Bakit mo sila kakausapin?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Maraming reason! Malalaman mo mamaya!" seryoso niyang sagot sa akin. Tumang
SCARLETT POV "Dito ako matutulog?" seryoso kong tanong kay Draku habang inililibot ko ang tingin ko sa buong paligid! "Yes..dito na lang! Bakit, ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto ang kulay ng paligid?" seryosong tanong naman niya sa akin! Kaagad naman akong napailing. Sa totoo lang, wala namang problema para sa akin ang kulay ng buong paligid! Nag-aalala lang ako na baka ito iyung kwarto niya base na din sa mga nakikita ko! Very masculine kasi talaga ang datingan ng naturang silid eh! Mas hamak na malaki din ang kama kumpara sa pagkaraniwang kama at may sarili na ding mahabang sofa at center table! May nakita din akong malaking screen ng television sa kabilang bahagi! " Halika! Dito ka na sa kama! Don't worry, malinis itong kama at buong silid dahil regular itong nililinisan ng mga kasambahay!" muling bigkas niya! Alanganin lang akong napatango at nagpatianod na lang. "Ayos na ako dito! Pwede bang iwan mo na muna ako?" seryoso kong sagot sa kanya! Napansin kong natigilan siya h
SCARLETT POV ''UUWI NA AKO!" seryosong wika ko kay Draku habang pareho kaming nakaupo dito sa living room! Kanina niya pa sinasabi sa akin na pwede naman daw akong magpahinga sa isa sa mga kwarto sa bahay pero tudo tanggi ako! Wala naman talaga akong balak na mag stay dito sa bahay niya na kasama siya! Pinagbigyan ko lang naman siya kaya ako nandito! Wala na din naman kaming napag-uusapan masyado dahil pagkatapos namin kumain, basta niya na lang akong niyaya dito sa living room tapos wala na siyang ibang ginawa kundi ang titigan ang tiyan ko! "Pwede bang mamaya na? Gusto pa kitang makusap eh!" seryoso niyang sagot sa akin! Kaagad namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya! Gusto niya daw akong makausap eh wala naman siyang sinasabi kung ano ang nais niya! Ang gulo niya talaga! "Ano pa nga ba kasi ang gusto mong sabihin?Wala akong balak na makipagtitigan sa iyo habang buhay dito sa pamamahay mo ha..kaya tigilan mo ako Draku!" nakaingos kong sagot sa kanya! Isang malali