"You really look like your mother," bulong ni Mr. Albarenzo habang nakatitig sa akin.
Umawang ang mga labi ko. Hindi ako makagalaw. Tila ayaw tanggapin ng pagkatao ko ang nalaman.
Bunga ako ng isang pagkakamali. Bunga ako ng kasalanan. Bunga ako ng pagiging makasarili.
"B-Bakit ngayon lang kayo nagpakita? Ngayong wala na si Mama," marahan kong untag.
Nag-iwas siya ng tingin at humugot ng malalim na hininga. Ilang sandali siyang natulala bago nagsalita.
"Bigla na lang siyang nawala matapos kong malaman na buntis siya. God knows how devastated I was. I almost killed myself. Nawalan ako ng lakas. She was my life. She was my happiness," nanghina ang kaniyang boses sa dulo. Umiling siya at humugot ng hininga. "Hinanap ko siya. Hinanap ko kayo. Ni hindi ko alam na nandito lang siya. Tinago ka niya sa akin." Kitang-kita ko ang pighati at pagsisisi sakaniyang mga mata.
"I don't get it. Why did she need to hide you from me. Oh God, Carmela."
Hindi ko makapa ang mga tamang salita. Kung anong dapat sabihin. Kung ano ba ang dapat kong maging tugon.
"It's enough for me to finally meet you. This is more than enough. All I want now is for you to let me show my love as a father. We've lost so many years. We've lost so many memories." Ngumiti siya ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang luhang pumatak.
Ngumiti ako sa kabila ng bigat sa dibdib ko habang nakatanaw sakaniya. Marami siyang kinuwento tungkol sakanila ni Mama. Hanggang sa pagtulog ay laman ng isip ko ang lahat ng nangyari hanggang sa sumunod na araw.
Linggo ngayon at ayon kay Mr. Albarenzo, sasamahan ako ni Denver upang tignan ang condo na binili para sa akin. Syempre tinanggihan ko iyon dahil hindi ko naman kailangan ngunit hindi pumayag si Mr. Albarenzo. At naisip ko, hindi ko naman iyon hiningi kaya hindi dapat ako makaramdam ng guilt. Siya mismo ang nag-alok.
Soft pink, gray at puti ang kombinasyon ng condo. Pagbukas ng pintuan ay bubungad ang isang lounge area. Isang green small side table ang nasa harapan ng isang mahabang sofa. Malapad na TV ang nasa harapan nito. Sa dulo nito ay ang glass window na may nakalugay na coral curtains. Agaw-pansin ang mural sa likod ng kitchen island. At sa entryway naman, the wall, door and shelving unit are united in one matt coral finish.
Dito na ako nagpalipas ng gabi. Nauna na si Denver dahil may pinaasikaso sakaniya si Mr. Albarenzo.
May mga damit na sa closet para sa akin. Puno rin ang fridge. Kulang na lang ng taong titira.
"You look so pretty, hija," si Mr. Albarenzo.
Ngumiti ako at nagpasalamat. Isang navy blue na off shoulder dress ang aking suot. Isa ito sa mga binili niyang damit na nasa condo. Tinernuhan ko lang ng sandals at hinayaang nakalugay ang mahabang buhok.
Sa isang Italian restaurant kami nagpunta. Tradisyunal ang estilo ng lugar dahil sa mahogany at cherry paneled walls. A soft melody music conquered the whole place.
"May gaganapin na annual party ang Veruz in their mansion. I was thinking if you could come with me. I would like you to meet my associates," aniya.
Bahagyang namilog ang mga mata ko. Wala pa man ay gusto ko nang tumanggi.
Veruz? Ito ang pinakamalaking international corporation in charge sa multiple car at truck brands. They are manufacturing or assembling vehicles for markets.
"Kailangan po ba na kasama ako?"
Kasama ba ang pamilya niya? Mas lalong tumindi ang kaayawan ko sa pagsama!
Isang malaking kompanya ang Veruz. Kaya natitiyak ko na hindi basta-basta ang mga taong dadalo.
"Hija, please. I would like you to come with me. That's all. Hindi mo ba ako mapagbibigyan?" May bahid ng lungkot ang boses niya kaya hindi ko tuloy malaman kung ano bang dapat sabihin.
Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag. Ang alam ko lang, hindi ko siya magawang tanggihan. Pupunta lang naman, 'di ba? Kakain lang at hindi ko naman siguro kailangang makihalubilo buong magdamag sa mga panauhin doon na nasisiguro kong elegante at pormal dahil isang malaking kompanya ang VERUZ.
Isang matte red na gown ang ipinadala ni Mr. Alabarenzo na susuotin ko sa party sa darating na Sabado. Hapit ito sa aking baywang kaya kitang-kita ang nipis nito. Off shoulder ito at mas lalong tumingkad ang krema kong balat dahil sa kulay. Umaabot ito sa sahig. Hindi ko maiwasang mamangha. Napakasimple ngunit elegante. Tingin ko ay perpekto ito sa dadaluhin na kasiyahan. Mayroon pa itong kasamang isang pares ng perlas na hikaw at kwintas. Tinernuhan din ng dalawang pulgadang stilettos.
Habang pinapanood ang sarili sa salamin, nasa likod ko ang isang makeup artist na kinuha ni Mr. Albarenzo upang mag-ayos sa akin.
Sobrang gaan lang ng make up na ipinagawa ko sakaniya at halos hindi ginalaw ang mahaba kong buhok. Sinuklay niya lang ito at medyo kinulot sa dulo.
"Are you excited, hija? It is the most elegant party in the Philippines. Inaabangan ito ng media every year.
Dinadaluhan ng mga may malalaking pangalan sa business industry. Mga celebrities and other well known personalities." Habang nakikinig kay Mr. Albarenzo ay may mga imahe nang nabubuo sa isipan ko kung gaano kagarbo ang party na ito. Hindi na ako magtataka. May ari mismo ng Veruz ang nasa likod ng party kaya naman hindi na nakapagtatakang limpak-limpak na salapi ang gagastusin para sa isang gabi lamang na kasiyahan.
Ilang beses na rin akong nagpunta rito kasama ang mga kaklase at kaibigan tuwing may feeding program si Donya Herenia para sa mga less fortunate na bata. Malaki rin kasi ang ibinibigay na sahod ni Donya Herenia para sa isang gabi lang.
Halos alas siyete kami nakarating sa destinasyon. Isang napakatayog na pader ang bumungad sa amin. Napakahaba nito at hindi na natatanaw ng paningin ko kung hanggang saan ang dulo. Dalawang guard ang nasa gate at ipinakita ni Denver ang tingin ko'y invitation card. Tumulak kami papasok nang tumango ang isang guard. Mga puno at halaman ang nakapalibot sa malawak na berdeng damo. Mula dito ay tanaw ko ang isang napakagarbong mansiyon sa hindi kalayuan. Nagsusumigaw ng karangyaan at kapangyarihan. Halos limang minutong pagmamaneho bago makarating sa harapan ng malapad at ilang hakbang na hagdan ng mansiyon na nasa harap ng isang fountain. Mabilis na dinaluhan ng mga photographer ang aming sasakyan nang bumaba kami. Halos mapapikit ako sa liwanag na mula sa mga iyon.
Hindi ko tuloy malaman ang gagawin. Humawak ako sa braso ni Mr. Albarenzo habang panay ang click ng mga camera.
"Just smile, hija," pasimpleng bulong niya habang nililingon ang mga camera.
Natulala ako kung gaano karangya ang kasiyahan. Nagkalat ang mga round tables na may gold at itim na cover. Marami na ang mga bisita at kaniya-kaniyang tawanan sa mga kakilala. Iba't ibang kulay na mga magagarbong damit ang natatanaw ko. Napakalawak ng tanggapan ng mansiyon. Agaw-pansin ang dalawang engrandeng hagdanan na nagtatagpo sa dulo. Nababalot ng pulang tela ang kabuuan nito. Kumikinang ang gintong barandilya. Nag-uumapaw ang tradisyunal na disenyo ng mansiyon ngunit nahaluan din ng modernong disenyo.
"Doctor Albarenzo! So glad you're here! Who's this beautiful young lady?" Ngumiti ang isang matandang eleganteng babae. Kumikinang na itim na gown ang kaniyang suot. May champagne sa kaniyang kamay. Kasama niya ang isang batid ko'y kaniyang asawa. Malaki ang ngiti ng dalawa.
"Nice to see you, Mr. and Mrs. Gomez! This is my lovely daughter, Marwa.
She's seventeen." May pagmamalaki sa boses niya kaya hindi ko mapigilang ngimiti.
"Oh? Seventeen? Oh my god! So young but already stunning, huh?" Kita ko ang gulat sakaniyang mga mata. Pinasadahan ako ng tingin habang maarteng iniikot ang likido sa loob ng baso.
Matapos ang maikling kumustahan ay umalis din ang dalawa. Tila may hinahanap si Mr. Alabarenzo sa lupon ng mga taong ito. Wala akong magawa kundi ang sumama sa kung saan siya magpunta.
Puro papuri ang natatanggap ng isang matandang babae dahil sakaniyang magarbong kulay gold na long gown.
Si Donya Herenia Verulendez at ang asawa nito na si Don Verilio. Halos maputol ang paghinga ko sa paraan ng tingin nila o sadyang ganoon lang sila makatingin. Tila ba palihim kang hinuhusgahan. Luminga ako sa paligid upang makaiwas sa nakakaalarma nilang tingin.
"Richard!" Masiglang bati ng Donya nang mamataan si Mr. Alabarenzo. Lumipad ang tingin nito sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
"Herenia! How have you been? By the way, this is my daughter. Marwa." Marahang dumampi ang palad niya sa aking likod.
"I'm glad to meet you, hija. Hope you enjoy the party." Ngumiti sa akin si Georgia Verulendez, ang asawa ng anak ni Donya Herenia. Ang kaniyang silver night gown ay perpektong nakayakap sakaniyang manipis na katawan. Hindi ako makapaniwalang ganito pa rin kalutang ang kaniyang kagandahan sa kabila ng kaniyang edad.
Ang lalaki sa tabi nito ay ang kaniyang asawa na nanatiling tahimik. Si Hedrus Verulendez. He stood there silently screaming so much power. Hindi nalalayo ang edad nila ni Mr. Albarenzo. Kahit pinapalibutan ng mga tao ay masyado pa ring seryoso.
Tutok ang lahat nang magbigay ng talumpati ang Don, si Verilio Verulendez. Masigabong palakpakan ang naganap pagkatapos ng maikling talumpati. Ultimo paghinga lang yata nito ay papalakpakan ng mga tao.
Nasa isang mesa kami kasama ang dalawang matandang mag-asawa at ang lalaki at babaeng anak nila na mukhang kasing edad ko lang.
Sinisikap kong huwag ipakita ang nababagot kong istura. Idagdag mo pa ang napapadalas na tingin ng anak nilang lalaki. Sa titig pa lang nito ay alam mo nang may ibang iniisip. Hindi ko na lang siya tinitignan.
Wala sa sarili akong humikab at tila nakalimutan kong nasa isang magarbong party ako. Mukhang hindi naman nila napansin maliban sa lalaking ito. Nakita ko pa ang pagngiti niya at pag-iling. Kumunot ang noo ko.
Mas gugustuhin ko na lang na lumabas at magpahangin. Nang makahanap ng tiyempo ay bumulong ako kay Mr. Albarenzo.
"Sa labas lang po ako saglit."
Kumunot ang noo niya at tila napipilitang tumango.
"Okay. Just make it fast."
Tumango ako at mabilis na tumayo. Nag-excuse ako sa ibang kasama sa mesa at nagtuloy sa labas. Para akong nakawala sa kulungan nang makalanghap ng malamig at sariwang hangin sa madilim na gabi. Sa parteng ito ng mansiyon ay halos malayo na sa kasiyahan. Madilim at kitang-kita ko ang mga kumikislap na nagkalat na bituin at ang kalahating buwan. Tahimik din at tanging iilang kuliglig lang ang naririnig.
"Why do you want to be alone?" Marahang halakhak ang narinig ko.
Nilingon ko ang bulto ng katawan ng paparating. Hindi ko maaninag ang mukha niya ngunit nang makalapit ay tsaka ko natantong si Gray pala, ang kasama namin sa mesa kanina.
Umirap ako at alam kong hindi niya iyon nakita.
"Oo at gusto kong mapag-isa kaya pwede ba? Iwan mo 'ko rito." Hindi ko na maitago ang iritasyon.
"Bakit parang galit ka? Sungit, ah." Humalakhak siya. Humakbang siya palapit kaya napakurap ako. Mabilis akong umatras ngunit hinawakan niya ang braso ko at hinigit palapit. Ramdam ko ang katawan niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan ko siyang itulak ngunit sinangga niya iyon. Naramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg. Naamoy ko pa ang alak doon. Halos maestatwa ako nang pinatakan niya ng halik ang parteng iyon.
Nanlaki ang mga mata ko sakaniyang ginawa.
"Hmm. You smell like vanilla and fresh flowers," bulong niya.
Buong lakas ko siyang itinulak at napaatras siya dahil doon.
Lumayo ako ng ilang hakbang.
"Gago ka ba?" Tumaas ang tono ko dala ng matinding galit.
Marahas kong pinunasan ang leeg ko at matalim siyang tinignan.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo, ha?!" Nanggigigil kong pinunasan ang parte ng leeg kong hinalikan niya gamit ang panyo.
"Pwede bang iwan mo na 'ko rito, ha? Pwede ba iyon?" Maanghang kong sinabi.
"Alright! Jeez! Pa-hard to get! I'm pretty sure you're wet already." Humalakhak siya at walang kibong nilisan ang lugar.
Nalaglag ang panga ko. Anong sinabi niya?! Kung hindi ko lang nakalma ang sarili, tiyak ay hinabol ko na siya at sinampal!
Ilang minuto akong nagmuni muni at pakiramdam ko'y kahit magdamag ako rito ay hindi ako magsasawa. Sobrang gaan sa pakiramdam kahit pa na ilang halaman at ilang parte na lamang ng mansiyon ang nakikita ko dahil sa ilang ilaw. Tumingala ako at wala sa sariling napatingin sa isang balkonahe. Tinatamaan iyon ng liwanag mula sa buwan ngunit ang imahe ng isang lalaki roon ay hindi malinaw sa akin. Ngunit sigurado akong wala itong damit pang-itaas at may hawak ng kung ano at umiinom ito mula roon. Nakahilig ang kaniyang braso sa barandilya at hindi ako sigurado kung nakatingin ba siya sa banda ko o ano.
Nakita kong umayos siya ng tayo at agad na umalis sa pwesto. Iniwas ko na lamang ang mga mata ko roon. Hinawi ko ang aking buhok at humalukipkip. Ilang sandali akong tulala sa makintab na mga bituin nang may makapukaw sa aking atensiyon.
"A lover's quarrel?" Isang baritono at malamig na boses ang narinig ko.
Nilingon ko ang walang damit na lalaking sumulpot sa kung saan. Tanging ang kalahati lang ng mukha niya ang naliliwanagan. Humakbang siya ng ilang beses at doon lamang naging klaro ang mukha nito sa akin. Sumimsim siya sa dalang baso nang hindi pinuputol ang mainit na titig sa akin.
His towering frame loomed in front of me like a mountain, immovable and impassable. His tousled hair which glistened in the moonlight was thick and lustrous.
Ang kaniyang maong na pants ay perpektong yumayakap sakaniyang baywang. Walang kahit na anong pang-itaas, nakabalandra ang katawan sa aking harapan.
Umangat ang kilay niya at kinagat ang kaniyang labi.
Napakurap ako at nag-iwas ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa aking purse.
"Bakit ka narito? Hindi pa tapos ang party, 'di ba?" He said lazily before sipping from his wine glass.
Nag-iwas ako ng tingin sakaniya. Tinanaw ko ang kawalan. Sino ba ito at bakit mukhang nag-iisa sa taas, e, nagpa-party sa baba?
"Nagpapahangin lang," wala sa sarili kong sinabi.
"Boyfriend mo ba iyon at nag-away kayo sa kung anumang maliit na bagay na pinagtatalunan ng mga bata?"
Nilingon ko siya at ilang sandaling tumunganga sakaniya.
He tilted his head as if waiting for my answer.
"Hindi ko boyfriend iyon," medyo iritado kong sagot at nag-iwas ulit ng tingin.
"Then why did you let him kissed you? Sa leeg. Nagpapahalik ka ba sa kung sa kung sinu-sino?" He chuckled.
Sumulyap muli ako sakaniya.
"Hindi ako nagpahalik. Hinalikan niya ako. Hindi ko 'yon ginusto. Tinulak ko nga siya, 'di ba?" Umirap ako.
"Hmm?" Aniya at mukhang hindi interesado sa naging sagot ko.
"Tsaka bakit ka nasa taas? Hindi mo ba alam na may party?" Hindi ko na napigilang magtanong. Sino ba ito? Kamag-anak nina Donya Herenia? Pamangkin?
"The party is boring. I'd rather stay here. Alone." Sa sobrang hina ng kaniyang boses ay halos hindi ko na marinig.
Mapungay ang kaniyang mga mata at ilang sandali pa akong tinitigan bago inisang lagok ang natitira sa baso.
"Sir Hayes, kanina pa po ako kumakatok– ayy!"
Nakita ko ang isang unipormadeng kasambahay na lumabas mula sa malapit na pintuan. Nagkamot ito ng ulo.
"Pasensiya na po. Hello, Ma'am. Magandang gabi po," nahihiya nitong sinabi.
Nilingon ko ang lalaking ito na ngayo'y nakapamaywang at tamad na nakatingin sa kasambahay.
"I said I won't join. Aalis din ako mayamaya," mababa at malamig ang kaniyang boses.
Nilingon niya ulit ako bago tumalikod. Pumasok siya sa pintuan. Sumunod sakaniya ang kasambahay.
Kumunot ang noo ko habang sinusundan siya ng tingin.
"Wow! Gara ng cellphone, ah. Katas din ba ng sarap 'yan?" Humalakhak ang kaklase kong si Gwy. Nakisabay ang ilan ko pang mga kaklase. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang ideyang may matandang mayaman ako na nagsusuporta sa mga luho ko raw. Nakakatawa na nakakairita. Ang sarap lang bigwasan ng mukha niya kung hindi lang ako nagtitimpi. Palihim akong umirap habang nagtitipa ng text para sa driver na dapat na susundo sa akin. Ayoko nang magpasundo. Kahit kailan. Ayoko nang tsinitsismis ako ng mga kaklase ko at ilang mga estudyante rito sa eskwelahan. "Pigilan mo 'ko. Tatadyakan ko pagmumukha neto. Pigilan mo 'ko, Marwa." Hindi bumubuka ang bibig ni Sania, tila gigil na gigil. Umiling ako at hindi mapigilang matawa sakaniya. Paglabas ko ng classroom ay natanaw ko agad si Neal. Malapad ang ngiti niya nang makita ako. Binati siya ng ilang babaeng dumadaan. Nginitian niya lamang ang mga iyon at sinalubong ako at kinuha ang aking bag. Hindi na a
"Tama na po. Please…” Kumikirot ang puso ko at nahihirapan huminga. Pinipigilan ko ang paghikbi ngunit hindi ako nagtatagumpay. "Anak sa labas ang babaeng 'yan! She's nothing but a piece of trash! Wala kang lugar sa mundong 'to! Tandaan mo 'yan! Anak ka ng pokpok! Bastarda!" Pinapaulanan niya ako ng mga salitang kailanman ay hindi ko gugustuhing marinig. Sigurado akong pinagtitinginan na ako ng mga ilang taong dumadaan kahit hindi ko sila lingunin. Nanlalabo ang paningin ko habang isa-isa kong sinisikap pulutin ang mga walang muwang na damit. Walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang kagustuhang makawala sa sitwasyong ito. "What the hell are you doing, Minerva?!" Ang boses na iyon ay tila pag-asa sa akin. Naramdaman ko ang kamay sa aking braso. Sinikap kong makatayo. Naaninag ko ang nag-aalalang mukha ni Denver habang tinatanaw ako. "Anong ginagawa niyo? Ano ito, Minerva? Anong ginagawa niyo sa anak ko?" Tila kulog ang boses ni Mr. Albarenz
"I've heard a lot of stories about you, hija. Ikaw lang ang bukambibig ng anak ko sa tuwing nag-uusap kami through video call. Madalang lang kaming umuwi because we are so busy taking care of our business. Napakaraming inaasikaso. I can't wait for Neal to finish his studies so that he can manage our company para naman chill chill na lang kami ng Daddy niya." Nakangiti si Ma'am Lucy, ang ina ni Neal habang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara si Neal sakaniya. Pareho silang may palakaibigan na awra. Inimbitahan ako ni Neal na mag-dinner sakanila. Aniya ay minsan lang umuwi ang parents niya at gusto raw akong makilala ng mga ito kaya hindi na ako tumanggi pa. "Mabilis lang po ang panahon. Sigurado po akong mas palalawakin ni Neal ang negosyo ninyo." Sumulyap ako sa katabi at nahagip ko ang mayabang niyang ngisi. Tila ba tuwang-tuwa ito sa naririnig. "You heard that, Mom? Dad? Coming from my favorite person. So motivating." Hindi ko alam kung n
Bumalik ako sa labas at nadatnan ko silang nagtutupi pa rin ng mga table cloth. Sumulyap ako sa pintuan at nagkibit-balikat na lang sa nangyari. "Nasaan ang mga estudyanteng volunteer?" Sabi ng isang matandang kasambahay. Maiksi ang buhok at napansin kong iba ang kulay ng kaniyang uniporme sa ibang kasambahay. Tingin ko ay mas mataas ang posisyon niya sa mga ito. "Po? Bakit po?" Si Royd. Lima kaming lahat na magkakasama. Kaming dalawa lang ni Trixi ang magkakaklase. Sina Brix ay kaeskwela lang namin. Wala si Gwy. Dinig ko ay may sakit ito. "Magtipon kayo at may sasabihin ako sainyo. Ilan kayong lahat?" Untag ng kasambahay. "Lima po kaming lahat. Pito po kami dapat pero iyong dalawa po hindi nakapunta," si Trixi. "Ganoon ba? Gusto kong iparating sainyo na bawat Linggo na ang feeding program. Iyon ang bilin ni Donya Herenia. Hindi na katulad ng dati na isang beses lang sa isang buwan. Gusto ni Donya na ganoon ang mangyari. Kaya inaasahan
Pagkatapos kong asikasuhin ang dapat ay kumain ako ng hapunan. Nagbukas lang ako ng delata mula sa ilang naka-stock dito. Kung hindi ako pinagdadala ni Neal ng pagkain, siguradong ubos na ang mga stock dito. Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng aking pagkain. Kumunot ang noo ko sa hindi kilalang numero. "Hello?" "Marwa, si Tita Margaret mo ito. Kinakamusta lang kita." Bahagyang namilog ang mga mata ko. Medyo maingay sa kabilang linya. "Tita? Nasaan po kayo? Bakit ngayon lang po kayo tumawag? Hindi na po ba kayo babalik sa bahay natin?" Binitawan ko ang kutsara at tinuon ang atensiyon sa kausap. Ilang buwan na rin akong walang balita sa tiyahin kong ito. May parte sa akin na masaya dahil kahit papaano pala ay hindi niya nakakaligtaan na may pamangkin siyang naiwan dito. "Uhm, ka
"Hayes? Where are you going?" Untag ng isang babaeng naka-itim na fitted dress na aming nadaanan. Sumunod ang mga mata nito sa amin nang hindi siya sinagot o nilingon man lang ni Hayes. Lumipat sa akin ang tingin nito at kitang-kita ko ang pagtataka roon. Ang malaki at mainit niyang kamay ay sobrang rahan ng pagkakahawak sa akin. Kinagat ko ang labi ko. May mga munting nilalang na nagdidiwang sa loob ng tiyan ko. Para silang mga nagkakagulo... o nagkakasiyahan doon. Kung sinu-sino ang bumabati sakaniya. Ang ilan sa mga iyon ay tinatanguan niya ngunit karamihan ay hindi niya na nililingunan. Hindi ko alam kung hindi niya lang napansin ang mga iyon. "You're leaving already? Oh! May kasama ka?" Sambit ng isang lalaki at napahinto nang matanaw si Hayes. Dumako ang mata nito sa akin. Ngumuso siya, kitang-kita ko ang pagpipigil ng ngiti nito. Kumunot ang noo ko. "We need to go, Felix. Talk to you next time." Pag
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang ngayon lang pumapasok sa utak ko ang lahat ng kaganapan. Nagpalipas ako ng ilang minuto sa pintuan. Tinutok ko ang tainga ko sa pintuan na para bang maririnig ko kung ano ang nasa labas kahit pa na ang totoo ay hindi naman. Umalis na kaya siya? Malamang. Ano pa ba ang gagawin niya sa labas? Dapat ba na niyaya ko muna siyang pumasok kahit saglit lang bilang pasasalamat? Dapat ba ay niyaya ko man lang siyang magkape? Ngunit alam ko naman na hindi iyon ang tamang gawin kaya hindi ko na ginawa. Mabilis kong binuksan ang pintuan at dumungaw sa labas. Wala na akong naabutan doon. Tanging ang tahimik na pasilyo lang ang bumungad sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Ilang sandali akong tulala. Umalis na nga siya... Pumasok na lang ulit ako at nag-asikaso ng sarili. Sandamakmak na tawag at mensahe ang bumungad sa akin pagsapit ng umaga. Marami roon ay galing kina Sania. Halos sumab
Naging tahimik na naman ang biyahe namin. Sumusulyap ako sakaniya ngunit nanatili lamang nakatuon sa daan ang kaniyang atensiyon. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe nang pumasok ang sasakyan sa isang ekslusibong subdivision. Malawak at malinis ang daan. Namamangha ako sa bawat bahay na nadadaanan namin. Nagpapatalbugan ang mga iyon sa disenyo at laki. "Bakit tayo narito?" Untag ko. Ang alam ko ay magdi-dinner kami ni Mr. Albarenzo sa isang restaurant. Nilingon ko si Denver na para bang hindi narinig ang tanong ko. Nagkibit ako ng balikat at hinayaan siyang magmaneho. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na puting gate. Bumusina siya at bumukas iyon. Isang malawak na hardin ang bumungad sa akin. Kitang-kita ko ang puting mansiyong sa harapan. May ilang mga sasakyan ang nakaparada. "Nasaan tayo?" Tanong ko ulit kahit hindi sigurado kung sasagutin niya. "This is your father's house," aniya. "Dito kami magdi-dinner?" Binu