"Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.
Lumunok ako habang pinagmamasdan siya.
"Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay.
"Hmm?"
"When... when can I get a kiss?" I whispered softly.
Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya.
"H-Huh?"
Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.
Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya.
"I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina.
"Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.
I glanced at her. "No. It'
"You really look like your mother," bulong ni Mr. Albarenzo habang nakatitig sa akin. Umawang ang mga labi ko. Hindi ako makagalaw. Tila ayaw tanggapin ng pagkatao ko ang nalaman. Bunga ako ng isang pagkakamali. Bunga ako ng kasalanan. Bunga ako ng pagiging makasarili. "B-Bakit ngayon lang kayo nagpakita? Ngayong wala na si Mama," marahan kong untag. Nag-iwas siya ng tingin at humugot ng malalim na hininga. Ilang sandali siyang natulala bago nagsalita. "Bigla na lang siyang nawala matapos kong malaman na buntis siya. God knows how devastated I was. I almost killed myself. Nawalan ako ng lakas. She was my life. She was my happiness," nanghina ang kaniyang boses sa dulo. Umiling siya at humugot ng hininga. "Hinanap ko siya. Hinanap ko kayo. Ni hindi ko alam na nandito lang siya. Tinago ka niya sa akin." Kitang-kita ko ang pighati at pagsisisi sakaniyang mga mata.
"Wow! Gara ng cellphone, ah. Katas din ba ng sarap 'yan?" Humalakhak ang kaklase kong si Gwy. Nakisabay ang ilan ko pang mga kaklase. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang ideyang may matandang mayaman ako na nagsusuporta sa mga luho ko raw. Nakakatawa na nakakairita. Ang sarap lang bigwasan ng mukha niya kung hindi lang ako nagtitimpi. Palihim akong umirap habang nagtitipa ng text para sa driver na dapat na susundo sa akin. Ayoko nang magpasundo. Kahit kailan. Ayoko nang tsinitsismis ako ng mga kaklase ko at ilang mga estudyante rito sa eskwelahan. "Pigilan mo 'ko. Tatadyakan ko pagmumukha neto. Pigilan mo 'ko, Marwa." Hindi bumubuka ang bibig ni Sania, tila gigil na gigil. Umiling ako at hindi mapigilang matawa sakaniya. Paglabas ko ng classroom ay natanaw ko agad si Neal. Malapad ang ngiti niya nang makita ako. Binati siya ng ilang babaeng dumadaan. Nginitian niya lamang ang mga iyon at sinalubong ako at kinuha ang aking bag. Hindi na a
"Tama na po. Please…” Kumikirot ang puso ko at nahihirapan huminga. Pinipigilan ko ang paghikbi ngunit hindi ako nagtatagumpay. "Anak sa labas ang babaeng 'yan! She's nothing but a piece of trash! Wala kang lugar sa mundong 'to! Tandaan mo 'yan! Anak ka ng pokpok! Bastarda!" Pinapaulanan niya ako ng mga salitang kailanman ay hindi ko gugustuhing marinig. Sigurado akong pinagtitinginan na ako ng mga ilang taong dumadaan kahit hindi ko sila lingunin. Nanlalabo ang paningin ko habang isa-isa kong sinisikap pulutin ang mga walang muwang na damit. Walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang kagustuhang makawala sa sitwasyong ito. "What the hell are you doing, Minerva?!" Ang boses na iyon ay tila pag-asa sa akin. Naramdaman ko ang kamay sa aking braso. Sinikap kong makatayo. Naaninag ko ang nag-aalalang mukha ni Denver habang tinatanaw ako. "Anong ginagawa niyo? Ano ito, Minerva? Anong ginagawa niyo sa anak ko?" Tila kulog ang boses ni Mr. Albarenz
"I've heard a lot of stories about you, hija. Ikaw lang ang bukambibig ng anak ko sa tuwing nag-uusap kami through video call. Madalang lang kaming umuwi because we are so busy taking care of our business. Napakaraming inaasikaso. I can't wait for Neal to finish his studies so that he can manage our company para naman chill chill na lang kami ng Daddy niya." Nakangiti si Ma'am Lucy, ang ina ni Neal habang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara si Neal sakaniya. Pareho silang may palakaibigan na awra. Inimbitahan ako ni Neal na mag-dinner sakanila. Aniya ay minsan lang umuwi ang parents niya at gusto raw akong makilala ng mga ito kaya hindi na ako tumanggi pa. "Mabilis lang po ang panahon. Sigurado po akong mas palalawakin ni Neal ang negosyo ninyo." Sumulyap ako sa katabi at nahagip ko ang mayabang niyang ngisi. Tila ba tuwang-tuwa ito sa naririnig. "You heard that, Mom? Dad? Coming from my favorite person. So motivating." Hindi ko alam kung n
Bumalik ako sa labas at nadatnan ko silang nagtutupi pa rin ng mga table cloth. Sumulyap ako sa pintuan at nagkibit-balikat na lang sa nangyari. "Nasaan ang mga estudyanteng volunteer?" Sabi ng isang matandang kasambahay. Maiksi ang buhok at napansin kong iba ang kulay ng kaniyang uniporme sa ibang kasambahay. Tingin ko ay mas mataas ang posisyon niya sa mga ito. "Po? Bakit po?" Si Royd. Lima kaming lahat na magkakasama. Kaming dalawa lang ni Trixi ang magkakaklase. Sina Brix ay kaeskwela lang namin. Wala si Gwy. Dinig ko ay may sakit ito. "Magtipon kayo at may sasabihin ako sainyo. Ilan kayong lahat?" Untag ng kasambahay. "Lima po kaming lahat. Pito po kami dapat pero iyong dalawa po hindi nakapunta," si Trixi. "Ganoon ba? Gusto kong iparating sainyo na bawat Linggo na ang feeding program. Iyon ang bilin ni Donya Herenia. Hindi na katulad ng dati na isang beses lang sa isang buwan. Gusto ni Donya na ganoon ang mangyari. Kaya inaasahan
Pagkatapos kong asikasuhin ang dapat ay kumain ako ng hapunan. Nagbukas lang ako ng delata mula sa ilang naka-stock dito. Kung hindi ako pinagdadala ni Neal ng pagkain, siguradong ubos na ang mga stock dito. Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng aking pagkain. Kumunot ang noo ko sa hindi kilalang numero. "Hello?" "Marwa, si Tita Margaret mo ito. Kinakamusta lang kita." Bahagyang namilog ang mga mata ko. Medyo maingay sa kabilang linya. "Tita? Nasaan po kayo? Bakit ngayon lang po kayo tumawag? Hindi na po ba kayo babalik sa bahay natin?" Binitawan ko ang kutsara at tinuon ang atensiyon sa kausap. Ilang buwan na rin akong walang balita sa tiyahin kong ito. May parte sa akin na masaya dahil kahit papaano pala ay hindi niya nakakaligtaan na may pamangkin siyang naiwan dito. "Uhm, ka
"Hayes? Where are you going?" Untag ng isang babaeng naka-itim na fitted dress na aming nadaanan. Sumunod ang mga mata nito sa amin nang hindi siya sinagot o nilingon man lang ni Hayes. Lumipat sa akin ang tingin nito at kitang-kita ko ang pagtataka roon. Ang malaki at mainit niyang kamay ay sobrang rahan ng pagkakahawak sa akin. Kinagat ko ang labi ko. May mga munting nilalang na nagdidiwang sa loob ng tiyan ko. Para silang mga nagkakagulo... o nagkakasiyahan doon. Kung sinu-sino ang bumabati sakaniya. Ang ilan sa mga iyon ay tinatanguan niya ngunit karamihan ay hindi niya na nililingunan. Hindi ko alam kung hindi niya lang napansin ang mga iyon. "You're leaving already? Oh! May kasama ka?" Sambit ng isang lalaki at napahinto nang matanaw si Hayes. Dumako ang mata nito sa akin. Ngumuso siya, kitang-kita ko ang pagpipigil ng ngiti nito. Kumunot ang noo ko. "We need to go, Felix. Talk to you next time." Pag
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang ngayon lang pumapasok sa utak ko ang lahat ng kaganapan. Nagpalipas ako ng ilang minuto sa pintuan. Tinutok ko ang tainga ko sa pintuan na para bang maririnig ko kung ano ang nasa labas kahit pa na ang totoo ay hindi naman. Umalis na kaya siya? Malamang. Ano pa ba ang gagawin niya sa labas? Dapat ba na niyaya ko muna siyang pumasok kahit saglit lang bilang pasasalamat? Dapat ba ay niyaya ko man lang siyang magkape? Ngunit alam ko naman na hindi iyon ang tamang gawin kaya hindi ko na ginawa. Mabilis kong binuksan ang pintuan at dumungaw sa labas. Wala na akong naabutan doon. Tanging ang tahimik na pasilyo lang ang bumungad sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Ilang sandali akong tulala. Umalis na nga siya... Pumasok na lang ulit ako at nag-asikaso ng sarili. Sandamakmak na tawag at mensahe ang bumungad sa akin pagsapit ng umaga. Marami roon ay galing kina Sania. Halos sumab