Si Felicity Chavez— bente-otso anyos, at ulila na sa ama't ina ay napilitang magpakasal sa kanyang ka-blind na si Thorin Sebastian dahil sa tiyahin niya. Lagi kasi nitong isinusumbat ang pagkukop nito sa kan'ya at sa t'wina'y sinasabing kailangan na niyang mag-asawa nang sa gayon ay makaalis na siya sa poder nito. Kalaunan, natuklasan ni Felicity na ibang lalaki ang pinakasalan niya at hindi ang kanyang ka-blind date. Ayon sa kanyang tiyahin, nag-back out daw ang dapat sana ay ka-blind date niya ng araw na iyon. Huli na nang malaman ni Felicity ang bagay na iyon dahil nagpakasal na siya sa hindi isang estrangherong lalaki. Wala namang naging problema si Felicity nang magsama sila ni Thorin Sebastian dahil mukhang matino at may magandang trabaho sa isang malaking kompanya bilang Information Technology expert. Simple rin ang kanilang pamumuhay bilang mag-asawa kahit na may pagka-cold si Thorin at parang anak ng bilyonaryo kung magsalita at kumilos. Ngunit lingid sa kaalaman ni Felicity, na ang ang asawa niyang si Thorin Sebastian ay kilala rin bilang Thorin Evans, isang bilyonaryo at isa sa pinakamayamang pamilya sa Luzon. Itinago ni Thorin ang identity sa kanyang asawa dahil gusto niyang i-test kung anong klaseng babae ang pinakasalan niya. Ano kaya ang gagawin ni Felicity kapag nalaman niya ang totoong identity ng kanyang napangasawa? Magpasalamat kaya siya dahil sa wakas ay nakaahon na siya sa kumunoy ng kahirapan? O kamumuhian niya ito dahil sa pangloloko? May mamuo kayang pag-ibig sa dalawang taong may magkaibang personalidad at katayuan sa buhay?
View More“DONT worry, Char. If he's a scammer, he won't marry me. Alam kong mabait na tao si Mr. Thorin Sebastian at hindi n'ya ako niloloko...”Dahil sa mga narinig ang namula ang mga mata ni Charlotte. Naiiyak siya dahil ibig sabihin lang niyon ay aalis na rin ang pinsan niya sa bahay na iyon.“P-Pero sana man lang pinagplanuhan n'yo ang kasal ninyo, Ate Felicity. Isang beses lang sa buhay nating mga babae mangyayari ang kasal kaya sana pinaghandaan n'yo,” ani Charlotte.“Bakit pa paghahandaan ang kasal sa panahon ngayon? Ang importante sa mag-asawa ay may basbas. Isa pa, wala na akong parents at pareho lang kaming mga employado na kumikita ng sapat lang. 'Di na kailangan pa magsayang ng pera,” tugon naman ni Felicity.Masyadong sentimental ang kanyang pinsan kaya alam ni Felicity na sa oras na wala na siya sa bahay ay malulungkot ito. Nilapitan niya si Charlotte at niyakap habang marahang hinaplos-haplos ang likod.“'Wag kang malungkot. Bibisita naman ako rito pag may time ako,” nakangiting
MATAPOS marinig ang sinabi ng kanyang Tita Lucille ay biglang sumagi sa isipan ni Felicity na matapos niyang umiyak kaninang umaga, bitbit ang mga gamit ay dali-dali siyang nagpunta coffee shop kung saan sila magkikita ng ka-blind date.Pagpasok pa lang niya ng coffee shop ay kaagad niyang nabistahan ang lalaki na nakaupo sa table number 1. Lumapit si Felicity sa lalaki at nagpakilala, pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagtataka habang pinagmamasdan siya nito ng mula ulo hanggang paa.Naalala ni Felicity, na ayon sa kanyang tiyahin ay 30 years old na raw ang lalaki at dahil nasa desk lang ang trabaho nito kaya hindi ito magaling makipag-usap pagdating sa opposite sex. Dahil halos doon na raw ito tumira sa trabaho, kaya akala ni Felicity, pagbukas niya ng glass door ay isang lalaking napapanot na ang buhok aat mukha nang matanda ang kanyang makikita. Pero nang makalapit si Felicity at maupo sa tapat ng lalaki ay napagtanto niyang mali ang kanyang mga na-imagine patungkol dit
"THORIN, what's wrong with you?" tanong ng kanyang mommy na galit na galit bagaman napaka-elegante pa ring tingnan. "Nangako ka sa'kin na makikipag-blind date ka. But why did the Meyer Family's daughter say you didn't show up?" Mula sa pagbabasa ng magazine ay nag-angat ng tingin si Thorin sa kanyang mommy. His mom seemed really angry because she called him by his name. "Mom, it's Ms. Meyer's fault because she was ten minutes late. Alam mong ayaw na ayaw ko ng taong walang sense of time," pagdadahilan naman ni Thorin sa kanyang mommy."Siguro natagalan lang siya sa pag-aayos. Why don't you give him another chance? You two can make a good conversation," pagpupumilit pa ni Amelia sa kanyang anak."No, I already got a marriage certificate," sagot ni Thorin sa kanyang mommy na ikinatigil nito."What did you say? Ano'ng certificate na kinuha mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Amelia."With our family's current financial status, we don't have to follow an old-fashioned marriage, mom.
INABOT lang ng ten minutes ang proseso ng kanilang civil wedding. At marahil dahil napansin ng registrar officer na aloof sa isa't-isa si Thorin at Felicity, kaya paulit-ulit nitong ipinaalala ang kahalagahan ng pag-iisang dibdib.Sabay na nagpakuha ng litrato si Felicity at Thorin sa photo booth ng registrar's office dahil iyon ang magsisilbing wedding photo ng dalawa. Bagaman hindi komportable sa isa't-isa, walang nagawa ang mga ito kundi humarap sa camera at ngumiti.When the picture came out, one looked like a model with a cold and intimidating aura. While the other was just an ordinary woman with nothing special."'Di ka na natatakot na baka isa akong marriage scammer?" pagkuwan ay tanong ni Thorin sa kanyang "asawa." Papalabas na sila sa gusali ng Regional Trial Court at patungo na sa parking area."Wala ka namang mapapala sa'kin kung lolokohin mo ako. Wala naman akong pera," kaswal na sagot ni Felicity habang ipinapasok sa shoulder bag ang marriage certificate."Pag naka-timing
SUOT ang white dress at bitbit ang mga dokumento para sa pagpapakasal, emosyonal na nakatayo si Lalaine sa harap ng Regional Trial Court.“Napag-isipan mo na ba nang mabuti, Ms. Chavez? Once we both enter the courthouse, we will be legally married."Tumingin si Felicity sa estrangherong lalaki na kasama niya ng mga sandaling iyon. He stood straight, looking into her eyes and waiting for an answer.Inalis ni Felicity ang paningin sa katabing lalaki at pinagmasdan ang nakasarang wooden door habang nangingilid ang luha. Bakit pa siya magiging emosyonal? Iyon naman ang gusto niya 'di ba? Ang magpakasal sa ka-blind date para makaalis na sa poder ng kanyang tiyahin. Malinaw pa sa kukote niya ang panenermon ng kanyang tiyahin kaninang umaga bago siya umalis at makipagkita sa kanyang ka-blind date."Bente-otso anyos ka na pero hanggang ngayon nakatira ka pa rin sa poder ko? May asawa't anak na ang ate mo pero gan'yan ka pa rin? Hindi ka matalino no'ng nag-aaral ka pa, tapos hindi ka naman ka
SUOT ang white dress at bitbit ang mga dokumento para sa pagpapakasal, emosyonal na nakatayo si Lalaine sa harap ng Regional Trial Court.“Napag-isipan mo na ba nang mabuti, Ms. Chavez? Once we both enter the courthouse, we will be legally married."Tumingin si Felicity sa estrangherong lalaki na kasama niya ng mga sandaling iyon. He stood straight, looking into her eyes and waiting for an answer.Inalis ni Felicity ang paningin sa katabing lalaki at pinagmasdan ang nakasarang wooden door habang nangingilid ang luha. Bakit pa siya magiging emosyonal? Iyon naman ang gusto niya 'di ba? Ang magpakasal sa ka-blind date para makaalis na sa poder ng kanyang tiyahin. Malinaw pa sa kukote niya ang panenermon ng kanyang tiyahin kaninang umaga bago siya umalis at makipagkita sa kanyang ka-blind date."Bente-otso anyos ka na pero hanggang ngayon nakatira ka pa rin sa poder ko? May asawa't anak na ang ate mo pero gan'yan ka pa rin? Hindi ka matalino no'ng nag-aaral ka pa, tapos hindi ka naman ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments