Share

Chapter 3

"I've heard a lot of stories about you, hija. Ikaw lang ang bukambibig ng anak ko sa tuwing nag-uusap kami through video call. Madalang lang kaming umuwi because we are so busy taking care of our business. Napakaraming inaasikaso. I can't wait for Neal to finish his studies so that he can manage our company para naman chill chill na lang kami ng Daddy niya." Nakangiti si Ma'am Lucy, ang ina ni Neal habang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara si Neal sakaniya. Pareho silang may palakaibigan na awra.

Inimbitahan ako ni Neal na mag-dinner sakanila. Aniya ay minsan lang umuwi ang parents niya at gusto raw akong makilala ng mga ito kaya hindi na ako tumanggi pa.

"Mabilis lang po ang panahon. Sigurado po akong mas palalawakin ni Neal ang negosyo ninyo."

Sumulyap ako sa katabi at nahagip ko ang mayabang niyang ngisi. Tila ba tuwang-tuwa ito sa naririnig.

"You heard that, Mom? Dad? Coming from my favorite person. So motivating." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Neal sakaniyang sinabi ngunit hindi ko maiwasang matawa nang bahagya.

"What do you want to pursue in college, hija?" Untag ng ginoo matapos ang ilang sandali.

Nagsimula na kaming kumain at masasabi kong kahit papaano ay nagiging kumportable ako sa aming sitwasyon.

"I would like to take interior designing po. I'm also into painting."

"Oh? I love paintings!" Masigla ang tono ng ginang.

Napansin ko nga ang maraming paintings na nakasabit sa kanilang living room.

"I'm sure Richard will support you in your chosen career."

Hindi ko inasahan ang binanggit ng ginang. Alam nila na ama ko si Mr. Albarenzo? Paano? Si Neal kaya ang nagsabi? Ano kaya ang iniisip nila sa akin?

Hindi ko nagawang sumagot. Kinagat ko ang labi ko at ilang segundong nakahanap ng isasagot.

"Iyon lang po talaga ang gusto ko sa ngayon."

Ngumiti lamang ako at dinungaw ang plato.

"Sa ngayon? So you mean, magbabago ang gusto mo sa mga susunod na araw?"

Kunot ang noo ni Mrs. Lucy. Palagay ko tuloy may mali sa sinabi ko.

"Hindi ko po masasabi. Pero sa ngayon, iyon lang talaga."

"Sabagay. Ako nga noon gustung-gusto ko ang engineering but eventually, I ended up liking being a psychiatrist so I pursued it. Look at me now, looking good wearing my lab coat. I'm not wearing it now though obviously. But I do look good with it, trust me." Humalakhak siya.

Kung saan-saan napunta ang usapan. Masaya ako dahil kahit papaano, kumportable akong kausap sila at pinaparamdam nilang masaya sila na nandito ako.

"Prezila is on her way," sambit ng ginang.

"Sayang at wala si Clarus. Napaka-busy ng taong iyon. Kaya siguro hindi pa tayo mabigyan ng apo." Tumawa ang ginang.

Nag-usap ang asawa at paminsan-minsan kaming sinasali sa usapan. Wala naman akong maintindihan sa ibang pinag-uusapan kaya nanatili akong tahimik.

"Do you want profiterole?" Bulong ni Neal. Naglagay na siya ng pagkaing tinutukoy niya sa maliit na plato nang hindi hinihintay ang sagot ko.

"This is my favorite. Try it," aniya.

Ngumiti ako at tumango.

Ilang sandali lang nang may isang matangkad na babae ang bumungad sa amin. Gray checkered pants at itim na tube top ang suot. May puting tela siyang nakasabit sakaniyang kamay na tingin ko'y isang cardigan.

Nakangiti ito nang magtama ang tingin namin.

"Prezila! Why are you late?"

"I'm sorry, Mom. Traffic," anito na para bang sapat na dahilan na iyon. Hindi niya na dinugtungan pa. Humalik ito sa pisngi ng ina.

Umupo ito sa upuang nasa harapan ko, sa tabi ng kaniyang ina.

"This is Marwa. Your brother's dear friend. She's also into painting. Pareho kayo ng hobby. I'm pretty sure you two will build a strong bond with each other."

Sumayaw ang naka-ponytail nitong buhok nang tumango.

"Good to know. I'm very pleased to meet you. You are the daughter of Tito Richard, right? Nakasalubong ko siya nito lang umaga. He told me about you. He wants us to be friends when he found out that we both love painting." Ang boses niya ay malamyos at malambot. Idagdag mo pa ang magaan nitong ngiti. Tanging pulang lipstick lang ang nasa mukha ngunit lutang na lutang pa rin ang kagandahan. Ang kutis niya ay pang-modelo ang dating. Kumikinang ang morena niyang balat.

May bigla akong natanto. Tingin ko ay nakita ko na siya sa kung saan.

"Mahilig talaga akong magpinta. Kadalasan ay mga babae ang subject ko." Tipid akong ngumiti.

Habang patagal nang patagal ko siyang tinitignan, mas lalo akong namamangha. Ang bawat kilos niya ay pulido at magaan. Ultimo ang paghawak niya sa kubyertos ay hinahangaan ko.

"I would like to see some of your works. I can say that you are very passionate. I might fall inlove with some of it at baka maisali ko pa sa exhibit ko. In that way, you can earn from it," aniya bago isubo ang maliit na hiwa ng steak.

Hindi ko alam kung seryoso ba ito sa sinabi. Kung seryoso lang ito ay bakit hindi ako papayag, 'di ba?

"Naku. Hindi naman ako propesyunal para maisali sa ganiyan. At isa pa, kulang pa ang kaalaman ko pagdating sa pagpipinta," tanging naisagot ko.

"I don't think so. Just let me see your paintings. I can feel na may magugustuhan ako sa mga iyon. I don't know. It's kinda weird actually." Bahagya siyang natawa.

Nagpatuloy ang usapan. Hindi ako makapaniwalang kahit papaano ay nakaramdam ako ng kapayapaan sa mesang ito. Siguro ay dahil na rin nakita ko sakanila kung paano magkaroon ng isang masaya at halos perpektong pamilya na kailanma'y hindi ko naranasan.

"She's already happily married. Dalawang taon na rin. Ang saya ko nga. Wala na siya sa bahay." Tumawa si Neal. Ngumiti ako.

Naitanong ko sakaniya ang kaniyang kapatid habang nasa kotse kami pauwi sa condo. Mayroon pang ipinadala si Mrs. Lucy sa akin. Naka-paper bag ng isang sikat at nasisiguro kong mahal na brand. Tatanggihan ko sana dahil nahihiya akong tumanggap ng kung ano galing sakanila ngunit hindi pumayag si Mrs. Lucy na hindi ko iyon tanggapin.

Dalawang linggo matapos ang feeding program sa mansiyon ng mga Verulendez nang mabalitaan ko na mayroon na naman daw ngayong linggo. Bakit ang bilis naman? Sa susunod na buwan pa lang dapat.

"Malay ko. Tanungin mo si Donya Herenia. Hindi na siguro alam ang gagawin sa mga bilyones nila kaya dinadalasan ang pagpapakain. Basta ako, magvo-volunteer ulit. Sayang iyong tatlong libo, ah. Masyadong malaki iyon para sa isang araw lang. Sumama ka rin!" ani Trixi nang magtanong ako sakaniya. Kaklase ko siya at mabait naman sa akin kahit papaano. Hindi katulad nina Gwy.

Tama si Trixi. Malaking tulong ang tatlong libo. Ayokong umaasa na lang kay Mr. Albarenzo. Gusto ko ring maka-ipon mula sa sarili kong pera.

Sama-sama kami nina Trixi papunta sa mansiyon. Alas dos pa lang ay narito na kami upang maghanda sa lahat ng kailangan. Sa totoo lang ay wala naman talagang masyadong ginagawa dahil marami naman silang tauhan. Kailangan lang nila ng bantay para sa mga bata at para sa ibang gagawin. Lahat kami ay mga senior high school. Iyon daw kasi ang gusto ni Donya Herenia. Estudyante at iyong gustong magtrabaho upang kumita.

"Kung ako lang ang mayaman, ganito rin ang gagawin ko. Bilib talaga ako sa pamilyang 'to. Gusto kong mapabilang sakanila. Sana all Verulendez," ani Trixi habang kumakain kami. Kakatapos lang ng mga games para sa mga bata. Lima kami sa bilugang lamesa kasama ang tatlong kaeskwela.

"Ako rin. Pero sopas lang ang papakain ko, 'no," ani Royd.

"Tanga! Ano ka nasa lamay? Champorado na lang," hirit naman ni Brix.

"Sana araw-araw 'to. Daming pagkain, e. Para tayong nasa buffet. Nakatipid tayo ng 300," ang isang kaklase.

"Sana may samgy, 'no! Hindi kayo nag-request kay Donya Herenia. Tinatanong niya tayo noon, e."

"Kapal talaga ng mukha neto. Ayun si Donya Herenia, ikaw magsabi."

Natatawa na lang ang mga kasamahan ko sa naririnig, maging ako man ay natatawa na lang din. Natahimik ang mesa nang matanaw namin ang donya na papalapit.

"Kumusta kayo rito? Gusto kong mag-enjoy din kayo. Huwag niyong isipin na trabaho 'to. Have fun," ngiti niya. Kahit nasa bahay lang ay may perlas siya sakaniyang leeg.

"Opo, Donya. Wala po kaming masabi. Sobrang sarap ng mga pagkain. Sana everyday." Palihim na siniko ni Brix si Royd.

Ngumiti ang Donya. Tinignan niya kami isa-isa at natigil ang mata niya sa akin.

"You're the daughter of Richard Albarenzo," deklara niya at ngumiti.

Nagulat ako. Naalala niya pala ako. Nginitian ko lang siya at tumango.

"Ako nga po."

Nakangiti niyang inilibot ang mga mata sa aming lamesa.

"Inaasahan ko kayo sa mga susunod pang programa," aniya bago kami nilisan.

"Gago. Huwag mong ginaganon si Donya. Hindi iyon jologs tulad mo," singhal ni Brix kay Royd.

"Inano ko ba?"

Ilang sandali pa bago kami matapos kumain. Patapos na rin ang feeding program mayamaya lang. Ipinamimigay na lang ang mga loot bags at ilang regalo sa mga bata. Alas singko na ng hapon at kulay kahel na ang kalangitan.

Napapasulyap ako sa malaking pintuan ng mansiyon habang nagtatanggal ng mga table cloth.

Narito kaya siya?

"Excuse me, ineng. Pinapatawag ka sa loob." Sumulyap ako sa isang unipormadong kasambahay na biglang sumulpot sa tabi ko.

"Po?" Kumunot ang noo ko.

"Pwede po bang sumama? Gusto kong makita yung loob," masiglang saad ni Trixi.

"Uh, siya lang kasi ang pinapatawag, e."

Ngumuso si Trixi at nagkibit-balikat na lamang.

"Bakit daw po? Sino pong nagpatawag sa akin?"

"Sa loob. Sa may dining area. Halika, samahan kita," aniya at agad akong tinalikuran, hindi sinagot ang tanong ko.

Siniko ako ni Trixi.

"Sana all pinapatawag," hagikgik niya.

Mabilis kong tinapos ang hawak kong table cloth at sumunod sa kasambahay. Bakit kaya ako pinapatawag? At bakit ako lang? Bigla tuloy akong kinabahan. Si Donya Herenia panigurado ang nag-utos. May ginawa ba ako na hindi niya nagustuhan?

Sumunod ako hanggang sa dining area. Pagpasok pa lang ay natanaw ko agad ang lalaking nakaupo habang kumakain. Siya lang mag-isa.

Kumunot ang noo ko.

"Sir Hayes, nariyan na po." Yumuko ang kasambahay bago lumisan.

At ako naman ay parang estatwa sa gilid habang tinatanaw siya. Binaba niya ang kubyertos habang sinasalubong ang tingin ko. Nag-iwas siya ng tingin at uminom sa baso.

Siya ang nag-utos? Bakit niya ako pinatawag? Anong kailangan niya?

Lumala ang pagtibok ng puso ko dahil sa katahimikan. Hindi ko magawang magtanong. Pakiramdam ko wala akong karapatang magsalita kahit pa na gustong-gusto kong malaman kung bakit niya ako pinatawag.

Mukhang wala naman siyang pakialam. Kumakain lang siya roon at habang ako, nakatayo, pinapanood ang bawat galaw niya. Nagkunwari akong abala sa pagtingin sa ibang bagay.

"Patapos na ba ang ginagawa niyo?" Iyon ang nagpabalik ng tingin ko sakaniya. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagsak ang mga mata niya sa plato habang patuloy sa paghiwa ng palagay ko ay salmon.

"Uhm, opo." Kinagat ko ang labi ko.

Ilang sandali pa siyang nanahimik. Binatawan niya ang kubyertos at mabilis na tumayo. Nilapag niya sa lababo ang mga ginamit. Hindi ko na masundan dahil mabilis ang mga galaw niya. Agad siyang naglakad palabas ng dining room.

Sinundan ko siya ng tingin.

"Bumalik ka na roon," aniya nang malagpasan ako. Ni hindi ako tinignan.

Umawang ang mga labi ko.

Diretso ang lakad niya habang ako naman ay naiwang tulala at nagtataka.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status