"Tumatanda na ang magulang mo, Zanila. Wala ka pa rin bang balak na asikasuhin ang ospital ng ama mo?" Ani Mrs. Dranela.
Seryoso itong nakatingin kay Zanila. Marahang pinunasan ni Zanila ang kaniyang bibig gamit ang tissue bago sumagot.
"I love modeling, Tita. But of course, I know my responsibilities as the only heiress. Kailangan ko pa ng sapat na panahon para mapaghandaan ang pagpapatakbo ng ospital," ani Zanila sa dalisay na boses.
"Why don't you exert your time and effort in learning how to manage the hospital instead na nagsasayang ka ng panahon sa pagmomodelo," opinyon ni Mrs. Filomena sa usapan.
"I don't think you can call modeling as a waste of time, Tita Fina. It's my passion. Just like how passionated you are when it comes to solving cases as an attorney." Ngumiti si Zanila.
"Not exactly a waste of time, hija. Ang gusto ko lang iparating ay dapat sa ganiyang edad mo ay itinutuon mo na ang sarili mo sa ospital. Hindi naman pu-pwedeng rumampa ka sa hallway ng ospital ninyo nang naka-lingerie." Tipid na tumawa si Mrs. Dranela.
Nilingon ko si Minerva na ngayo'y masama na ang timpla ng mukha.
"Hindi ko pine-pressure si Zanila sa pagma-manage ng ospital. She can focus on modeling for the mean time. She's still young. Huwag niyo rin sana siyang madaliin sa ganiyang bagay," kunot-noong sinabi ni Minerva.
"Modeling is not something that you can consider as a profession. Yes. Kilala siya ng maraming bansa. Pero hanggang doon na lang ba iyon? Modeling is not even a talent. Basta matangkad at maganda ang katawan, pasok ka. Iba pa rin ang propesyon na pinaghihirapan," dagdag pa ni Mrs. Dranela.
Kitang-kita ko kung gaano nag-iba ang ekspresyon ni Zanila. Nag-iwas siya ng tingin at napakurap-kurap.
"Marwa also needs to learn the way on how to manage the hospital successfully. Bilang anak ni Richard, kailangan din niyang mag-alay ng oras sa ospital, when the time comes," ani Mr. Fred.
Nagulantang ako sa narinig. Hindi ko iyon inaasahan.
"Anong alam niyan sa pamamalakad ng negosyo?" Hindi maitatago ang pang-iinsulto sa boses ni Minerva.
Nag-angat ako ng tingin sakaniya at natanaw ang kaniyang natatawang mukha. Umangat ang kilay niya nang salubungin ang tingin ko.
"Anong alam mo sa ganoon?" Umirap siya, natatawa pa rin.
Kinagat ko ang labi ko at hindi na nagsalita. Totoo naman na wala akong alam sa ganoong bagay. Hindi ko rin naman pinapangarap na manduhan ko ang ospital nila.
"Kaya nga mag-aaral siya para roon," dugtong ni Mr. Fred.
"Oh, please, Fred. Walang alam ang batang 'yan sa negosyo. Hindi dapat ipinagkakatiwala ang ganito kalaking bagay sa mga taong walang alam."
Nanatili akong tahimik. Hindi na ako nangahas pa na sumagot sa usapan. Hindi pa ba tapos ito? Gustung-gusto ko nang makawala sa mesang ito nang matakasan na ang harap-harapang pang-iinsulto sa akin ni Minerva.
Tahimik akong bumuntong-hininga at nagdasal na sana'y bumilis ang oras.
"Baka sa Germany kami magpalipas ng Pasko. Nakabili ng bahay doon si Richard kaya naman gusto namin iyon bisitahin," si Minerva matapos ang ilang minutong pananahimik.
Tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin ay palagi siyang pairap na nag-iiwas ng tingin. Hindi ko lang makuha ay kung bakit pabalik-balik ang tingin niya sa akin kung ganito rin naman siya maka-irap. Edi huwag niya akong tignan!
"Really? Kailan pa? Bakit hindi ko ito alam, Kuya? Magkano naman ang bahay na iyon?" Untag ni Mrs. Dranela.
"Seryoso ka ba sa tanong mo, Dranela? Of course! It costs a fortune. Hindi mo na dapat tinatanong pa." Minerva laughed sarcastically.
"No. What I mean is bakit pa binili? Doon na ba kayo maninirahan at kailangan niyo pang bilhin iyon? Kuya? You could stay in a hotel. Pagkatapos ng Pasko, anong mangyayari? Iiwan niyo ang bahay?"
"Dranela, my gosh!" Tumawa si Minerva. "Hindi mo naman pera ang ipinambili. Ganiyan talaga ang reaksiyon mo? My goodness." u
Umiling siya, natatawa pa rin. "Don't worry. You could visit our new home there. Hindi ko naman iyon ipagdadamot.""Naglulustay kayo ng pera sa walang katuturang bagay."
"What? Kinukwestiyon mo ang pagbili ng bahay ng kuya mo? Pera namin iyon. Besides, it's an asset. Hindi ka dapat nag-iinarte nang ganito, Dranela. Hindi ka namin pinapakialaman sa pagbili mo ng mga designer bags." Umiling si Minerva.
Kitang-kita ko ang namuong iritasyon sa mukha ni Mrs. Dranela. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko makuha ang punto ng kanilang pinag-uusapan.
Nilingon ko si Mr. Albarenzo. Kumunot ang noo niya.
"Noong nakaraang buwan ko pa lang nabili iyon. Binili ko iyon nang sa ganoon ay may matutuluyan si Marwa dahil sa Germany ko siya balak dalhin sa oras na tumuntong siya ng kolehiyo. Malapit na iyon."
Namilog ang mga mata ko. Hindi ko alam ang tungkol doon! Ni hindi ko pa naiisip kung saan ako magkokolehiyo dahil iyon ang lagi niyang tanong sa akin.
Bumaling ako sa mga taong naroon dahil sa gulat. Kitang-kita ko ang gulantang sa mukha ni Minerva. Hindi ko alam na may ganito siyang balak para sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat maramdaman. Ayaw kong maging masaya dahil alam kong salungat iyon sa nakikita ko ngayon kay Minerva na may namumuong pagkadismaya at galit.
"Pero pu-pwede rin naman na doon tayo mag-Pasko. Hindi ko alam na may ganoon kang plano, Minerva." Uminom si Mr. Albrenzo sakaniyang juice.
"At hindi ko rin alam na ganoon ang plano mo, Richard! Bakit sa Germany mo pa dadalhin 'yang babaeng 'yan? You could send her to a university here in the Philippines! Hindi na kailangan pang dalhin sa Germany!"
Bumagsak ang tingin ko sa aking plato. Sobrang kaunti pa lang ng nakain ko. At ngayon, tuluyan na akong mas nawalan ng gana. Nahihiya ako sa mga taong narito. Mula kanina ay pang-iinsulto lang ang naririnig ko kay Minerva.
"Bakit hindi? Zanila studied there. Gusto ko na ganoon din si Marwa. She's also my daughter. She deserves it."
Hindi makapaniwalang umiling si Minerva habang natatawa. Bumaling siya sa akin at kulang na lang ay humandusay ako sa matalim niyang tingin. Uminom siya sakaniyang wine, tila kinakalma ang sarili. Naghintay akong magsalita si Minerva ngunit inabala na lamang niya ang sarili sa pagkain. Dumako sa ibang usapan ang mga nakatatanda.
"How old are you, Marwa?"
Halos manlaki ang mga mata ko nang may kumausap sa akin. Nakangiti sa akin si Mr. Wesley.
"Eighteen po," sagot ko sa maliit na tinig.
"Oh? You look so beautiful, hija. Magkamukha kayo ni Zanila." Tumawa siya.
Nanginig ang labi ko nang sinubukan kong ngumiti. Hindi ko alam kung maganda ba ang nasabi niyang opinyon. May parte sa akin na hindi kumportable sakaniyang sinabi. Lalo pa nang marinig ko ang matapang na boses ni Minerva.
"Isang malaking kalokohan, Wesley. I can't believe you said that. Masyadong malayo ang itsura nila sa isa't isa. Zanila is a goddess! At ang babaeng iyan, isa lamang hamak na b****a. Manang-mana sa nanay niyang pokpok at oportunista," mariin niyang pagsalungat.
Hindi ako nakapagsalita. Tila namanhid ang pagkatao ko sa narinig na panghuhusga. Hindi ko alam kung paano ko nagawang salubungin ang tingin niya na punung-puno ng pangmamaliit at galit.
"Minerva!" Tila kulog ang boses ni Mr. Albarenzo. Lalong tumindi ang kaba ko.
Tama ako. Hindi magandang ideya na narito ako, kasama ang pamilya niya. Hindi naman talaga ako dapat na narito. Bastarda at walang lugar sa buhay ng mga taong narito. Hindi nila ako dapat na ituring na pamilya.
Bagsak lang ang tingin ko sa aking plato. Hindi na ako nangahas pang mag-angat ng tingin. Baka hindi ko na makontrol pa, mabastos ko siya sa harapan ng mga taong narito.
"Minerva, dahan-dahan sa pananalita." Nilingon ko si Mrs. Grela. Nababasa ko sa mukha niya ang pag-aalala nang nilingon ako.
I swallowed hard. I couldn't think properly after what I heard. It was hurtful, yet true. Naiintindihan ko. Pinipilit kong intindihin ang nararamdaman ni Minerva dahil anak ako sa labas ng asawa niya. Kahit sino pa man ang nasa sitwasyon niya, alam ko na hindi magiging maganda ang pakikitungo nito sa akin.
"Hindi ko alam kung bakit mo pinipilit na dalhin 'yan dito, Richard. Hindi ko talaga maatim ang pagmumukha niya. Kamukhang-kamukha siya ng pokpok niyang ina."
Tila nanginig ang mundo ko matapos marinig iyon. Bumilis ang paghinga ko at para akong tumakbo ng milya-milya. Ang marinig na paratangan niya ng ganoon ang nanay ko ay isang malaking insulto para sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at kinalma ang sarili. Sa sobrang haba na ng binigay kong pasensiya, pakiramdam ko ay hindi ko na yayanin pa kung insultuhin niya pa ako. Sinusubukan kong huwag magsalita at manahimik sa mga sinasabi niya bilang respeto sakaniya at sa mga taong narito. Ngunit kung patuloy siyang magiging ganito, hindi ko alam kung kaya ko pang lunukin ang lahat ng sinasabi niya.
"Manahimik ka na, Minerva. Hindi ko hahayaang bastusin mo siya nang ganiyan sa harapan ko mismo. Hindi ba't napag-usapan na natin ito? Can you please, atleast be civil to my daughter? Hindi ka na nahiya," mariing tugon ni Mr. Albarenzo na kaagad kong inilingan.
"A-Ayos lang po." My voice quivered. "N-Naiintindihan ko po. Ayos lang po talaga." Patuloy ako sa pag-iling.
"I think you should leave now."
Nilingon ko si Zanila. Blanko ang mukha nitong nakatingin sa akin.
"Sorry. I think it's the right thing to do. Tapos na rin naman ang dinner. You can go now," diretsahang sambit niya.
"That's exactly what I want her to do! Ihatid mo na 'yang bastarda mo, Richard. At huwag na huwag mo nang dadalhin pa iyan dito."
Kinukurot ang puso ko.
Tumayo ako, hndi na nagdalawang-isip pa sa gustong gawin. Mabilis kong kinuha ang aking bag at humingi ng tawad bago sila nilisan.
Hindi ko na nilingon pa si Mr. Albarenzo nang tawagin niya ako. Narinig ko pa ang huling sinabi ni Minerva.
"Sige! Habulin mo 'yang lintik mong bastarda, Richard!"
Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sa gabing iyon. Gaya ng inaasahan ko, hindi nga maganda ang naging resulta. Tuwing naaalala ko iyon, parang gusto kong bumalik sa oras na iyon at tuluyan na lang umatras. Hindi ko namalayang nakatitig na ako kay Sania. Wala pa ang professor sa hinihintay na huling subject.
"Gandang-ganda lang sa'kin, 'te?" Humalakhak siya.
Napakurap ako at natawa nang bahagya. Binagsak ko ang tingin sa aking notebook.
"Hindi ka nagpunta sa feeding program noong Linggo. Hinatid kami ulit ni Sir Hayes. Palaging bago 'yong sasakyan niya, 'no? Hindi man yata nagtatagal ng isang buwan."
Sa sobrang lubog ng isipan ko dahil sa nangyari, nawalan ako ng ganang mag-part time sa feeding program. Nanghinayang ako sa tatlong libo ngunit wala na rin naman akong magagawa. Hindi na iyon mauulit pa. Iyon na ang huli kong hindi pagpunta.
"Tapos alam mo ba..." she trailed off.
Nag-angat ako ng tingin kay Sania.
Nakakunot ang kaniyang noo habang tinatanaw ako. Nanliit ang mga mata niya.
"Noong ako na iyong huling hinatid, hinahanap ka niya. Sabi ko, pagod ka lang. 'Yon sinabi mo sa'kin, e."
Nagtagal ang tingin ko kay Sania.
Nagtanong siya? Bakit naman niya ako hahanapin?
Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pagbabasa sa notebook.
"O tapos?" Kunwari ay hindi ako interesado.
"Anong tapos? Hinahanap ka niya, Marwa! Bakit ka niya hahanapin? Close kayo?"
Bumaling ako sakaniya.
"Nagtanong lang iyong tao, Sania. Walang ibig sabihin iyon."
"Sa akin mayroon! Type ka yata, e! Gaga ka. Anong ginawa mo sakaniya, ah?" Humalakhak siya.
Umiling ako at hindi na sumagot. Hindi maganda ang nakakaloko niyang ngiti sa akin. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi niya ako tinantanan.
"Tingin ko talaga type ka ni Sir Hayes. Ang weird naman kung hahanapin ka niya nang walang dahilan. Tingin mo?" Aniya habang palabas kami ng eskwelahan.
Nauna na sina Trixi dahil mayroon pa raw kailangang gawin sa bahay. Birthday ng kuya niya.
"Ikaw lang ang nag-iisip niyan, Sania. Huwag mo na ngang palakihin pa iyon." Tamad akong napairap.
"Sus! Bruhang 'to! Sige na. Sasakay na ko sa trayk! Mag-iingat ka pauwi. Bibisita kami sa condo mo sa susunod na linggo."
Kumaway ako sa papalayong tricycle na sinakyan ni Sania. Hindi gaya nila, kailangan ko pang sumakay ng jeep papuntang condo. Diretso na sa bahay nila ang tricycle niyon. Tricycle lang din ang sinasakyan ko pauwi noong kay Tita Margaret pa ako nakatira.
Hindi na ako nagpapasundo pa sa driver ni Mr. Albarenzo. Noong una ay nagpumilit pa siya ngunit sinabi ko na ayos lang kung mag-commute lang ako. Sanay naman ako sa ganoon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo sa eskwelahan nang may isang itim na sasakyan ang huminto sa gilid ko. Kumunot ang noo ko.
Hindi ko na iyon pinansin pa at naglakad ulit.
Nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang pagbagsak ng pintuan ng sasakyan.
"Hey! Marwa..."
Napatigil ako at mabilis na tumingin sa likuran. Natulala ako nang matanaw si Hayes. Sa tindig niya ay para sa akin hindi siya bagay sa kalsadang ito. Nakakulay abong longsleeves na tinupi hanggang siko, slacks at brown leather shoes.
Nanatili siyang nakatayo ilang metro ang layo sa akin. Naghintay ako ng sasabihin niya ngunit nanatili lamang siyang nakatitig.
Nag-iwas siya ng tingin. He licked his lower lip. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang buhok. I saw him swallowed hard before looking at me.
"Pwede ba kitang ihatid?"
Sa kulay abong kalangitan, hudyat ng nagbabadyang pagkagat ng dilim, ilang metro ang layo sa akin ni Hayes. Walang ulap sa mga oras na ito. Hinuha ko ay bubuhos ang ulan mayamaya. Sakaniyang sinabi ay pakiramdam ko isang mahirap na katanungan iyon. Nagpunta siya rito para... ihatid ako? Masyado nang taliwas sa katotohanan iyang iniisip mo. Napadaan lang iyan. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang makipagtitigan sakaniya ng ilang sandali. Hindi ko matanto kung dapat ko bang sagutin iyon. Kung ano ang dapat sabihin. Nilingon ko siya at nahuli ang mariin niyang titig. May ilang dumadaan na pamilyar na mga estudyante at napapabaling sa direksiyon namin. Kahit naglalakad ay nababali ang mga leeg nila matignan lang kami. "Uhm, ayos lang ako. H-Hindi mo naman ako kailangan pang ihatid." Kinagat ko ang labi ko. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinaglaruan ang susi na nasa kaniyang kamay. Tinagilid niya ang ulo at l
Nauna akong pumasok sa lomihan. Bumungad sa pang-amoy ko ang nakakagutom na amoy ng ginisang bawang at sibuyas. Medyo malaki ang kainan at hindi sosobra sa sampu ang mga kwadradong plastic na lamesa. Bukod sa lomi ay mayroon din silang mga tinapay. Nilingon ko si Hayes na nakasunod sa akin. Sobrang out of place niya sa lugar. Mukha siyang naligaw sa maliit na lomihan na ito. Pakiramdam ko ay hindi bagay sakaniya ang kumain sa mga ganito. Ayos lang kaya sakaniya ang amoy ng ginigisa nila sa kung saan? "I'm gonna keep this. Okay lang ba iyon?" He suddenly asked. Natigilan ako. Naglakbay ang aking isipan. Itatago niya ang panyo ko? Hindi ko alam pero may parte sa aking nagbunyi. Bakit gusto ko ang ideya niyang iyon? Pakiramdam ko ay tama lang na hindi niya iyon ibalik. Sa mga ganitong simpleng bagay, hinahaplos ang puso ko. Hindi ko alam na posible pala iyon. Kahit ano pang kaba ko sa tuwing magkalapit kami, hindi ko maitatanggi ang pagdidiwang ng puso ko sa
Ilang sandali pang nanatili si Neal bago siya nagpasiyang umuwi. Kahit pilitin niyang maging masigla sa harap ko, hindi ko pa rin mapalampas ang salungat na sinasabi ng mga mata niya. Sobra akong nagui-guilty. Alam ko na naapektuhan siya sa ginawa ko. Ngunit mas lalo lamang akong hindi mapapayapa kung hindi ko sasabihin ang katotohanan. Alam ko na maiintindihan niya. Sana lang ay maintindihan niya... Ngunit mukhang malabo ang gusto kong mangyari. Isang numero ang tumawag sa akin, sa kalagitnaan ng hating gabi. Alas dos ng madaling araw sabi ng orasan. Ni hindi ko pa magawang buksan ang mga mata ko mula sa malalim na pagtulog. Bakit naman ganitong oras tumatawag ang kung sinuman ito? "Hello..." "Marwa! Thank God! You answered my call!" Kasunod niyon ang matinding hagulgol ng nasa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko. "Hello? M-Mrs. Lucy? Kayo po ba iyan?" Tila nagising ang buong pagkatao ko ng dahi
Ang pormal niyang itim na longsleeves polo na tinupi hanggang siko at slacks ay nagsasabing galing siya sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko. Hindi siya gumalaw sa kaniyang pwesto. Patuloy lamang niya akong pinapanood mula sakaniyang mapanuring mga mata. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal at inilabas ang kamay mula sa bulsa nang tuluyan na akong nakalapit. Hindi niya pinutol ang tingin sa akin. Halos mag-iisang buwan na rin mula noong huli ko siyang nakita. Napansin ko na numipis ang kaniyang buhok. Napadaan ulit siya? Ngunit bakit parang kanina pa siya narito at may hinihintay? Nagkabuhol-buhol na ang mga nasa utak ko. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o bumati sakaniya kahit sandali lang. Nag-iwas ako ng tingin at pinilit na kontrolin ang sarili. Kinagat ko ang labi ko nang tuluyan ko na siyang nalampasan. Hindi ko alam. Hi
Humaplos sa balat ko ang malamig na hangin ng gabing ito paglabas ko ng mansiyon. Mabilis ang mga hakbang ko, tila ba napapaso sa sahig. "Kainis! Akala ko pa naman si Sir Hayes maghahatid sa atin!" Busangot ang mukha ni Sania. Narinig iyon ng ilang kasambahay at nakita ko ang ngiwi niya, para bang nahiya sa ginawa. "Joke lang po." Ngumuso siya. "Sino ba tayo para ihatid ni Sir Hayes?" Natatawang sinabi ni Brix. Lumipad sa akin ang tingin ni Sania. May kung ano sa mga mata niyang nakatingin sa akin na hindi ko maintindihan. Lalong tumulis ang nguso niya, tila natutuwa sa kung saan. Ilang minuto ang lumipas ng paghihintay namin sa van. Nakatayo lang kami sa paanan ng malapad na hagdanan patungo sa mansiyon. Wala sa sarili akong napa-angat ng tingin sa hagdanan. Tumunganga ako nang makita ang pababang si Hayes. Nakapamuls
Hindi na siya kailanman nagsalita pa. Hindi na rin ako nangahas pang kausapin siya. Para saan pa? Halos makaligtaan ko na naghihintay nga pala si Neal sa coffee shop. Natanggap ko ang text niya na naroon na raw siya. "D-D'yan lang ako sa coffee shop. May kikitain lang ako." Tinuro ko 'yon nang matanaw kong papalapit na kami roon. Nahagip ng tingin ko ang nakaparadang sasakyan ni Neal. Unti-unting humina ang patakbo niya sa sasakyan. Pumarada iyon sa harapan mismo ng coffee shop. Hinawi ko ang buhok ko at sinabit ang sling bag sa aking balikat. "May kikitain ka?" May diin niyang sinabi bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko. Kumunot ang noo ko at nilingon siya. "Oo. Bababa na ako. Salamat sa paghatid." "May kikitain ka pa gayong alam mong gabi na? It's fucking 9 in the evening," aniya na para bang kailangan kong malaman iyon. "Kaibigan ko ang kikitain ko. Ano bang pakialam m
Nang Sabadong iyon, sinabi sa akin ni Zanila na ito ang tamang araw para bisitahin ko si Mr. Albarenzo nang hindi nalalaman ni Minerva dahil mayroon daw itong importanteng lakad na inasikaso. Tinawagan ko si Denver upang kumpirmahin mula sakaniya ang kalagayan ni Mr. Albarenzo. Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinabi sa akin, Denver. Bakit siya biglang nasa ospital? At a-anong lymphoma cancer ang sinasabi ni Zanila?" Pumikit ako nang mariin. Dinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "His wife told me not to tell you. I'm sorry, Marwa. H-Hindi ko inasahan na si Zanila ang magsasabi sa'yo tungkol dito." "Anong lymphoma cancer, Denver? Totoo ba iyon? Bakit siya nagkaganoon?" Nanginig ang boses ko. "You will know all the details once you visit him in the hospital." Malapit na
Tatlong linggo matapos ng aking pagdalaw, iyon ang naging balita sa akin ni Denver. Hindi ako makakain nang maayos. Ni hindi ako nakapunta sa birthday ni Julia. Para akong lutang at wala sa sarili. At mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko man lang siya magawang dalawin sakaniyang burol dahil sa galit ni Minerva. Isang araw nang naglakas-loob akong magpunta roon ay alam ko na talagang maling desisyon ngunit nilubayan ko muna ang takot.Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kulay gintong tinutulugan ng ama ko nang makita na ako ni Minerva."Talaga nga namang makapal ang pagmumukha mo para magpakita rito! Wala kang respeto!" Sigaw niya sa akin.Lumunok ako at lumingon sa paligid. Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng mga naroon. Ang iba ay nagbubulungan. Ang iba ay nakakunot ang noo. Ang iba ay umiiling.Nanlamig ang buong pagkatao ko.Ang kasama kong si Neal ay hin
"Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.Lumunok ako habang pinagmamasdan siya."Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay."Hmm?""When... when can I get a kiss?" I whispered softly.Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya."H-Huh?"Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya."I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina."Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.I glanced at her. "No. It'
"Do not fucking tell me na hindi ka na naman sasama sa amin!" Sigaw ni Harris habang pinapanood akong nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa aking bag."Bro? What the fuck? When was the last time na sumama ka sa amin? Two fucking months ago!" This time, it was Dylan.I ignored them. Mabilis kong dinampot ang bag ko at sinampay sa aking balikat."I gotta go," saad ko at lumabas na ng silid. Dinig ko pa ang pagmumura ni Harris at Dylan sa akin ngunit binalewala ko lang sila.I texted Nataschia as I walked down the corridor. Yes. I got her number. Ilang linggo ko rin siyang kinulit para makuha ang number niya. Doon ko talaga napatunayang dapat ay maging makulit lang ako para tuluyan siyang bumigay sa akin.- Baby, my classes are done.Hindi niya naman mababasa 'yon dahil abala na siya sa karenderya.And I know that she doesn't care about it but
Dagsa ang mga tao ngayon sa karenderya. Kahit tapos na akong kumain, ayaw ko pang umalis. I was hoping that I could drive her home, but she never let me. Sa isang buwan kong palaging pagpunta rito, hinihintay ko ang pag-uwi niya. Kahit alam kong hindi siya papayag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.I watched her as she smiled at their customers while taking their orders. Kahit kita ang pagod sa kaniya, hindi nabubura ang ngiti niya sa mga tao.I heard that her parents are both dead while her brother is in jail because of rape. Ngunit ang sabi ay na-frame up lang daw ang kuya niya. Tatlong taon na raw itong nasa kulungan. Gumagawa na ako ng paraan upang matulungan ang kuya niya na makalabas. May nakausap na akong abogado. I promise that I'll do everything to get her brother out of prison.Napag-alaman ko ring nasa pangangalaga ng kaniyang lola si Nataschia na siyang nagmamay-ari ng karenderyang ito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Nanginginig ang boses niyang sigaw. I squeezed my eyes tightly as I felt the pain from the slap slowly subsiding. Girls are crazy. Ngayon ko lang talaga napatunayan. Baliw sila.She threw punches on my chest while crying. Wala akong magawa kundi ang pigilan siya. Paano ko siya aamuhin kung sarili niya mismo ang niloloko niya? She fucking knew that we were just fucking around! We are not kids anymore!Hindi ko talaga maintaindihan kung bakit pinagpipilitan niyang girlfriend ko siya. Malinaw na malinaw sa amin na walang kahulugan ang lahat bago namin napagdesisyunang pasukin ang ganitong setup. Hindi ko siya pinilit na pumayag! Hell! I would never force a woman to enter this kind of arrangement with me. We are both consenting adults. Alam niya ang pinasok niya kaya wala siyang karapatang mag-demand ng kung ano mula sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kaniya ang lahat.Be
A hard slap across my face made my world shook. I did not even notice the woman who suddenly appeared in front of me. Sa gulat ko ay naalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nikola at nilingon ang babaeng sumampal sa akin.A woman wearing a black tight dress, looking very irresistible, was throwing daggers at me. Her brown hair was slightly disheveled but still, she fucking looked so hot.She looked like an innocent little devil wearing that dress. Napakurap ako at natulala sa kaniyang namumulang pisngi dahil sa galit."You are so disgusting, Verulendez! Napakarumi mo! My best friend is crying right now pero ikaw nandito lang at nakikipaglandian sa babae mo!" Matalim niyang tinapunan ng tingin ang katabi kong si Nikola.I swear, her voice was so sweet. Tila ba hindi siya sanay magtaas ng boses. Ngunit naguguluhan ako. What was she talking about? Sinong best friend ang tinutukoy niya?A
I heaved a deep sigh as I prepared myself. Kinakabahan ako at... natatakot. Pero wala akong balak umatras pa. I prayed countless times before I went here. Alam kong nasa tabi ko lang ang Diyos at gumagabay sa akin.Kinuha ko ang bulaklak na pulang mga rosas sa tabi bago ako muling nagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko ang sarili sa rearview mirror. I looked like shit. Kitang-kita ang matinding kaba sa mga mata ko ngunit wala na akong pakialam pa.Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng sasakyan. I was wearing a semi formal attire. Ayaw kong isipin ng mga magulang ni Sienna na hindi ko pinaghandaan ang pagpunta rito. I already texted Sienna saying that I was on my way. Kahapon ay sinabi ko sa kaniyang haharapin ko ang mga magulang niya upang pormal na magpaalam na ligawan siya.And that woman did not even want to believe me that I was serious about it. Buong akala niya ay walang katotohanan sa mga sinab
The urge to punch him was so strong but I had to stop myself from giving him another one because he's got a fucking point. Marahas ko siyang binitawan habang habol ko pa rin ang aking paghinga. Ngumisi siya nang tuluyang makawala sa akin."Get your shit together, man. Hindi ako mang-aagaw," natatawa niyang sinabi at napadaing nang haplusin muli ang sugat sa kaniyang labi. Mainit pa rin ang ulo ko ngunit hindi ko maitatanggi na may pagsisisi sa akin matapos ko siyang saktan."I heard you, Kuya. You said that you like her too," mariin kong sinabi."Yeah. I like her as a friend. And she knows that.""Liar," I said through gritted teeth. Muli siyang natawa at napailing."I said what I said. Trust me. I do not like that girl in a romantic way. Yeah. She's beautiful and very nice. But damn, she's 16! I'm 19, fucker!" Aniya pa na para bang sapat na dahilan na 'yon na p
"You have been ignoring me these past few days! What's wrong with you, Hadrius?!" Brianna screamed angrily, following me. I didn't bother to look at her.Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kotse ko. It is my Mom's birthday kaya maaga akong uuwi. At hindi ko alam kung bakit patuloy akong hinahabol ni Brianna kahit pa na malinaw naman sa kaniya kung hanggang saan lang kami. Hell! We have talked about this already! Yes! We fucked but thay doesn't mean we should be together! She was not even a virgin when we did it that's why I do not fucking understand why she was making it seemed that I have some unfinished business with her! Na para bang may responsibilidad ako sa kaniya!"Hadrius, can you please talk to me? Please! We need to talk!" She was still very persistent! I clenched my jaw to stop myself from yelling at her. I still have some remaining respect for her kahit papaano. She was making a scene! Students were looking at our dire
"What is it, son?"Hindi ko maiwasang tumitig sa anak ko dahil nakikita ko sa mukha niya ngayon na magiging seryoso ang usapan namin. It was two in the morning. I should be asleep by now but Hadrius texted me and asked if I was still awake. Iniwan ko muna sandali ang mahimbing na natutulog na si Marwa sa aming kwarto at pinuntahan ang anak namin.Ang malamig na hangin dito sa teresa ay humahaplos sa balat ko. Pinagmasdan kong mabuti si Hadrius na nakatitig lamang sa kawalan. Ilang sandali pa nang bumuntong-hininga siya."I... I had sex with someone..." he whispered softly. His voice was so low that it almost did not reach me.Napakurap ako at ilang sandaling tumitig sa anak ko."So you're telling me that you're not a virgin anymore," I concluded as I raised my eyebrow.Muli siyang bumuntong-hininga nang siguro'y marinig ang kalmado kong boses. Well, wha