Share

Chapter 16

Nang Sabadong iyon, sinabi sa akin ni Zanila na ito ang tamang araw para bisitahin ko si Mr. Albarenzo nang hindi nalalaman ni Minerva dahil mayroon daw itong importanteng lakad na inasikaso. Tinawagan ko si Denver upang kumpirmahin mula sakaniya ang kalagayan ni Mr. Albarenzo. Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit ko.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinabi sa akin, Denver. Bakit siya biglang nasa ospital? At a-anong lymphoma cancer ang sinasabi ni Zanila?" Pumikit ako nang mariin.

Dinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya.

"His wife told me not to tell you. I'm sorry, Marwa. H-Hindi ko inasahan na si Zanila ang magsasabi sa'yo tungkol dito." 

"Anong lymphoma cancer, Denver? Totoo ba iyon? Bakit siya nagkaganoon?" Nanginig ang boses ko.

"You will know all the details once you visit him in the hospital."

Malapit nang magtago ang araw nang mapagsiyahan kong magpunta sa ospital. Isang oras ang biyahe patungo roon. Sinundo ako ni Denver sa condo. Sinigurado niya sa akin na wala nga ngayong araw si Minerva.

Ibang-iba ang nadatnan ko sa malamig at malawak na silid ni Mr. Albarenzo. Pansin ko ang malaking pagkakabawas ng kaniyang timbang. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita at madalas ay sa telepono lang kaming nagkakausap. Tulala ako nang lumapit sakaniya. 

Mayroong apat na nakaitim at tingin ko'y mga bodyguards na tahimik na nakatayo sa sulok. Si Denver ay nakita kong umupo. Naroon din ang nakaasul na bestidang si Zanila. Tahimik lamang siya nang pumasok kami. 

Ngumiti sa akin si Mr. Albarenzo nang tuluyan akong makalapit sakaniya. Agad niyang hinanap ang kamay ko at pinisil iyon. Ramdam ko ang malamig niyang hawak. 

"Hija, I miss you so much. I should thank Zanila for bringing you here." 

Kitang-kita ko ang panghihina niya. Kinukurot ang puso ko. Nagbalik sa alaala ko noong araw na malaman kong may malalang sakit si Mama at wala kaming perang panggastos para sa mga gamot niya. Para akong nasa bangungot na iyon muli. Hindi ko namalayan ang tahimik na pagdaloy ng mga luha ko habang dinudungaw ang ama kong walang lakas at maging ang paghawak niya sa kamay ko ay nahihirapan siya. 

"Papa..." Humagulgol ako at hindi ko na napigilan pang yumakap sakaniya. 

Ang sarap-sarap banggitin ng salitang iyon. Ang gaan sa pakiramdam ko na may tao akong tinatawag na ganoon matapos ang napakahabang panahon. 

Nanginginig ako. Hindi sa lamig kundi sa sitwasyon niya ngayon. Naaawa ako sa ama ko. Mas lalong nagpapahina sa akin ang mga bulong niya.

"Don't cry, hija. I'm gonna be with your mother... finally."

Nilingon ko siya at natulala sakaniyang mukha dahil sa sinabi. Umiling ako at patuloy ang mga luha ko sa pagbuhos. Para akong sinasakal.

"Papa, hindi. Ayaw ko." Tumindig ang balahibo nang marinig ang sariling hagulgol. Para akong batang iniiwan ng tatay niya upang mangibang bansa at walang magawa kundi ang umiyak.

Niyakap ko siyang muli. Ang pait sa pakiramdam ko. Parang kailan lang noong nalaman kong may ama pala ako. Buong buhay ko ay inakala kong hindi ako mahal ng ama ko kaya hindi siya kailanman nagpakita sa akin ngunit ang totoo pala ay itinago ako sakaniya ni Mama. Hindi pa sapat ang mga panahon. Kulang na kulang pa. Gusto ko pa ng mas mahabang panahong kasama ang ama ko. Paano na ako? Paano na ako kung wala siya sa akin? Paano na ako kung mawala ang taong kaisa-isang nagmamahal at nagbibigay importansiya sa akin? Ayaw ko na ng buhay na miserable. Ayaw ko nang maranasan pa ang sakit noong mawala sa akin si Mama. Ayaw ko na ng buhay na puro pait, sakit at iyak. Gusto ko naman ng kaligayahan kahit sa piling lang ng ama ko. Hindi ba iyon pwedeng maibigay sa akin? Kahit iyon na lang... huwag na sanang ipagkait pa sa akin.

Nahagip ng tingin ko si Zanila na tahimik na umiiyak habang sapo ang kaniyang bibig, tinatanaw kami.

"Matagal nang iniinda ni Daddy ang sakit niya. Hindi niya lang iyon sinasabi sa amin. Palagi siyang walang ganang kumain, napapansin namin na madalas ang pagsakit ng ulo niya at madalas ay may mga pasa," marahang sinabi ni Zanila. 

Tulog na si Mr. Albarenzo at nakaupo na lang kami ngayon. Si Denver ay nagpaalam sandaling lumabas. Ang mga bodyguards ay nasa labas ng silid, nagbabantay. Hinaplos ko ang init na dinadala sa akin ng hawak kong paper cup. 

"And there, the doctor said he has a stage three lymphoma cancer. Ni ayaw niyang magpa-chemotherapy. Ni ayaw niya ng gamot." Nanginig ang kaniyang boses. Marahan siyang pumikit at dahan-dahang nagpakawala ng malalim na hininga. Nakatunganga lang siya habang nagsasalita. Medyo magulo ang nakalugay niyang buhok ngunit lutang pa rin ang kagandahan. Kitang-kita ko ang paghihirap sakaniya. Ramdam na ramdam ko siya. Buong buhay niya ay kasama niya si Mr. Albarenzo. Kung ako na sa maikling panahon na nakilala ko ang ama ko, hindi ko na maipaliwanag ang sakit. Paano pa kaya na si Mr. Albarenzo mismo ang nagpakalaki sakaniya at minahal siya nang lubos. 

"He wants to die... he's killing himself." Kinagat niya ang kaniyang labi at mapupungay ang mga matang sumulyap sa akin. 

"He wants to be with your mom... so bad. I know that..." Umiling siya at nakita ko ang kaniyang paglunok. 

"Bata pa lang ako, alam ko na hindi niya talaga mahal si Mommy. He has always been so cold towards Mom. I've never heard him saying 'I love you' to her. Noon, hindi ko pa maintindihan kung bakit, kung paano at kung ano ang dahilan. But now... it's all clear to me." 

Umawang ang mga labi ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat maging tugon sa mga sinasabi niya. Ayaw ko nang magsalita. Gusto kong marinig siyang nagkwe-kwento sa akin. Ang nag-iisa kong kapatid... na hindi ako sigurado kung ganoon din ba ang turing sa akin.

Ilang sandali kaming nanatiling ganoon. Tahimik at walang nangahas na magsalita. Pinapanood ko ang malalim na pagtulog ni Mr. Albarenzo. Tinanguan ko lamang ang inalok na sandwich ni Denved sa akin. Naroon lang siya at nagmamasid sa amin. 

Lumipad ang tingin ko sa bumukas na pintuan. Ginambala ako ng kaba nang matanaw si Minerva. Ang kaniyang ternong puting mahabang pencil skirt at blazer ay salungat ngayon sa nandidilim niyang mukha nang makita ako. Napatayo si Zanila sa aking tabi nang makita ang tangkang paglapit ng kaniyang ina sa banda namin. 

"Sinong nagdala sa babaeng 'yan dito?!" Tila kulog ang kaniyang boses. 

"Mom! Why are you here? I thought you have business that you need to attend to?" Gulantang si Zanila ngunit unti-unti rin siyang kumalma. 

Pinigilan niya ang kaniyang ina. Nakita ko ang mabilis na paglapit sa akin ni Denver. Napatayo ako nang wala sa sarili. 

"Mom, kumalma ka muna. Ako ang nagdala sakaniya rito. Raul, tubig," malamig na utos ni Zanila sa isang bodyguard. 

"Hindi ko kailangan ng tubig! Anong pumasok sa kokote mo at dinala mo 'yan dito?! Hindi ba't sinabi ko na huwag na huwag niyong ipapakita sa akin ang pagmumukha ng babaeng iyan?!" Pulang-pula ang kaniyang mukha habang tinitignan ako. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. 

"Mom, I can't stand seeing Dad being miserable. Alam mo... alam natin kung bakit nagiging mas malala ang sitwasyon niya. He just wants to see Marwa. Huwag na nating ipagkait sakaniya iyon." Sa gitna ng mga pangungusap ni Zanila ay unti-unting bumagsak ang kaniyang mga luha. 

Nanliit ang mga mata ni Minerva habang nakikinig sa anak. Tila ba hindi ito makapaniwala sa sinasabi ni Zanila. Marahas niyang hinawi ang pagkakahawak nito sakaniya. 

"No! Zanila! I can't believe you! Pagtra-traydor itong ginawa mo sa akin!" Lumingon siya sa banda ko at tumalim ang kaniyang mga mata. 

Nanatili akong tulala. Nanunuyo ang utak ko at hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita. 

"Wala kang lugar dito! Hindi mo ba iyon nakikita?! Hindi mo ba iyon naiintindihan?!" Sigaw niya nang punung-puno ng galit.

Naramdaman ko ang haplos ni Denver sa aking braso. 

"Mrs. Minerva, that's enough. I'm sorry but you're being too much," mariin ang boses ni Denver. 

Natatawang umirap si Minerva.

"You're out of this, Denver! Sekretarya ka lang ni Richard. Alam mo kung anong magandang gawin mo? Tanggalin mo ang lintik na babaeng iyan dito! At kung pwede? Ilayo mo siya sa amin! Dalhin mo sa malayo! Iligaw mo at nang hindi na muling makita pa ni Richard!" 

Lumunok ako at hindi na nagtangkang magsalita pa. Wala na akong lakas. Wala na akong gana. Nanghihina na ang utak ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman na magiging maayos ang ama ko. Hindi na importante pa sa akin ang ibang bagay.

"Mom..." Malalim ang pinakawalang paghinga ni Zanila nang bumaling sa akin. "Marwa, umalis ka na muna. I hope you understand," aniya at umiling.

Kinagat ko ang labi ko at tumango. Hindi na ako lumingon pa nang lumabas ako sa pintuan. Alam kong nakasunod sa akin si Denver. Hinayaan ko na lang siya.

Naging matamlay ang mga nagdaang araw ko simula nang mangyari iyon. Hindi na ako muling nakabisita pa kay Mr. Albarenzo kahit gaano ko man gustuhin. Sobrang hirap para sa akin na ipinagdadamot nila ang ama ko. Ang sinabi ni Denver ay si Minerva na ang araw-araw na nagbabantay kay Mr. Albarenzo kaya malabo na makapuslit pa akong makapunta roon dahil tiyak ay magkikita lang kami.

Ngunit tuluyan nang nagunaw ang mundo ko nang mabalitaang pumanaw na ang ama ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status