Share

Chapter 23

Tulala ako nang makauwi sa condo. Hindi ko maiwasang ngumiti tuwing naiisip ang nangyari kanina. Nilingon ko ang bouquet na binigay ni Hayes, katabi ng bulaklak na binigay ni Neal. Pareho lang naman bulaklak ang mga iyon, ngunit kakaibang tuwa ang nararamdaman ko tuwing nakikita ang pulang mga rosas. 

Pumikit ako nang mariin at umikot sa kama. Shit! Para akong tangang ngumingiti rito! Maayos pa ba ako sa lagay na ito? Makakatulog pa kaya ako sa ganitong sitwasyon? Alas dose na ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ko! May pasok pa ako bukas! Kanina ko pa pinipilit makatulog pero hindi ko talaga magawa. 

Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang gabing iyon. Kulang ako sa tulog ngunit magaan ang pakiramdam ko. Nagsusuklay ako ng buhok sa tapat ng salamin nang tumunog ang aking cellphone. Isang hindi kilalang numero ang bumungad sa akin sa screen. Alas sais pa lang ng umaga. Ang aga naman nitong tumatawag? 

Sinagot ko iyon habang patuloy sa pagsusuklay. 

"Hello?" 

"Hey, good morning." Isang paos at malalim na boses ang narinig ko. Mukhang kagigising lang ng nasa kabilang linya.

Kinalampag ang puso ko. Binaba ko ang suklay at pinakiramdaman ang malalim na paghinga nito. 

"H-Hayes?" Kinagat ko ang labi ko. 

Tila nagising ang mga nasa tiyan ko. Umagang-umaga ay nagkakasiyahan sila. 

"Yeah. I just woke up. Just wanna call you to hear your voice. How's your sleep?"

Sigurado akong kagigising niya lang! Shit! Ganito pala ang boses niya kapag bagong gising? Parang ayaw ko na tuloy pumasok at kausapin na lang siya buong araw!

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at ang paghataw ng puso ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Parang kinikiliti ang tiyan ko. 

"M-Mahimbing naman ang tulog ko," tanging naging tugon ko. 

Napapikit ako nang mariin. Gusto kong ibaba ang tawag upang tumili!

Ilang sandaling katahimikan ang dumaan. Wala akong marinig sa kabilang linya. Tanging malalim na paghinga at kaunting kaluskos. 

"Hayes?" marahan kong wika. Nakatulog ba siya? 

"Hmm?" aniya.

"Matutulog ka pa ba?" 

Halos itapon ko ang telepono ko sa hindi sinasadyang lambing ng boses ko. 

"Mamaya. Pagkatapos ng tawag." 

Ngumuso ako. 

"Ibababa ko na ito kung matutulog ka pa. Sabihin mo lang." 

"Later. I still wanna talk to you." 

"Ano namang pag-uusapan natin sa ganito kaaga?" Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. 

"We can talk about your dream last night." Narinig ko ang malalim niyang munting halakhak. 

"Hindi ako nanaginip kagabi. Kung nanaginip man ako, tiyak na nakalimutan ko na iyon ngayon." Mabagal kong hinawi ang buhok ko sa gitna ng aking mga daliri hanggang sa dulo nito.

"Mukhang inaantok ka pa. Matulog ka muna. Ibababa ko na ito. Papasok pa ako," wika ko. 

"Hmmm?" tanging sagot niya. 

Inaantok pa nga ito. 

"Hayes, ibababa ko na ito."

"What? No..."

Pagod akong umirap sa hangin. Halata naman na inaantok pa siya pero pinipilit niya pang kausapin ako. Gusto ko siyang kausap ngunit huwag naman iyong inaantok siya. 

"Hayes, tulog ka muna." 

"Hmmkay. Mamaya." 

"Hayes? Ibababa ko na talaga ito." 

"Wait. Few seconds." Sa sobrang hina ng kaniyang boses ay hindi ko na maintindihan. 

Ilang minuto ang lumipas at wala na akong narinig mula sa kabilang linya. Tinignan ko ang screen at nakita kong patuloy ang paggana ng oras doon. Magpipitong minuto na ang haba ng tawag. 

"Hayes?" 

Naghintay ako ng ilang sandali. Mukhang nakatulog na nga ang isang iyon. Tignan mo, ni hindi niya na nagawang magpaalam nang maayos. Talagang diretso ang tulog niya habang magkausap kami. Mukhang nasa kalagitnaan pa siya ng panaginip niya nang tumawag siya kanina, eh. Tutal ay wala na akong kausap, tuluyan ko na lang pinutol ang tawag at nagpatuloy sa pag-aayos. 

Naging abala ang araw na ito sa eskwelahan. Abala kami sa pag-aayos para sa darating na Valentines Day. Natanggap ko ang ilang mensahe ni Hayes mula kaninang umaga.

Hayes:

- I'm sorry I fell asleep. 

Hayes:

- Can we have dinner later? 

Hayes:

- Please, behave.

Hayes:

- I'm in a meeting. I miss you. 

Ngumuso ako sa huling mensahe niya kani-kanina lang. Nagtipa ako ng reply.

- Makinig ka riyan. Nag-de-decorate kami para sa Valentines Day. 

Nag-angat ako ng tingin kay Sania nang kalabitin niya ako. Mabilis kong pinatay ang aking cellphone at itinabi iyon. May nginunguso siya sa labas ng aming room. 

"Si Limuel," aniya. 

Sinundan ko ng tingin iyon at natanaw ko nga si Limuel na nasa labas ng aming room. Nahagip niya ang tingin ko kaya malapad siyang ngumiti sa akin.

"Puntahan mo na. Malamang ikaw hinahanap niyan," wika ni Sania.

Binaba ko ang gunting at ang pulang cartolina bago napagpasyahang lapitan si Limuel.

Hinawi niya ang kaniyang buhok bago nilahad sa akin ang hawak niyang tsokolate. Gaya ng binigay niya noon.

"Heto. Dinalhan kita ulit. Asahan mong may susunod pa iyan." Ngumiti siya.

Tinikom ko ang aking bibig. Tahimik ko iyon tinanggap.

"Sige, mauuna na ako, Marwa. Dumaan lang ako saglit para ibigay iyan. Hihintayin kita mamaya sa gate. Iyong pinangako mong labas natin."

May pinangako ba ako? Wala akong binanggit na araw sakaniya.

Unti-unti kong nakita ang paglisan ng masigla niyang ngiti. 

"H-Hindi ka ba pwede mamaya?"

Kinagat ko ang aking labi. Pakiramdam ko ay wala akong puso sa tuwing tumatanggi ako sa ganitong bagay. Ngunit gayunpaman, alam ko sa sarili ko na ganito dapat ang mangyari. Ngunit kay Limuel, kitang-kita ko kung gaano siya kabuti bilang isang tao. Ano ba naman kung pagbigyan ko siya kahit ngayon lang? Ngunit ayaw ko lang na mabahiran ng kung ano ang iniisip niya tungkol sa aming dalawa. Ngunit alam ko rin na alam niya kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay sa aming dalawa. 

"Limuel, pagbibigyan kita ngunit ito na ang huli. Sana maintindihan mo," marahan kong sinabi.

Mabilis nagliwanag ang kaniyang mukha at tumango-tango.

"Ayos lang, Marwa. Kahit isang beses lang, masaya na ako. Pangako, ito na ang huli. Hindi na kita kukulitin."

I smiled and somehow, I felt relieved. Nakikita ko sakaniya na totoo siya sakaniyang mga salita. It's better to clear things out. In that way, he won't get any false hopes. Hindi na siya maguguluhan pa sa kung ano kami.

Naisip ko si Hayes. Do I need to let him know about this? Ayos lang kaya na may lakad ako kasama ang ibang lalaki? Pero lakad lang naman ito. Wala namang ibang kahulugan. Kakain lang kami.

Of course, he needs to know. 

Nagtipa ako ng mensahe para sakaniya. 

- Hayes, may pupuntahan ako mamaya. Hindi ako magtatagal. 

Hindi nagtagal ang kaniyang reply. Akala ko ba nasa meeting ito? Baka tapos na ang meeting? 

Hayes:

- Where are you going? Can I come with you? Susunduin naman kita. 

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nagtipa. Hindi pwedeng sunduin niya ako. Baka makita niya pa kami ni Limuel. Baka kung ano pang isipin niya. Ayaw kong mangyari iyon. 

- Hindi na. Kasama ko ang mga kaklase ko. 

Mabilis talaga ang reply niya. Para bang nakaabang siya sakaniyang cellphone. 

Hayes:

- Alright. As much as I want to insist, I don't want you to think that I'm being clingy. Text me when you're home. Pupuntahan kita. 

-Okay. See you. 

Akala ko ay hindi na siya mag-re-reply dahil dead end na ang huli kong mensahe ngunit mabilis ang kaniyang naging tugon. 

Hayes:

- See you. What do you want to eat later? Dadalhan kita. 

"Sinong ka-text mo? Kinikilig ka riyan?" puna ni Trixi. Halos makalimutan ko na narito pala sila. Mabilis kong tinago ang cellphone sa bulsa nang sinubukan niyang dungawin iyon. Hindi na ako nakapagtipa ng reply. 

"W-Wala. Si... si Limuel," nag-iwas ako ng tingin. 

"Ah! Sabi na, eh!" Humalakhak siya. 

Nagpatuloy kami sa ginagawa. Halos dalawang oras ang ginugol namin sa pagdedekorasyon. 

Gaya ng sinabi ni Limuel, naghihintay siya sa gate. He brightly smiled when he saw me. Ngunit nakita kong naroon din ang sasakyan ni Neal. Kumaway ako kina Sania at pinanood silang tuluyang lumayo. 

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin lalo pa't narito si Neal. Nanatili lamang akong nakatayo. Nakita ko ang paglapit sa akin ni Limuel. Bumagsak din ang pintuan ng sasakyan ni Neal at lumabas siya mula roon. 

"Tara na, Marwa? Sorry. Excited lang talaga ako." Hindi mabura ang kaniyang ngiti. Nalingunan ko si Neal na ngayo'y nakasandal sa kaniyang sasakyan. Kunot-noo kaming pinapanood. Suot niya ang kaniyang school uniform. Nag-iwas ako ng tingin at tinuon ang atensiyon kay Limuel. 

"Saan tayo pupunta? Okay lang sa akin kahit saan." 

Nagsimula kaming maglakad. Nag-alok pa siyang dalhin ang bag ko ngunit siyempre tinanggihan ko iyon. 

"Pasensiya na. Wala iyong kotse ko. Isang buwan na akong pinagbabawalan magmaneho ni Dad. Nabangga ko kasi sa puno." 

Bigla kong naramdaman ang paghila sa akin ng kung sino. Kumunot ang noo ko kay Neal. Hinawi niya ako sakaniyang likod na para bang pinoprotektahan ako mula kay Limuel. 

"Neal, ano ba?" singhal ko sakaniya ngunit diretso lamang ang nag-aalab na tingin niya kay Limuel. I tried to reach his elbow but he didn't let me. Iritado lamang niya akong sinulyapan. I saw how his jaw clenched. 

"Pinopormahan mo ba 'to, pre?" maanghang niyang sinabi. 

Kinagat ko ang labi ko at patuloy na hinawakan ang braso niya. Ramdam ko ang panginginig niyon. 

"Neal," mariin kong tawag. 

"Hindi ko gustong nilalapitan ng kung sino si Marwa. Lalong-lalo na ikaw. Ang lakas ng loob mo." 

Nilingon ako ni Limuel na kunot ang noo ngunit kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya bago bumaling kay Neal. 

"Bakit? Sino ka ba para umasta ka ng ganiyan?" 

"Tangina mo! Lumayo ka kay Marwa kundi babasagin ko 'yang pagmumukha mo!" sigaw ni Neal. 

"Wala akong ginagawang masama sa kaniya para magkaganiyan ka." 

Mabilis akong pumagitna sakanila. Pumikit ako nang mariin at tinulak silang dalawa palayo. 

"Ano ba?! Neal! Pwede ba? Hayaan mo ako sa gusto kong gawin. Kaibigan ko lang din si Limuel! Bakit ka ba nagagalit?!"

"Pinagtatanggol mo ang gagong iyan, Marwa?!" Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. 

"Wala kaming ginagawang masama! Wala siyang ginagawa!" Sigaw ko sa labis na iritasyon.

Wala na naman siya sa ayos! Pinapangunahan na naman siya ng galit niya! 

"Sumakay ka sa kotse ko, Marwa! Iuuwi na kita," aniya at mabilis na hinablot ang braso ko. 

Sa higpit niyon ay halos mapadaing ako. Nilingon ko si Limuel na ngayo'y laglag ang panga habang tinatanaw kami. 

Hinila ako ni Neal papunta sakaniyang sasakyan. Binuksan niya ang front seat nang hindi pinapakawalan ang braso ko. 

"Sumakay ka! Sumakay ka na!" tila kulog ang boses ni Neal. 

"You can't do that to her!" protesta ni Limuel at sinubukang lumapit. 

"Limuel! Please! Ayos lang. Sasama na ako sakaniya. Sorry. Sorry talaga." Kinagat ko ang labi ko. 

Bumagsak ang kaniyang balikat at umiling. 

"Man, you're hurting her! Let her go! I'm not here to pick a fight with you. Just let her go!"

"Huwag ka nang makialam! Hindi ko siya sinasaktan! Marwa! Sumakay ka na!" 

Kinagat ko ang labi ko at ramdam ko ang pag-usbong ng takot sa aking sistema. Para akong tutang sumunod sakaniya. Sumakay ako sa sasakyan at napapikit nang padabog niya iyong sinara. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status