Share

Chapter 27

Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang banda ni Sania. Naroon na sina Julia at Trixi na parehong nakangiti at nagvi-video na rin. Hindi ko mabasa ang kibot ng labi ni Julia. Nilingon ko si Limuel at kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot ngayon. He probably thinks that I would reject him in front of these so many people because I don't say any word. That's because I don't even know what to say! I tried to smile. I saw how he sighed in relief when he saw that. He handed me the bouquet and heart-shaped chocolate. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na kunin iyon. 

"Thank you," maliit ang aking boses. 

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makitang lumapit siya. Our lips were just inches away from each other and my lips parted because of unexplainable nervousness. He smiled at me. Mas lalong naghiyawan ang mga tao. At hindi ko iyon gusto.

Napaatras ako dahil sa takot ngunit marahan niyang hinila ang aking siko at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako nang mariin dahil doon! Tingin ko ay mas maigi na 'yon kaysa halikan ako sa labi. Hindi ko yata siya mapapatawad kung ginawa niya iyon. 

Alas singko ng hapon nang napagpasiyahan naming umuwi. Dala-dala ko ang bulaklak at tsokolate. Sa laki ng tsokolate ay tiyak na agaw-pansin ito sa mga tao.

Mainit ang pisngi ko habang humahakbang dito sa kalsada sa gilid ng eskwelahan. Kitang-kita ko ang ilang mga taong dumadaan na napapalingon sa dala ko. Diyos ko! Nakakahiya talaga. 

Agad kong namataan ang sasakyan ni Hayes. Tiyak ay nasa loob siya. Kinalma ko ang aking sarili. Anong iisipin niya sa mga dala ko? Ayos lang naman siguro sakaniya, hindi ba? Wala namang masamang tumanggap ng regalo, hindi ba? 

Nang papalapit ako sa sasakyan ay bumukas ang pintuan ng driver seat at iniluwa nito si Hayes. Kulay kremang longsleeves polo na tinupi hanggang siko at slacks ang kaniyang suot. Bumagal ang mga hakbang ko nang sinalubong niya ako. Salubong ang kaniyang kilay habang naglalakad, diretso ang tingin sa akin. 

Mas lalo kong naramdaman ang kahihiyan lalo pa ngayong nakikita niya ang mga dala ko. I felt his large hand in the small of my back when he opened the front seat for me. Tahimik akong sumakay. Nilapag ko ang bulaklak sa aking hita at ang tsokolate. 

Pinanood ko siyang sumakay at ganoon pa rin, busangot ang kaniyang mukha. Isang beses niya akong nilingon bago masungit na pinausad ang sasakyan. 

Ngumuso ako. Ano? Ganito na lang kami? Mukhang hindi maganda ang mood niya. May problema kaya siya sa trabaho?

"Uhm, kumusta ang trabaho mo?" tikhim ko. 

"Fine." I almost sense annoyance in his voice. 

Ngumuso ako at tumitig na lamang sa kaniya. Nilingon ko na lang ang bintana tutal ay mukhang wala naman siyang balak kausapin ako. I can sense that he was not pleased with something. His mouth was set in a grim line while his eyes were focused on the road. Siguro ay may problema nga siya sa trabaho. Dapat ay manahimik na lang din ako, 'di ba dahil baka mas lalo lang uminit ang ulo niya.

Pinili ko na lamang titigan ang nadadaanan namin. Napangiti ako nang may makitang maliit na batang may bitbit na aso. 

"Who gave you that?" 

Nilingon ko siya sa kaniyang tanong. His eyes were still fixed on the road. Nakapahinga ang kaniyang siko sa bintana habang ang kamay ay nilalaro ang kaniyang mga labi. Salubong pa rin ang kaniyang kilay.

Bumagsak ang tingin ko sa bulaklak. 

"Uhm, k-kaibigan lang." 

I don't even know why I'm nervous because of his sudden question! I feel like it's a mistake to accept these gifts! Oo! Ngayon ko lang talaga natanto na dapat ay hindi ko na lang talaga tinanggap ang mga ito! 

"Uh-huh." There was a hint of sarcasm in his tone.

"T-Tinanggap ko na lang dahil... n-nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko." Halos walang lumabas na tinig sa bibig ko. Sumulyap siya sa akin at nag-angat ng kilay. 

"Do you like it?" He sounded so amused and sarcastic at the same time. Ngumuso ako.

"O-Oo naman. Sinong hindi matutuwa sa regalo?" Halos mapangiwi ako sa naging sagot ko.

Ngumuso siya at tumingin ulit sa bintana. 

"Niregaluhan ka niya dahil Valentine's Day? Sweet," he said lazily while looking straight at the road.

"Uhm, parang ganoon."

Hindi ko alam kung bakit parang punung-puno ng pang-iinsulto ang tono niya. 

"I bet he even confessed his love to you? Wow. How romantic. Boys nowadays are really something."

Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Bakit nagui-guilty ako sa pagtanggap ng mga ito? Pakiramdam ko ay hindi patas para sakaniya dahil... nanliligaw siya sa akin. Pero masama na ba ang tumanggap ng bulaklak kahit na may nanliligaw na sa 'yo? Pero hindi ko pa naman siya boyfriend! Siya nga, hindi ko alam kung may iba siyang nililigawan! Pero malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang babaeng nililigawan niya. Why do I even still keep him even though he's giving me the benefit of the doubt?

Dinig ko ang ilang mabibigat niyang paghinga. Hindi ko na siya nilingon. Sa isang iglap ay itinabi niya ang sasakyan. 

Buong pagtataka ko siyang tinignan. Nanatili sa manibela ang kaniyang kamay at sa harapan ang tingin. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga sa pwesto ko.

"B-Bakit tayo tumigil?" Halos wala sa sarili kong tanong.

"I can't drive if something's bothering me," bulong niya. Sumulyap siya sa akin at suminghap.

Pinasadahan ng kaniyang daliri ang buhok. Salubong ang kaniyang kilay at tila problemado sa kung saan.

"Itapon mo ang mga iyan. I can give you better than those shits," marahan niyang sinabi at nag-iwas ng tingin. 

"I-Itapon? Sayang naman, Hayes."

Hindi ko inasahan ang sinabi niya. Bakit ko naman itatapon? Sayang ito, ah! At hindi magandang nagtatapon ng regalo. 

"Hindi ko gusto na may ibang nagreregalo sa 'yo." He bit his lower lip. Kitang-kita ko ang paghigpit ng kaniyang hawak sa manibela. Umiling siya at tumingin sa bintana. 

"B-Binigay lang ito, Hayes. Hindi ko naman pwedeng tanggihan. Hindi ko naman gusto ang nagbigay nito." Humina ang aking boses sa dulo. Para akong batang nagpapaliwanag para lang hindi pagalitan ng magulang.

"That boy likes you, Marwa. He confessed, right? And what did you say? Hmm?" masungit niyang sinabi.

Ngumuso ako at tinignan ang inosenteng mga pulang rosas. 

"I rejected him," tugon ko sa maliit na boses nang hindi siya tinitignan. 

Sinubukan ko siyang sulyapan at naabutan ang nakakunot niyang noo habang pinagmamasdan ako.

He licked his lower lip.

"You did that?" he slowly said. Tila ba hindi siya naniniwala at kailangan niya ulit kumpirmahin. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang makitang umusog siya palapit. His other arm was in the backrest of my chair while the other one caressed the few strands of my hair. His face was just inches away from me. Tumitig siya sa aking mukha. His gaze was giving me goosebumps. It felt like he can read every part of me just by looking at me in that way. Masyado akong nanlalambot at nalalasing sa mga titig niyang hindi ko maipaliwanag. 

I can almost hear the ridiculous beat of my heart. My breathing hitched. Umawang ang aking mga labi. Binagsak ko ulit ang aking tingin sa bulaklak. Hindi kailanman ako matututong titigan siya pabalik. Nanginig ang aking kamay. Naramdaman ko ang digmaan sa loob ng aking tiyan. 

"You did that, hmm?" he whispered. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga. Halos manghina ako. Kahit nakaupo ay ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod.

Marahan niyang inangat ang aking baba. Kahit hindi ko makayanan ay sinubukan kong tignan siya. Kitang-kita ko ang marahan niyang titig, tila ba nanghihina siyang pagmasdan ako.

Kinagat ko ang labi ko at marahang tumango.

"What did you say to him?" bulong niya habang hinahaplos ang aking pisngi.

"S-Sinabi ko na hanggang magkaibigan lang kami." Ang boses ko ay hindi ko makilala.

Iniwas ko ang aking mukha sa kaniya. Hindi na ako makahinga nang maayos. Ramdam ko ang elektrisidad na dumadaloy sa aking katawan. Naramdaman ko ang ilong niya sa aking pisngi at ang malambot niyang halik sa aking panga. Nanginig ang buo kong pagkatao. Para akong inatake ng libu-libong paru-paro.

"Uh-huh. What else?" Patuloy ang kaniyang malambing na bulong habang pinapatakan ako ng maliliit na halik. Sa gilid ng aking labi, sa pisngi at sa aking panga. Tuluyan na akong nilubayan ng wisyo. 

Shit! 

"Hayes..." Nakagat ko ang labi ko nang lumabas iyon ng tila daing sa halip na maging tunog pagproprotesta. 

"Hmm? What else did you say, baby?" bulong niya habang humahalik sa aking panga. Napaawang ang aking mga labi sa kiliting naramdaman. Nanginig ang kamay ko nang hawakan ko ang braso niya.

"H-Hindi ko naman siya gusto... ayaw ko sa kaniya," wala sa sarili kong bulong. Humigpit ang hawak ko sa kaniyang braso nang maramdaman ang kaniyang labi sa aking leeg. I craned my neck to give him more access. 

His sweet kisses vanished all my thoughts. Napapikit ako at kinagat ang aking labi sa kakaibang sensasyon.

"Don't entertain another guy again. Please... sa akin ka lang. Tangina... gusto ko sa akin ka lang," bulong niya sa gitna ng kaniyang mga halik sa aking leeg.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status