Lumipas ang mga linggo, naging panatag ako. Madalas bumisita sa bahay si Hayes. Tuwang-tuwa ang tiyahin ko sa tuwing nariyan siya. Kapag nga tuwing hindi nakakabisita si Hayes, mukhang badtrip pa sa akin si Tita Margaret.
"Dapat ay araw-araw kayong nagkikita, Marwa! Boyfriend mo na siya. Huwag niyong hayaang hindi niyo masilayan ang isa't isa. I-text mo! Papuntahin mo rito!"
"Tita, hindi sa lahat ng oras ay libre siya. Nagtratrabaho iyon," sabay buntong-hininga ko.
"Sus! Bantayan mo iyang boyfriend mo, Marwa. Tiyak na maraming nakaabang diyan. Huwag kang panatag."
Hindi ko alam kung bakit ganiyan mag-isip ang tiyahin ko. Kulang na lang ay sa bahay niya patirahin si Hayes.
Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng paglalapag ko ng order sa isang sofa. Mabilis kong tinapos iyon upang maisagot ang tawag. Habang naglalakad palayo ay hinugot ko ang aking cellp
"Kanina ka pa matamlay! Napano ka?" puna ni Sania kay Trixi.Kanina ko pa rin napupuna ang pananahimik ni Trixi. Mula kaninang nagkita kaming apat nina Julia upang kumain dito sa isang fast food. Birthday ni Sania kaya naman nagyaya itong manlibre.Kitang-kita ko ang pagkabalisa ni Trixi. Ni hindi niya magawang kainin nang maayos ang kaniyang sundae. Pinaglalaruan niya lamang ito at natutulala."Wala," mahina niyang tugon at umiling.Binaba ko ang coke at pinagmasdan siyang mabuti. Tila ba may malaki siyang problema. Ni hindi magawang ngumiti, kahit tipid man lang. Sumulyap ako sa katabi niyang si Julia na patuloy sa pagkain habang nakikinig."Trixi, may problema ka. Alam namin iyon. Hindi ka naman ganito. Ano bang nangyari?" wika ko.Tinitigan niya ako. Ilang sandali lang nang makita kong namuo ang mga luha niya. Nalaglag
Shit! Bakit hindi siya nagsabi?Kinabahan ako bigla. Wala sa sarili akong lumingon sa sofa kung nasaan si Neal. Nakatingin na rin siya rito. Kunot ang kaniyang noo.Lumunok ako at hindi ko na maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko.Tama bang narito silang dalawa? Pakiramdam ko ay isang malaking problema ito!Hindi ko halos makapa ang mga sasabihin nang bumaling ako kay Hayes habang hawak ang doorknob. Nakita ko ang paglipat ng kaniyang tingin kay Neal pagkatapos ay sa akin. Hindi siya ngumiti ngunit hindi rin nakasimangot. Seryoso lamang."Uhm, p-pasok ka."Of course! I should invite him! Kahit pa na narito rin si Neal. Hindi ko tuloy alam kung paano ko paaalisin si Neal nang hindi siya nao-offend!Tahimik lamang si Hayes nang pumasok. Pinagmasdan ko siya at naisip na hindi talaga siya bagay sa bahay namin. Pakiramdam
Pinanood ko si Hayes na pumasok sa kaniyang sasakyan. Nang tuluyan nang lumayo ang sasakyan ay bumalik na ako sa loob.Dinig ko mula sa balita ang namumuong bagyo rito sa Aurora City."Mauuna na ako sa 'yo. May pinapagawa pa sa akin si Madam Lora," sabi ni tita Margaret na bihis na bihis na.Ilang sandali pa nang tuluyan na siyang umalis. Naglinis ako sandali bago ako nagpasyang maligo upang maghanda sa pagpasok sa club.Pinapatuyo ko ang aking buhok sa sala habang nanonood ng TV nang may kumatok sa pintuan.Sinulyapan ko ang kwadradong orasan sa pader. Pasado alas siete na ng gabi.Pinagbuksan ko ang kumatok at bumungad sa akin si Neal.Akala ko ba umuwi na ito?"Neal, bakit ka bumalik?" untag ko at hinayaan siyang pumasok.Bigla akong nakaramdam ng
Naabutan ko ang dalawang bouncer na hinahawakan ang braso ni Neal. Patuloy siya sa pagpupumiglas at desperadong makawala."Neal! Sandali lang po. Bitawan niyo siya," pigil ko.Nakita ko ang ginhawa sa mukha ni Neal nang makita ako."Kilala mo ba ito, Marwa? Lasing siya. Nag-eeskandalo na," sabi ng isang bouncer na may hawak sa kaniya."Kilala ko po siya. Pakawalan niyo na po. Ako na pong bahala," sabi ko at mukhang kumbinsido naman ang mga ito.Pinakawalan siya ng mga bouncer at mabilis siyang lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at naramdaman ko ang panginginig niya."Neal..." Sinubukan kong kumawala sa kaniya ngunit masyadong mahigpit ang kaniyang yakap. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya."Just let me please. Kahit sandali lang..." bulong niya.Nagtagal ang kaniyang yakap at hinayaan ko si
Tumunganga ako sa aking cellphone. Ang huli niyang mensahe ay kaninang umaga. "Good morning" lang iyon. Nagtataka nga ako kung bakit binabati niya pa ako sa umaga at gabi kung alam naman niya sa kaniyang sarili na hindi na maayos ang lahat. Siya ang sumira nito. Dapat ay alam niya iyon!Sa loob ng dalawang linggo ay ganoon ang nangyayari. Puro "good morning" hanggang sa "goodnight."Binasa ko ang mga nakaraang mensahe namin sa isa't isa.Hayes:– Hindi ako makakabisita riyan. I'm sorry. Abala lang sa trabaho.– Sige. Naiintindihan ko.Hayes:– Ok.Kahapon iyon. Hindi naman siya mahilig sa dalawang letra na iyan noon, eh. Hindi niya pinaparamdam sa akin ang tuyo at malamig na reply. Pero ngayon, ibang iba na. Sobrang tipid. Sobrang tabang. Sobrang sakit.
Hindi ko alam na magkakilala pala ang dalawa. Hindi na nakapagtataka. She's a patrician who makes herself busy with fashionable social circles. Tipikal na mga babaeng pwedeng-pwede para sa isang tulad ni Hayes.Unti-unting bumaliktad ang aking sikmura.Hindi ako tanga para hindi matanto kung anong nangyayari. Hindi ako tanga para magbulag-bulagan pa sa mga nakikita.Hindi ko na namalayan ang pagdaloy ng mga mapangahas kong mga luha. At mas lalo akong nawalan ng hininga nang magtagpo ang mga tingin namin. He was not shocked neither surprised to see me here... crying silently... begging for his touch.Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang tinatanaw ako.Gustung-gusto ko nang tumakbo at lumayo mula sa mga mata niya. Ngunit bakit hindi ko iyon magawa.I'm fucking sure he noticed how miserable I am right now. He didn't even move an inch. P
"A-Anong sinasabi mo?" nanghihina kong bulong.Umiling ako habang nakatanaw sa kaniya. Nanatiling madilim ang kaniyang mukha. Tumiim ang kaniyang bagang."H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Hayes. Hindi ako... humalik ng iba." Nanginig ang aking boses.Kumunot ang kaniyang noo matapos marinig ang aking sinabi. He looked away and licked his lower lip.Inulan ng maraming katanungan ang isipan ko. Hindi ko mahagilap ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung saang lupalop niya kinukuha ang mga salita niya.Lasing lang ba talaga ako kaya hindi ko siga maintindihan?Tila ba napipilitan siya nang lingunin ako. Sumiklab ang iritasyon sa kaniya.His eyes were inflamed and dreadful. His jaw clenched repeatedly. Tila ba hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Na para bang may ginawa akong mali. Hindi ko al
Sinigurado kong mahigpit ang pagkakatali ng aking suot na roba."Ito ba ang ipasusuot mo sa 'kin?" Tinuro ko ang mga damit.Nanatili siyang nasa pintuan, tila natigilan sa aking bungad sa kaniya.Nag-angat siya ng kilay. "Yeah, why? Hindi mo nagustuhan? My secretary chose that. I'm gonna call him to buy another set if you don't like it," seryoso ang kaniyang tono.Pumikit ako nang mariin. "Hayes, hindi. Bakit kailangang Louis Vuitton pa? Ang mahal niyan! Dapat sa ukay na lang siya bumili. Ayos lang naman iyon sa akin. Tsaka hindi ko 'yan kayang bayaran!"Kumilos siya at sinara ang pintuan sa kaniyang likuran. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay."Anong bayaran? Wala kang babayaran. Why would you even think that?""E, ang mamahal ng mga 'yan! Hindi ko naman kailangan ng mahal!" katwiran ko at napaatras nang hum