Sinubukan kong mag-apply sa coffee shop na dapat ay pinuntahan ko na noon pa. Kung sakaling matanggap ako rito, ito na lang ang kukunin kong trabaho at iiwan ko ang pagiging waitress. Kahit pa na isang araw pa lang ang naitagal ko roon. Maayos naman ang gabing iyon, bukod sa mga bastos na customer. May ilang nagbigay ng tip. May natanggap akong isang libong tip mula sa isang businessman! Hindi niya ako hinawakan o anuman. Sinerve ko lang ang order nila. Halos dalawang libo ang naiuwi ko kasama na ang ilang maliit na tip.
Pag-uwi ko galing sa coffee shop ay naabutan ko ang tiyahin kong payapang kumakain ng donut sa sala. Dalawang box ng donut at dalawang box ng pizza ang naroon. Napatayo siya nang makita ako.
"Gaga ka! May nagpunta ritong mabango at gwapong lalaki! Hinahanap ka! Dala niya ang mga iyan!" Tinuro niya ang mga pagkain. Naningkit ang mga mata niya sa akin.
"Sino ang lalaking iyon, Marwa? Walang binanggit kung
Nang maglaho sa paningin ko ang sasakyan ni Hayes ay nagpasya na akong pumasok sa bahay. Ngunit natigilan ako nang marinig ko ang isa naming kapitbahay."Boypren mo iyon, Marwa? Ang gwapo at mukhang mayaman, ah. May sasakyan!" aniya. Ang dalawang kasama niya ay tumango-tango na para bang sumasang-ayon."Uhm, hindi po." Tipid akong ngumiti. Kahit pa na alam kong nakikitsismis lang sila sa buhay ko ay nanatili akong nakatayo sa labas upang pagbigyan ang mga tanong nila."Asus! Tinatanggi mo pa, eh naka-jackpot ka nga. Dapat proud ka! Sa wakas ay makakabayad na ng utang iyang tiyahin mo."Kumunot ang noo ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng iritasyon sa kaniyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Ganiyan ba talaga? Kapag mayaman ang boyfriend o ang asawa mo at ikaw ay dukha lang, ganiyan ang iniisip ng iba? Tanginang mindset iyan! Hindi i-set ng maayos!
Tulad noon, pinaghanda kami ng hapunan upang kumain muna bago kami ipahatid sa van."Pumasok na kayo sa loob. Naghihintay si Sir Hayes sa inyo," sabi ng isang kasambahay."Talaga po? Sasabay siya sa amin?" Tila nagulat si Sania sa balitang iyon."Oo. Pumasok na kayo roon. Huwag na lang kayong maingay, ha? Ayaw ni Sir Hayes sa maingay."Natigilan ako nang makitang nasa dining area si Hayes. Nakaupo at mukhang hinihintay nga kami!Kitang-kita ko ang mga mata niyang nakatuon ngayon sa akin habang papasok. Nanginig ang kalamnan ko. Halos umatras ako at tuluyan na lang umuwi.Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya."Magandang gabi po, Sir Hayes," nahihiyang bati nina Brix at Royd. Ganoon din sina Sania, Julia at Trixi. Ako lang yata ang hindi bumati sa kaniya. Bigla ay tila hindi ko kaya!Kung
Lumipas ang mga linggo, naging panatag ako. Madalas bumisita sa bahay si Hayes. Tuwang-tuwa ang tiyahin ko sa tuwing nariyan siya. Kapag nga tuwing hindi nakakabisita si Hayes, mukhang badtrip pa sa akin si Tita Margaret."Dapat ay araw-araw kayong nagkikita, Marwa! Boyfriend mo na siya. Huwag niyong hayaang hindi niyo masilayan ang isa't isa. I-text mo! Papuntahin mo rito!""Tita, hindi sa lahat ng oras ay libre siya. Nagtratrabaho iyon," sabay buntong-hininga ko."Sus! Bantayan mo iyang boyfriend mo, Marwa. Tiyak na maraming nakaabang diyan. Huwag kang panatag."Hindi ko alam kung bakit ganiyan mag-isip ang tiyahin ko. Kulang na lang ay sa bahay niya patirahin si Hayes.Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng paglalapag ko ng order sa isang sofa. Mabilis kong tinapos iyon upang maisagot ang tawag. Habang naglalakad palayo ay hinugot ko ang aking cellp
"Kanina ka pa matamlay! Napano ka?" puna ni Sania kay Trixi.Kanina ko pa rin napupuna ang pananahimik ni Trixi. Mula kaninang nagkita kaming apat nina Julia upang kumain dito sa isang fast food. Birthday ni Sania kaya naman nagyaya itong manlibre.Kitang-kita ko ang pagkabalisa ni Trixi. Ni hindi niya magawang kainin nang maayos ang kaniyang sundae. Pinaglalaruan niya lamang ito at natutulala."Wala," mahina niyang tugon at umiling.Binaba ko ang coke at pinagmasdan siyang mabuti. Tila ba may malaki siyang problema. Ni hindi magawang ngumiti, kahit tipid man lang. Sumulyap ako sa katabi niyang si Julia na patuloy sa pagkain habang nakikinig."Trixi, may problema ka. Alam namin iyon. Hindi ka naman ganito. Ano bang nangyari?" wika ko.Tinitigan niya ako. Ilang sandali lang nang makita kong namuo ang mga luha niya. Nalaglag
Shit! Bakit hindi siya nagsabi?Kinabahan ako bigla. Wala sa sarili akong lumingon sa sofa kung nasaan si Neal. Nakatingin na rin siya rito. Kunot ang kaniyang noo.Lumunok ako at hindi ko na maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko.Tama bang narito silang dalawa? Pakiramdam ko ay isang malaking problema ito!Hindi ko halos makapa ang mga sasabihin nang bumaling ako kay Hayes habang hawak ang doorknob. Nakita ko ang paglipat ng kaniyang tingin kay Neal pagkatapos ay sa akin. Hindi siya ngumiti ngunit hindi rin nakasimangot. Seryoso lamang."Uhm, p-pasok ka."Of course! I should invite him! Kahit pa na narito rin si Neal. Hindi ko tuloy alam kung paano ko paaalisin si Neal nang hindi siya nao-offend!Tahimik lamang si Hayes nang pumasok. Pinagmasdan ko siya at naisip na hindi talaga siya bagay sa bahay namin. Pakiramdam
Pinanood ko si Hayes na pumasok sa kaniyang sasakyan. Nang tuluyan nang lumayo ang sasakyan ay bumalik na ako sa loob.Dinig ko mula sa balita ang namumuong bagyo rito sa Aurora City."Mauuna na ako sa 'yo. May pinapagawa pa sa akin si Madam Lora," sabi ni tita Margaret na bihis na bihis na.Ilang sandali pa nang tuluyan na siyang umalis. Naglinis ako sandali bago ako nagpasyang maligo upang maghanda sa pagpasok sa club.Pinapatuyo ko ang aking buhok sa sala habang nanonood ng TV nang may kumatok sa pintuan.Sinulyapan ko ang kwadradong orasan sa pader. Pasado alas siete na ng gabi.Pinagbuksan ko ang kumatok at bumungad sa akin si Neal.Akala ko ba umuwi na ito?"Neal, bakit ka bumalik?" untag ko at hinayaan siyang pumasok.Bigla akong nakaramdam ng
Naabutan ko ang dalawang bouncer na hinahawakan ang braso ni Neal. Patuloy siya sa pagpupumiglas at desperadong makawala."Neal! Sandali lang po. Bitawan niyo siya," pigil ko.Nakita ko ang ginhawa sa mukha ni Neal nang makita ako."Kilala mo ba ito, Marwa? Lasing siya. Nag-eeskandalo na," sabi ng isang bouncer na may hawak sa kaniya."Kilala ko po siya. Pakawalan niyo na po. Ako na pong bahala," sabi ko at mukhang kumbinsido naman ang mga ito.Pinakawalan siya ng mga bouncer at mabilis siyang lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at naramdaman ko ang panginginig niya."Neal..." Sinubukan kong kumawala sa kaniya ngunit masyadong mahigpit ang kaniyang yakap. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya."Just let me please. Kahit sandali lang..." bulong niya.Nagtagal ang kaniyang yakap at hinayaan ko si
Tumunganga ako sa aking cellphone. Ang huli niyang mensahe ay kaninang umaga. "Good morning" lang iyon. Nagtataka nga ako kung bakit binabati niya pa ako sa umaga at gabi kung alam naman niya sa kaniyang sarili na hindi na maayos ang lahat. Siya ang sumira nito. Dapat ay alam niya iyon!Sa loob ng dalawang linggo ay ganoon ang nangyayari. Puro "good morning" hanggang sa "goodnight."Binasa ko ang mga nakaraang mensahe namin sa isa't isa.Hayes:– Hindi ako makakabisita riyan. I'm sorry. Abala lang sa trabaho.– Sige. Naiintindihan ko.Hayes:– Ok.Kahapon iyon. Hindi naman siya mahilig sa dalawang letra na iyan noon, eh. Hindi niya pinaparamdam sa akin ang tuyo at malamig na reply. Pero ngayon, ibang iba na. Sobrang tipid. Sobrang tabang. Sobrang sakit.