Share

Chapter 29

Umupo si Neal sa tabi ko at binigay sa akin ang binuksan niyang beer. Umirap ako bago iyon kinuha. Ayaw ko namang uminom nito. Ang una at huli kong inom ng alak ay noon pang birthday ko. Matagal na!

Umusog siya palapit at nilagay ang braso sa aking likod. Kumuha ako ng isang slice ng pizza upang makaiwas sa hawak niya. Nagkunwari akong hindi sinadya ang ginawa at nanatiling ganoon ang ayos. Hindi na ako sumandal sa sofa. 

Tahimik kami ng ilang minuto. Hindi ko ininom ang beer. Nilapag ko lang ito sa mesa na nasa tabi ng mga pagkain. Si Neal naman ay tahimik lang din nanonood ng isang American movie na nakapalabas sa screen habang maya't maya ang pag-inom. Maya't maya rin ang sulyap ko sa aking cellphone sa pag-aabang sa text ni Hayes. Kaninang hapon ang huli niyang text. Sinabi rin niya na magiging abala siya sa mga ginagawa. Sa Miyerkules pa ang balik niya. Ang tagal! Pakiramdam ko ay isang buwan na noong umalis siya pero kahapon lang naman iyon. 

"Aren't you going to drink that?" 

Umiling lamang ako nang hindi siya nililingon. Bagsak ang tingin ko sa aking cellphone habang nagche-check ng f******k.

"Don't use your phone when you're with me... please, Marwa..."

Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Mapungay ang mga mata at nakangiti sa akin. His lips were red and moist because of the beer.

"May tinignan lang ako," sabi ko at nilapag sa mesa ang cellphone. 

Sinundan niya iyon ng tingin bago muling bumaling sa akin. He moved closely as if there was still space between us. Dikit na dikit na ang mga hita namin at nasa dulo na ako ng sofa. Nang mapasandal ako ay kaagad pumulupot ang braso niya sa aking baywang. 

Hindi ako nagprotesta at hinayaan siya sa ganoon. Ganito siya sa akin noon pa man kaya nasanay na rin ako. Ngunit ang kaibahan nga lang ngayon, may parte sa aking nagsasabing hindi tama na maging ganito kami kalapit. 

Ang munting boses na iyon ang nagtulak sa akin upang lumayo kay Neal. Mabilis akong tumayo at nagkunwaring kukunin ang remote na nasa kabilang sofa. Habang nakatayo ay nilipat ko ang channel sa isang lokal na palabas. 

"Kuha lang ako ng cake. May tira pa sa fridge. Gusto mo?" wika ko at hinaplos ang aking buhok. 

Ngumiti lamang siya at tinaas ang beer. Mukhang hindi niya naman pansin ang pag-iwas ko sa kaniya. "Cake and beer wouldn't be a perfect combo," aniya bago iyon ininom. 

"Sabagay." Tumawa ako at tumulak na patungong kusina. Syempre hindi ko kinalimutang dalhin ang cellphone ko. Saktong nilabas ko ang cake sa ref nang tumunog iyon. Mabilis kong nilapag ang cake sa mesa at sinagot ang tawag ni Hayes. Pinaghalong pagkasabik at kaba ang naramdaman ko. 

"Hello," I greeted. Humilig ako sa counter at tinukod ang isang kamay sa aking gilid habang ang isang kamay ay hawak ang aking cellphone. 

Nanatili siyang tahimik sa kabilang linya. Tanging ang kaniyang paghinga ang aking naririnig. Hindi ko tuloy alam kung napindot niya lang o ano. Ngunit nang magsalita siya ay mas lalong natunaw ang puso ko sa tuwa. 

"I miss you. Damn... gusto ko nang umuwi," malamig niyang bulong. Napangiti ako. 

"Miyerkules pa ang uwi mo, hindi ba? Mabilis lang iyon." Kinagat ko ang labi ko. Kumakalabog ang dibdib ko at may kung ano sa tiyan ko. Pamilyar na pamilyar ito sa akin. 

"I should have brought you here with me," tila ba wala sa sarili niyang sinabi iyon, halos hindi ko na iyon narinig. Nakahiga na ba siya? 

"Pwede ba iyon?" Humalakhak ako. 

"Why not? Hindi ka ba sasama sa akin kung sakaling isama man kita?" aniya at narinig ko ang kaniyang muntik halakhak. 

Pumikit ako nang mariin. 

"Bakit mo naman ako isasama?" 

"I want to. Sa susunod na alis ko, isasama na kita."

Baliw din ito! 

"Nasaan ka? Nasa hotel ka na ba?" untag ko nang matantong alas nuebe na ng gabi.

"In my car," he whispered slowly.

"Huh? Nagmamaneho ka?"

"Nasa parking lot ako. We're in a club. They invited me here."

Ngumuso ako sa kaniyang sagot. Club? Kung ganoon ay nasa club siya? Sino kayang mga kasama niya? Hindi ko maiwasang isipin ang mga posibleng kasama niya roon. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang tiyan ko sa isipang maraming babae at tiyak na may umaaligid sa kaniya at pwedeng isama sa kaniyang hotel. God knows what in the world will they do in that hotel! Pumait ang sistema ko. Hindi ko yata kaya itong mga iniisip ko. 

"H-Hindi ba dapat nagsasaya ka riyan? Bakit ka nasa kotse lang? Paano iyong mga kasama mo?" 

"I finished four glasses of whiskey. I'm fine with that," he lazily said. "You are in your condo, right?" Pagkumpirma niya na para bang hindi siya sigurado. 

"Oo naman. Nasa condo lang ako buong magdamag. Wala akong magawa." 

"Watch movies? Or... pwede mo akong tawagan kung naiinip ka." He sounded hesitant in his last sentence. 

"Huh? May trabaho ka. Ayaw kong maka-istorbo." But hell! I would gladly do that! Kung pwede lang ay bakit hindi? 

"I can stop working so that we can talk. It doesn't matter," he simply said. 

"Marwa, ang tagal mo naman. Sinong kausap mo?" 

Nanigas ako nang makita ang pagpasok ni Neal sa kusina. Mabilis akong umayos ng tayo. Nakakunot ang kaniyang noo habang tinatanaw akong nasa tainga pa ang aking cellphone.

"Who's that? There's a guy in your condo, Marwa?" Nahimigan ko ang lamig sa tono ni Hayes. Tila nagising siya sa kung saan. Kung kanina ay malumanay ang kaniyang boses, ngayon ay buo at ibang-iba.

"Uhm..." 

Naguluhan ako bigla kung anong uunahin ko! Ang sagutin ang tanong ni Neal o ang tanong ni Hayes. Bakit nakalimutan kong narito nga pala si Neal? Halos hindi ko na maalala ang cake! At bakit parang pakiramdam ko may ginawa akong mali?

"Marwa? Who's that? Why is he in your condo? Ganitong oras ay nariyan pa siya?" punung-puno ng diin ang boses ni Hayes.

"S-Si Neal iyon... kaibigan ko," sagot ko kahit na alam kong hindi niya naman kilala si Neal. At hindi ko alam kung tama bang ganoon ang sinagot ko dahil ilang sandali siyang walang imik. 

"B-Binisita niya lang ako. Uuwi na rin siya." Pumikit ako nang mariin. 

"Uuwi? Mamaya pa ako uuwi. Iinom pa tayo. Halika na, Marwa. Sino ba iyang kausap mo?" Humakbang palapit si Neal at mukhang gusto niya talagang malaman kung sino ang kausap ko dahil sinubukan niyang agawin ang cellphone sa akin ngunit mabuti na lang ay mabilis ko itong inilag sa kaniya. 

Kung magtatagal pa ang usapan namin ni Hayes ay mas lalong magpupumilit si Neal na kunin ang cellphone! 

Nanginig ang kamay ko nang putulin ko ang tawag. Matalim kong tinignan si Neal na ngayo'y nakakunot pa rin ang noo sa akin. 

"Neal, umuwi ka na. Delikado kung magtatagal ka pa rito. Magpapahinga na ako." Naglakad ako palabas ng kusina at naramdaman ko ang pagsunod niya. 

"What? Bakit mo ako biglang pinapaalis?" 

"Bahala ka! Basta ako, matutulog na. Inaantok na ako, Neal. Isarado mo na lang ang pinto kapag aalis ka na," sabi ko at nagtuloy sa aking kwarto. Nilingon ko siya nang patuloy siya sa pagsunod. 

"Neal, papasok na ako sa kwarto. Uminom ka roon kung gusto mo pang manatili." 

Nakaawang ang kaniyang mga labi na para bang may gustong sabihin. He bit his lower lip as if he was suppressing himself to say anything. Umiling siya at pumihit paalis. 

"Yeah. Uwi na ako," malamig niyang saad habang naglalakad palayo. 

Bumuga ako ng hangin at tuluyang pumasok sa aking kwarto. 

Niyakap ko ang unan sa aking gilid at tumitig sa huling mensahe ni Hayes. Gustung-gusto ko siyang tawagan. Tiyak na may iniisip iyon sa narinig niyang may kasama akong lalaki rito sa condo. 

Wala sa sarili kong pinindot ang numero niya. Nilagay ko sa aking tainga ang cellphone at pinakinggan ang pag-ring nito. Yapos ko ang unan nang nakatagilid habang hinihintay siyang sumagot. 

Kinagat ko ang labi sa kaba. Dalawang ring pa lang nang sagutin niya iyon! Halos magbunyi ako sa tuwa! 

"H-Hayes..." halos bulong ko. 

Hindi siya sumagot. Tahimik pa rin sa kabilang linya tulad noong kanina. Nasa sasakyan pa rin ba siya? 

"U-Umuwi na si Neal. Hindi naman siya nagtagal. Pinauwi ko na." Hindi ko alam kung bakit sobra akong nagui-guilty. Hindi ko maintindihan! Wala naman akong ginawang masama ngunit pakiramdam ko ay may mali. 

Isang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. 

"What did he do there?" marahan ang kaniyang boses. 

"W-Wala. Nagdala lang ng pagkain. Iyon lang, Hayes." 

Sa bawat sagot ko ay natatagalan siya. Tila ba pinoprosesa ang mga sinasabi ko. 

"Does he usually do that? Staying in your condo..." 

"O-Oo. Matagal ko na siyang kaibigan. He's... he's my best friend," maliit ang boses ko. 

"Ayaw kong pinupuntahan ka niya riyan sa condo..." bulong niya.

"Kaibigan ko siya, Hayes. M-Matagal na kaming magkakilala kaya normal na lang sa akin na bisitahin niya." 

"It's not normal for me," bulong niya. 

"Anong gusto mong gawin ko? Pagbawalan siyang magpunta rito?" kalmado kong untag. Kung 'yon ang gusto niya, gagawin ko.

"Would you do that?" 

"O-Oo naman..." 

Wala akong narinig kaya nagpatuloy ako.

"Bestfriend ko si Neal. Hindi siya ibang tao sa akin." 

"Of course. I understand, baby..." he breathed. Kumirot ang puso ko. 

Pumikit ako nang mariin. 

"You should rest now. It's late," malamig niyang tugon. 

"Okay. Pupunta ka na ba ng hotel? O babalik ka sa club?" 

Ayaw kong bumalik pa siya sa club. Mas mabuti na ngang nasa sasakyan lang siya ngayon at wala sa loob. Guminhawa ang pakiramdam ko sa isipang malayo siya sa mga tao, sa mga babae! 

"I'm going to the hotel. Rest now, baby." 

Ang boses niya ang huli kong narinig bago ako dinalaw ng antok. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status