Share

Chapter 22

Pinanood ko ang pag-ikot ni Hayes upang makasakay sa kaniyang sasakyan. Ngumuso ako habang pinagmamasdan siyang sinimulan ang engine. Sumulyap siya sa akin at hindi ko matanto kung bakit ang sungit ng mukha niya.

Umangat ang kilay ko.

Nanatili siyang nakatitig sa akin habang hawak ang manibela. Kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin. 

"Bakit ba?" masungit kong untag.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na may inabot siya sa likurang upuan. Nilingon ko siya at nalaglag na lamang ang panga ko nang makita kung ano ang kinuha niya. Isang bungkos ng magarbong mga pulang rosas!

Ni hindi niya ako magawang sulyapan habang inaabot ito sa akin. Nanatili lamang akong nakatunganga sakaniya. 

"I wanted to give you flowers... so yeah," aniya at tila ba hirap na hirap siyang tignan ako. 

Suminghap ako at mabilis na tinanggap ang bulaklak. 

"Para sa akin talaga ito?" Para akong batang nagtatanong kung akin ba ang natanggap na laruan. 

Hindi ko maipaliwanag ang pagkatunaw ng puso ko. Nanginig ang kamay ko nang haplusin ko ang mga bulaklak. 

Marami nang nagbigay sa akin ng bulaklak ngunit bakit ibang-iba sa pakiramdam ang makatanggap mula sakaniya nito? Parang kinikiliti ang tiyan ko kasabay ng matinding kabog ng dibdib ko. 

"Do you like it?" Mapungay ang kaniyang mga mata at ngumiti sa akin. 

Kinagat ko ang labi ko at tumango. 

"Ang ganda. Gustung-gusto ko ito." 

Wala ako sa sarili nang inabot ko ang kaniyang batok at nilapit sa akin upang bigyan siya ng mabilis na yakap. 

Tsaka ko lamang natanto ang ginawa nang bumitaw ako sakaniya. Namilog ang mga mata ko at napakurap. 

Hindi siya ngumiti. Seryoso lamang niya akong tinitigan. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang ginawa ko! 

"Hala, p-pasensiya na. H-Hindi ko sinasadya." Halos lumabas ako ng sasakyan dahil sa kahihiyan!

Ngumuso siya habang patuloy akong pinagmamasdan. 

"It's fine. You can hug me all the time, if you want. I won't mind," napapaos niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. 

Ang sarap-sarap pakinggan noon. Pwedeng-pwede sa akin na dito lang kami sa sasakyan niya buong magdamag. Kaya kong ipagpalit ang kahit na ano para sa pansamantalang oras kasama siya. Sigurado ako roon. Bakit ko ba hinahayaan ang sarili kong magkaganito sakaniya? 

Alam ko. Alam na alam ko kung bakit. 

Umusad ang sasakyan at nanatili siyang tahimik. 

"Saan tayo pupunta?" untag ko. 

Hindi ko maiwasang mamangha sa bulaklak na nasa hita ko. Pulang rosas. Hindi kailanman ako nahilig sa kulay ng rosas na ito. Ngayon lang. 

Hindi ko talaga maiwasan ang ngumiti. 

"I don't know. Maybe you have something in your mind?" wika niya. 

"Huh? Bakit mo pa ako sinama?" 

"Bakit ka sumama?" Humalakhak siya. 

Nakatutok lamang sa daan ang mga mata niya. 

"Dapat pala hindi na lang ako sumama. Wala ka naman palang plano." Ngumuso ako. 

"Yeah. Gusto mong bumalik?" Natatawa pa rin siya. 

Kumunot ang noo ko. 

"Edi bumalik. Ihinto mo ang sasakyan at bababa ako." Kunwari ay umirap ako.

"Mamaya na. Kumain muna tayo. But first, you have to tell me where you wanna eat." Kitang-kita ko ang tuwa niya.

"Hindi ko alam, Hayes. Hindi ako nagugutom," wala sa sarili kong sagot habang nakatanaw sa bintana. 

Tumigil kami nang naging pula ang traffic light. 

Ilang sandali pa nang marinig kong tumunog ang cellphone na nasa dashboard. Nilingon ko iyon at sumulyap kay Hayes. 

Kinuha niya iyon habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Nakakunot ang aking noo habang nakikinig. 

"Yeah?" Dinig kong bungad niya. 

"I'm busy right now. Just talk to Lorenzo about that." Nilingon ko siya. 

His brows furrowed while looking at me. Nag-angat ako ng kilay. 

"I can't cancel this. Talk to you later," aniya bago mabilis na pinatay ang tawag. Sumunod ang tingin ko sa cellphone niyang nilapag sa dashboard. 

"Busy ka pala pero bakit mo pa ako niyayang kumain?" 

The traffic light changed its color into green. We started moving again. 

"I'm busy with you, Marwa. Work can wait. So where do you wanna eat?" He glanced at me before he focused his eyes on the road. 

"Trabaho iyon, Hayes. At malamang ay importante iyon." 

"Palagi akong nagtra-trabaho, Marwa. Gusto ko naman magpahinga kahit sandali." 

"Pahinga? Pahinga ba itong pagsama mo sa akin?" Kumunot ang noo ko. 

He didn't respond. Instead, he reached his phone on the dashboard and handed it to me. 

"Save your number. So I can call you whenever I want to," he simply said. 

Kinagat ko ang labi ko habang nakatanaw sa cellphone. Hindi ko yata maisip na magka-text kaming dalawa! Pero heto, kinukuha niya ang numero ko. Seryoso ba siya? 

Kinuha ko ang kaniyang cellphone. A default wallpaper was on his screen. No password or anything. Hindi siya naglalagay ng password? 

Mabilis kong tinype ang aking numero at sinave iyon. Hindi ako makapaniwalang hawak ko ang cellphone niya. Sino kayang mga ka-text niya? Ano kayang mga nasa messages niya? 

Ngunit bago ko pa maisipang buksan ang inbox ay pinigilan ko na ang sarili at binalik ang cellphone sa dashboard. 

Sumulyap lamang siya at hindi nagsalita. Hindi nagtagal ay tumunog na naman ang kaniyang cellphone. Nilingon niya lamang iyon at mukhang wala siyang balak sagutin. 

"Sagutin mo, Hayes. Baka emergency iyan o ano," wika ko.

Diretso lang ang kaniyang tingin na para bang hindi ako narinig. 

"Answer it for me, then," aniya. 

"Huh?" 

"Answer it. Delikado kung ako pa ang sasagot. I'm driving," aniya na para bang wala lang. 

Tumunganga ako sakaniya. Seryoso ba siya? Baka kung sino pa ang tumatawag! 

"A-Ayoko. Hindi," sabi ko at humalukipkip. Tumingin na lang ako sa labas, walang balak sundin ang gusto niya. Patuloy sa pag-iingay ang cellphone niya at mukhang determinado ang kung sinumang tumatawag na makausap si Hayes. 

Nilingon ko siya nang pulutin niya ang kaniyang cellphone sa dashboard at nilahad ito sa akin habang ang mga mata niya ay nasa kalsada. 

Tinignan ko lamang iyon. 

"Sagutin mo na, Marwa. Hindi iyan titigil," aniya. 

Hindi na ako umangal pa at kinuha na ang cellphone niya. Nabasa ko sa screen ang pangalang Yvonna Evaniez. 

Kumunot ang noo ko nang sagutin ang tawag. 

"Hey. I've been calling you since yesterday. Bakit ngayon mo lang sinagot, Hayes?" maarteng bungad nito.

Sumulyap ako sa tahimik na nagmamaneho. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Sino itong kausap ko? Girlfriend niya ba ito? Babae niya? Kung girlfriend niya nga ito, at ako ang narito, ibig sabihin ay ako ang babae niya! 

Ramdam ko ang pagtaas ng presyon ko. 

Mabilis kong pinatay ang tawag at tila napapaso kong nilapag iyon sa dashboard. Nilingon niya ako na para bang may mali sa ginawa ko. Nag-angat siya ng kilay. 

I glared at him. 

"Sino iyon? Bakit mo pinapakausap sa akin?" 

He tilted his head, his eyes are still on the road. Mukhang hindi niya alintana ang iritasyon ko. 

"Bakit mo pinatay? You didn't even talk to her." 

"Ayaw kong kausap ang mga babae mo, Hayes. Babae mo ba iyon? O baka naman girlfriend mo?" 

Kunot-noo niya akong nilingon. 

"I asked you to talk to her and say whatever you want. She's been bugging me and I don't like it. She's not my girlfriend." 

"At bakit kailangan ako ang kumausap? Ex mo siguro iyon na bigla mo na lang iniwan." Umirap ako. 

"What? Of course not. I just don't want you to have inappropriate thoughts. See? Look at your reaction." Umiling siya. 

"Wala naman akong dapat isipin. Buhay mo iyan. Labas na ako sa mga babae mo. Hindi na dapat ako nakikialam pa." 

Sa isang iglap, tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. 

Kitang-kita ko ang pagpikit niya nang mariin. Malamlam ang kaniyang mga nang lumingon sa akin. 

"You don't get it, do you?" bulong niya. Umiling siya at tila ba problemadong pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok. 

Kinagat ko ang labi ko. 

"Hindi ba malinaw, Marwa? I'm courting you." Pumikit siya nang mariin at lumingon sa bintana.

"Fuck, I can't believe I said that," bulong niya. 

Tila huminto ang pagtibok ng puso ko. Umawang ang mga labi ko at natulala sakaniya. 

"A-Ano?" halos bulong lamang iyon. 

Sumulyap siya sa akin habang ang mga kamay ay nasa manibela. Kinagat niya ang kaniyang labi habang mariing nakatingin sa akin. 

"Nanliligaw ako sa 'yo, Marwa. I want to be your boyfriend. I badly... want us to be together," aniya at tumingin sa harapan. 

Uminit ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin at kumurap.

Para akong tangang pinipigilan ang ngiti. Natutulala ako sa mga sasakyang dumadaan.

"N-Nanliligaw ka?" 

Sobra-sobrang naghuhuramentado ang puso ko sa puntong ang sikip na ng aking paghinga. 

Bumagsak ang tingin ko sa inosenteng bouquet. Sarap iuntog ng ulo ko sa bintana nang magising naman ako kahit papaano!

"Tell me your thoughts, please. A-Are you upset?" Nilingon ko siya at kitang-kita ko ang frustration niya. 

May kung ano sa sistema ko ang hindi mapakali. Ang mga mata niya ay para bang nagsasabi sa akin na nahihirapan siya. Hindi ko alam kung para saan ngunit iyon ang nakikita ko. Hindi ko maipaliwanag. Ngunit sa kabila ng lahat, gusto ko lamang maging payapa ang aking sarili. Kapayapaan na alam ko kung saan matatagpuan. 

"Hindi pwede. Hindi ako pumapayag, Hayes," wika ko. 

Nalaglag ang kaniyang panga. Tumunganga siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. 

"B-But why? Fuck..." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. 

Ngumuso ako. Ang saya pala ng ganito. 

Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang ngiti. 

Nilingon niya akong muli at kumunot ang kaniyang noo. Hindi ko na mapigilan ang ngumiti dahil sa reaksiyon niya.

"You find this funny, Marwa? Natutuwa ka na i-reject ako?" he said in disbelief. 

Nababasa ko sakaniya na naguguluhan siya sa akin. 

Tinabi ko ang bulaklak sa dashboard at mabilis akong lumapit sakaniya. Pinulupot ko ang aking mga braso sa batok niya at niyakap siya.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga. Nanginig ang aking kamay at pumikit.

Sa puntong iyon, wala na akong ibang iniisip. Sobrang nag-uumapaw ang puso ko sa hindi maipaliwanag na emosyon. Tila ba may digmaan sa tiyan ko, mga nagkakagulo ngunit gustung-gusto ko. Kung isa man itong panaginip, gusto ko na lamang manatili sa mahimbing na pagtulog na ito. Pakiramdam ko ay sa oras na gumising ako, magiging katapusan na ng lahat. Ayaw kong maramdaman iyon.

Tinitigan ko ang kaniyang mukha, nasa batok pa rin niya ang aking mga braso. Nalalasing ako sa mga mata niya. Sa sobrang lapit namin, pakiramdam ko ay dinig na dinig niya ang kalabog ng puso ko. 

"Hindi kita tatanggihan, Hayes," bulong ko at ngumiti.

Umawang ang kaniyang mga labi. Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa akin. Sukdulan na ang pagwawala ng puso ko. Namumungay ang aking mga mata habang tinatanaw siya. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi. I licked my lower lip unintentionally. Bumalik ang kaniyang titig sa aking mga mata. Ang hirap niyang basahin. Wala akong matanto sa kaniyang emosyon. 

Marahan akong napapikit nang naramdaman ko ang malambot niyang halik sa noo ko. 

"You made me so happy. Thank you," bulong niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status