Share

Chapter 24

Tinanaw ko si Limuel hanggang sa lumiit siya sa paningin ko. Nakatayo lamang siya roon habang pinagmamasdan ang sasakyan. Nang tuluyan na kaming makalayo ay tsaka ko binalingan si Neal. I can't help but be infuriated! He doesn't have the right to push me away from Limuel at all! Alam ko na concern lang siya ngunit hindi dapat ganoon ang ginawa niya! Kaunti na lang ay iisipin ko talagang nagdrodroga siya!

I looked at him inflamed. Nanatili lamang igting ang kaniyang panga habang diretso ang tingin sa kalsada. 

"Bakit mo iyon ginawa?! Neal, umamin ka nga sa akin. Adik ka ba?! Ha?!" Ginulo ko ang aking buhok sa iritasyon.

Ayaw kong isipin na ganoon nga ngunit hindi ko lang mapigilan. Wala na sa lugar ang pag-uugali niya. I want to know if it's true but I don't want to hear it from him! Dahil tiyak na hindi ko matatanggap na talaga ngang nagdrodroga ang taong matagal ko ng kaibigan! 

Kunot ang kaniyang noo nang sinulyapan ako.

"What? Where did you get that? I'm not a drug addict, Marwa! Ganiyan na ang tingin mo sa akin ngayon dahil lang sa inilalayo kita sa ibang lalaki?" pikon na pikon niyang tugon.

"Dahil hindi na tama 'yang asta mo, Neal! Ano? Sa tuwing may kasama ako, ilalayo mo na lang sa akin dahil lang gusto mo? Anong karapatan mong gawin iyon?" 

This is exactly how he reacted when I told him that someone gave me a necklace. I don't understand his sudden outburst! Bakit ba siya ganito? 

"Because they don't deserve you! Sasaktan ka lang ng mga iyon! Alam na alam ko iyong mga ganoong klaseng lalaki. Sa akin ka lang dapat magtiwala, Marwa. Sa akin lang at huwag sa iba." 

Pumikit ako nang mariin at sinubukang kalmahin ang sarili. Pinisil ko ang mga kamay ko habang nakatingin sa bintana. Hindi na ako sumagot pa. Wala nang magiging magandang patutunguhan ang usapang 'to kung mananatili siyang matigas!

Tahimik ang naging biyahe namin. Hindi na rin siya nagsalita pa ngunit panaka-naka ang buntong-hininga niya.

Nang tumuntong kami sa tapat ng gusali, tahimik akong nagpasalamat sa kaniya. Akmang bubuksan ko ang pintuan sa gilid ko nang pigilan niya ang aking braso.

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya nilingon. 

Punung-puno ng lungkot at pagsusumamo ang mga mata niya. Mas lalo lang ako naiirita. 

"I'm sorry, Marwa. G-Galit ka pa ba, ha? Sorry na. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong magselos sa mga lalaking nakakasama mo." His eyes were moist because of unshed tears.

Hinaplos niya ang aking kamay sakaniyang pisngi. Kinukurot ang puso kong makita siyang ganito. 

"Neal, bababa na ako. Umuwi ka na." 

Mabilis siyang umiling na para bang takot sa sinabi ko. Umawang ang labi ko habang tinatanaw siyang kawawa ngayon sa harapan ko. 

"I-I feel so threatened. B-Baka sila ang sagutin mo sa huli at ako ang maiiwang talo at miserable. Ayaw ko lang mangyari iyon. Please, huwag mong hayaang mangyari iyon. Pangako mo sa akin na mamahalin mo rin ako, Marwa," he pleaded. 

Ngayong naririnig ko ang mga sinasabi niya, pakiramdam ko ay napakasama kong tao. Love should never be begged for. Ang hirap para sa akin na makitang ganito si Neal, umaasang mamahalin ko siya pagdating ng panahon.

How can I teach myself to love him when I know to myself how much I want to but my heart does not? God knows how long I've been trying to reciprocate his feelings. Pero tila kay hirap nito para sa akin nang sobra. Hindi ba't dapat madali na lang ito para sa akin dahil halos buong buhay ko ay kasama ko siya? 

At ang dali kong mahulog sa isang lalaki na nananatiling misteryoso para sa akin. Ibang-iba ang pakiramdam. Masyadong malaki ang pinagkaiba. Hindi ko maipaliwanag. 

Kinagat ko ang labi ko at marahang pumikit. 

"I'm sorry. I'm sorry, Neal. Hindi ko gustong saktan ka nang ganito. Hindi ko gustong nakikita kang nahihirapan dahil sa akin. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo, Neal. I'm sorry," marahan kong sinabi. Hinaplos ko ang pisngi niya nang may dumaloy na luha. 

God. What am I doing? Tama ba itong ginagawa ko? Tama ba itong pinaparanas ko kay Neal? Tama bang sabihin ko sakaniya ang mga ito? 

"Marwa, no. Don't say that." Pumikit siya at dinamdam ang haplos ko sakaniyang pisngi. 

"Let me love you. Sigurado ako. Sigurado ako na mamahalin mo rin ako pabalik. Maghihintay ako, Marwa." 

Suminghap ako at binawi ang aking kamay. Bagsak ang kaniyang tingin, tila ba hinang-hina. 

"Salamat sa paghatid. Umuwi ka na, Neal." Ngumiti ako at tuluyan nang bumaba. Pinanood ko ang sasakyan niya hanggang sa umusad na ito. 

Ilang mensahe ang natanggap ko galing kay Neal. Sinikap kong mag-reply sakaniya nang sa ganoon ay maging maayos kami kahit papaano. Hindi ko rin namang gusto na may tampuhan kaming dalawa. 

Alas nuebe ng gabi nang mapagpasyahan kong humiga. Tinapon ko ang cellphone ko sa kama nang wala pa rin akong matanggap na text mula kay Hayes. Hindi ko alam kung bakit nag-aabang ako ng text niya. Kaninang alas singko pa ang huli niyang mensahe sa akin. Anong ginagawa niya sa mga oras na iyon? At sa mga oras na ito? Ayaw ko namang i-text siya at magtanong kung nasaang lupalop na ba siya at bakit hindi siya nagpaparamdam! Hindi naman porket nanliligaw sa akin ay dapat minu-minuto na ang pag-te-text! Nagtratrabaho iyon, Marwa. Malamang ay sangkatutak ang pinipirmahan niyang mga papeles. Pero ilang oras na nang mag-text siya sa akin! Bakit hindi niya man lang ako magawang i-text ngayon kahit tuldok man lang! Ganoon ba siya ka-busy? 

Umungol ako sa iritasyon. Nakakabaliw pala ito! Nakakairita! Kung ayaw niyang mag-text, edi huwag! Pakialam ko naman! Hindi ko rin siya ite-text! Anon akala niya?! 

Dumapa ako sa kama at pinanggigilan ang mukha sa unan. Pinilit kong pumikit at matulog. Ngunit sampung minuto na akong ganoon pero wala pa rin nangyayari. Wala pa rin text! Sige! Huwag ka nang mag-text kahit kailan! Kalimutan mo na ako! Magkalimutan na tayo!

Umupo ako sa kama habang nakatunganga sa cellphone. Sinubukan kong magtipa ng mensahe para sakaniya ngunit mabilis ko rin iyon binura. Bakit ko siya ite-text? Siya ang nanliligaw! Dapat siya ang manuyo sa akin! 

Halos tumalon ako sa kama nang makita ko ang pangalan niya sa screen. Nanlaki ang mga mata ko at sinapo ang bibig. Tumatawag siya! Kumalabog ang puso ko at nanginig ang kamay nang sagutin ko ang tawag. 

"Hey, I'm sorry. Something happened in the office. I had to fix it first. Are you gonna sleep already?" bungad niya. 

Kinagat ko ang labi ko at tahimik na huminga nang malalim. 

"Uhm, hindi naman. Matutulog ako mayamaya." Ngumuso ako. Naka-indian seat ako sa kama at kinuha ang unan sa aking tabi at niyakap iyon. 

"Can I come? I bought you some foods. Aren't you tired?" marahan ang kaniyang boses. May naririnig akong mga busina ng sasakyan. Tingin ko ay nagmamaneho siya ngayon. 

Shit. Pupunta siya rito? Sumasayaw na naman ang puso ko sa tuwa! Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Sinubukan kong maging mahinahon kahit pa na gustung-gusto ko nang tumili. 

"Sige. Ikaw bahala." Kunwari ay hindi big deal sa akin. 

"Okay. I'm a minute away from your condo." 

"S-Sige. Hintayin kita." 

"I'm literally just a minute away. I can already see the building."

Hala! Malapit na nga siya! Mabilis akong tumalon pababa sa kama at tinignan ang sarili sa salamin. Isang ternong pajama na kulay abo ang suot ko. Ayos na siguro ito. Alam niya naman na matutulog na ako, eh. 

"Sige. Bababa na ako. Sasalubungin kita." 

"Don't cut the call," aniya. 

Hinawi ko ang aking buhok sa harapan ng salamin bago tuluyang lumabas ng condo. Hindi pa napuputol ang tawag namin hanggang sa makasakay ako ng elevator. 

"Narito na ako. What are you wearing?" 

Umangat ang kilay ko sakaniyang tanong. "Uhm, pantulog?" 

"Okay. I'd love to see you in your pajamas." He chuckled. 

Uminit ang pisngi ko at napapikit. Shit, gustung-gusto ko talaga kapag kausap ko siya sa cellphone. Pumipitik ang mga nasa tiyan ko, naglalaro at nagwawala. 

Paglabas ko ng elevator ay mabilis ang mga hakbang ko palabas ng gusali. Kaagad ko siyang natanaw sakaniyang sasakyan. Umayos siya ng tayo nang matanaw ako. Nasa kaniyang tainga ang telepono. Pinatay ko ang tawag at patakbo kong tinungo ang distansiya naming dalawa habang siya naman ay mabagal lang ang mga hakbang. 

God! Bakit ko siya na-miss? Pakiramdam ko ay ilang taon kaming hindi nagkita! Miss na miss ko siya!

Natanaw ko ang tipid niyang ngiti. Tumalon ako at kumapit sakaniyang batok. Naramdaman ko kaagad ang mga kamay niya sa aking baywang. 

I inhaled his manly scent. I love how his warm body fits perfectly with mine. It feels like home. I would gladly stay here forever. 

"My baby misses me so much," bulong niya habang niyayakap ko siya. 

Mabagal akong kumawala sakaniya at tinignan siya. Nanatili ang mga kamay niya sa aking baywang. Mapungay ang kaniyang mata habang nakatanaw sa akin. He bit his lower lip. 

"I like it when you are being clingy," mababa ang kaniyang boses. 

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. 

"Hindi ako clingy." 

Kinakapos ako ng hininga sa distansiya naming dalawa. Titig na titig siya sa aking mukha at tila natutuwa sa kung saan. 

"You are. And I like it... and you look so cute in your pajamas," malambing niyang tugon.

Shit! Hindi ko na yata kakayanin ito. Pasimple akong kumawala sakaniya at humakbang paatras. Ngumuso siya at nasisiguro kong tuwang-tuwa nga siya! Pakiramdam ko tuloy ay pulang-pula na ang aking mukha. Madilim na sa paligid ngunit tanaw pa rin naman namin ang mukha ng isa't isa. Nasa tabi kami ng kaniyang sasakyan. 

Bumaba ang tingin ko sa aking suot. Cute? Ano ako? Tatlong taong gulang para sabihan niya ng cute? Heto ako ngayon, nakapantulog. Tapos siya ay pormal, mabango at gwapo sa harapan ko! 

"Dapat pala nagpalit muna ako. Nakakahiya." Ngumuso ako.

"Gusto kong ganiyan ang suot mo. I can visit you here every night just to see you in your pajamas." May bahid ng amusement ang kaniyang boses. Ni hindi ko alam kung nagbibiro ba siya! Ngunit sa tono niya, alam kong natutuwa siya dahil sa kung ano. 

"Hindi na ako magsusuot ng ganito. Nang-iinis ka lang, eh." 

Nag-angat siya ng kilay sa akin. Ngumuso siya, tila nagpipigil ng ngiti. 

"Baby, I'm not. Are we even gonna fight over your pajamas? Come here. We'll eat our food." He chuckled.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status