Hindi na siya kailanman nagsalita pa. Hindi na rin ako nangahas pang kausapin siya. Para saan pa?
Halos makaligtaan ko na naghihintay nga pala si Neal sa coffee shop. Natanggap ko ang text niya na naroon na raw siya.
"D-D'yan lang ako sa coffee shop. May kikitain lang ako." Tinuro ko 'yon nang matanaw kong papalapit na kami roon. Nahagip ng tingin ko ang nakaparadang sasakyan ni Neal.
Unti-unting humina ang patakbo niya sa sasakyan. Pumarada iyon sa harapan mismo ng coffee shop. Hinawi ko ang buhok ko at sinabit ang sling bag sa aking balikat.
"May kikitain ka?" May diin niyang sinabi bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko.
Kumunot ang noo ko at nilingon siya.
"Oo. Bababa na ako. Salamat sa paghatid."
"May kikitain ka pa gayong alam mong gabi na? It's fucking 9 in the evening," aniya na para bang kailangan kong malaman iyon.
"Kaibigan ko ang kikitain ko. Ano bang pakialam mo? Lalabas na ako at umalis ka na rin."
Ilang sandali niya akong tinitigan nang salubong ang kilay. Tila ba tinatantsa ako.
"Why are you suddenly like that, Marwa?" malambing niyang binanggit ang aking pangalan.
Halos tumalon ako palabas. Sukdulan na ang pangangatog ng buong sistema ko at hindi ko na talaga iyon nagugustuhan.
"Bababa na 'ko..." halos binulong ko na lamang iyon.
Marahan siyang umiling at bumagsak ang tingin sa hawak na manibela.
"A-Are you annoyed with me?" he whispered softly.
Napakurap ako, hindi malaman ang sasabihin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Kinagat niya ang kaniyang labi at marahang umiling.
"Right. Gawin mo ang mga gusto mo. Bata ka pa nga," aniya. Salubong na ang kaniyang mga kilay.
Bakit? Ilang taon na ba siya at bakit tila ang laki ng problema niya sa edad ko? Bata! Tingin niya sa akin ay bata? May kung anong gumapang na iritasyon sa akin. Ganoon ang tingin niya sa akin?
"Hindi na ako bata at lalong wala kang pake sa mga gagawin ko."
Nilingon niya ako at ngumiti ngunit kitang-kita ko ang iritasyon doon. Nanatiling nakakunot ang kaniyang noo.
"I should not care about whatever the fuck you do. Hell, I should not."
Tila sinampal ang pagkatao ko. Napakurap ako at lumunok. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko na tingin ko'y nawawalan ako ng hangin.
"Pero gustung-gusto ko ito, Marwa. Iyong pinapakialaman ka. Tangina. Gustung-gusto ko." Lalong kumunot ang kaniyang noo. Umiwas siya ng tingin habang ako nama'y tulala.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Para akong kinikiliti ng mga milyung-milyong magugulong nasa tiyan ko.
Nanginig ang kamay ko nang buksan ko ang pintuan at hindi na lumingon pa nang binagsak ko iyon sa aking likod. Ramdam ko ang panghihina ng mga binti ko. Ni hindi ko na nagawang magsalita. Basta na lang akong lumabas
Nagbuga ako ng hangin at tulalang pumasok sa coffee shop. Ni hindi ko halos matignan nang mabuti ang paligid ko. Tila ba umiikot ang aking paningin. Pumikit ako nang mariin at pinilig ang ulo.
Kakaunti na lang ang mga tao kaya naman hindi na ako nahirapan pang isuyod ang aking mga mata. Kaagad kong natanaw si Neal.
Ngumiti siya at tumayo upang salubungin ako. Sumilay ang kaniyang dimple dahil sa kaniyang ngiti. Puting button down polo shirt at khaki shorts ang kaniyang suot. Mayroon siyang itim na ball cap.
Wala ako sa sarili nang lumapit sakaniya. May gumugulo sa akin. Patuloy na tumatakbo sa utak ko ang nangyari. Sinuyod ko ng tingin ang salamin na nagsisilbing haligi ng coffee shop. Hindi ko na matanaw ang sasakyan niya. Panigurado ay umalis na iyon.
Naramdaman ko ang kamay ni Neal sa baywang ko at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Parang hangin lang iyon sa akin. Ni hindi ko naramdaman dahil kung saan-saan napadpad ang utak ko.
Napalingon ako sakaniya at hilaw akong ngumiti.
"Gusto mo ba ng milktea bago tayo lumabas?" Aniya.
Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin.
"Hindi na. May dala kang pagkain, 'di ba? Pwede na iyon."
Nakita ko ang pagtango niya. Hindi na kami nagtagal pa roon at nagtungo na kami sa condo.
Hinayaan ko siyang ihanda ang mga pagkain at ako naman ay naligo at nagpalit ng ternong pantulog. Ang mga dala niyang pagkain ay sobra-sobra para sa aming dalawa. Lahat ng iyon ay galing sa isang kilalang pizza parlor. Isang nakakatawang pelikula ang napili naming panoorin. Sa sala kami nanood at parehong tutok ang mga mata namin sa screen.
Ngunit sa kalagitnaan ng panonood ko ay naglakbay sa malayo ang aking isipan. Ano kayang pakiramdam kung ganito kaming dalawa? Kung siya ang kasama kong manood ng pelikulang ito? Iyong marinig ang mga tawa niya dahil sa mga nakakatawang eksena? Iyong hihilig ako sakaniya at makakatulog doon nang hindi namamalayan.
Bakit ba may parte sa akin na gustong maranasan ang simpleng bagay na iyon?
Lumunok ako at napakurap. Nilingon ko sa gilid ng aking mga mata ang humahalakhak na si Neal. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa pinapanood habang ako ay hindi ko na makuha kung ano na bang nangyayari sa pelikula.
Iba ang kasama ko...
Ngunit bakit ginugulo niya ang utak ko? Bakit ko ito hinahayaang mangyari? Ang taong kasama ko ngayon ay walang ibang ginawa kundi ang iparamdam na mahal niya ako. Ramdam ko naman iyon. Ramdam na ramdam ko. Ilang beses ko man siyang tanggihan, nananatili pa rin siya. Ilang beses ko man siyang saktan, nagpapatuloy pa rin siya. Ngunit bakit ang hirap pa rin sa akin? Hindi naman mahirap mahalin si Neal sa totoo lang. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, kilalang-kilala ko na siya at ganoon din siya sa akin. Alam niya ang kwento ng buong buhay ko. Ngunit bakit hindi ko siya magawang magustuhan? Gustung-gusto kong turuan ang puso ko sa parteng iyan ngunit bakit hindi ko magawa? Bakit tila ang tabang sa pakiramdam ko tuwing magkasama kami? Walang dating. Wala akong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ba ang hinahanap ko. May kulang...
"Oh god, Marwa. Are you really staring at me?" Natatawa niyang sinabi.
Umawang ang mga labi ko at nag-iwas ng tingin. Pinilit kong ngumiti at kinuha ang aking inumin sa gilid.
"Are you finally inlove with me?" May bahid pa rin ng tawa ang kaniyang boses.
Natigilan ako at nilingon siya. Nakangiti siya at titig na titig sa aking mukha.
Kahit mukhang nagbibiro siya ay hindi ko man lang magawang ngumiti.
"Sira..." tanging nasabi ko at tumunganga na lang sa screen.
Nang mga sumunod na araw ay naging matumal ang pangungumusta sa akin ni Mr. Albarenzo. Ilang araw na siyang hindi tumatawag sa akin. Maging si Denver ay ganoon din. Tingin ko ay masyado lang silang abala sa kanilang mga trabaho. Hindi ko naman iyon ininda pa nang husto at hindi ko na rin inisip.
Hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipad ng oras habang nasa klase. Kulay kahel na ang kalangitan nang matapos iyon. Nag-text sa akin si Neal na hindi niya ako masusundo. Wala naman kaso sa akin iyon. Kaya ko naman magcommute.
Pagdating sa condo ay wala na akong magawa. Nakakainip talaga kapag mag-isa ka lang. Naiisip ko tuloy ang tiyahin ko. Ni hindi ko alam kung naiisip ba ako niyon.
Naligo ako at nagpalit ng isang malaking asul na t-shirt at shorts. Tumayo ako nang magsawa sa kanonood ng isang reality show. Nagpunta ako ng kusina upang maghanap ng pwedeng hapunan. Wala na halos laman ang ref. Itlog at ilang processed food na lang ang naroon.
Habang nagpri-prito ako ng itlog ay narinig ko ang katok mula sa pintuan. Kumunot ang noo ko at mabilis na tinapos lutuin ang isang itlog bago pagbuksan ang kung sinuman iyon. Nalaglag ang panga ko sa hindi inaasahang panauhin. Ang naka puting longsleeves at pencil skirt na si Zanila ang bumungad sa akin sa pintuan. Naka-ponytail ang buhok at agaw pansin ang malalim na kwelyo ng kaniyang suot kaya naman kitang-kita ang naroon.
Seryoso lamang siya nang harapin ako.
"Well, you won't even invite me to come inside?" Ngumiti siya habang sinusuri ako.
Kumunot ang noo ko at napakurap.
"Uhm, p-pasensiya na. Pasok ka. Halika sa loob," wika ko, nagtataka pa rin.
Hindi ko alam kung anong ipinunta niya rito. Ni hindi sumagi sa akin na bibisitahin niya ako. Tahimik lamang siyang sumunod sa akin. Nilingon ko siya at naabutan kong nakahalukipkip niyang sinusuyod ng tingin ang paligid ng condo. Ngumuso siya nang bumaling sa akin.
"Napakaganda ng condo mo." Malamig niyang sinabi.
Hilaw ang ngiti ko sakaniya. Ano bang pwede kong sabihin? Napaka-awkward para sa akin na nandito siya.
Inilahad ko ang sofa sakaniyang tabi.
"Uhm, maupo ka. Gusto mo ng juice? O kahit na anong maiinom."
Umangat ang kilay niya at ngumiti sa akin.
"No, I'm fine. I just came here to tell you something. Hindi ako magtatagal," aniya at sumeryoso bigla.
Tumitig ako sa mukha niya. Hindi ko maikakailang magkamukha sila ng kaniyang ina na si Minerva. Lutang na lutang ang pagiging morena niya.
"K-Kung ganoon, anong sasabihin mo?" Nag-aalangan kong untag.
Pagod siyang kumurap at humugot ng malalim na buntong-hininga.
"My dad is in the hospital right now. He was diagnosed with lymphoma cancer. Tatlong linggo na siyang naroon and... he wants to see you. But my mom doesn't like the idea of you visiting him. Alam mo naman na sukdulan ang galit niya sa'yo."
Nalaglag ang panga ko.
Nasa ospital si Mr. Albarenzo? Tinambol ang dibdib ko sa nalaman. Kaya pala nitong nakaraan ay hindi siya nakakatawag sa akin upang kumustahin ako.
"M-Maayos ba ang lagay niya? Bakit ngayon niyo lang ipinaalam?" Kunot-noo kong tanong at hindi naitago ang hinanakit sa tono ko.
Tamad niya akong inirapan. "Because mom would be furious if we tell you. Hindi ko lang talaga matiis si Dad kaya nagpunta na ako rito para sabihin sa'yo. Kahit si Denver ay pinagbawalan ni Mom na kausapin ka tungkol dito. Kaya ako na mismo ang narito para malaman mo. Inaasahan ko ang pagbisita mo sakaniya. Don't worry, Mom will never know about this. Ako na ang bahala," aniya bago ako iniwan nang walang paalam.
Nang Sabadong iyon, sinabi sa akin ni Zanila na ito ang tamang araw para bisitahin ko si Mr. Albarenzo nang hindi nalalaman ni Minerva dahil mayroon daw itong importanteng lakad na inasikaso. Tinawagan ko si Denver upang kumpirmahin mula sakaniya ang kalagayan ni Mr. Albarenzo. Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinabi sa akin, Denver. Bakit siya biglang nasa ospital? At a-anong lymphoma cancer ang sinasabi ni Zanila?" Pumikit ako nang mariin. Dinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "His wife told me not to tell you. I'm sorry, Marwa. H-Hindi ko inasahan na si Zanila ang magsasabi sa'yo tungkol dito." "Anong lymphoma cancer, Denver? Totoo ba iyon? Bakit siya nagkaganoon?" Nanginig ang boses ko. "You will know all the details once you visit him in the hospital." Malapit na
Tatlong linggo matapos ng aking pagdalaw, iyon ang naging balita sa akin ni Denver. Hindi ako makakain nang maayos. Ni hindi ako nakapunta sa birthday ni Julia. Para akong lutang at wala sa sarili. At mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko man lang siya magawang dalawin sakaniyang burol dahil sa galit ni Minerva. Isang araw nang naglakas-loob akong magpunta roon ay alam ko na talagang maling desisyon ngunit nilubayan ko muna ang takot.Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kulay gintong tinutulugan ng ama ko nang makita na ako ni Minerva."Talaga nga namang makapal ang pagmumukha mo para magpakita rito! Wala kang respeto!" Sigaw niya sa akin.Lumunok ako at lumingon sa paligid. Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng mga naroon. Ang iba ay nagbubulungan. Ang iba ay nakakunot ang noo. Ang iba ay umiiling.Nanlamig ang buong pagkatao ko.Ang kasama kong si Neal ay hin
"Ano 'yan?" untag ni Neal habang nagmamaneho. Nilingon ko siya at nakitang nakadungaw siya sa hawak kong pulang box. May hinahanap ako sa aking bag kaya inilabas ko ang mga gamit ko."Kwintas." Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paghahanap sa aking ponytail."Bigay nino?""A friend." Binalik ko ang mga gamit ko nang matagpuan ang hinahanap."A friend wouldn't give that kind of gift, Marwa," may diin sakaniyang boses.Hinawi ko ang aking buhok bago ko ito tinali sa isang bun."Ikaw nga singsing, eh." Humalakhak ako. Kinagat ko ang aking labi nang matantong hindi yata tama ang sinabi ko."That's because I don't want to be your friend," aniya at sumulyap sa akin ngunit nag-iwas agad ng tingin at marahas na bumuga ng hangin."Sino ang nagbigay, Marwa? Pinopormahan ka?" Diretso ang kaniyang tingin sa kalsada
Naroon ulit siya at nakahilig sa pintuan. Nilalaro niya ang susi sakaniyang kamay. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay nakita ko ang pag-ayos niya ng tayo.Natigilan ako sa paglalakad nang makitang nagsimula siyang maglakad palapit. Diretso ang mga mata niya sa akin. Habang ako ay natulala ng ilang sandali.Kinalampag ang dibdib ko sakaniyang paglapit. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sakaniyang titig. Ilang dipa ang aming pagitan nang huminto siya. Kitang-kita ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata habang tinatanaw ako.Sumisikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit may parte sa aking guminhawa nang makita siya. Sa dalawang beses kong pagpunta sa feeding program sakanilang mansiyon, hindi ko siya nasilayan. Wala raw siya sa mansiyon, iyon ang sabi ng mga kasambahay. At ang makita siya ngayon dito ay naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Nang sumunod na araw, si Neal na may dalang malaking bouquet ng dilaw na rosas ang bumungad sa pintuan ng condo. Sobrang aga pa! Alas sais pa lang ng umaga at halos kagigising ko lang.Puting t-shirt at khaki shorts ang kaniyang suot. Nanlaki ang mga mata ko nang niyapos niya ang baywang ko at mahigpit akong niyakap."Neal." Kumunot ang noo ko, hindi malaman kung yayakapin ko ba siya pabalik."H-Hindi ko na iyon uulitin, Marwa. Hindi na ako magseselos. I'm sorry. Ayaw kong galit ka sa akin," punung-puno ng lambing ang boses niya habang patuloy akong niyayakap."Neal, okay lang. Kinalimutan ko na iyon." Hinaplos ko ang kaniyang likod. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakayakap sa akin bago ako pinakawalan. Bagsak ang kaniyang tingin sa sahig. Tumikhim siya at nag-angat ng tingin sa akin."This is my peace offering. H-Hindi ko na iyon uulitin. I shou
Dinungaw ko ang braso ko na may mapupulang marka. Sobrang hapdi at may dugo akong nakikita roon. Bawat makakasalubong ko ay nililingon ako. Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon. Wala na akong pakialam.Nakasalubong ko sina Sania at Trixi na parehong mukhang nag-aalala nang papunta ako sa CR. Hinaplos ni Sania ang buhok ko at inayos iyon."Jusko! Sabi ko na nga ba at mag-e-eskandalo talaga 'yang Selene na 'yan! Anong ginawa niya sa iyo? Shit! May kalmot ka!" aniya nang matanaw ang aking braso."Hala! Dumudugo! Kailangan natin tapalan ng band aid 'yan!" natatarantang sinabi ni Trixi.Umiling lamang ako sakaniya. "Ayos lang ako. Ako na ang gagamot dito mamaya," marahan kong sinabi."Dapat talaga sinampal ko na si Trevan noong nilapitan ka niya! Alam ko na talagang ganito ang mangyayari!" ani Sania habang patuloy sa pag-aayos ng buhok kong siguradong sabog dahil sa sabu
Pinanood ko ang pag-ikot ni Hayes upang makasakay sa kaniyang sasakyan. Ngumuso ako habang pinagmamasdan siyang sinimulan ang engine. Sumulyap siya sa akin at hindi ko matanto kung bakit ang sungit ng mukha niya.Umangat ang kilay ko.Nanatili siyang nakatitig sa akin habang hawak ang manibela. Kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin."Bakit ba?" masungit kong untag.Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na may inabot siya sa likurang upuan. Nilingon ko siya at nalaglag na lamang ang panga ko nang makita kung ano ang kinuha niya. Isang bungkos ng magarbong mga pulang rosas!Ni hindi niya ako magawang sulyapan habang inaabot ito sa akin. Nanatili lamang akong nakatunganga sakaniya."I wanted to give you flowers... so yeah," aniya at tila ba hirap na hirap siyang tignan ako.
Tulala ako nang makauwi sa condo. Hindi ko maiwasang ngumiti tuwing naiisip ang nangyari kanina. Nilingon ko ang bouquet na binigay ni Hayes, katabi ng bulaklak na binigay ni Neal. Pareho lang naman bulaklak ang mga iyon, ngunit kakaibang tuwa ang nararamdaman ko tuwing nakikita ang pulang mga rosas.Pumikit ako nang mariin at umikot sa kama. Shit! Para akong tangang ngumingiti rito! Maayos pa ba ako sa lagay na ito? Makakatulog pa kaya ako sa ganitong sitwasyon? Alas dose na ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ko! May pasok pa ako bukas! Kanina ko pa pinipilit makatulog pero hindi ko talaga magawa.Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang gabing iyon. Kulang ako sa tulog ngunit magaan ang pakiramdam ko. Nagsusuklay ako ng buhok sa tapat ng salamin nang tumunog ang aking cellphone. Isang hindi kilalang numero ang bumungad sa akin sa screen. Alas sais pa lang ng umaga. Ang aga naman nitong tumatawag?