Humaplos sa balat ko ang malamig na hangin ng gabing ito paglabas ko ng mansiyon. Mabilis ang mga hakbang ko, tila ba napapaso sa sahig.
"Kainis! Akala ko pa naman si Sir Hayes maghahatid sa atin!" Busangot ang mukha ni Sania.
Narinig iyon ng ilang kasambahay at nakita ko ang ngiwi niya, para bang nahiya sa ginawa.
"Joke lang po." Ngumuso siya.
"Sino ba tayo para ihatid ni Sir Hayes?" Natatawang sinabi ni Brix.
Lumipad sa akin ang tingin ni Sania. May kung ano sa mga mata niyang nakatingin sa akin na hindi ko maintindihan. Lalong tumulis ang nguso niya, tila natutuwa sa kung saan.
Ilang minuto ang lumipas ng paghihintay namin sa van. Nakatayo lang kami sa paanan ng malapad na hagdanan patungo sa mansiyon.
Wala sa sarili akong napa-angat ng tingin sa hagdanan. Tumunganga ako nang makita ang pababang si Hayes. Nakapamulsa at tila ba isang Diyos kung makapaglakad doon!
Shit! Huwag naman sana...
"Shet. Si Sir Hayes. Ang laki..." dinig ko ang singhap ni Sania.
Ito lang naman ang hinihintay niya kanina pa. Ang masilayan ang mukha ng paparating. Malayo sa akin na halos ayaw ko nang tignan dahil sa hindi maipaliwanag na pagkakagulo ng tiyan tuwing nakikita siya.
Itim na t-shirt ang suot niya ngayon. Nagpalit ng pang-itaas dahil kanina ay alam kong nakaputi siya. Nanatili ang kaniyang sweatpants.
Halos lubayan na ako ng kaluluwa ko nang makalapit siya sa amin. Bumalot sa pang-amoy ko ang mamahalin niyang pabango.
Hinilot ko ang aking sentido at pumikit nang mariin.
Ano ba naman ito!
Nagkunwari akong abala sa aking telepono.
Kinunot ko ang noo ko.
"Ako na ang maghahatid sainyo. May kailangan din akong bilhin. Kukunin ko lang ang sasakyan." Narinig ko ang malamig niyang boses.
Nag-angat ako ng tingin at halos mabilaukan nang madatnan na nakatingin siya sa akin. Kumunot ang kaniyang noo at mabilis na pinutol ang tinginan namin. Lumingon siya kay Brix nang sumagot ito.
"Uh, s-sige po. Kayo pong bahala. Hindi na po kami tatanggi." Nagkamot siya ng batok.
Tumango siya bago naglakad palayo. Siguro ay kukunin na niya ang sasakyan. Nakita ko lang iyon nakaparada sa hindi kalayuan.
"Sobrang bait ko siguro kaya pinagbigyan ni Lord ang hiling ko," ani Sania nang tuluyan nang makalayo si Hayes.
Bakit ba kasi kailangan siya pa ang maghatid? Nasaan ba ang driver nila? Nandito lang iyon kanina, ah! Gustung-gusto niya talagang naaabala. Sa pagkakaalam ko ay mahal ang oras ng mga mararangyang tao tulad niya. Lalo na kung ilalaan niya lang ito para lang maihatid kami.
Umirap ako sa hangin.
"Napakabango ni Sir Hayes. Ano kayang pabangong gamit niya?" Ani Julia habang tulala.
Umangat ang kilay niya nang makitang nakatingin ako. Nagtaka yata kung bakit ganoon ako makatingin. Ewan ko rin.
"Huwag mo nang alamin. Hindi mo naman afford panigurado." Tumawa si Trixi.
Natahimik lamang sila nang tuluyang pumarada sa harap namin ang sasakyan ni Hayes. Lumabas siya at naabutan ko agad ang kaniyang titig. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga nang nag-iwas siya ng tingin. Binuksan niya ang pintuan sa front seat at muling bumaling sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin nang makuha ang ibig niyang sabihin. No way. Tinatraydor na naman ako ng puso ko.
Nakita ko ang walang pag-aalinlangang pagsakay doon sa front seat ni Sania. Nahuli ko ang pagnguso ni Hayes ngunit hindi na rin nagsalita.
Naramdaman ko ang hawak ni Brix sa aking likod, pinapasakay ako. Sumunod ako kay Julia at sumakay na rin sila pagkatapos.
Gaya ng inaasahan, tahimik ang lahat. Tila ba mga hindi magkakakilala. Naiintindihan ko naman dahil nahihiya sila sa driver namin ngayon. Ang telepono ko lang yata ang nag-ingay ilang sandali. Siniko ako ni Julia at nginuso ang aking cellphone.
Uminit ang pisngi ko.
Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba ang tawag ni Neal. Tumunganga pa ako sa screen bago napagpasyahang tanggapin ang tawag.
"Hello." Sinikap kong maging mahina ang boses.
"Hey, papunta ako sa condo mo. I bought some foods. May ginagawa ka ba?" aniya.
"Huh? Wala pa ako sa condo. Pauwi pa lang kami," mahinang sinabi ko.
"Oh? Okay... then. Hintayin kita sa coffee shop," aniya, tinutukoy ang malapit na coffee shop sa building ng condo.
"Hmmm, sige." Kinagat ko ang labi ko.
Napatingin ako sa rear view mirror at lihim na napasinghap nang maabutan ang tingin ni Hayes doon. Kaagad nagbalik ang mga mata niya sa daan nang maabutan ang tingin ko.
"Alright. See you. Mag-iingat ka."
"Salamat..."
Sa buong biyahe ay tanging bulong ang naging pag-uusap namin ng mga kasama. Si Sania na nasa harapan ay halos manigas doon. Hindi na niya kami nililingon dito sa likod. Masyado yata siyang conscious sa mga galaw niya ngayong katabi niya si Hayes.
Nang maihatid na ang iba sakani-kanilang kanto, si Sania na lang ang kasama ko. Mas naging awkward para sa akin ang lahat. Gustung-gusto ko tuloy siyang yayain na sa condo na lang siya bumaba nang hindi na ako maiwan pa nang mag-isa dito sa sasakyan nang kasama si Hayes.
Ngunit wala na akong nagawa pa nang tuluyan na naming maihatid si Sania. Isang mabilis na "thank you, Sir Hayes" at "bye, Marwa" ang nasabi niya bago lumabas.
Tuluyan na nga akong nalagutan ng hininga dito sa likod. Napakabagal para sa akin ng bawat segundo.
"Pwede bang dito ka na sa harap? Nagmumukha tuloy akong driver." Nahimigan ko ang amusement doon.
Halos kakausad lang namin palayo sa kanto nina Sania.
Ayaw ko! Halos isigaw ko iyan sakaniya ngunit masyado naman yata ang ganoong reaksiyon. Mas mabuti nang magmukha kang driver kaysa lumipat ako riyan sa harapan. Ni hindi na nga ako makahinga rito, diyan pa kaya sa tabi mo?
Humalukipkip ako at tumingin sa bintana. "Ayos lang ako rito. Hindi naman nakikita ng mga tao kaya hindi ka mapagkakamalang driver," saad ko sa bintana. Hindi ko siya nilingon.
"That's not my point. Bakit ayaw mong lumipat? Tayo na lang dalawa ang narito," aniya.
Napabaling ako sakaniya. Kahit hindi ko kita ang mukha niya at ang likod ng ulo lang niya ang natatanaw ko.
"Bakit kailangan ko pang lumipat? Ano bang pagkakaiba niyon? Gusto ko nang makauwi." Hindi ko na maitago ang iritasyon. Hindi ko alam ngunit masyado akong nadadala ng emosyon ngayon. Hindi ko maintindihan!
"I just want to see you clearly. Hindi sapat na pasulyap-sulyap lang ako sa salamin para makita ka," malamig niyang sinabi.
Inirap ko ang lahat ng kaba ko sa dibdib. Nag-iwas ako ng tingin at napanguso.
"Ihinto mo ang sasakyan at lilipat ako," masungit kong sinabi nang hindi siya nililingon.
Sinunod ko lang naman ang gusto niya nang matigil na siya. Iyon ang totoo. Mukha bang pabor sa akin iyon? Gustung-gusto ko ba? Halos sabunutan ko ang sarili.
Mabilis niyang itinabi ang sasakyan at lumabas. Pinanood ko ang pagpunta niya sa pintuan sa aking gilid at binuksan iyon.
Seryoso lang niya akong tinitigan ngunit kitang-kita ko ang pagsasayaw ng mga mata niya sa kung anumang dahilan.
Nag-iwas ako ng tingin at kaagad lumabas. Naramdaman ko ang paghaplos ng braso ko sakaniya nang dumaan ako sakaniyang tabi. Halos tumindig ang balahibo ko roon.
Siya na rin ang nagbukas ng pintuan sa front seat at walang imik akong sumakay. Hindi na ako sumubok pang lingunin siya.
Nang muling umusad ang sasakyan ay sa bintana lang ang tingin ko. Ngayong mas malapit kami ay mas lalo akong hindi mapakali.
"Do you... wanna go get some food? We can drive thru." Ramdam ko ang pag-iingat niya sa sinabi. Tila ba inaasahan niya ang pagtanggi ko roon ngunit sinubukan niya pa rin.
Busog na busog pa ako dahil kumain kami sa mansiyon nila. At mas matatagalan lang kung magdri-drive thru pa kami. May usapan pa kami ni Neal.
"Busog ako," tipid kong sagot.
"Coffee or milkshake..." dahan-dahan niyang suhestiyon.
Kumunot ang noo ko. Ang kulit ng isang ito.
Seryoso lang siyang nakatingin sa daanan namin.
"Ang kulit. Kung gusto mo, ikaw na lang. Malapit na rin naman akong bumaba. Mamaya mo gawin ang mga gusto mo."
Kitang-kita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya, diretso pa rin ang tingin.
"Naiirita ka pa sa'kin," matabang niyang puna at isang sulyap ang binigay.
"Matapos mo akong dedmahin sa kalsadang iyon," may bahid ng pang-aakusa ang tono niya.
Kumunot ang noo ko. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin.
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya mula sa mga ilaw ng sasakyan nang sumulyap siya sa akin. Mabilis lamang iyon at kaagad ding lumingon sa daanan.
"A-Ano?" Napakurap-kurap ako.
Pumasok sa isipan ko iyong araw na nakita ko siyang naghihintay sa gilid ng eskwelahan. Iyon ba ang tinutukoy niya? Hindi ko alam na dinedma ko siya? Pandededma ba ang tawag doon? Oo, hindi ko pinansin dahil ano bang gusto niyang gawin ko? Lapitan siya at kumustahin? Tanungin kung kumusta ang araw niya? Hindi ko yata iyon kayang gawin! At hindi ko alam na big deal iyon sakaniya?
"I was waiting for almost two hours. I-I even bought some snacks for us thinking we can eat inside my car," marahan niyang sinabi ngunit may kung ano sa tono niya na hindi ko matanto.
May kung ano sa tiyan ko. Unti-unti na naman silang namamalagi roon at hindi ko alam kung paano iyon mapipigilan. O kung gusto ko man lang ba silang pigilan...
Sinungaling. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Pinapaasa niya ba ako? Tangina ka naman pala, eh! Ang sarap-sarap umasa! Ang sarap-sarap maniwala kahit alam mong binibilog ka lang. Paano niya nalaman na gustung-gusto ko ng ganoon? Iyong kaming dalawa lang. Iyong kwentuhan lang kami kahit sa loob lang ng sasakyan niya. Maayos na ako sa ganoon. Sobrang maayos na.
Pumikit ako nang mariin at tumunganga na lang sa bintana.
Hindi na siya kailanman nagsalita pa. Hindi na rin ako nangahas pang kausapin siya. Para saan pa? Halos makaligtaan ko na naghihintay nga pala si Neal sa coffee shop. Natanggap ko ang text niya na naroon na raw siya. "D-D'yan lang ako sa coffee shop. May kikitain lang ako." Tinuro ko 'yon nang matanaw kong papalapit na kami roon. Nahagip ng tingin ko ang nakaparadang sasakyan ni Neal. Unti-unting humina ang patakbo niya sa sasakyan. Pumarada iyon sa harapan mismo ng coffee shop. Hinawi ko ang buhok ko at sinabit ang sling bag sa aking balikat. "May kikitain ka?" May diin niyang sinabi bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko. Kumunot ang noo ko at nilingon siya. "Oo. Bababa na ako. Salamat sa paghatid." "May kikitain ka pa gayong alam mong gabi na? It's fucking 9 in the evening," aniya na para bang kailangan kong malaman iyon. "Kaibigan ko ang kikitain ko. Ano bang pakialam m
Nang Sabadong iyon, sinabi sa akin ni Zanila na ito ang tamang araw para bisitahin ko si Mr. Albarenzo nang hindi nalalaman ni Minerva dahil mayroon daw itong importanteng lakad na inasikaso. Tinawagan ko si Denver upang kumpirmahin mula sakaniya ang kalagayan ni Mr. Albarenzo. Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinabi sa akin, Denver. Bakit siya biglang nasa ospital? At a-anong lymphoma cancer ang sinasabi ni Zanila?" Pumikit ako nang mariin. Dinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "His wife told me not to tell you. I'm sorry, Marwa. H-Hindi ko inasahan na si Zanila ang magsasabi sa'yo tungkol dito." "Anong lymphoma cancer, Denver? Totoo ba iyon? Bakit siya nagkaganoon?" Nanginig ang boses ko. "You will know all the details once you visit him in the hospital." Malapit na
Tatlong linggo matapos ng aking pagdalaw, iyon ang naging balita sa akin ni Denver. Hindi ako makakain nang maayos. Ni hindi ako nakapunta sa birthday ni Julia. Para akong lutang at wala sa sarili. At mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko man lang siya magawang dalawin sakaniyang burol dahil sa galit ni Minerva. Isang araw nang naglakas-loob akong magpunta roon ay alam ko na talagang maling desisyon ngunit nilubayan ko muna ang takot.Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kulay gintong tinutulugan ng ama ko nang makita na ako ni Minerva."Talaga nga namang makapal ang pagmumukha mo para magpakita rito! Wala kang respeto!" Sigaw niya sa akin.Lumunok ako at lumingon sa paligid. Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng mga naroon. Ang iba ay nagbubulungan. Ang iba ay nakakunot ang noo. Ang iba ay umiiling.Nanlamig ang buong pagkatao ko.Ang kasama kong si Neal ay hin
"Ano 'yan?" untag ni Neal habang nagmamaneho. Nilingon ko siya at nakitang nakadungaw siya sa hawak kong pulang box. May hinahanap ako sa aking bag kaya inilabas ko ang mga gamit ko."Kwintas." Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paghahanap sa aking ponytail."Bigay nino?""A friend." Binalik ko ang mga gamit ko nang matagpuan ang hinahanap."A friend wouldn't give that kind of gift, Marwa," may diin sakaniyang boses.Hinawi ko ang aking buhok bago ko ito tinali sa isang bun."Ikaw nga singsing, eh." Humalakhak ako. Kinagat ko ang aking labi nang matantong hindi yata tama ang sinabi ko."That's because I don't want to be your friend," aniya at sumulyap sa akin ngunit nag-iwas agad ng tingin at marahas na bumuga ng hangin."Sino ang nagbigay, Marwa? Pinopormahan ka?" Diretso ang kaniyang tingin sa kalsada
Naroon ulit siya at nakahilig sa pintuan. Nilalaro niya ang susi sakaniyang kamay. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay nakita ko ang pag-ayos niya ng tayo.Natigilan ako sa paglalakad nang makitang nagsimula siyang maglakad palapit. Diretso ang mga mata niya sa akin. Habang ako ay natulala ng ilang sandali.Kinalampag ang dibdib ko sakaniyang paglapit. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sakaniyang titig. Ilang dipa ang aming pagitan nang huminto siya. Kitang-kita ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata habang tinatanaw ako.Sumisikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit may parte sa aking guminhawa nang makita siya. Sa dalawang beses kong pagpunta sa feeding program sakanilang mansiyon, hindi ko siya nasilayan. Wala raw siya sa mansiyon, iyon ang sabi ng mga kasambahay. At ang makita siya ngayon dito ay naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Nang sumunod na araw, si Neal na may dalang malaking bouquet ng dilaw na rosas ang bumungad sa pintuan ng condo. Sobrang aga pa! Alas sais pa lang ng umaga at halos kagigising ko lang.Puting t-shirt at khaki shorts ang kaniyang suot. Nanlaki ang mga mata ko nang niyapos niya ang baywang ko at mahigpit akong niyakap."Neal." Kumunot ang noo ko, hindi malaman kung yayakapin ko ba siya pabalik."H-Hindi ko na iyon uulitin, Marwa. Hindi na ako magseselos. I'm sorry. Ayaw kong galit ka sa akin," punung-puno ng lambing ang boses niya habang patuloy akong niyayakap."Neal, okay lang. Kinalimutan ko na iyon." Hinaplos ko ang kaniyang likod. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakayakap sa akin bago ako pinakawalan. Bagsak ang kaniyang tingin sa sahig. Tumikhim siya at nag-angat ng tingin sa akin."This is my peace offering. H-Hindi ko na iyon uulitin. I shou
Dinungaw ko ang braso ko na may mapupulang marka. Sobrang hapdi at may dugo akong nakikita roon. Bawat makakasalubong ko ay nililingon ako. Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon. Wala na akong pakialam.Nakasalubong ko sina Sania at Trixi na parehong mukhang nag-aalala nang papunta ako sa CR. Hinaplos ni Sania ang buhok ko at inayos iyon."Jusko! Sabi ko na nga ba at mag-e-eskandalo talaga 'yang Selene na 'yan! Anong ginawa niya sa iyo? Shit! May kalmot ka!" aniya nang matanaw ang aking braso."Hala! Dumudugo! Kailangan natin tapalan ng band aid 'yan!" natatarantang sinabi ni Trixi.Umiling lamang ako sakaniya. "Ayos lang ako. Ako na ang gagamot dito mamaya," marahan kong sinabi."Dapat talaga sinampal ko na si Trevan noong nilapitan ka niya! Alam ko na talagang ganito ang mangyayari!" ani Sania habang patuloy sa pag-aayos ng buhok kong siguradong sabog dahil sa sabu
Pinanood ko ang pag-ikot ni Hayes upang makasakay sa kaniyang sasakyan. Ngumuso ako habang pinagmamasdan siyang sinimulan ang engine. Sumulyap siya sa akin at hindi ko matanto kung bakit ang sungit ng mukha niya.Umangat ang kilay ko.Nanatili siyang nakatitig sa akin habang hawak ang manibela. Kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin."Bakit ba?" masungit kong untag.Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na may inabot siya sa likurang upuan. Nilingon ko siya at nalaglag na lamang ang panga ko nang makita kung ano ang kinuha niya. Isang bungkos ng magarbong mga pulang rosas!Ni hindi niya ako magawang sulyapan habang inaabot ito sa akin. Nanatili lamang akong nakatunganga sakaniya."I wanted to give you flowers... so yeah," aniya at tila ba hirap na hirap siyang tignan ako.